/10/

50 11 0
                                    

Yoongi's pov



"Welcome back Kuya!" salubong saakin ni Jungkook pag labas ko ng kotse, nakakabatang pinsan ko. "Bakit napaaga ka ng dating?" tanong nito.


"May meeting kasi ako kasama yung, investors sa isang branch natin" sagot ko naman habang nag lalakad papunta sa compartment ko para mag baba ng mga gamit. Sinundan naman ako ni Jungkook.



"Oh, parang dumami ang gamit mo hyung ah.." takang sambit ni Jungkook at tipid naman akong napangiti saka umiling.



"Iyang maleta na ang unahin mo sa loob, ako ng bahala dito" sagot ko naman at tukoy sa dalawang box. Mga gamit ni Jimin. Hindi ko pa alam kung anong balak ko sa mga ito, kaya ko kinuha ang mga ito ay para hindi na niya makita.


Nung nakita ko kasi ang kalagayan niya ngayon ay kuntento na ako, at oo inaamin ko sa sarili ko na siya lang talaga ang binalikan ko sa seoul, dinahilan ko lang sa sarili ko na titingin ako ng lupa.



Wala na akong babalikan, ayoko na ring balikan siya dahil mas maayos na ang kalagayan niya ngayon. Masasaktan lang siya pag nalaman niya kung anong mayroon saamin dati, baka hindi niya matanggap at baka kamuhian niya ako. Mas mabuti ng ganito na lumayo ako kaysa lumapit pa sakanya. Naiiwan lang ako sa ere. May mahal na siyang, kailangan kong intindihin iyon.



Tinanong niya saakin ang pangalan ng apartment na tinitirahan namin dati, imposible namang hindi siya mag punta roon, kilala ko ang lalaking iyon. Madalas ay napupuno ng katanungan sa isipan niya at gusto niya na laging may sagot ang mga ito.


Bahala na siguro pag naalala niya kung anong mayroon kami dati, wala nalang yun sakanya kasi may girlfriend na siya. Ang importante ay hindi na ulit niya ako makikita, hindi ako makakagulo.


Nang makapasok ako sa kwarto ay dumiretso ako sa couch at sumandal saka pumikit. Hindi naman na nakakabiglang mukha ni Jimin ang nakita ko.




"Ji...min...ah.." bulong ko sa hangin habang nakapikit. Naramdaman ko nalang na uminit ang mga mata ko habang inaalala ko yung ngiti niya habang pinag uusapan namin si Jeongyeon nung nasa hospital ako kahapon. Yung ngiti na iyon... ako lang ang nakakapag palabas nun dati sakanya pero ngayon may iba ng nakakagawa nun.



Dalawang taon akong nag tiis na hindi siya makita, kakaplano ng buhay na gusto kong ibigay sakanya kung sakaling may babalikan pa ako.


Paano kaya pag hindi ako umalis dati?, kami pa rin kaya?.



"I still love you, Jimin. Sana naririnig mo ako ngayon.." naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko habang nakapikit hanggang sa napahikbi nalang ako. Lahat ng pag pipigil ko sa seoul ay parang gusto ko nalang ilabas ngayong gusto ko na siyang palayain.


Napayuko ako habang patuloy na humihikbi. "Pasensya na kung iniwan kita, pasensya kung naging duwag ako" maaaring nag mumukha na akong baliw dahil nag sasalita ako mag isa, sa tingin ko kasi ay hindi ko na ito masasabi lahat sakanya. Anong magagawa ko?. Ayoko ng mag kita ulit kami.








Jimin's pov



Matapos kong marinig ang mga sinabi ni Jennie ay wala ako sa sariling napailing. Ano bang pinag sasabi niya? Ex-boyfriend? Si Min Yoongi? No way, imposible.


"Uhm.. P-papasok ka pa ba sa loob?" tanong ni Lisa na may pagkataranta ang boses. It seems that she know something.



Ibinaling ko ang tingin sa pinto habang may mabibigat na pag hinga. "No" mahinang sagot ko.



Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon