/6/

57 11 0
                                    

Yoongi's pov


Nakatapis pa ako ng tuwalya sa bandang ibaba ng maibagsak ko ang sarili ko sa kama. Mariin akong pumikit at para bang mukha ni Jimin ang nakita ko. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina sa hospital.


Nung aksidente naming pag bunggo sa isa't isa, nung wala ako sa sariling natawag ang pangalan niya at yung pag lingon niya. Ang laki ng pinag bago niya, mas disente na siyang tignan ngayon. Kung dati ay puro siya longsleeve, ngayon mas malinis siyang tignan sa puti niyang polo.


Umalis rin ako agad ng macontact ko yung asawa ng babaeng nanganak. Sa ngayon kasi hindi pa ako handang harapin si Jimin at isa pa.. May girlfriend na siya. Magiging awkward lang pag nag usap lang ulit kami.


Ano namang pag uusapan namin? Kakamustahin namin ang isa't isa?. Kung ano ng nangyari sa buhay namin nung pumunta ako ng daegu ng walang paalam sakanya? Kung anong naging buhay niya ng wala ako..


Kasi kung ganoon lang, baka masabi ko sakanya kung gaano kahirap ng wala siya. Baka masabi kong sobrang nahirapan akong mag adjust sa pag babago dahil sinanay niya ako na lagi siyang nandiyan para saakin. Baka masabi kong ilang beses akong nag attempt na bumalik dito sa seoul para dalhin nalang siya sa daegu..



Baka masabi kong hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko.



Iminulat ko ang mga mata ko at bumuntong hininga. "Ji...min..ah.."



Hindi ko naman na pwedeng masabi iyon lahat sakanya dahil may mahal na siyang iba. Baka pag tawanan na niya ako kasi ako itong umiwas at may balak na mag habol ngayon. Wala na akong mahahabol, malinaw na rin saaking wala na akong babalikan.


Malinaw na saakin na ang taong minsang nag paikot ng mundo ko, may ibang tao ng nag papaikot ng mundo niya.



Bumangon ako sa pag kakahiga at pinag patuloy na ang pag papalit ng damit. Mabuti pang bumili nalang ako ng beer at pulutan, nasa mood ako mag lasing ngayon.


Sana lang ay wala ng buntis ang lumapit saakin para humingi ng saklolo, hay. Iniwan ko na yung kotse ko, hassle kung ilalabas ko pa yun sa parking lot. Kaya ko namang mag lakad.


Pumunta ako ng convinience store para bumili ng beer in-can, nag suot ako ng jacket at maong na short. Pag pasok ay dumiretso ako ako sa kuhanan ng mga beer.




Jimin!?'




Kumabog ng malakas ang dibdib ko at natigilan ng makita ko si Jimin na nasa harap ng cooler kaya naman inalis ko ang tingin doon at nag kunwareng tumitingin ng mga chichirya. Aalis nalang pala ako.




"Excuse me?"


Nahinto ako sa pag lalakad ng may humawak sa— si Jimin! Hinawakan ang balikat ko.



"Ikaw ba yung nag tawag saakin sa hospital kanina?"



Bahagyang nanliit ang mga mata ko at kumunot noo. Bakit naman kung makaasta siya ay hindi niya ako kilala?. Nilingon ko siya at tinaas ko ang isang kilay ko. Tipid akong ngumiti.



"Ganyan ka nalang ba kagalit saakin para umasta ka na parang hindi mo ako kilala?" tanong ko at naibaling ko ang tingin sa mga mata niyang namumugto.



"Uhm.. hindi kasi talaga kita kilala e"



Natauhan ako sa isinagot niya "Ha?" takang tanong ko.




"Pero baka mag kakilala tayo?" nag kibit balikat siya "Ewan, nag kaamnesia kasi ako. Kung kilala mo ako edi.. nabalitaan mong.. naaksidente ako nung 2017?"





Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon