/13/

51 13 0
                                    

Yoongi's pov


Sabihin mong naaalala mo na lahat, Jimin
.. please..'


"Bakit?" tanong ko at napayukom ang kamao ko mula sa bulsa ng pocket ng jacket ko. Gusto kong punasan ang luha niya. Hindi ko maiwasang isipin na sa pagkakataong ito ay baka naalala niya na ako.


Na ako ang lalaking minsan niyang minahal.



Bukas na ang streetlight dahilan para makagawa ito ng repleksyon sa mga mata niyang basa ng luha. Napalunok ako at hindi ko maiwasang ilabas ang kamay ko mula sa pagkakabulsa. Hinila ko ang kamay niya at mahigpit siyang niyakap. Wala na akong pakialam kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.


Ang akin lang naman ay hindi ko kayang.. makita siyang umiiyak sa harap ko, noon pa man iyon pa rin ang isa sa mga kahinaan ko.



Napapikit ako ng maramdaman kong gumanti siya ng yakap.



"Ikakasal na ako.. Patawarin mo ako, kung mas pipiliin ko si—"


"Jimin" sambit ko para mahinto siya sa pananalita. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya. Alam ko naman na kung ano katuloy ng sasabihin niya.


Sino naman ako para piliin niya, hindi ko rin naman siya pinapapili. Kahit bumalik pa ang mga ala-ala niya, alam kong wala na akong babalikan.


"Kailan pa?" napatikhim ako bago ituloy ang sasabihin ko ,"Kailan pa bumalik yang ala-ala mo?" pag papatuloy ko.


Nag pahid siya ng luha "Hindi ko alam yung eksaktong araw, basta bago mamatay si Mom. Naalala ko na lahat"


Sa halip na sumagot ay napataas ang isang kilay ko dahil sa pagkabigla. "P-patay na si Mrs. Park—" halos hindi ko matuloy ang sinasabi ko. Tumango siya.


"Babalik na rin ako ng macau, pero naisip kong punatahan kita dito para sa.... closure" iniyuko ko ang ulo ko ng sumagot ito, hindi ko pinahalata ang pag hingang-malalim ko. Muli kong ibinalik sa bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko. Para makinig, habang nasasaktan. Kailangan ko rin 'to. "Kwinestyon ko rin naman itong sarili ko... kung ikaw pa rin ba... Kaso ikakasal na ako, hindi kayang iwan si Jeongyeon—"



"Edi ako pa rin?" hindi ko maiwasang sabihin iyon. Nag angat ako ng tingin sakanya "Ako pa rin, Jimin. Kaso hindi mo ulit tanggap kasi ikakasal ka na" sarkastiko akong napangisi at inalis ang tingin sakanya. Itinama ko ang tingin sa kamay niya at walang anu-ano'y hinila ko siya.


"Yoongi!" usal niya habang nag pupumiglas ngunit binalewala ko iyon. Mas malakas pa rin ako kaysa sakanya.


Nang makapasok kami sa establishment ay dumiretso ako sa hagdan. Alam kong nag papatangay nalang siya saakin, papunta kami ngayon sa condo niya. Bahala na kung anong mangyari.


Huli ng pagkakataon ito. Kung hindi ko gagawin, pag sisisihan ko.


"Iyon lang ang pinunta ko dito, Yoongi—"


"Buksan mo" utos ko sakanya ng makarating kami sa tapat ng pintuan niya. Sa halip na sundin niya ako ay humarap ito saakin. Habang nakatitig lang ako sakanya ay may kung anong tila tumusok sa puso ko.


Nakikita ko sakanya na buo na ang desisyon niyang tapusin lahat. Matagal naman ng tapos e, ang tanga ko lang kasi umasa ako sa maraming 'paano', 'baka', 'siguro'.



Nangilid ang luha ko at umiling "Mahal pa rin kita e.. paano yan?" halos pabulong kong sambit at binitawan ang kamay niya.






Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon