Chapter 10

413 15 1
                                    


NIC'S pov

Kristina Cassandra Calling.....

"Hello?"

"Siz..... Happy birthday."

Isang malambing na boses ang bumungad sa akin.

"1 month pa kaya. Napatawag ka?"

"Lapit na yun. Debut mo e. Anu balak?"

Napaisip ako. Gusto ko din ng bonggang debut. Once in a lifetime lang yun e.

"Di ko alam." Walang gana kong sagot.

"Luhh.. Walang balak?"

"Halos lahat nasa bakasyon. Di ko alam kung makakaattend lahat."

"Yun lang ba? Ako na bahala dun."

"Paanu?"

"Trust me."

Napangiti ako. Alam kong walang hindi kayang gawin si Cassandra. Napahaba pa usapan namin. Masyado daw syang bored sa bakasyon nya. 3rd year na kami sa susunod na pasukan. Survivor ang tawag sa amin dahil tumagal kami sa school na self studies lang nangyayari. Magbibigay lang ng hand outs tapos quiz kinabukasan. Tindi diba?! Sayang lang binabayad namin.

Naging sobrang close kami ni Cassandra simula ng misunderstanding ni ma'am Ez sakanya. Siya din nag insist ng endearment namin. Sobrang sweet nya'ng kaibigan lagi sya nandiyan para suportahan ako, tulad nalang nung sumali ako sa cheering squad ng school namin. Lagi sya nanunuod ng praktis namin. Isa sa mga advantage pag wala syang boyfriend, nakafocus ang oras nya sa'kin. And Yes, wala na sila ni Raymond. First year pa lang nakipaghiwalay na sya. Nagsawa na daw kasi sya.

Heto sya ngayon mas excited pa sa'kin. Sya na daw bahala sa mga college friends namin. Itatawag nalang daw nya sa'kin ulit lahat ng nagconfirm na makakapunta.

------

It's my day. Marami ng tao sa labas, lahat ng hindi ko inaasahan nandito. Sa labas ng bahay namin ang venue. Feeling prinsesa naman ako sa pink kong gown with matching korona pa. Kinakabahan ako, dahil hindi ako sanay sa pagiging center of attraction. First time ko din magsuot ng gown na ako lang mag-isa.

"Anak, mag ready kana." Napatingin ako kay mama, tinuturo nya nangyayari sa labas ng bahay namin. Opening prayer na.

Mas tumindi pa kaba ko ng tawagin na ng Emcee ang pangalan ko.

Gosh! Wala akong escort!

Pero nagulat ako nung pagdating ko sa gate, may lumapit na lalaki sa'kin. Inilahad nya ang kanyang kamay, napatingin ako sa mukha nya. Halatang nahihiya sya sa ginagawa nya. Tinanggap ko yun at ngumiti sakanya.

Hinahanap ng mata ko si Crystal ang aking best friend nung high school, alam ko sya naghanap ng escort ko. Alam nya kasi na super crush ko si Atan. Nakita ko syang super ngiti saakin. At ako todo pigil ng ngiti.

Tapos na ang 18 roses at malapit na din matapos ang 18 candles. Pero wala pa rin  si Cassandra. Panay senyas ko kanila jerome. Malapit na daw sya. Alam ko ako laging late, ba't ngayon pa sya gumanti saakin.

"For the last 18 candles let us call in Ms. Kristina Cassandra Martin, the bestfriend of our debutant."

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon