Yoongi's pov
"Subukan mong makipag date sa iba bro"
Mariin akong napapikit ng maalala ang sinabi ni Hoseok, kaya nga ako nakipag meet kay Jieun e. Kaibigan ko si Jieun nung high school at nag kita kami sa isang cafe nung isang araw, niyaya ko siya para sa gabing ito.
Pero bakit bigla nalang sumulpot si Jimin?.
Dito pa talaga?.
"So paano, 'till next time?" tanong saakin ni Jieun at tipid naman akong ngumiti habang tumango. Niyakap ko siya at tinapik ang likod. "Ok ka lang?" biglang tanong nito kaya kumalas ako sa pag kakayakap sakanya.
"H-ha?" tanong ko.
Rinig ko ang buntong hininga niya "You look bothered kanina, who's that guy?" tanong nito.
"Kaibigan" sagot ko at nag kibit balikat siya.
"Ok, kung ganun mauuna na ako" paalam niya at tumango namna ako. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse niya. Tumabi ako para ihatid siya ng tingin.
Sumandal ako sa kotse ko at napahilamos ng mukha. First night palang mukhang na turn off na si Jieun saakin, sana nga ay may next time pa. Bakit naman kasi naoadpad pa si Jimin dito e inuumpisahan ko ng umusad. Paano ako makaka move on kung lagi nalang siyang sumusulpot. Paano ako mag sisimula?.
Umayos ako ng tayo ng makita ko siyang lumabas ng restaurant. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating sa tapat ng kotse.
Namalayan ko nalang ang sarili kong nag lalakad na papalapit sakanya.
"Jimin" tawag ko sakanya at nahinto siya ng mabuksan niya ang pinto ng kotse niya.
Nilingon ako nito at tumaas ang dalawang kilay "Why are you still here? I thought you're with..." tumingin siya sa paligid "..her"
"Umuwi na" tipid kong sagot "May tutuluyan ka na ba?"
Seryoso Yoongi? Umayos ka'
"May na book ka na bang hotel?" tanong ko.
"Wala pa, ngayon pa lang. May alam ka ba?"
Habang nag mamaneho ay sumusulyap ako sa side mirror para malaman ko kung nakakasunod pa ba siya saakin. Dalhin ko nalang siya sa hotel nung isang kabusiness partner ko. Sana lang may bakante sila.
*brrzz*
Kinuha ko ang phone ko sa dashboard ng mag vibrate ito. Sinagot ko ang tawag ni Hoseok, sinalpak ko naman ang airpod ko.
"Bro!"
"Oh?"
"Sorry ngayon lang ako nakapag decide na mag sabi sayo ah"
Bahagya akong kumunot noo, anong pinag sasabi nito? "Ha?"
"Si Jimin kasi, kinuha niya yung address mo saakin diyan sa daegu" humigpit ang pag kakahawak ko sa manobela ko "Bro, sa tingin ko bumalik na ala-ala niyan"
Tumingin ako sa side mirror upang makita ko ang kotse ni Jimin "Tapos?" walang kwenta kong tanong, gusto kong malamat yung point ni Hoseok kung bakit ganito ang reaksyon ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Still With You [AU]
RomanceYoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022