/1/

277 18 2
                                    

Yoongi's pov

Mag kadikit ang dalawang palad ko habang nasa ilalim ito ng mesa. Naka'y Mrs. Park lang ang tingin ko habang sumisimsim siya ng kape, samantalang lumalamig na ang kapeng nasa tapat ko. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang pag uusapan namin. Pamilyar na saakin ang ganitong set up. Ang naiba lang, mas may gana akong makipag kita sakanya ngayon.


Sinabi saakin ng mga magulang ko sa daegu na may pilit na nag papaalis sakanila. Pati ang maliit naming negosyo ay nadadamay na rin at malakas ang kutob ko na kagagawan iyon lahat ni Mrs. Park. Ang makapangyarihan niyang pera.


"Take a sip" sambit nito at hindi ko siya kinibo. "How rude Mr. Min"


"Ano po bang kailangan niyo? Alam ko po na may kinalaman kayo sa nangyayari" malamig kong pag sagot at ngumisi lang siya.


"Matalino ka nga. Alam ko na rin na alam mo kung anong gusto kong gawin mo"


Huminga ako ng malalim at nanatiling kalmado lang kahit na umakyat na sa ulo ko ang galit. Ang lupit talaga niya. "Sa tingin niyo papayag si Jimin—"


"Wala akong pakialam. Sinisira mo ang buhay ng anak ko. Hindi siya ganito pero simula nung dumating ka naging suwail na siya. Kung matino kang lalaki iuuwi mo siya sa bahay namin" mariing sambit nito at pinasadahan niya ng tingin ang paligid na parang ayaw niyang may makarinig sakanya.


"Mahal ko si Jimin"


Bakas sa mukha niya na natigilan siya "Kinikilabutan ako—"


"Mahal ko po ang anak niyo at alam kong mahal rin ako ni Jimin—"

*pag!*


Kinalampag niya ang mesa sabay tumayo "Pag isipan mong mabuti Mr. Min, kabuhayan ng magulang mo ang pinag uusapan natin dito" matapos niyang mag salita ay umalis siya sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas ito. Mula sa glass wall ay nakitang kong pinag buksan siya ng pinto papasok sakanyang magarang kotse.


Pag pasok ko sa apartment.


"I'm home" walang gana kong sambit.


Habang nag aalis ng sapatos ay iginala ko ang paningin ko sa paligid dahil hindi lumabas si Jimin. Nasan na ba ang lalaking yun.

Pag punta ko sa kusina ay bumagsak ang dalawang balikat ko saka napangiti. Parang nawala lahat ng pagod ko ng makita ko siyang nag luluto habang may nakasalpak na earpad sa mag kabilang tenga niya.


Walang ingay akong nag lakad papalapit sakanya at marahan ko siyang niyakap sa likod.


"Ha!— Yoongi naman" reklamo niya saka humarap saakin. Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa leeg. "Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Ano ba 'to?" binuksan ko ang takip ng kaserola at ibinalik rin. "Sana masarap" dugtong ko at kumalas sa pag kakayakap sakanya.


"Ang sama mo!" sigaw nito at natawa naman ako habang nag lalakad paalis ng kusina.


Si Jimin, isang taon ko ng boyfriend. Mahal ako niyan, sinuway niya nga magulang niya para saakin e. Nakatira kami dito sa maliit na apartment. Kahit maliit lang ay kontento na ako dahil kasama ko siya. Hindi siya sanay sa gawaing bahay dahil laki siya sa yaman pero handa ko siyang pag silbihan.

Pagdating naman sa pang huhusga ng iba, wala na kaming pakialam doon. Siguro ganun talaga pag nag mamahal, walang pinipiling edad o kasarihan. Pag tinamaan ka ng pag-ibig nasa sa'yo na iyon kung handa kang harapin kang harapin ang pag subok na ibabato sa'yo.


Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon