/7/

58 10 0
                                    

Yoongi's pov


"Amnesia!?" ingay talaga nitong si Hoseok, kahit kailan parang laging nakakalunok ng megaphone. "Unbelievable"


Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa naging reaksyon niya "Bakit naman?"


"Paano kung sinasabi niya lang yun para mag higante sa'yo dahil sa pang iiwan mo sakanya 2 years ago? Paano kung hindi pa rin siya nakakamove on—"



"Nakamove on na yun, may girlfriend na nga diba" sarkastikong sagot ko "At walang sense kung mag papanggap siyang hindi niya ako kilala"


Hindi na nakasagot si Hoseok at nag kibit balikat nalang, naibaling ko naman ang tingin kay Wendy at nakitang kunot ang noo niya habang nakatingin kay Hoseok. Mukhang parehas kami ng naiisip na iba na ang pag iisip ni Hoseok dahil sa kapapanuod niya ng drama. Tss, college palang kami mahilig na yan sa drama.


"Nga pala bro, si Mrs. Park may cancer" balita ko sakanya at natigilan siya.



"Hahahaha!— aray!" nahinto diya sa pag tawa ng hampasin siya sa likod ni Wendy. Nabigla ako sa lakas ng pag tawa ni Hoseok pero mas nabigla ako sa pag hampas ni Wendy.



"May cancer daw tapos natawa ka pa?" mariing sabi ni Wendy.


"Wendy, hindi mo alam kung gaano kabagsik si Mrs. Park hay mapapamura ka" pag lalaban naman ni Hoseok at napailing nalang ako.


"Kalimutan mo na yung mga nangyari dati bro, napatawad ko na rin naman na yun kahit papaano" sagot ko at napatingin sa kawalan.


Sana lang ay napatawad na rin niya ako dahil mas pinili akong makasama ng anak niya dati kaysa sakanya.



Hindi na nakatapos ng pag aaral si Jimin dahil lang sa nagkaroon siya ng boyfriend. Tinakwil siya ng nanay niya at pinapili kung ako ba o ang tumira sa bahay nila. Pinili ako ni Jimin, kapalit ng luho, malaking bahay at maraming pera.



Kaya sinabi ko sa sarili ko dati na si Jimin ay obligasyon ko, gagawin ko lahat para makakain siya tatlong beses sa isang araw, yung tipong hindi niya maramdaman ang hirap, yung mabibigay ko kung ano ang nakasanayan niyang buhay. Ginawa ko ang lahat para ipakita sakanyang hindi ako nahihirapan kasi ginusto ko rin namang ibahay siya. Nabigo ako dun, iyon nga yung dahilan kung bakit niya naplanong pumayag sa engagement na yun para hindi na ako mahirapan sa sitwasyon namin.




"Oh? Mr. Min napadalaw po ulit kayo" nakangiting sambit ng anak ni Mrs. Lim ng makita niya ako.


"Uhm.. Pwede ko bang masilip yung room 19? Titignan ko lang sana kung may mga naiwang gamit doon" pakiusap ko at napasungo siya.



"Mayroon na kasing nakatira dun e, mas mabuti kung sakanila nalang kayo mag paalam" sagot ni Mrs. Ho kaya tumango naman ako na may halong pagkadismaya.



"Good morning Mrs. Ho!" napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan at nginitian rin niya ako kaya ngumiti rin ako.



"Oh ayan pala si Lisa" ibinaling ni Mrs. Ho ang tingin saakin at nahinto naman ang babae habang may dalang bag ng basurahan "Sila ng kaibigan niya ang nakatira sa apartment niyo dati" dugtong nito.



"Hm? Bakit?" takang tanong nung lisa ng mailagay sa malaking trash can ang dala niyang mga plastic.



"Titignan lang daw ni Mr. Min kung may natirang gamit pa sila doon" sagot ni Mrs. Ho at nahihiya naman akong ngumiti sa babaeng naka full bangs.



Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon