Ate
"Galingan mo sa math, Ranollo!" Hindi ko alam kung isa ba iyong natural na payo galing sa isang ama o sadyang hindi siya interesado sa panitikan.
Ibinaba ko ang certificate ko na nagpapatotoong ako ulit ang nagkamit ng unang pwesto sa essay writing para sa buwang ito. Bumaba ang tingin ko at halos ayaw na siyang tingnan pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Madali lang maaral ng mga kaklase mo 'yang paggagawa ng mga essay na 'yan! Ang pag-solve ng mga math problems, hindi nila 'yon basta-basta matututunan!"
My brothers and sister grew up apart from me. Siguro ay dahil ang age gap namin ni Kuya Raki ang pinakamalaki at ako na ang bunso sa apat na magkakapatid. O baka sadyang inilayo nga ako sa kanila ni Papa.
Hindi ako pinapayagan ni Papa na makipaglaro kina Kuya noon. I've always been busy taking lessons, karate, reading a book, learning different languages, or solving math.
I love math before, but because of the pressure, I grew to hate it.
Kapag nakikita kong magkakasama sina Kuya at Ate, nag-uusap at nagtatawanan, gusto kong makisali. Gusto kong malaman kung anong pinagtatawanan nila. Gusto kong makilala sila.
But even if we do not always talk, we are still a family... I told myself.
That's what matters. We are together.
Not until I woke up one time in the middle of the night, my Mama was crying while brushing my hair using her fingers. She was trying to hide her sobs, but unfortunately, she couldn't.
"Mama, why are you crying?" Kumurap ako at bahagyang bumangon.
"Nothing, baby," she smiled.
"You look hurt."
Lalo siyang umiyak. Naguluhan ako bigla.
"Yes, Mommy's hurt." Tumango siya.
"That's okay. Papa said the ones who hurt us, truly loves us," ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang pisngi niya.
Humina ang kaniyang pag-iyak at napatitig sa akin nang humihikbi pa rin. "When did he say that?"
"When I got mad at him because he hurt me."
Tuluyan na siyang napabangon. "He hurt you? How? When?" Pinunasan niya ang kaniyang mga mata at tuluyan na akong pinabangon mula sa pagkakahiga.
"Always. When I'm writing, refuses to solve math problems, or some other times when we're just casually talking. Always." Nagkibit balikat ako.
Palaki nang palaki ang mga mata ni Mama nang marinig ang sinasabi ko. She pulled the sleeves of my pajama top and checked both of my arms.
"That...bastard..."
Tiningnan din niya ang binti ko. Pati tiyan. I was confused as I watch her face change minute by minute.
Mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas ng aking silid. I looked for my slippers and struggled to get out of my high mattress to follow her outside.
"You fucking bastard! I'm trying to protect our marriage for my kids and you dare to hurt them?!"
Umalingawngaw ang boses ni Mama sa buong bahay. Nakatayo lang siya sa may pintuan ng kanilang silid at galit na galit kay papa. I covered my ears because their loud voices hurt so much.
"Tinitiis ko ang mga ginagawa mo! And now, even my kids?! When I'm working?!"
"That's why I'm telling you to stop working..." narinig ko ang boses ni Papa.
YOU ARE READING
All Is Not Lost
RomansInterstice #2: Who do you call when you need help? Who do you run to whenever you're going through something you cannot handle alone? Who do you share your secrets with? Kallista Annistin Famorca has always believed that she can handle everything o...
