/3/

66 11 0
                                    

Jimin's pov


Isang linggo na rin na nandito ako sa bahay, nakakulong lang at walang kahit na anong gadgets. Mula nung pasikreto nilang kinuha ang cellphone ko nung announcement ng engagement ay hindi na iyon ibinalik saakin.


Minsan napapasulyap ako sa bintana, umaasa na dadating si Yoongi kasi malay ko naman kung nag bago ang isip niya, malay ko kung ipag lalaban ulit niya ako kay Mom. Kaso hindi siya dumadating.


Oo nga naman, bakit naman niya ako babalikan? E sinaktan ko siya. Nag kamali ako ng desisyon, dapat inintindi ko muna ang mararamdaman niya.


*tok tok tok*




Tumingin ako sa pinto ng may kumatok dito pero binalewala ko lang yun. Mula dito sa kama ko ay nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakakumot at nakasandal sa headboard. Miss na miss ko na si Yoongi, yung yakap niya, yung halik niya, ngiti, tawa, buong detalye ng mukha niya.. lahat yun gustong gusto kong makita ngayon.



"Jimin!" hindi ko pinansin si Mom na pumasok, malamang ay kinuha niya ang susi kaya nakapasok. Narinig ko ang malakas niyang pag buntong hininga ng hindi ko siya sagutin. "Oh!" napatingin ako sa initsa niya sa kama at nag taka ng makitang susi iyon. "Pwede ka ng lumabas, have some fun, mamasyal ka— whatever. Heto ang bago mong cellphone" initsa niya rin ang cellphone.


"Nasan yung dati kong cellphone?" tanong ko.


"Ewan ko kung saan na nakarating, matagal ko ng pinatapon" sagot niya at sinundan ko siya ng tingin ng talikuran niya ako. Kinuyom ko ang dalawang kamao ko habang nag pipigil umiyak.






---

"Jimin! I'm home!"

Mabilis kong nilapag ang plato para pumunta sa sala. "Yoongi-ah" mahigpit ko siyang niyakap "Happy anniversary" bati ko at hinalikan siya sa labi. Naramdaman kong mahigpit niya akong hinawakan sa baywang. Nang mamalayan kong lumalalim na ang halikan namin ay napasinghot ako. Suminghot rin siya.


"Bakit parang may nasusunog?"


Natigilan ako at nanlaki ang mata "Putangina yung niluluto ko!"  agad akong tumakbo papunta sa kusina.


"Hehehe!" natawa pa!. Bakit naman kasi ganun siya humalik? Hindi ako makatanggi.


Inalis ko ang pan at nilagay sa mesa, pinatong ko ito sa basahan. Napakamot ako sa batok ng makitang sunog yung fried chicken. Napanguso akong tumingin sakanya "Sorry"


Nakangiti lang siya habang nakatingin saakin "Ayos lang, sanay naman na ako tch hehe" natatawang sagot nito at nilapag sa isang upuan ang kanyang bag.


Inirapan ko naman siya at kumuha ng tubig sa ref. Wala naman kasi akong pweseng gawin kundi ang pag silbihan siya dito sa bahay. Hindi rin naman kasi ako natatanggap sa trabaho dahil under grad ako, at isa pa kung matanggap man ay nasisibak rin dahil sa kagagawan ni Mom. Ang dami kasi niyang koneksyon e. Binenta ko na nga yung cellphone ko para may pambili ng stocks dito sa apartment, ayoko kasing maging pabigat.


"Oh? Badmood?" napasinghap ako ng yakapin niya ako sa likod "May regalo ako sa'yo"


"Hm?" imik ko at pinakita niya saakin ang isang pahabang box. Humarap ako sakanya.


Still With You [AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon