SANTY
"BANGON! Bilis!"
I bolt from my sleep, eyes fixed on the steel door where a tall shadow was standing, filling the whole space.
"Sabing tayo."
Nahila ko ang kumot pantakip sa mukha ko nang tumama ang pintuan sa pader. The sound it made caused my heart to jackknifes against my chest. It's ubearable I had to wince. Whatever the hell they want from us or me, I'm not liking a bit of it. Huling beses na sapilitan kaming inilabas dito, half of my soul was lost and devastated.
Pero sa kabilang banda, naisip kong maaring sa paglabas naming ito makakuha ako ng chance na makatakas sa presong kinasasadlakan ko. Kung paiiralin ko ang takot at karuwagan, bangkay akong ihahahatid kay Seven and I can't allow that to happen. Won't.
I will always come for you. So baby, make sure that you live.
Seven's words kept repeating inside my head like a chant. Gaya ng palaging nagiging reaksiyon ko sa mga iyon. I'm braver and recharge.
"Asshole. Nakatali kami. Try mo kayang kalagin 'to," asik ni Eli.
Mula sa aking pwesto kita ko ang nakasalampak na bulto ng kapatid. Tumatabing ang mahaba't itim nitong buhok sa buong mukha pero kabisado ko ang mga pasang nasa mukha niya. She and her big mouth got the better of her last night.
Eli's shrilling voice once again filled my head making all the hairs on my body shoot up. The bloody scene last night was still vivid to me. Eli's plea, the man's cruel laughter, and the ear...Marahas akong umiling nang maramdamang nagsisimula nang bumaliktad ang sikmura ko. I need to control myself dahil ayokong maulit ang mga pangyayari kagabi. Heto nga't sariwa pa sa pisngi ko ang ebisdensiya ng sampal na tinamo kagabi.
"Aba't hindi ka pa rin nagtanda? Dapat hindi lang tainga mo ang pinutol namin, pati iyang dila mo!"
Napangiwi ako't naikuyom ang mga kamao. May awa akong naramdaman para sa kapatid at matinding galit sa lalakeng ngayon ay hinahatak ito patayo.
"Dencio, tigilan mo 'yan. Parating na raw ang big boss. Mayayari tayo kapag wala pa 'yang dalawa sa labas."
"Bwesit kasi 'tong isang 'to. Maaskad ang dila."
"Alin 'tong bata ni Ortiz? Intindihin mo na lang. Nagoyo eh. Ikaw ba naman ibenta ng syota mo hindi ka magagalit?" Nakangising wika nito habang malisyosong nakatitig kay Eli, "Ginamit ka lang ni Jeff Ortiz, miss beautiful. Kahit gaano ka kaganda't ka-sexy, mas matimbang sa kanya ang kinang ng salapi."
"Fuck you both!"
Tinawanan lang ng lalake ang kapatid ko saka marahang lumapit sa akin. Nakatayo na agad ako bago pa man nito mahawakan ang braso ko. I bow my head, pursed my lips. Right now, I need to be smart on picking my battles.
"Labas."
I bite the inside of my cheeks, slowly submitting to their commands. Relief and hope coursed through me when I stepped my feet outside the door. Last night I missed the chance to do some recon of the whole place 'cause we've been blindfolded. Tinanggal lang ng mga iyon ang takip ko sa mata nang nasa gitna na kami't kinakausap ni Benjo– ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng kung sinumang dumukot sa amin.
Chancing a glance, I'm discreetly cataloging every nook and cranny of this hellhole. I need to find possible exits—a small door or a window, isa lang ang goal ko ang makatakas rito. After a few beats, napagtanto kong nasa isang luma at malaking warehouse kami. Base na rin sa mga huni ng ibon at kuliglig na narinig ko sa loob ng ilang araw nasa isang kagubatan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/194216798-288-k870686.jpg)
BINABASA MO ANG
S7VEN (La Familia Kingpin Series #1)
RomanceTAG-LISH | COMPLETE "I'm beyond bad. The worst straight fucked up. I don't want to drag you into my world because for once in my life I cared for someone. Truly cared for them. For their soul. But I'm the Devil, Santy and I get what I want. Always...