/15/

69 12 0
                                    

Jungkook's pov


Tulala lang akong nakatingin sa kawalan, hindi ko magalaw ang pagkaing nasa tapat ko. Wala akong gana. Ewan ko ba kung bakit. Ang bigat din ng dibdib ko. Mula dito sa baba ay napatingin ako sa second floor sa pinto ng kwarto ni Kuya Yoongi. Siguro namimiss ko lang si Kuya.


"Makaligo na nga!" pag iingay ko. Ang tahimik kasi e. Lagi namang ganito pero ngayon parang hindi normal.



Habang naliligo ay tipid akong napapangiti habang naaalala ko yung usapan nila Auntie at Kuya kanina sa cellphone. Iba rin talaga mag mahal si Kuya.


"Jk!"


Napakunot noo ako habang nagsusuot ng damit nang parang marinig ko si Kuya mula sa labas. Mabilis akong napangiti at Huminga ng malalim. Naghanda na akong lumabas. "Kuya! Akala ko pupunta ka sa seoul-" nahinto ako nang makalabas ng pinto at wala naman si Kuya. "Hm?"


Mariin akong napapikit at sinampal ang sarili. Kakapuyat ko na 'to.


"Jk!!!"


*tok tok tok*



Halos mapatalon ako sa gulat nang may malakas na kumatok sa pinto at narinig ko ang pasigaw na tawag saakin ni Auntie. Nanakbo ako papalapit sa pinto at mabilis na binuksan ito. Bumungad saakin si Auntie na humahagulgol.


"Si Yoongi!" sigaw nito habang humahagulgol. Bahagya akong napanganga at halos mahulog ang puso ko sa kaba kahit na pangalan palang ni Kuya ang nasasabi.


"Anong pong nangyari?" tanong ko




----


Mabilis ang pagpapatakbo ng truck na sinakyan namin. Delivery truck ito dahil paglabas namin ay eksakto itong pumarada sa tapat ng bahay para sana kausapin nila si Kuya para sa stock ng restaurant.


Habang nasa daan kami ay maraming senaryo ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pag aalala. Parang kanina lang ay kausap namin si Kuya. Bakit kailangang mangyari ito?. Ngayon pa na magagawa niya nang mahalin ng malaya ang taong mahal niya.


---



Papalapit kami nang papalapit, mas umiinit ang bawat sulok ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Mabibigat ang pag hinga ko at halos sumibi na ako.


"Min Yoongi!" humahagulgol na sambit ni Auntie sa nurse na nasa information desk. "Y-yung naaksidente kanina lang- n-nasan siya?" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sumunod na sinabi ni Auntie.


Tumango ang nurse, senyales na kailangan namin siyang sundan. Hinahagod ko ang likod ni Auntie habang hindi ito matigil sa pag iyak habang sinusundan namin ang nurse.


Habang papalapit kami sa isang gawi ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa gangchair habang tulalang nakasandal sa pader.


"Jimin!" tawag ni Auntie sakanya, tama, siya si Jimin. Lumingon ito kay Auntie kaya mas nakita ko ang pamumula ng mga mata nito. Hindi siya tumayo- ni hindi nagsalita. Tulala lang ito habang tumutulo ang luha. "Asan si Yoongi!?" umalingawngaw sa buong sulok ang hagulgol ni Auntie.



Ibinaling ko ang paningin ko sa nurse na sinundan namin kanina dahil himinto ito sa gawing napapalibutan ng berdeng kurtina. Inalalayan ko si Auntie na lumapit dito.



Nang hawiin ang kurtina ay nanlaki nang makita ko si Kuya. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Maraming doctor ang mga nakapalibot sakanya. Tanging ang paghagulgol ni Auntie ang naghari sa taenga ko.



Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon