Tubero
Halos hindi ko maiangat sa sahig ang bawat paglakad ko papuntang dining area. Pupungas-pungas pa rin ako kahit alas dose na ako ng tanghali na nagising at ngayon lang kakain.
“Si Mama?” tanong ko kay Pen nang maabutan ko itong nagpupunas ng lamesa.
“Maaga po umalis. Luluwas daw ng Manila para makausap si Uncle Jack mo.”
Napabuntong hininga nalang ako at napailing-iling. Sinimulan kong sumandok ng kanin at ulam. Saglit akong napatigil at napadako ang tingin papuntang library. Sana ay sumama na rin kay Mama paalis ang lalaking ‘yon. Sana ay natauhan naman siya kahit kaunti.
“Juice, Ma'am?” alok sa akin ni Pen. Umiling ako at tumayo.
“Gusto ko ng kape. Ako na ang magtitimpla.”
Dahil tanghaling tapat na rin naman ay pinili ko lang gawin ang Ice coffee.
“Baka biglang tumawag si Mama mamaya at hindi ko masagot, pasabi na pumunta ako kina Rowi.” Bilin ko kay Pen habang naghahalo. Hindi sumagot si Pen kaya nilingon ko ito. Halos mabitawan ko ang hawak na ice coffee nang maabutan ko si Brylee na nakatayo sa harap ng fridge habang kumukuha ng tubig. Hindi ako agad nakagalaw sa pagkabigla.
“Who’s Rowi?” malamig na boses nito na nagpabalik sa akin sa wisyo. Bumalik ako sa mesa para magpatuloy sa pagkain.
“Anong ginagawa mo rito?” mariing tanong ko. Umangat ang matalas kong tingin sa pag-upo nito sa kaharap kong upuan. Nakahalukipkip ang mga braso nitong nakatingin sa akin.
“I'm staying here.”
Humigpit ang hawak ko sa mga kubyertos. “Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko sa ‘yo kahapon? I want you to leave…” mahina ngunit madiing sambit ko.
Tumaas ang kilay nito sa akin at binalewala ang aking sinabi.
“Oh baka naman may hidden agenda ka kaya hindi ka makaalis-alis kahit pinagtutulakan na kita?” sarkastikong ngisi ko. Lalo akong napangisi nang makita ko ang paggalaw ng panga nito at pagdilim nang tingin.
“Nakiusap ang Mama mo sa akin at hindi ko ‘yon magagawang tanggihan.”
Nawala ang ngisi ko at binitawan ang kubyertos.
“Pwes nakikiusap din ako sa ‘yong umalis ka na rito at huwag ka nang magpapakita. Mapagbibigyan mo ba ako?” paghahamon ko. Nilabanan ko ang mga titig nito at kalaunan ay siya ang unang bumitaw.
“Kailan ba kita pinagbigyan?” pabalik na tanong nito sa akin na tuluyang nagpatahimik sa akin. Tuluyan akong nawalan ng lakas ng loob na magsalita pa. Padabog akong tumayo para mag magmartsa paalis.
“Tapusin mo ang pagkain mo. Wala ka pang nakakain.”
Binalingan ko ito ng may matalim na tingin. Kung nakakapatay ang mga tingin ko ay tiyak kong nakahandusay na siya.
“Nawalan na ako ng gana!”
Mabigat ang bawat hakbang ko paalis dahil sa galit ngunit napahinto ako sa paglalakad nang naramdaman ko ang mainit pa palad sa aking braso.
“Next time, siguraduhin mong naka bra ka bago bumaba rito. Hindi lang ako ang lalaki ngayon dito, nagpadala pa ang Mama mo ng dalawang bodyguard.”
Nanlalaki ang mga mata ko ngayon kay Brylee. Nakita ko ang pagbaba nito nang tingin sa suot kong maluwag na t-shirt. Napalunok ako at nakaramdam ng pagkapahiya. Malakas kong hinigit ang aking braso saka mabilis na umakyat sa aking kwarto.
Pagdating ko sa aking kwarto ay isinubsob ko ang aking mukha sa unan at malakas na sumigaw. Inilabas ko ang frustration na nararamdaman ko sa pagsigaw. Hinihingal akong napatihaya sa paghiga at pinapakalma ang sarili.
“Bakit ka pa bumalik?” may poot na tanong ko habang nakatitig sa kisame.
He show up after what happened 3 years ago. Akala ko ay kakainin na siya ng konsensya at mahihiya nang magpakita sa amin. Pero ang lakas talaga ng loob niya na magpakita na parang walang nangyari. It makes me furious because after all, I didn’t hear an apology from him for what he did to my family. Kasalanan niya ang lahat kung bakit ako nagtatago rito sa Bukidnon. Isinisisi ko sa kaniya ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Everything was his fault for his selfish decision.
Palabas ako ng bahay papunta kina Rowi nang maabutan ko si Brylee at ang sinasabi niyang dalawang bagong bodyguard na nakatambay sa Lanai. Agad itong napatingin sa akin at ginawaran ko naman ito ng irap saka tuloy-tuloy na naglakad palabas ng gate. Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nung maalala ko ang TV na ibibigay ko kina Rowi. Hindi kasi pumunta si Mario para kunin iyon kaya pinag-iisipan ko ngayon kung babalik ako sa bahay para bitbitin iyon. Lalo na't hindi naman iyon kabigatan.
“Saan ka pupunta?”
Napaigtad ako sa gulat nung may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Brylee na nakasunod sa akin habang humihithit ng sigarilyo.
“Wala kang pakialam kahit saan ako pumunta!” tumuloy ako sa paglalakad at nagbago na ang isip na balikan ang TV.
“Bawal ka na pumunta kung saan-saan ngayon. Delikado na.” Sumabay ito sa akin sa paglalakad sabay buga ng usok ng sigarilyo. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at itinapon. Sumasakit ang ulo ko sa amoy ng usok ng sigarilyo.
“Mukha ba akong delikado dito sa bukid? Sino papatay sa akin dito? Kalabaw? Baka? Kambing?” pairap na tugon ko.
“Hindi natin masasabi. Baka may nagpapanggap lang diyan sa paligid mo. That’s why I need to stay always beside you.”
Sarkastiko akong napasinghal. “Hindi mo ako kailangan sundan. Ligtas ako rito dahil sa dalawang taon ko dito, walang nangyayari sa akin. Kaya hindi kita kailangan. I don’t need a useless and incompetent personal bodyguard.” Pang-iinsulto ko sa propesyon niya.
“You have grown up a lot but you are still the stubborn girl that I know.” Umangat ang gilid ng labi nito. Hindi ko malaman kung pang-iinis ang sinabi niya.
“You can insult or call me whatever you want but no one can change my mind. I'll stay here with you, Aloisia,” dagdag nito.
Pasiring ko itong tinalikuran. Oo, ako pa rin yung Aloisia na matigas ang ulo at walang pinakikinggan. Sutil at isa pinaka problema ng pamilya. Kaya sisiguraduhin ko ring magiging problemado yung Brylee na ‘yan hanggang sa kusa siyang umalis.
“Yuck!” nandidiring sigaw ko. Nang dahil sa pagmamadali ko maglakad at okupado ang isip kung paano ko mapapaalis sa buhay ko si Brylee, ay hindi ko napansin ang dumi ng hayop na siyang naapakan ko.
“Anong nangyari?” paglapit sa akin ni Brylee. Napatingin ito sa aking paanan at bahagyang napatawa. “Jackpot..” bulong niya.
Nagngitngit ako sa galit. “Kasalanan mo ‘to!”
“Paano ko naging kasalanan? Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.”
“K-Kung hindi mo ako sinusundan, edi sana hindi mabilis ang paglakad ko!” giit ko.
“Okay fine. Kasalanan ko na. Halika humanap tayo kung saan ka pwede mag hugas.” Hinawakan nito ang aking kamay para igiya.
“Aloisia?” pagsulpot ni Rowi mula sa aming likuran. May dala itong bayong at nagtataka sa aming nakatingin. Mabilis kong hinaltak ang aking kamay mula kay Brylee bago pa man iyon mapansin ni Rowi.
“Bakit ka sumisigaw? Saka….sino ‘yang kasama mo?” mahina pa nitong binunggo ang aking balikat.
Tinapunan ko naman nang tingin si Brylee. “Tubero,” sagot ko kay Rowi. Umawang ang labi ni Brylee sa naging pakilala ko sa kaniya.
“Tubero? Ang gwapong tubero.” Nanunuksong tingin ni Rowi. Nilakihan ko ito ng mata.
“Tara na sa bahay. Isama mo na rin ‘yang kasama mo, doon na kayo mag meryenda. May ipapasuyo na rin ako, Mamang Tubero.” Pag-aya nito.
“Ah hindi. Uuwi na siya.” Bumaling ako kay Brylee. “Hindi ba uuwi ka na?”
Nanliit ang aking mga mata sa pag-iling nito.
“May ipapasuyo raw ang kaibigan mo.”
“Yung gripo kasi namin doon sa banyo, Aloisia, nagkasira ngayong umaga lang. Baka kaya gawin ng kasama mo kasi wala si Mario. Hindi ko kaya ‘yon gawin.”
“H-Ha? Pero….” Hindi ko malaman ngayon kung paano sasabihin kay Rowi na hindi tubero itong kasama ko at walang kaalam-alam sa ganung bagay.
“Sige, titingnan ko kung kaya kong gawin,” pagsagot ni Brylee. “But first, paghugasin muna natin ng paa si Aloisia.”
“Oh!” natawa si Rowi nang makita nito ang paa at tsinelas ko na may dumi ng hayop. “Doon ka muna mag hugas sa patubig. Maghugas ka nalang ulit sa bahay.”
Pumunta ako malapit sa bukid kung saan may umaagos na tubig papunta sa mga panamin. Si Brylee naman ay naghihintay sa akin kasama si Rowi.
“Tara na? May niluto akong paborito mong kakanin, Aloisia,” masayang ani ni Rowi at sinabit ang kamay sa aking braso. Pumunta kami sa bahay nila Rowi at nasa likuran naman namin si Brylee. Pagdating namin doon ay agad akong dumiretso sa poso nila Rowi para magsabon ng paa. Si Brylee ay iginiya ni Rowi na gagawing gripo. Napasinghap ako sa pag-iisip kung paano niya iyon gagawin. Bahala siya! Mapanggap siyang may alam tutal pumayag naman siya.
Dumiretso ako sa tambayang upuang kawayan at maya-maya pa'y lumalapit na sa akin si Rowi habang may hawak na plato na kinalalagyan ng kakanin. Sinipat ko ang likuran nito kung kasunod si Brylee pero walang Brylee na nagpakita.
“Oh! May meryenda ka muna. Paborito mo ‘yang suman sa latik.” Pag-upo ni Rowi sa tabi.
“Si…Brylee?” hindi ko napigilan ang magtanong.
“Brylee? Brylee pala pangalan nung tubero na ‘yon. Bango ng pangalan ah.”
Napailing-iling ako at binalingan ang pagkain.
“Tinitingnan kung kaya niya gawin. Maya-maya lang lalabas na ‘yon,” sagot nito.
“Taga-saan ‘yon? Halatang hindi taga dito.” Pag-uusisa ni Rowi.
“Hindi ko alam. Dinala lang ‘yan ni Mama dito dahil madalas masira yung…yung gripo sa bahay.” Pagsisinungaling ko.
Kaibigan ko si Rowi pero hindi ko masabi sa kaniyang ang totoo, na ang lalaking kaharap niya kanina ay ang lalaking kinukwento ko sa kaniya. Buti nalang at nakalimutan na niya ang pangalan non.
“Gwapo.” Pagngisi nito at maharot na tumawa. Lumingon pa ito dahil baka biglang sumulpot si Brylee.
“Jusko, Rowi, apat na anak mo kay Mario baka ipagpalit mo pa.” Pagtawa ko.
“Gwapo rin naman yung Mario ko no! Sarap paglihihan non. Matangkad, Moreno, at ang tangos ng ilong ah. Yung pilikmata, ang itim sa haba at kapal. Yung mata nga lang parang laging galit. Pero agad kong napansin yung braso at dibdib. Ang lapad ng dibdib at ang laki ng braso! Parang sa Mario ko lang.” Paglalarawan nito kay Brylee.
“Hindi halatang gwapong-gwapo ka, ah.”
“Aba syempre naman! Madalang lang ang ganyang mukha.”
Napasingal ako. “Common lang yung mukhang ‘yon. Mas marami pa akong nakitang mas gwapo at attractive.”
“Talaga? Ibig sabihin yung ganung mukha wala ng dating sa ‘yo?”
Bigla akong napaubo-ubo. Ibinaba ko ang kinakain at tinapik ang aking dibdib.
“W-Wala. Mas may dating pa yung kapatid niyan,” nauubo pa ring sagot ko.
“May kapatid pa siya?” hindi makapaniwalang mukha ni Rowi.
Tumango ako. “Oo, kaibigan ko.”
Si Neil ang tinutukoy ko. My close friend from La Union and he’s a younger brother of Brylee. Kasabay nang paglayo ko sa La Union ay siya ring pagputol ko ng komunikasyon kay Neil. Alam kong wala siyang kasalanan ng kuya niya pero wala akong pagpipilian dahil nung panahon na ‘yon ay ayoko magkaroon ng koneksyon kahit sinong malapit kay Brylee. Ganun ako naging miserable at nasaktan sa mga pangyayari.
“Oh, nandiyan na yung tubero,” bulong sa akin ni Rowi.
Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Brylee na naglalakad palapit sa amin. Basa ang suot nitong t-shirt at may konting basa rin ang pantalon. Ginawaran ko ito ng irap sa pagtingin sa akin.
“Halika rito, Brylee! Meryenda!” pag-alok ni Rowi. Tumayo si Rowi para lumipat sa katapat na upuang kawayan. Hindi ko pinansin si Brylee, basta naramdaman ko nalang na umupo ito sa tabi ko.
“Nagawa mo ba yung gripo?”
Tumikhim ang katabi ko. “Oo, madali lang naman.”
Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain habang nag-uusap si Rowi at Brylee. Kahit na ang mata ko ay nasa mga panamin, nararamdaman ko naman ang maya't-maya na pagsulyap sa akin ni Brylee.
“Fiesta sa bayan sa makalawa baka gusto mo sumama. Isasama ko si Aloisia para malibang man lang.” Nakuha ni Rowi ang atensyon ko.
“Sure, wala siyang choice kundi isama rin naman ako.”
Nagbabantang tingin akong tumingin kay Brylee. May pagtataka kay Rowi sa sinabi nito pero hindi na nag-usisa.
“Baka doon na makahanap ng forever si Aloisia. Baka makapili ka sa mga kasaling candidates sa pageant!” pagtawa ni Rowi. Hindi ko naman napigilan na mapatawa rin.
“Dapat maraming candidates na gwapo para marami akong choices.” Pagsabay ko sa biro ni Rowi.
“Ay bakla! Marami! May mga matcho ang katawan, may moreno, mestiso. All in one! I swear baka roon ka na makahanap.” Pagkindat nito sa akin.
“Matchong mestiso ang gusto ko,” natatawa pa ring deklara ko.
“I doubt that.” Pagsingit ni Brylee.
Parehong nawala ang ngiti namin ni Rowi. Malamig ang mga titig nito sa palayan bago bumaling sa akin.
“I doubt that…” ulit pa nito.
“Bakit? Alam mo ba yung tipo ni Aloisia?” nakapangalumbabang tanong ni Rowi na halatang interesado sa isasagot nito.
Hindi inalis ni Brylee ang tingin sa akin. Nakita ko ang bahagyang pagngisi nito. “Hindi…..wala lang sa mukha niya na magkagusto sa mestiso. Tama ba ako, Aloisia?”
Napalunok ako at tinigasan ang ekspresyon ng aking mukha. “Hindi. Baka noon ayaw ko pero ngayon…gusto ko na. Maraming pwede magbago, pwedeng yung ayaw natin noon, gusto na natin ngayon at yung gusto natin noon….pwedeng hindi na natin gusto ngayon.”
Saglit pa kaming nagkatitigan. Nawala ang emosyon sa mata niya at siya ang unang umiwas ang tingin. Inilingan ko lang si Rowi na nagtataka ang tingin sa akin.
Alas-singko na nung umalis kami sa bahay nila Rowi. Naglalakad na ako pabalik ng bahay, si Brylee ay nakasunod sa akin. Dahil hapon na ay malakas na ang hangin, kasabay ng pagsabog ng aking buhok sa hampas ng hangin ay ang pagkatalisod ko. Tila wala ako sa sariling naglalakad kaya hindi ko namalayan ang bato na nakaharang. Mabilis namang dumalo sa akin si Brylee para tulungan ako.
“Ano bang nangyayari sa ‘yo? Nasugatan ka ba?”
Hinawi ko ang kamay nito. “Bitawan mo ‘ko. Kaya ko tumayo.”
Kunot noo itong nakatingin sa akin. Sinapat ko naman ang aking tuhod na nagkaroon ng malaking gasgas.
“Halika, gamutin natin sa bahay ‘yan.” Muling kinuha ni Brylee ang kamay ko at muli ko itong hinawi.
“Can you please stop acting like we are good?! Stop being good to me dahil hindi na gagana ‘yan sa akin! Kasalanan mo naman ‘to lahat!” hinihingal na sigaw ko. Pagtataka ang bumalandra kay Brylee.
“Ano namang kasalanan ko?”
“Kasalanan mong bumalik ka pa!”
Napabuntong-hininga ito. “Fine! Kasalanan ko na lahat, inaako ko na lahat. Isisi mo na lahat sa akin pati pagkatalisod mo. Can we go home na para magamot ‘yang sugat mo?”
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya at unti-unting kumuyom ang aking kamao. Napatingin doon si Brylee. Alam kong hindi siya seryoso sa pag-ako ng lahat.
“Oo! K-Kasalanan mo lahat! Kasalanan mo kung bakit naging miserable ang buhay ko! Ang pamilya ko! Kasalanan mo ang lahat kung bakit kailangan ko magtago sa liblib na lugar na ‘to para mabuhay ng tahimik! Kasalanan mo lahat, B-Brylee! Kasalanan mo kung bakit….bakit namatay si Papa.” Umawang ang mga labi ni Brylee sa pagbagsak ng luha ko na punong-puno ng galit. Agad ko iyong pinunasan.
“K-Kung ginawa mo yung trabaho mo nung oras na ‘yon….edi sana ligtas siya. E-di sana…nakabawi ako sa kaniya. Kasalanan mo ang lahat, Brylee at hindi kita mapapatawad,” punong-puno ng poot na pahayag ko.
Hindi ko napigilan ang pagbugso ng galit ko. Naalala ko ang lahat yung araw na pinabayaan niya ang pamilya ko at hindi ginawa ang kaniyang trabaho. Naalala ko lahat simula nung pumasok siya sa buhay ko na sobra kong pinagsisisihan ngayon. Bumalik sa alaala ko lahat kung paano ako unti-unting nawasak. Walang siyang ginawa kundi panoorin akong nasisira habang siya ay unti-unting nabubuo kasama ang mapapangasawa niya.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...