Yoongi's pov
"Room 85"
Namalayan ko nalang na humihigpit ang hawak ko sa hawakan ng basket na puno ng bulaklak ng makarating na ako sa tapat ng pinto. Lutang na naman ba ako kaya ko naisipang pumunta dito? Kasi ng makarating na ako ay bigla akong nag dalawang isip. Baka kasi pag nakita ako ni Mrs. Park ay mahighblood siya at baka mapano pa siya.
"Huwag nalang kaya" bulong ko sa sarili.
*klak*
Nanlaki ang mata ko nang biglang mag bukas ang pinto, napahakbang ako ng isang beses paatras. Bumungad saakin ang isang babae na may hawak na folder, hindi siya nurse kasi naka skirt ito.
"Yes? Sino po sila?" tanong nito
"U-uhm.." parang umatras ang dila ko ng masilip ko sa loob si Mrs. Park na mukhang gising.
"Sino po sila?" muling tanong ng babae.
"Who's that, Sheon?" rinig kong tanong ni Mrs. Park mula sa loob ng kwarto, mahina ngunit rinig ko. Hindi gaya dati na boses palang niya ay kikilabutan ka na dahil masyadong maotoridad, ngayon ay bakas sa boses niya ang pang hihina. Nakakapanibago.
"Your name is?" muli kong binaling ang tingin sa babae ng mag tanong ulit ito.
"Mr. Min?" mabilis kong ibinalik ang tingin sa loob at nag tama ang paningin namin ni Mrs. Park. Huminga ako ng malalim at nakatingin lang sakanya, hindi ko alam kung paano umakto. Ayokong makita niyang naaawa ako sa kalagayan niya. "Papasukin mo siya" utos niya sa babae kaya tuluyan akong pinag buksan ng pinto ng babae.
"Babalik po ako Madam Park" paalam ng babae at tipid itong ngumiti bago tuluyang umalis.
Inalis ko ang tingin kay Mrs. Park ay nag lakad papasok sa loob saka ko isinara ang pinto. Hindi ako makatingin sakanya habang nag lalakad papalapit sa maliit na mesa saka inilapag doon ang dala kong basket.
Huminga ako ng malalim at humarap sakanya saka nag bow. Matapos nun ay umayos ako ng tayo at nilagay ang dalawang kamay sa harap "Kamusta po kayo?" tanong ko.
"Maupo ka" sambit nito kaya umupo ako sa tabi ng kama niya dahil nandoon ang upuan. Napansin ko agad na maraming nakakabit sakanya.
Hindi ako makatingin sakanya, akala ko makakalimutan ko na yung sakit na pinaranas niya saakin kapag nagkita ulit kami pero parang bumabalik ngayon. Lahat ng pangmamaliit niya saakin.
"How's life?" tanong nito
"Restaurant owner na po ako" sagot ko habang nakatingin lang sa mga kamay ko.
"Ngayon ka naman hindi makatingin saakin, ngayong may maipagmamalaki ka na"
Nag angat ako ng tingin sakanya at nakitang tipid siyang nakangiti saakin. Ilang segundong nakatingin ako sakanya ay namalayan ko nalang na nangingilid ang luha ko.
"Yoongi" tawag nito saakin at parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil ngayon lang niya ako natawag sa pangalan ko. Hinawakan niya ang braso ko kaya inangat ko ang kamay ko, hindi ko pinahalatang huminga ako ng malalim nang hawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry"
Matapos niyang masabi ang mga salitang iyon ay may lumabas na luha sakanyang mata kaya mas lalong uminit ang mga mata ko. Tipid akong ngumiti at tumango.
BINABASA MO ANG
Still With You [AU]
RomanceYoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022