/11/

50 11 2
                                    

Jimin's pov




"Jimin, I'm so sorry for your lost but your company need a new ceo"




Nakapamulsa ako habang nakatayo sa tapat ng puntod nito. For the past five days, sobrang bilis ng oras. Maraming nag bago at marami pang pag babago ngayong wala na si Mom.



Sino nalang ang makakasama ko ngayon?.



Mas naging worst ang pakiramdam ko ng bumalik ang ilang ala-ala ko, at hindi rin makatawag si Jeongyeon dahil naospital siya dahil inatake siya sa puso.




"Kaya mo bang makipag meeting with boards?" tanong pa ni Tito at hinarap ko siya.



"Tito, pwede bang.. maging practice ceo ka muna habang hindi pa ako bumabalik?" pakiusap ko at kumunot ang noo niya.




"Babalik ka ng macau?" tanong nito at umiling ako.



Muli kong ibinalik ang tingin sa puntod ni Mom. "I wanna go somewhere" sagot ko.



"Where?"






----





'Jung Vet Clinic'





Jung Hoseok, sa pag kakatanda ko ay may kaibigan siyang Jung Hoseok ang pangalan. Sinearch ko siya sa social media at nalamang mayroon siya Vet Clinic. Of course, I searched Yoongi's name first but as I expexted wala siyang any social media accounts. Napaka pribado pa ring tao. Madali nalang sana ang pag hahanap sakanya kung alam ko ang email address niya.



Bigla nalang siyang nawala, bumalik kaya ulit siya ng daegu gaya ng ginawa niya dati?. Yung gabing iyon..



Huminga ako ng malalim at sumandal sabay tingin sa labas ng bintana. Kung kailan nandito na ako sa tapat ng clinic, ngayon naman ako nag dadalawang isip.



Hindi na nag papakita si Yoongi, at gusto ko siyang makita para makausap. Dati ko siyang boyfriend, gusto ko ng closure para kay Jeongyeon. Hindi ko pwedeng masaktan si Jeongyeon, hindi ko siya pwedeng iwan. Pag katapos nito, babalik na ako ng macau.



Parang hindi lang kasi mapanatag ang loob ko pag may naiwan akong gusto dito sa seoul.



Binuksan ko ang pinto at nginitian ako ng babaeng nasa information desk. Nag bow ako sakanya at pag angat ng ulo ko ay biglang nawala ang ngiti niya.



"G-good morning" bati nito "H-hoseok-ah!" tawag nito, biglang sumigaw.



"Oh bakit ba—" natigilan si Hoseok ng mag tama ang paningin namin, tama siya nga ito. Kaibigan ni Yoongi, nag meet na kami before kung hindi ako nag kakamali.



Nginitian ko si Wendy matapos niyang mag serve ng iced tea saamin. Pinakilala na saakin ni Hoseok.



Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin na bumalik na ang ilang mga ala-ala ko. Baka iyon pa ang maging dahilan para mapilitang tawagan ni Hoseok si Yoongi. Sigurado naman na kahit sabihin kong huwag niya itong tawagan ay gagawin pa rin niya. Madaldal si Hoseok.

Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon