Jimin's pov
Habang nakatingin sa painting ay bahagyang nanliit ang mga mata ko rito. Napakapamilyar nito saakin. Natigilan ako ng makita ko ang nasa ibaba ng canvas at nag taka ng makita ko ang pangalan ko sa ibaba ng pirma.
Namalayan ko nalang na ilang segundo na akong nakatingin dito, pinipilit maalala kung anong kinalaman saakin ng painting habang si Yoongi ay nakatingin sakanyang cellphone.
Binasa ko ang pang ibabang labi ko at humigpit ang pag kahawak sa canvas.
"Painting ko 'to?" tanong ko at tumingin sakanya. Mabilis siyang tumingin saakin at ibinaling ang tingin sa canvas na hawak ko. "Yoongi, painting ko 'to" panunubok ko dahil malay ko kung painting ko ba talaga itong hawak ko o kapangalan ko lang ang gumawa.
Ngunit sa reaksyon ng mukha niya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa canvas ay mukhang alam ko na ang sagot.
"Yoongi, painting ko 'to diba?"
"Ah.. hehe" nag kamot siya sa batok "Oo, ikaw ang.. m-may gawa niyan" nauutal niyang sagot at ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone niya "Kinuha ko doon sa, dati mong apartment. Hindi mo na yun maaalala" dugtong niya pa.
Puno ng pag tataka ang mukha ko "Bakit hindi mo nabanggit saakin kanina 'to?"
"Nawala sa isip ko e, iyan din yung isang sadya ko kung bakit ako dumalaw dito" sagot niya at nakatingin lang sa screen ng cellphone niya.
Ito ang sadya niya pero nakalimutan niya, nung nakita ko itong mga canvas habang nasa labas ako ng sasakyan ay hindi niya rin binanggit saakin na kinuha niya ang mga ito sa dati kong apartment.
Sinungaling'
Bakit kailangan niyang mag sinungaling saakin tungkol sa mga paintings na ito?.
Inayos ko ang boses ko "Kung ganun, matalik nga tayong mag kaibigan dati" ngumiti ako at tumingin siya saakin saka tumango. "Pwede mo ba akong dalhin sa apartment ko dati?" tanong ko at muli na naman siyang natigilan.
"Hindi— uhm.. may iba na kasing nakatira dun. Ang sabi ko.. Hindi na ako babalik" sagot niya at tumingin siya sa aircon saka niya tinutok sa gawi niya. Napansin ko ang pamamawis ng noo niya.
"Gusto ko lang malaman kung anong pangalan ng building" tipid na ngiting sagot ko "Gusto ko rin namang silipin, kung anong buhay meron ako dati. Yun ay kung may oras ako para bisitahin iyon. Gusto ko lang malaman ang pangalan"
Kita ko sa adams apple niya ang pag lunok na ginawa niya "Lim Residence" sagot niya at tumango ako.
"Kung ganun.. kukunin ko na ang mga ito" tugon ko at mabilis siyang napatingin saakin. "Gamit ko naman, kaya kukunin ko na" dugtong ko.
"S-sige" sagot niya.
"Baba na ako, salamat" paalam ko at ng akma na akong lalabas ay napatingin ako sakanya ng hawakan niya ako sa braso. Parang may tinatago talaga siya saakin. "Ano?"
"Ah.." binitawan niya ang braso ko "W-wala. Sige baba ka na" dugtong niya at tumango naman ako saka tuluyang bumaba ng sasakyan dala dala ang mga canvas. Pag sara ko ng pinto ay hinitay ko muna siyang makaalis bago ako muling pumasok sa loob ng ospital.
Habang nag lalakad papunta sa kwarto ni Mom ay hindi mawala sa isip ko ang mga naging reaksyon ni Yoongi habang tinatanong ko siya. Pakiramdam ko ay hindi siya bihasa sa pag sisinungaling, kada may itatanong ako ay parang gusto niyang iwasang sagutin.
BINABASA MO ANG
Still With You [AU]
RomanceYoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022