Chapter 15

282 8 3
                                    

"Rejection is the reason why people deny what they really feel."




NIC's POV






"Nic! Energy!"

Ayts!!! Nagkamali tuloy ako. May practice kasi kami ngayon at nasita ako ng choreographer namin.



"Break muna guys!" Sigaw niya ulit.



Dumeretso agad ako sa bench kung saan nakatabi bag ko. Kinuha ko agad tumbler ko para uminom ng tubig. May naramdaman akong tumabi saakin, si Kylie pala. Isa sa mga malapit saakin sa cheering squad.


"Wala sa mood girl?" Tanung niya saakin.


"Pagod lang."


"Kaylan pa nauso sayo mapagod?"


"Ngayon siguro."


Unti unti nagsilapitan mga kasamahan ko. Kasama choreographer namin.



"1 week mahigit nalang, intrams na." Tumingin siya saakin bago ipagpatuloy mga sasabihin niya. "Magseryoso naman tayo."



"Ok po." Ako na sumagot, obvious naman na ako pinaparinggan niya. Kabisado ko naman step, wala lang talaga energy yung galaw ko.



Nagsialisan na sila after ng lintanya ng choreographer namin, kasama si Kylie. Maglulunch na daw sila. Inaya nila ako pero tumanggi ako. Gusto ko mapag-isa, kailangan ko ikondisyon sarili ko.




Pumunta ako sa lugar kung saan wala mga kasamahan ko. Habang kumakain ako may nareceive akong text galing kay Cassandra.





What time tapos ng practice mo? Aga ako papasok.





Mga ganyan text alam ko na ibig sabihin niya, kahit di' niya sabihin directly, gets ko. Hindi pa ako nakakapagreply may kasunod na text na siya.


Miss you.




Napangiti ako. Napakasweet niya talaga. Naisip ko tuloy kung ganun din siya sa iba. Ang sarap niya ipagdamot, pero bakit ko naman gagawin yun? Ito mga bagay na gumugulo sa isip ko, ilang araw na. Naguguluhan na ako, hindi normal tong nararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko pagtinamaan ako, pero kay Cassandra? Isang malaking tanung yan sa pagkatao ko. Normal saken magkaroon ng crush sa isang babae, itinuturing ko itong paghanga sa kapwa ko babae. Pero yung tamaan ng mas higit dun, hindi normal sa'kin. Alam kung straight ako at mas lalo siya. Sana lumipas din ito, sana mawala din at sana mali ako ng nararamdam. Napapagod na kasi ako kakaisip, napapagod na ako intindihin sarili ko.



Cassandra calling......



Hala ka! Ang tagal ko ba nag-isip at nakalimutan kong magreply agad.



"Hello Cass!" Napalakas ata tawag ko sakanya at nahalata kong nagulat siya.



"Good mood ata uh.. Naistorbo ba kita"



"Hindi. Kumakain ako. Kumain kana ba?"




"Hindi pa nga e.. Aayain sana kita, nauna kana pala" naramdaman kong nalungkot siya.



"Pwede kitang samahan."



"Talaga! Sige alis na ako! Ay wait.... Diba may practice kayo."



My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon