Chapter 14

254 6 2
                                    

Nic's POV

Practice sa umaga, pasok sa hapon. Yan ang one week routine ko. Nakabuo na kami ng sayaw at stand na gagawin. Meron nalang kami Four weeks para mapaghandaan ang nalalapit na laban. Excited ako kasi eto talaga hilig ko, sumayaw ng sumayaw. Nakakagaan kasi ng pakiramdam pag sumasayaw ako kahit nakakapagod siya. Feeling ko kasi buhay na buhay ang dugo ko sa katawan.

Naglalakad ako ngayon papuntang library. Mamaya pa naman pasok ko pero kailangan ko mag review dahil may exam daw kami. Saka maaga daw papasok ngayon si Cassandra dahil mag rereview din siya. Miss ko na din kasi yung bruha na yun.

Pagdating ko sa library siya agad nakita ko kaya dumeretso na ako sakanya.

"Hi beautiful ." Bati ko sakanya sabay beso. Ngumiti siya saakin.

"Hello. Aga mo ata?" Tanung niya sa akin pag kaupo ko.

"Miss na kita e." Sabay ng pag sabi ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Dami mo alam. Mag review kana!" Hagis niya ng libro na nasalo ko naman.

Isa sa mga nagustuhan ko sa ugali niya ang pagiging studious niya. Hindi mo mahahalata na masipag siya mag aral. Kasi napaka tamad niya magsulat, minsan habang nag lelecture prof namin nagdodoodle lang siya sa notes niya. Kapag nag rereview siya isahan lang din ayaw niya ng paulit ulit. Nakakabelieve siya, nahihirapan tuloy ako sabayan IQ niya.

Parang wala pumapasok sa utak ko. Miss ko na kasi kadaldalan siya. Susubukan ko siya kulitin.

"Kamusta?" Yun lang nasabi ko pero siya dedma. Nagbabasa pa din.

"Ui!" Tumingin siya sa akin.

"What?" Ok. Napakasungit niya.

"Sabi ko kamusta. Kwento ka naman." Sasagot na sana siya ng tumunog cellphone niya. Tiningnan niya agad yun at pasimple akong tumitingin sa cellphone niya.

Kamusta?

Yan nakalagay sa text. Agad na nagreply siya at di ko na tiningnan kung anu reply niya. Nakaramdam ako ng inis.

"Sino si Erik?" Masungit kong tanung.

"Si kuyang friendly." Sagot niya ng hindi tumitingin dahil nagtetext siya.

"Sinu yun?" Tanung ko.

"Natandaan mo yun nakasalubong natin na lalaki na nginitian ako? Erik name niya." Pagpapaliwanag niya.

Iniisip ko kung sinu tinutukoy niya, ng maalala ko na, nagtaka ako. "Textmate na kayo?"

"Pinakilala siya sa akin ni Ma'am Lyn. Transferee pala siya at S.A ng school. Tapos kinuha niya number ko." Kwento niya na may halong kilig sa mukha niya.

"Kinikilig ka naman!" Pataray kong sabi sakanya.

"Ui.. Hindi uh." Tanggi niya.

"It's obvious."

"Ang gwapo pala niya."

"Tinatanung ko?" Pagsusungit ko.

"Sinasabi lang... Sungit."

Di ko nalang siya pinansin, pinagpatuloy ko nalang pagbabasa ko habang siya 'di na mabitawan cellphone niya. Nababadtrip talaga ako, 'di ko alam kung bakit. Tumayo na ako.

"San ka pupunta?" Tanung niya saakin.

"Papasok na." Sagot ko sakanya ng 'di siya tinitingnan at dumeretso palabas.

Nakaramdam ako ng malambot na kamay humawak sa braso ko.

"Wait! Ba't mo ako iniwan?" Pagmamaktol ni Cassandra habang sinasara bag niya.

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon