Chapter 1

33 2 0
                                    


WARNING:
This story contains abuse, trauma, suicide, depression, and other themes that might trigger some readers.
Reader discretion is strongly advised.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Blanket

Santi... I always meet him under unfortunate circumstances. Hindi ko alam kung bakit... pero lagi talagang sa mga hindi inaasahang panahon kami nagkikita.

It was the first day of my freshman year in college. Unang araw pa lang, absent na ako. Sumilip ako kanina sa room namin at nakita kong nag-di-discuss na iyong isang prof kahit first-day pa lang. Ngunit ganoon man, wala na akong pakialam.

I went to the unused building behind the large gymnasium. Ni-re-renovate ang mga rooms doon kaya walang students. A good spot that I found as a hiding place.

Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko dahil sa sama ng loob. I wanted to pursue medicine, but my father enrolled me in Business Management. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong pumili ng kukuning kurso. Siguro nga ay puwede naman akong magtuloy sa medisina kahit itong business ang kukunin kong pre-med, pero mas malabo na iyong mangyari gayong ito na ang tatatak sa isip ni Daddy.

Umakyat ako sa second floor para sana mas tago. The other rooms are locked, but you can go inside through the enormous windows. Doon ako pumasok sa isang silid kung saan namataan kong maraming libro.

Umihip ang malakas na hangin pagpasok ko. Pinunasan ko ang aking mga natuyong luha at dumiretso sa may bintana roon upang doon magmunimuni.

I was staring at the peaceful scenery and I was starting to give myself a rosy outlook to divert my attention when I heard voices nearing where I am. Natabig ko ang ilang libro nang humakbang ako papalapit. Pagyuko ko upang limutin ang mga iyon, may humila sa akin papunta sa ilalim ng receiving table roon.

Gulat na gulat ako at mapapasigaw na sana kung hindi niya lang tinakpan ang bibig ko. It was the guy who hugged me before. Hindi niya na siguro ako kilala, pero tandang-tanda ko siya.

"Shh, 'wag ka maingay," bulong niya sa tainga ko at iniayos ako ng upo.

Hindi kita ng nasa kabilang side kung may tao bang nagtatago rito sa side namin. It was one sided and looks like the typical receiving table in libraries or any buildings.

Papalapit nang papalapit ang mga boses at palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib ko. I moved a bit but Santana immediately ducked my head. Humampas ang pinto sa dingding, senyales na rito sa silid na ito pumasok iyong mga tao.

Masyadong maliit iyong table kaya sikip talaga kami. Halos yakap na niya ako sa likod—no, scratch that. Yakap niya na talaga ako mula sa likod at ang kanang kamay ay nakatakip pa rin sa bibig ko.

"Oh, I didn't know there's a beautiful room in this school." May halong lambing sa boses ng isang babae ang narinig namin.

"Cynthia..." a man moaned that freaking surprised me.

"Sandali lang... why are you such in a hurry? Oh—" May kumalabog. Napapikit ako at unti-unting natanggal ang pagkakatakip ni Santana sa bibig ko.

Pumikit ako nang mariin at tinakpan ang aking tainga. The man behind me put his hand over mine, covering my ears as well.

"Oh, fuck, Raymond..." the woman moaned.

They were moaning so loud that a couple of hands is not enough for me to not hear them. Lalo na nang ibang tunog na ang marinig namin.

How can this man behind me stay calm? Ako rito ay halos masuka na sa mga naririnig. Kung puwede lang akong mawala rito at lumipat sa ibang lugar. This is so embarrassing.

All Is Not LostWhere stories live. Discover now