Yoongi's pov
"Pasensya na bro, hindi ko naman alam na sobrang bagsik pala niyang si Mrs. Park" inis na sabi ni Hoseok at padabog na sinandal ang map.
Sa iglap nawalan na naman ako ng trabaho.
"Ayos lang" sagot ko. Actually hindi talaga ayos, saan na naman kaya ako mag hahanap ng trabaho neto. Saan ako kukuha ng pambayad ng apartment, saan ako kukuha ng budget, saan na naman ako pupulutin.
Tinakot ni Mrs. Park si Hoseok na kung hindi niya ako sisibakin sa trabaho ay aalisin niya ang clinic nito. Itong clinic ay nakatirik sa lupain ng kamag anak nila Jimin. Ayoko ring namang madamay si Hoseok lalo na't alam kong pinag hirapan niya itong pagpapatayo ng clinic niya.
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang isang sobre "Sahod mo"
Napansin kong medyo makapal ang laman ng sobre kaya sinilip ko ito. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ang laman nun, mabilis kong kinuha ang kamay niya habang umiiling "Bro, masyado 'tong malaki. Dalawang araw lang naman ako nag trabaho e—"
"Bro" binalik niya ang pera sa palad ko "Kahit hindi mo sabihin, alam kong nagigipit ka na ngayon dahil kay Mrs. Park. Kunin mo na 'to"
Bumagsak ang dalawang balikat ko at bumuntong hininga "Ibabalik ko rin, pag nakaluwag luwag na ako. Salamat bro" hindi na ako mag iinarte, kakapalan ko nalang ang mukha ko dahil kailangan ko talaga ng pera ngayon.
"Gagawin talaga lahat ng bruha na yun para layuan mo yung anak niya ano? tsk tsk" napailing nalang ito dahil sa pag kadismaya at tumango naman ako. "Alam mo, kung susuko ka man maiintindihan kita sa lupit ba naman ng witch na yun"
Tipid akong natawa at napailing "Hindi ko gagawin yun. Sige mauna na ako, salamat bro" paalam ko at tumango naman siya.
"Ingat, baka bigla nalang may bumangga diyan sa'yo sa labas haha!" biro pa niya at napailing nalang ako.
Pag labas ko ng clinic at umangkas ako sa motor ko hanggang sa may maisip akong ideya. Napatingin ako sa motor ko.
Kaya ko naman mag commute'
Sinangla ko yung motor ko sa isang kakilala, magagamit ko yung pera pambayad sa apartment at iyong iba, itinabi ko muna para incase may emergency ay may dudukutin ako.
*ting*
Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng tumunog ito.
From: Jimin
Sunduin mo ako dito sa bahay ni Mom. I'll wait you.Napakunot noo ako ng mabasa ang text niya hanggang sa maalala ko na ngayon pala ang birthday ni Mrs. Park.
To: Jimin
Otw na poPero nag tataka lang ako, bakit kailangan niya pang mag pasundo e alam naman niyang banned ako sa bahay nila. Mamaya, nag hire pala ng assassin ang mom niya at hindi na ako makauwi ng buhay.
Nag commute ako papunta sa village nila, bakit nga ba nawala sa isipan ko na birthday ngayon ni Mrs. Park at kailangang pumunta ni Jimin. Malamang only child, talagang mao-obliga siyang pumunta.
Mahigpit akong nakahawak sa strap ng messenger bag ko habang papalapit ng papalapit sa bahay na pinang gagalingan ng ingay.
"Mr. Min Yoongi?" napataas ang dalawang kilay ko ng tawagin ako ng isang guard. Alanganin akong tumango. "Pumasok na po kayo, hinihintay na kayo ni Mr. Park"
BINABASA MO ANG
Still With You [AU]
RomanceYoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022