Jimin's pov
"Yah yah, nandito na ako sa hospital"
"Ok sir" matapos ang usapan namin ng secretary ni Mom ay ibinulsa ko ang phone ko saka ko inalis ang shades ko.
Mabilis ako napasugod dito sa seoul ng malaman kong isinugod si Mom sa hospital, napag alaman ng doctor na mayroon na pala itong stage three colon cancer, nilihim niya saakin ang tungkol doon kaya wala akong kaalam alam. Mabuti nalang at sinabi iyon saakin ng secretary niya ngayong nasa critical na raw ang nasa kundisyon niya.
Naiwan ko tuloy si Jeongyeon sa macau, susunod nalang daw siya dahil marami pa siyang inaasikaso.
Nakakapanlambot ng tuhod ng malaman ko ang balita. Nakakainis talaga si Mom, bakit naman kasi niya sinekreto saakin na may cancer na pala siya.
*bugs*
"Ops!" sambit ko dahil sa pag mamadali ko ay mayroon akong nabunggong tao.
"Sor—" nag taka ako ng mapansin na parang natigilan siya at parang nakakita ng multo habang nakatingin saakin.
"Sorry" ako na nga lang ang gagawa, mukhang wala na siya sa mood ituloy yung 'Sorry' niya. Mabilis akong nag patuloy sa pag lalakad.
"Jimin?"
Nahinto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang pag tawag niya sa pangalan ko. Taka akong nilingon siya at naabutang nakatingin pa rin ito saakin. Hindi ko siya kilala, pero mukhang kilala niya ako?.
"Jimin—"
"Sir, kailangan niyo po itong pirmahan" sulpot ng isang nurse sa tabi niya pero nasaakin pa rin ang tingin ng lalaki. Kilala niya nga ako?. Paano naman kaya?. "Sir, kayo po ba yung ama nung nanganganak? kailangan niyo po itong pirmahan" muling sabi ng doctor pero tulala lang saakin ang lalaki, ang pinag tataka ko pa ay bakit parang naiiyak siya.
Siguro dahil manganganak na yung asawa niya?. Pero wala na akong oras para makipag titigan dahil kailangan ko ng pumunta sa room ni Mom ko. Tinalikuran ko siya at nag patuloy sa pag lalakad.
Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Mom ay kinundisyon ko muna ang sarili ko bago pumasok. Huminga ako ng malalim ng mahawakan ko ang door knob saka ko ito pinihit at dahan dahang binuksan.
Napatingin saakin si Ms. Sheon at nag bow, ganun rin ang ginawa ko bago tuluyang makapasok sa loob.
Bumagsak ang dalawang balikat ko ng makita ko si Mom na walang malay, maraming naka dikit sakanyang apparatus.
"Ilang beses ko ng sinuggest na mag sabi na sainyo pero, ayaw niya e. Baka raw mag alala kayo at busy rin kayo sa macau" pag k-kwento ni Ms. Sheon habang nakatingin kami kay Mom.
Lumapit ako kay Mom at hinawakan ang kamay niya. Parang pinipiga ang puso ko ngayon dahil alam kong nahihirapan siya sa lagay niya. Kaya pala nitong nga nakaraang araw ay hindi ko siya nakakausap.
Lumipas ang isang oras ay kinailangan ko ng umalis para pumunta sa isang meeting, hindi naman kasi makakarating si Mom kaya ako ang makikipag meeting.
"Ms. Sheon, mag update ka lang saakin ok" bilin ko dito.
"Opo Mr. Park, ako na pong bahala dito" sagot niya naman at tumango ako saka ulit tumingin kay Mom.
BINABASA MO ANG
Still With You [AU]
RomanceYoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022