/4/

56 11 0
                                    

/After 2 years/




Yoongi's pov


Hawak ang isang cup ng kape at bulaklak ay mag isa akong nag lalakad dito sa simenteryo para hanapin ang taong bibisitahin ko. Hindi ko kasi alam kung saang eksakto siya e, basta ang sinabi lang saakin sa napag alaman ko ay nasa tabi ito mismo ng unang puno na madadaanan ko pag pasok ko dito sa memorial park.


Ilang saglit pa ay huminto ako ng mabasa ko ang nasa lapida. Napabuga ako sa hangin at yumuko saka ko nilagay doon ang sariwang bulaklak.






"Pasensya na po kung hindi na ako nakabayad ng utang" sambit ko at malungkot na napangiti "Salamat po sa lahat Mrs. Lim"



Pag karating ko dito sa seoul ay dumiretso ako sa building na tinitirahan ko dati para sana kamustahin si Mrs. Lim ang kaso, yung anak niya nalang ang naabutan ko doon at nalaman ko sakanya na pumanaw na pala si Mrs. Lim dahil sa sakit niya sa baga. Dati ko pa napapansin na pala-ubo siya at pinapaalala na uminom lagi ng gamot.



"Ayos na po ako, sa katunayan nandito ako sa seoul para tumingin ng lupa. Mag ba-branch out kasi yung restaurant na pinatayo ko sa daegu. Sayang lang... Hindi ko na po nasuklian lahat ng kabutihan niyo saakin... s-saamin ni.." nahinto ako sa pag sasalita at napalunok. Malungkot akong napangiti "Hehe.." sumimsim ako ng kape.


Hindi na rin ako nag tagal sa simenteryo dahil mayroon akong isang taong dadalawin. Sigurado akong namiss rin ako nun.



Pag hinto ko ng sasakyan ay napangiti ako ng makita ulit si Hoseok mula sa di kalayuan. Habang nag wawalis sa tapat clinic niya na mayroon na ring pinag bago ngayon, may mga halaman na sa tabi nito.


Binuksan ko ang pinto ng kotse at nag lakad papalapit sakanya.


"Jung Hoseok!" sigaw ko at kunot noo siyang lumingon, lumawak ang ngiti ko habang kumakaway sakanya.



"Yoongi!?" halos pumuyok ito dahil bakas sa tono niya ang pagkabigla at pag tataka "Yoongi! Hahaha! Halika dito!"



"Kamusta!?" masayang bati ko at binuka ko ang mag kabilang braso ko—



*tsug!*




"Ugh!" napaupo ako habang hawak hawak ang tiyan ko. "Bakit ka naninipa!?" takang tanong ko.


"E diba nga sabi mo nung college tayo may hybrid ako ng kabayo, oh ayan pinatunayan ko na sa'yo! Saka isa pa saan ka galing? Bakit bigla ka nalang nawala!?" maraming sabi nito habang tumatalsik pa ang laway kaya napapapikit ako.


Akma na akong sasagot pero napatingin ako sa babaeng lumabas ng clinic. "Anong nangyayari dito?" tanong ng babae at tuminhin dito.


Nag katinginan kami ni Hoseok at dahan dahan siyang napangiti, ganun rin ako at bigla nalang kaming nag tawanan "Haha! Gago" sabi ko sakanya at nilahad niya ang kamay niya para ibangon ako kaya hinawakan ko naman yun.


"Si Wendy, girlfriend ko" pag papakilala niya sa babae na girlfriend pala niya "Wendy, si Yoongi kaibigan ko friendship over na kami ngayon"


Bahagya akong kumunot noo kay Hoseok at hinampas siya sa tiyan "Drama mo" mahinang sabi ko rito at nginitian si Wendy "Hello, Min Yoongi pala" nakipag shakehands ako.



"Wendy" sagot naman niya "Pasok na tayo sa loob" pag aaya nito at nauna siya sa pag lalakad.



Inakbayan naman ako ni Hoseok at sabay kaming pumasok. Ang ganda ng gf niya, ano naman kayang ginawa niyang pag pipikot dito. Joke, pogi at mabait si Hoseok. Madaldal nga lang, ang dami niyang sinabi matapos niya akong tadyakan!. Bago makapasok ako napatingin ako sa mga halaman na wala naman dati, siguro dahil may isang babae na siyang katuwang.


Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon