Pagdating namin sa pangalawang paaralan ay sumalubong sa amin ang maraming estudyante at mga teacher. Kung kanina ay elementarya ang pinuntahan namin, ngayon naman ay mga high school students at may pasok pala sila ngayon kahit na sabado.
Kung kanina ay hindi magsalubong ang landas namin ni Brylee habang nagpapamigay ng mga school supplies, ngayon naman ay halos kasunod ko ito kahit saan ako pumunta. Katulong ko siya sa pag-abot ng mga gamit sa mga high school students.
“Ate, may ibibigay po ako sa ‘yo,” ani ng isang batang babae pagkabigay ko ng school supplies sa kaniya. Ibinaba nito ang dala at may kinuha sa bag. Pati si Brylee ay napatigil sa ginagawa at hinihinay din ang ibibigay sa akin ng bata.
“Ano ‘to?” nakangiting tanong ko.
“Regalo ko po, sana magustuhan mo.”
“Talaga? Ang bait mo naman, salamat.” Yumuko ako at ginawaran ko ito ng yakap.
Sumenyas ako sa isang staff na palitan muna ako. Binuksan ko ang bigay ng bata sa akin. Nakabalot iyon ng bondpaper at hugis picture frame.
“Ano ‘yan?” pang-uusisa ni Brylee.
Hindi ko siya sinagot at patuloy na inaalis ang balot.
“Oh….” Reaksyon ko ng makita ko iyon.
It is a charcoal painting. Kami ni Ate Alisha ang nasa painting na sa tingin ko ay high school pa ako rito. Alam kong may pinag-gayahan siya nito dahil mayroon akong copy nito sa cell phone ko.
“Ang ganda….ang galing naman niya. Kuhang-kuha yung mukha namin ni Ate,” masayang sambit ko habang nakatitig pa rin dito.
“Mukhang bata ka pa d'yan sa painting,” si Brylee na nakatingin din dito.
“First year high school lang ako dito. Graduating naman si Ate ng high school. Picture namin ‘to nung pagkatapos ng graduation niya,” hindi ko napigilan ang sariling ikwento.
Nakatoga pa si Ate Alisha rito at malaki ang ngiti habang naka akbay sa batang Aloisia. Mahahalata mo agad na close sila sa mga ngiti palang nito.
“You look like an innocent child,” komento ulit ni Brylee.
“Really? I smiled genuinely back then….” mahinang sambit ko at napatitig sa batang Aloisia. She was innocent and loved by the people around her. No one knows she would turn out as a rebel daughter. She also doesn’t know the world will be this cruel and the people who loved her could be the people who will hate her when she grew up. The young version of Aloisia Griselda changed a lot. She doesn’t even recognize herself now.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Brylee.
Kumurap ako upang bumalik sa aking wisyo.
“Oo,” tugon ko at sinenyasan ang isang staff na itabi ang regalong bigay sa akin.
“Pwede ka magpahinga kung pagod ka na,” dagdag nito. Umiling ako at bumalik sa pwesto ko kanina. Pinatuloy ko ang pagbibigay sa mga estudyante. Habang nag-aabot ng mga gamit sa mga bata ay nakuha ng atensyon ko si Xyra na lumipat sa tabi ko at tumulong din sa pagbibigay.
“Si Brylee?” tanong nito sa akin.
Tumingin ako sa paligid. Kanina ay nandito lang siya. “Hindi ko alam. Akala ko nagpapamigay din siya.”
Huminto ito sa ginagawa at lumibot ang tingin sa lugar. “Hindi mo ba inutusan?”
Umiling ako. Tumango ito at umalis ulit sa pwesto.
Hind naman siya talaga nandito para mag volunteer, dahil obvious naman na si Brylee ang ipinunta niya. Nawala lang sa paningin niya eh, hindi na agad mapakali.
Napalingon ako sa aking likuran nang maramdaman ko na may kumakalabit sa akin.
“Water.” Paglahad sa akin ni Brylee ng isang mineral bottle. Kinuha ko ito.
“Saan ka galing?”
“Diyan lang. Bakit hinahanap mo ba ‘ko?”
Napairap ako. “Hindi. Bakit naman kita hahanapin? Si Xyra hinahanap ka.” Binuksan ko ang tubig at ininom iyon.
“Kumuha lang ako ng tubig,” sagot niya.
“Nandoon si Xyra.” Pagturo ko sa direksyong pinuntahan ni Xyra. Sinundan ni Brylee nang tingin ang kamay ko.
“Ahmm…” pagtangu-tango nito.
“Puntahan mo.” Utos ko nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Tumaas ang dalawang kilay nito sa akin.
“Bakit?”
Ako naman ngayon ang tumaas ang kilay. “Anong bakit? Hinahanap ka natural puntahan mo.”
“Nasa trabaho ko,” deklara niya.
“Pinapayagan naman kita.”
Umiling ito sa akin at may kinuha sa kaniyang bulsa. Inilagay nito sa aking kamay ang itim na panyo. “Ikaw ang binabatanyan ko kaya ikaw ang hindi pwedeng mawala sa paningin ko. May pawis ka sa noo, I guess wala kang dalang panyo. You can use mine.”
Pumunta siya sa pwesto niya kanina at itinuloy ang pagpapamigay. Naiwan ako sa kinatatayuan ko na tulala at malakas ang kabog ng dibdib. Hindi tama ito. Itinutulak ko siya palapit lalo kay Xyra pero hindi niya mahayaan na mapalayo ako sa kaniya. Alam kong trabaho niya ‘yon pero hindi ko mapigilan na mabigyang kulay ang kilos niya. Bakit ganito? Habang lumalayo ako ay lalo namang lumalakas ang kabog ng dibdib ko para sa kaniya. Bakit parang lumalala lang ang lahat?
Natapos ang mission namin buong araw sa pagpunta sa tatlong paaralan. Inabot kami ng alas-sais ng gabi sa pagpapamigay. Kaya naman pagpanik ko sa sasakyan ay hapong-hapo ako. Naramdaman ko ang pananakit ng likod at pangangawit ng mga binti ko. Alam kong pati ang mga kasama ko ay napagod din dahil wala na halos kaming lahat energy. Mabilis na nakatulog ang ilang staff hindi pa man umaalis ang sasakyan.
“Brylee, nauuhaw ako,” boses ni Xyra pagpasok ni Brylee sa sasakyan.
“Meron dito hindi pa nagagalaw.” Pag presinta ko. Agad na umapila si Brylee.
“Bibili nalang ako sa labas, baka nabilad na ‘yan, Aloisia.”
Mabagal akong tumango at ibinalik ang miniral bottle.
“Thank you, Brylee…” malambot na boses ni Xyra.
Lumabas ulit si Brylee para ibili ng tubig si Xyra. Habang hinihintay na bumalik siya, I just figured out that there's no special to his actions….he just naturally kind. Ang ginagawa niya sa akin, ginagawa rin niya kay Xyra at kaya rin niya gawin sa ibang tao. Masyado kong na appreciate ang mga kabutihang ginagawa niya. I thought….there was special about it. At siguro ito rin ang dahilan nang pagkagusto ko sa kaniya. Masyado siyang mabait. Nagagawa niya yung mga bagay na hindi nagawa ng ibang tao sa akin.
“Buti pumayag ka na mag volunteer, Aloisia.” Pagbasag ni Xyra sa katahimikan. Nakabalik na si Brylee at umaandar ang van pabalik ng bahay.
“Wala naman akong choice,” tamad na sagot ko at humikab.
“Actually, magandang choice nga ‘yon. Makakalimutan ng mga tao ang mga past issues about you.”
Napatigil ako sa sinabi niya. Nanatiling nakatitig ang aking mata sa daan at narinig ko ang mahinang pagtikhim ng staff sa likuran.
“Xy….” Paglingon ni Brylee kay Xyra.
“What? I'm just saying na ang talino ng Papa ni Aloisia. Malilinis ang pangalan ni Aloisia sa ginawa niya, he just helping his daughter to prove na hindi siya katulad nung iniisip ng ibang tao. That’s she's a good person.”
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni Xyra. Na kinuha akong volunteer ni Papa para malinis ang pangalan ko sa ibang tao. At kahit mukhang walang pang-iinsulto sa sinabi niya, nainsulto pa rin ako.
“Alam mo, Aloisia, anak din ako ng politiko. Masisira ang image ng mga magulang natin kapag hindi maganda ang pinakita natin sa publiko. Lalo na at tatakbo ulit ang Papa mo next election. Alam mo ba na may kinakaharap na paratang ang Papa mo dahil sa drug issue mo?”
Habang nakahalukipkip ang aking mga braso ay kumuyom ang aking kamao.
“Walang katotohanan lahat ‘yon, Xyra. Hindi ako gumagamit ng drugs,” madiing sambit ko na pigil ang galit.
“Xy, enough. Hindi dapat pag-usapan dito ‘yan.” Muling pag-puna sa kaniya ni Brylee.
“Oh!” napatakip siya ng bibig. “I’m sorry. Hindi ka yata naging komportable.”
“No, it’s okay.” Pagbibigay ko ng pekeng ngiti kahit na mapipigtas na ang aking pasyensya.
Kung hindi lang ‘to anak ng Mayor at malapit kay Brylee ay baka nakatikim na ‘to sa akin. Buti nalang minsan kaya ko magpigil ng galit kahit kanina pa parang mauubos ang pasyensya ko.
Pagdating ng bahay, naabutan namin ang mga kasamahang nag volunteer din sa ibang barangay sa labas ng bahay at kakwentuhan sina Mama at Papa. May salo-salo silang hinanda para sa mga tao. Pagbaba ko ng sasakyan ay dumiretso ako sa pintuan papasok ng bahay. Wala na ‘kong balak pa na makihalubilo sa kanila dahil ubos na ang lakas ko para makipagplastikan sa mga tao.
“Saan ka pupunta?” pagsunod sa akin ni Brylee paakyat ng hagdan. Patuloy ako sa paglalakad.
“Kwarto. Magpapahinga,” matipid na sagot ko.
“Inaasahan ka ng Papa mo. Hindi ka ba sasabay kumain?”
Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Hindi ako kakain. Magpapahinga na ‘ko pakisabi kay Papa pagod ako.”
Bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ay naramdaman ko ang pagpigil ng kamay niya sa braso ko. Biglang nabuhay ang dugo ko sa ginawa niya.
“I’m sorry sa nangyari kanina sa loob ng sasakyan. Pagsasabihan ko si Xyra, alam kong hindi ka naging komportable kanina.” Nananantya ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa akin. Wala akong naging sagot kundi pagtango.
Hinintay ko pa ang sasabihin niya dahil nanatili siyang nakatingin sa akin at hawak ang braso ko. Hindi ko natagalan ang mga titig niya kaya una akong umiwas.
“Papasok na ‘ko.”
“I'm still asking myself what I’ve done, Aloisia. Kung ano man yung nagawa ko para magalit ka….forgive me….” mahinahong sambit niya.
Muli akong nawalan ng salita. Batid ko na naghihintay siya ng tugon mula sa akin pero pinili kong buksan ang pintuan at tuluyang pumasok. Pagsara ko ng pintuan ay napasandal ako roon hanggang sa unti-unti akong napaupo. Dumukdok ako sa aking mga tuhod at nagpakawala ng malalim na hininga. Hinawakan ko ang braso kong hinawakan kanina ni Brylee. Parang nandoon pa rin ang mainit na palad nito.
Minsan lang ako nagkagusto sa buong buhay ko…pero bakit ganito ka komplikado? Ngayon ko lang naranasan na magkagusto at hindi ko inaasahan na ganito pala kabigat sa pakiramdam.
Nakapagdesisyon na ako. Walang kwenta ang naisip kong pagdistansya kay Brylee, magtatagpo at magtatagpo ang landas namin. Ang kailangan ko gawin ay ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko at balewalain ang nararamdaman ko. Kailangan ko isalba ang sarili ko sa pangyayaring ako ang magiging talo.
Habang nakasandal sa pinto ay sumagi sa isip ko si Astrid. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit dumadating sa puntong iniiyakan niya si David. Nasa pareho kaming sitwasyon kung saan nagkagusto kami sa taong malabong mapunta sa amin. Ang kaibahan lang namin ay matapang na inamin iyon ni Astrid kay David at ako…..pilit kong itinatago.
Nung sumunod na araw, linggo at wala akong lakad. Tanghali na ako lumabas ng kwarto. Nalipasahan na ako ng almusal at tanghalian dahil sa haba nang naitulog ko. Sa pagbaba ko ng hagdan ay saglit akong napatitig sa pinto ng kwarto ni Brylee. Day off niya kaya tiyak kong wala siya rito. Pinagtataka ko naman ang napakatahimik na paligid. Wala akong nakitang tao kahit sa kusina.
Kumain lang ako at dumiretso sa garden para magpahangin. Naabutan ko roon ang ilang maid na inaayos ang mga halaman ni Papa. Pumunta ako sa nakita kong bagong kabit na duyan at inubos ang oras sa social media.
Habang nag iis-scroll ako ay nag pop up sa screen ko ang message galing sa unknown number.
Unknown:
Hi Aloisia. I hope you don’t mind if I text you. It's Kio.
Naalala ko ang pagbibigay ni Carra ng number ko kay Kio.
Reply:
I don’t mind.
Maikling sagot ko. Humiga ako sa duyan at itinulak ng aking paa para umugoy iyon. Muling pumasok ang text ni Kio.
Kio:
Akala ko magagalit ka. Hiningi ko yung number mo kay Carra. Hindi kasi kita nakikita sa school.
Mabilis akong nagtipa ng reply ko.
Reply:
Okay lang sa akin. Madalas ko kasama yung mga kaibigan ko kaya hindi mo ‘ko nakikita.
Gusto kong matawa sa sarili ko. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong sasagot sa mga message galing sa ibang tao, na hindi ko naman gawain noon.
