Nic's POV
"Hi Cass."
"Hello"
Isang tipid na ngiti galing kay Cassandra, problema na naman ng babaeng to!
Isang buwan ng nakalipas simula nag-start ang klase. Marami na nagbago, naka-uniform na kami at lagi ko na kasama si Cassandra, syempre nakikigulo pa din samin ang mga gwapings. Nakapag-adjust na din ako, kaya sa harapan na ko umuupo at tinatabihan ko na sya. Yung mga gwapings nasa likod namin.
Gusto ko sana makipagchikahan kay Cassandra kaya lang busy sya sa pagtetext. Nakikitawa nalang ako sa mga kalokohan nila bryan, wala pa kasi kaming prof kakatapos lang ng first class namin at may 30mins kaming break.
"C.r lang ako uh." Paalam sakin ni Cassandra. pagtingin ko sakanya, namumula mga mata nya, parang iiyak na sya. Tatanungin ko sana sya kaso nakaalis na agad sya.
10mins wala pa sya, di na ko mapakali kaya tumayo na ko papuntang C.r. Hindi naman ganun kalayo ang c.r sa room namin kaya nakarating agad ako. Nakita ko agad sya, nasa harap ng salamin at umiiyak. Lumapit agad ako sakanya.
"Cass, bakit?" Tanong ko sakanya, umiling lang sya sabay punas ng luha nya.
"Ui! Bakit ka umiiyak?"
"Wala." Handa na sya umalis, pero pinigilan ko sya.
"Pwede bang wala? Bakit nga."
"Nic.. May-iba sya."
Tuluyan na sya umiyak. Napabuntong hininga nalang ako sa harapan nya, nanghina ako sa nakikita ko ngayon. Napakafragile nya sa paningin ko pero nagagawa sya saktan ng ganun kabilis lang. Hayss.. Hindi ko alam gagawin ko kaya inaalo ko nalang sya ngayon.
Mga limang minuto napagpasyahan nyang tumigil sa pag-iiyak. Pabalik na kami ng room at nakakapit ako sa braso nya, halatang halata na umiyak sya. Kaya ginawa ko inabutan ko sya ng polbo.
"Oh! Magretouch ka. Sayang ganda mo para maglabas ng luha."
"Thank you."
Napansin ng gwapings na galing sya sa pag-iyak. Sinenyasan ko nalang sila na wag muna magtanung.
Tapos na ang klase at mukhang nagbabalak na naman gumala ang mga gwapings.
"Nic, kc! pumayag na si Ms.Ez na pumunta tayo sa bahay nila. Tara!" Pangungulit samin ni Raymond.
Dahil nasa 23 palang si Ms. Ez mabilis namin naging kaclose sya. Napilit din pala nila na pumunta kami.
"Anu? Payag ka?" Tanung ko sakanya.
"Ok lang, pampahaba oras din"
"Sure ka? Kaya mo?"
"Oo naman noh! Tara guys"
Nagsimula na kami magbyahe. Katabi ko sya at nasa tabi din nya si raymond. Obviously may gusto sya kay Cassandra. Tahimik lang si Cassandra, mukhang malalim ang iniisip.
"Cass, kung handa kana magkwento makikinig ako, pero kung ayaw mo. Ok lang."
Tumango lang sya at ngumiti ng simple.
Pagdating namin sa bahay nila Mam Ez, kanya kanyang pwesto kami. Malaki ang bahay nila Mam Ez. Ganitong oras daw sya palang tao kasi nasa school ang kapatid nya at nasa work naman parents nya. Deretso kusina agad kami ni Cassandra, medyo ok na sya kasi nakakausap na sya ng maayos.
May nakita akong saging kaya kumain na ko, sabi kasi ni ma'am Ez feel at home daw kami, kaya nagkalkal kami ni Cassandra dito sa kusina, sya tinapay kinakain nya. Halatang marami kaming gutom. Meron pa kasi kaming spaghetti na nakita.
"Hoy! Kayong dalawa jan mamaya na kayo kumain! Kumanta muna kayo!"
Sigaw samin ni Bryan. Pati pala player nila ma'am Ez, pinakialam pala nila. Tumayo agad si Cassandra kaya sumunod nalang ako. Adik talaga to sa kantahan.
"Kayo ba'y nagpaalam na gamitin yan?" Tanung ko sakanila.
"Kanina pa po, habang nasa byahe tayo." Sagot sakin ni Carlos.
"Seryoso nyo kasi sa byahe kanina. Yan tuloy nagutom kayo." Sabay akbay sakin ni Arwin.
"Anu ba! Bigat ng braso mo." Pagalit na hinagis ko braso nya.
Tumawa lang sya at ako inirapan ko sya. Kainis to! Yabang talaga nya.
Nagsimula na kumanta si Cassandra, Before I let you go kinanta nya. Napapailing nalang ako kasi damang dama nya ang pagkanta nya. Parang iiyak na sya sa boses nya. Lahat kami tahimik na nakikinig sakanya. Kahit si ma'am Ez. Maya maya lang natapos nya ang kanta, binigay nya sakin ang mic sabay balik sa kusina. Alam ko na iiyak sya kaya susundan ko sya kaso hinarang ako ni Raymond.
"Ako na nic."
Tumango nalang ako at hinayahaan si Raymond. Tinatanaw ko silang dalawa, gusto ko yakapin si Cassandra pero wala ako sa tabi nya. Sobra talaga sya nasaktan sa ginawa ng boyfriend nya. Tumalikod nalang ako at umupo sa sofa.
"Nic, may problema ba si kc.? Tanung sakin ni ma'am Ez.
"Yes ma'am. Broken hearted."
"Paano?"
"Di ko po alam. Sya nalang po tanungin nyo."
Ayaw magkwento sakin ni Cassandra kaya baka ayaw din ipaalam.
Pauwe na kami, hapon na kasi. Tahimik lang kami ni Cassandra, pero mga boys maiingay pa din. Humawak ako sa braso nya, tumingin sya sakin kaya nginitian ko sya. Ngumiti sya sakin ng may lungkot.
Sana makita ko rin sya na ngumingiti ng tunay. Kahit may pagkamasungit sya sakin hinahanap hanap ko yung ngiti nya.