Grapes"Anong ginagawa mo rito—what happened to your arm?!" Ibinulsa ni Kuya ang kaniyang cellphone at lumapit sa akin.
Napalunok ako at kaagad itinago ang mga kamay sa likod.
The front door opened again and a man who looked like Santi came in. May dala ring mga libro at nakalagay sa balikat ang white coat. He was amused when he saw me.
"Hello!" bati niya at dumiretso sa couch malapit sa akin.
He looked at Kuya with a confused face and then back to me. Binaba niya ang mga gamit niya at umupo saglit para matitigan kami.
"Anong nangyayari?" naguguluhan niyang tanong.
"What happened to your arm?" tanong ulit ni Kuya sa akin.
"Anong arm?" 'Yung kaibigan ni Kuya.
The door opened for the third time and it revealed Santi. Nasa akin kaagad ang tingin niya pagpasok. A few steps in and Kuya glanced at his back to see what am I looking at.
"What..." Kuya mumbled.
"Hey, Santi!" bati ng kaibigan ni Kuya.
"Kuya," saad ni Santi nang makita ang mga taong naroon.
"Bakit ka nandito, Kalli? Are you two together? Siya ba ang may gawa niyang sugat mo?" tanong ni Kuya at lumapit lalo sa akin, parang gusto akong ilayo hangga't maaari kay Santi na kadarating lang.
Hindi ako nakasagot lalo na nang nakita na niya nang malapitan ang sugat ko. Napalunok ako sa sobrang kaba.
"Hoy, may relasyon ba kayo ng kapatid ko? Bakit mo ibinabahay rito? Simula kailan pa?" kay Santi na nagtanong si Kuya.
"W-Wala kaming relasyon," sagot ko sa kaniya at iniharap siya sa akin para hindi siya nagmumukhang nagbabanta kay Santi.
Santi walked towards us. Nakatingin siya sa akin bago sa kamay ko. He went beside the couch and dropped his bag there.
"Oh!" Tinakpan ni Kuya Rafi ang kaniyang bibig. "Santi, nanliligaw ka?" hindi makapaniwalang tanong ng Kuya niya sa kaniya.
"Bakit? Hindi ba mukhang kaligaw-ligaw ang kapatid ko, Rafi?" galit na saad ni Kuya.
"Pre, hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Grabe, bakit galit ka agad." Ngumuso iyong si Kuya Rafi at bumaling sa kapatid niya. "So, nanliligaw ka nga?"
"Hindi po," sagot ni Santi habang nakatingin sa akin.
"Naku, sayang! E di sana in law ako ni Kalli!" si Kuya Rafino.
Sinamaan ng tingin ni Kuya ang kaibigan niya bago bumaling sa akin. "Bakit nandito ka? Kailan pa? Tinext kita kagabi at sabi mo nasa bahay ka," bulong ni Kuya sa akin, ayaw na iparinig sa magkapatid ang usapan namin.
"Tutor ko si Santi," I answered out of tension. "May isa akong subject na mababa tapos sabi ng Prof ko lumapit sa higher level na may katulad ng subject dati." Damn. I lied too much, I feel bad.
"Bakit 'di ka sa 'kin magpatulong?" nagtatampo ang tono ni Kuya at umupo kami sa couch.
Napalunok akong muli at ngayon lang naalala na pareho kami ng kurso. "U-Uh, alam kong busy ka eh."
Bumuntonghininga siya at tumango. Hawak na niya ang braso kong may tapal ngayon at iyon naman ang sunod na tinanong.
"Nasugatan ko ang sarili ko habang... nag-ro-roller skate." Nakagat ko ang labi ko at nagdasal na sana ay maniwala siya. Huling beses ko na pong magsisinungaling!
YOU ARE READING
All Is Not Lost
RomanceInterstice #2: Who do you call when you need help? Who do you run to whenever you're going through something you cannot handle alone? Who do you share your secrets with? Kallista Annistin Famorca has always believed that she can handle everything o...