Kio:
Okay lang ba na ayain kita mag lunch bukas? Kung wala kang ibang lakad.
Napabuntong hininga ako at hindi agad nakasagot kay Kio. Siguro ito na ang unang hakbang ko sa gusto ko mangyari. Gagamitin ko si Kio to distract myself from Brylee. Hindi naman siguro masama ang gagawin ko lalo na't nagpapakita ng motibo si Kio. Sasabayan ko lang ang gusto niya. Wala akong gagawin kundi ibaling ang atensyon ko sa iba hanggang sa mag eleksyon. After election alam kong aalis na si Brylee. Hanggang doon lang ang kontrata niya.
Reply:
Sure! Wala akong lakad.
“Who are you texting with?”
Napabangon ako sa pagkakahiga sa duyan nung marinig ko ang boses ni Neil sa ulunan ko.
“What are you doing here?” tanong ko.
Umikot ito papunta sa akin at sumakay sa duyan katabi ko.
“Gala tayo. Wala ka namang ginagawa bukod na pakikipag text.” Humiga siya sa duyan at inugoy.
“Tinatamad ako,” sagot ko at bumalik sa pagkakahiga katabi niya.
“Libre ko,” pahayag niya na nagpatayo sa akin.
“Hintayin mo ‘ko magbibihis lang ako.”
Napangiwi ako nang tumayo rin siya at inakbayan ako. Sumama siya sa akin papasok ng bahay.
“Saan tayo?” tanong ko nung palabas na kami ng bahay. Mabilis akong gumayak at nag-ayos ng sarili.
“Diyan lang.” Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan niya at dumiretso naman ako sa front seat.
“Saang diyan lang? Hoy, Neil! Huwag mo ‘kong mabudol-budol ngayon ha! Sabi mo libre mo kaya wala akong ilalabas na pera.”
Tinawanan ako nito at inabante ang sasakyan paalis ng bahay. “Oo chill ka lang diyan. Wala naman talaga tayong gagastusin. May manlilibre sa atin.”
“Sino na naman nauto mo?”
“Si Kuya.”
Namilog ang aking mata. “H-Ha?”
“Oh? Bakit ganyan mukha mo?”
“W-Wala.” Napaayos ako ng upo at matigas na napalunok.
Magtataka si Neil kung bigla akong umayaw sa lakad namin. Kainis naman! Bakit ba hindi ko muna tinanong kung sino ang kasama namin bago ako gumayak?!
“Huwag ka mag-alala, sa kaniya na ng galing na sagot niya lahat.”
“Alam ba ni Brylee na kasama mo ‘ko?” pagbaling ko sa kaniya.
“Oo, sinabi ko susunduin kita.”
Napatangu-tango nalang ako. Ano pa bang magagawa ko eh pumayag na ‘ko?
“Kasama niya si Xyra. Double date tayo,” dagdag nito na lalong nagpadismaya sa akin. Mukhang sinusubok yata ako ng tadhana. Talagang mapapanood ko pa yata mag date ang dalawa. Ano ‘to? Torture?
“Double date mo mukha mo. Kung date man ‘yan edi sana si Kio nalang sinama ko.” Humalukipkip ang aking braso.
“Kio?”
“Si Kio. Yung kinukwento ni Carra,” sagot ko.
“At bakit mo naman siya pipiliin maka date? Close kayo?”
“Oo! Mag la-lunch nga kami bukas dalawa.” Pag-irap ko kay Neil.
Inismiran ako nito. “Ha! Talaga lang ha. Makikipag date ka na lang doon pa.”
“Bakit may maisa-suggest ka bang iba?”
“Wala. Sasabihin ko ‘yan kay Kuya para bantayan ka mabuti. Kala mo ah.” Pagbabanta niya sa akin.
“Wala akong pakialam. Hindi pwede makialam si Brylee sa lovelife ko.”
Malakas na tumawa si Neil. “Kami ni Kuya magiging hadlang sa love life mo. Kala mo ah, date ka pang nalalaman diyan.”
“Pakialam n'yo ba? Matanda na ‘ko no! Alam ko ginagawa ko.”
Lalong lumakas ang tawa niya na nang-aasar. “Matanda ka lang pero hindi mo alam ginagawa mo. Huwag nga ako, Aloisia. Kailan ka pa nagkaroon ng interes kay Kio. Hindi ganung lalaki ang gugustuhin mo, kilala kita.”
“Huwag kang epal! Hindi mo alam kung anong klase ng lalaki ang tipo ko.”
“Kung yung katulad lang ni Kuya ang makakadate mo, maniniwala pa ‘ko eh. Pero si Kio? No way….” Ngumisi ito habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...