/14/

49 13 0
                                    

Yoongi's pov


Gising na ang diwa ko ngunit nanatili pa rin akong nakapikit habang kinakapa ko ang paligid ko. Nang wala akong makapang tao ay iminulat ko ang mga mata ko. Katabi ko si Jimin. Natatandaan ko na bago ako makatulog ay yakap ko siya ng mahigpit.



"Jimin?" mahina kong imik at iginala ko ang paningin ko, nang makita kong wala na ang mga maleta at gamit niya ay mabilis akong napabangon. Muli kong iginala ang paningin ko hanggang sa namalayan ko nalang na humahakbang na ako papunta sa maliit na kusina hanggang sa banyo ngunit wala siya.



Tila ba naestatwa ako sa kunatatayuan ko. Iniwan na naman niya ako. Wala sa sarili kong naitama ang paningin sa kama'ng nasa tapat ko.



Matapos naming siniil ang labi ng isa't isa ay naramdaman kong humigpit ang pagkapit niya sa balikat ko. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ko hanggang sa marinig ko ang paghikbi niya.


"Jimin.." tawag ko ngunit hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Sa hikbi niya ay nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.



Ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kung nasasaktan siya mas doble yung sakit na nararamdaman mo para sakanya.


"Jimin.." malumanay kong tawag sakanya at marahan kong inalis ang kamay niya sa pagkakakapit saakin. Ipinantay ko ang mukha ko sakanya at pinahid ang luha niya.


"Ikakasal na ako.."


Umalis ako sa pagkakapatong ko sakanya at nahiga sa tabi niya. Dumiretso ang tingin ko sa kisame at hinanda ang sariling marinig ang mga salitang manggagaling sakanya.



"Pero mahal pa rin kita" wala ako sa sarili kong tumingin sakanya nang masabi niya iyon. Hindi iyon ang inaasahan ko.


Tipid akong napangiti, nangilid ang luha ko at tumagilid ako upang mayakap siya.



"Pero—"



"Jimin, ok na.." pag pipigil ko sa sasabihin pa niya. Ayoko nang makarinig pa ng isa pang 'Pero' ang unang sinabi niya, sapat na saakin yun. May panghahawakan pa rin ako.



Wala ako sa sariling napaupo at sumandal sa pader. Mariin akong napapikit habang nakahawak sa ulo ko. Sinabunutan ko ang sarili ko. "Tama na" mahina kong sabi sa sarili ko.


Ang tanga tanga ko dahil pinaniwala kong pipiliin ako ni Jimin dahil mahal niya pa rin ako. Pero bakit hindi sumapat ang pagmamahal na iyon para piliin niya ako?. Tangina naman.



Ano bang gusto niyang gawin ko?.



Sandali akong natulala sa kawalan hanggang sa may naisip ako. Namalayan ko nalang na nakatayo na ako, papalapit sa kung saan ko nilagay ang susi ng sasakyan ko.



Hindi ko hahayaang makasal si Jimin sa babaeng hindi niya mahal. Nakaya ko na siyang ipaglaban noon sa nanay niya. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayong alam ko na ako pa rin ang mahal niya.



Pinaharurot ko ang sasakyan at ikinalma ang sarili habang nakatingin sa daan.



*phone ringing*




Mula sa dashboard ay nakita kong tumatawag si Jungkook kaya naman ay sinagot ko ito. Isinuot ko ang earbuds ko.



"Kuya! Nasan ka!?"



Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon