Chapter 5

502 15 2
                                    

Nic's POV

"Kamusta Cassandra?"

Papunta kami ni Cassandra sa canteen. Napansin kong sumimangot sya? Bitter padin?

"Hindi ka ba napapagod tawagin akong Cassandra?" Mali pala ako.

"Walang thrill kasi pag kc lang."

"So, nakakaboring nickname ko?"

"Kaw nagsabi yan."

"Call me KC!" Bat ganun kahit badtrip na sya, malambing pa din boses nya.

"Cassandra! Anung order mo?" Iinisin ko sya lalo, hahaha nararamdaman kong mananalo ako.

"Arrgggg!! Bahala ka nga. Mapapagod ka din!" Sabi na e. Panalo ako.

"Serious na. Kamusta ka na nga?" Tanung ko agad sakanya pagkaupo namin.

"I'm fine."

"The most common lie. Tsss.. Kayo pa ba.? Halatang magdamag umiyak to e. Tapos ok lang. Kalokohan.

"Break na kami."

"Aba dapat lang! Mga ganun sitwasyon hindi binibigyan ng chance."  With matching gigil pa sa hawak kong kutsara.

"Kutsara mo! Matamaan ako! Easy lang pwede?"

"Itigil mo na yang pag-iyak mo sa gabi uh! Ang pangit mo na." Bigla ako nagseryoso, wala na kasi yung matamis nyang ngiti. Namimiss ko na.

"Opo! Sunget!" Aba! Ako pa masungit! Sya nga suplada e, buti nalang maganda sya.

"Kc, nic!" Sabay kami napalingon ni Cassandra, sila Arwin at Raymond pala. Nasa tapat lang sila ng pinto yung tinawag kami, kaya lahat ng tao sa canteen napalingon sakanila. Kahiya. Mga agaw eksena talaga. Sumenyas pa sila na bibili lang sila ng food nila at tatabi samin. Napailing nalang si Cassandra sa ginawang eksena ng dalawa.

"Si Raymond halatang may gusto sayo. Nanliligaw ba?" Tanung ko kay kc, habang wala pa sila sa tabi namin.

"Hindi pa." Inosenteng sagot nya sakin habang tuloy padin sya sa pagkain nya.

"Wow! Confident! Ganyan talaga sagot? hindi pa?"

"Kung ikaw nga naramdaman mo. Ako pa kaya? Hindi pa sya nagcoconfess. Pero tadtad ako ng text nya, lalo na nung nalaman nya wala na kung boyfriend." Sya pa talaga unang nakaalam uh.

"Di kayo bagay."

"Bitter lang teh?"

"Masyado kang maganda para sakanya." Tinawanan lang ako ng bongga. Bruhang toh.

"Anyway. Kayo ni Arwin, bagay kayo." Muntikan na kong mabalaukan sa sinabi nya.

"Duh! Yabang kaya nun!"

"Oo nga! Parehas kayong matangkad at maputi." Pagpupumilit pa nya.

"Yun na pala bagong basehan ng couple." Sabay irap ko sakanya.

"Hahaha ui.. Namumula. Hahaha."

Asar!!! Mukhang ginagantihan lang nya ako uh.

"Ahemm! Kami ba pinag uusapan nyo?

Ayan na po si yabang! Si Cassandra tawa lang ng tawa, nilalakihan ko sya ng mata para tumahimik na at sumunod naman sya.

"San sila Bryan?" Tanung ko sa dalawa. Katabi ko si Arwin at tumabi naman si Raymond kay Cassandra.

"Nasa kabilang building, naghahanap ng chicks."  Sagot sakin ni Arwin.

"Gwapo talaga ng mga yun."

"Mas gwapo ako sa mga yun!" Yabang talaga ng lalaking toh. Inirapan ko nalang sya

"Hahaha tibay mo Arwin. Hahaha." Pang-aasar naman ni Cassandra.

"Mukhang ok kana uh." Pansin sakanya ni Raymond.

Ngumiti lang ng tipid si Cassandra, napansin ata nya napakalakas nyang tumawa.

"Mais oh!" Alok ni Raymond sakanya. Napansin kong lumiwanag mukha ni Cassandra.

"My favorite! Thank you." Pacute na sabi ni Cassandra.

Pasulyap sulyap ako sa dalawa habang kumakain, mukhang magsisimula na manligaw sa Raymond. Todo asikaso kay Cassandra e, eto naman si Cass, panay pacute. Di ko na nga pinapansin si Arwin, panay kwento kasi ng kayabangan nya, minsan 'oh' 'talaga' lang nasasagot ko pag napapansin nya di ako nakikinig sakanya.

"Tapos kana? Hindi pa ubos pagkain mo uh." Napansin ni Cassandra na nag-aayos na ko ng gamit.

"Mauna na ko. May gagawin lang ako. Kita kits nalang sa room." Paalam ko sakanila.

"Samahan na kita." Pahabol ni Arwin sakin.

Tiningnan ko lang sya ng masama. As in masama para makuha nya naiirita ako sakanya

"Sige. Kita kits nalang mamaya." Pagkasabi nya nun umupo na agad sya.

Tuluyan na kong lumabas ng canteen. Di ko talaga alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makaalis dun. Di ko alam kung kaninu ako nabadtrip, kay arwin ba na panay kwento o kay Cassandra at Raymond? Ang gulo! Kahit ata malibot ko buong building hindi ko padin alam sagot.

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon