11 months later..
Jeongyeon's pov
Malalim akong huminga at napahawak sa tapat ng puso ko habang nakatingin kay Jimin na nakaupo mag isa mula sa di kalayuan. Malungkot akong napangiti habang nakatitig sakanya. Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko at nagsimulang maglakad papalapit sakanya.
"Babe?" tawag ko sakanya at umupo sa tabi niya. Tumingin ako sakanya ngunit nakatingin lang siya sa kawalan. "How are you? Namiss mo ako?.. Kasi ako, sobrang miss na kita"
"Yoongi-ah.."
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahilan para mapahawak ako dito. Habang malungkot na nakangiti ay bahagya akong napatango. Sa pagkurap ko ay lumabas ang luhang kanina pa nagbabadya.
"Yoongi-ah" muling sambit ni Jimin habang nakatingin sa kawalan. Dahan dahan itong ngumiti.
Nagpahid ako ng luha at hinawakan ang kamay niya. Sumandala ko sa balikat niya at naitama ko ang paningin sa plaka. 'Hwangsei Mental Health hospital'.
Hindi ko inaasahan na dadalhin kami ng kapalaran namin dito.
Pagkatapos ng operasyon ko ay hindi ko na makausap si Jimin. Kahit na sinong kamag anak niya ay hindi na rin siya makausap. Lagi itong nasa loob ng kwarto niya at madalas na nahuhuling nagsasalita mas isa habang nakangiti. Laging binabanggit ang pangalan...
— ng taong mahal niya.
Si Yoongi. Ang taong nagsalba sa buhay ko. Kahit nagkaganito ang kalagayan ni Jimin, hindi ko kayang mag mahal ng iba. Dito sa puso ko— sa bagong puso ko. Siya lang ang laman, siya lang ang gusto, siya lang ang mahal.
Nang maging handa na ako para marinig ang sitwasyon ni Jimin ay parang gusto kong baguhin ang tadhana— na sana ako nalang ang namatay at hindi ang taong mahal niya.
"Jimin.. Please come back.." pagmamakaawa ko at niyakap ang braso niya habang nanatili ako sa posisyon kong nakasandal sa kanyang balikat.
"Yoongi-ah" mariin akong napapikit habang patuloy sa paghikbi nang muli ko siyang marinig.
He's with Yoongi. Still with him. Siguro dito siya sasaya. Na kahit sa illusyon lang kasama niya ang taong mahal niya.
Pero hindi ako susuko. Nasaakin ang puso ng taong mahal niya. Yoongi's heart still with him.
Binangon ko ang ulo ko at tumingin sakanya. Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang makita ko siyang lumuluha. Bahagya ko itong ikinabigla dahil ngayon ko nalang ulit nakita ang ganitong ekspresyon ng mukha niya.
"Babe?.. I'm Jeongyeon" pinahid ko ang luha niya "Ako 'to, Jimin. Hihintayin kita, hindi ako magmamahal ng iba" nahinto ako nang dahan dahan itong tumingin saakin. Bahagya akong napahikbi nang magkaroon ulit kami ng eye-contact. Matagal ko itong hinintay. Kinuha ko ang kamay niya at itinapat ko sa puso ko—
—sa puso ni Yoongi.
"Ito.. Ikaw lang ang mahal nito.. Hindi ako magsasawang hintayin ka." usal ko at tipid na ngumiti.
Nanatili lang siyang nakatitig saakin at ilang saglit pa ay dahan dahang kumunot ang noo niya. Unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya hanggang sa may tumulong luha sa kaliwang mata niya.
Gamit ang isang kamay niya ay hinawakan niya ang pisngi ko kaya napapikit ako para damhin yun.
"Babe?"
Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. "It's me" tugon ko. Ibinaba niya ang kamay niya at inalis niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
Muli siyang bumalik sa posisyon niya kanina. Nakatingin siya sa kawalan at sumandal sa balikat ko. Napangiti ako at hinalikan ang ulo niya.
Parehas kaming nakatingin sa kawalan habang magkahawak ang kamay. Naniniwala akong babalik rin saakin si Jimin. Hindi man ngayon pero alam kong darating din ang araw na iyon.
THE END
Date ended: August 4, 2022
---
Facts muna about sa story na ito hehe. Nabuo siya dahil sa isang panaginip and sobrang nakakaamaze kasi naalala ko yung buong nangyari sa panaginip ko. Pag gising ko kinuha ko agad ang notebook ko at sinulat lahat ng mga nangyari sa panaginip ko and with a touch of my creativity, heto na ang resulta hehe.
To all my silent and active readers na nagbasa ng story na ito!THANK YOU SO MUCH!
-ysa
BINABASA MO ANG
Still With You [AU]
RomanceYoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022