Drugs
Dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan ng aking kwarto upang walang makarinig sa paglabas ko. Pati ang bawat paghakbang ko ay mabagal para hindi makagawa ng anumang tunog. It’s Friday night at nagkayayaan kaming magkakaklase na mag club. Pwede na rin naman ako gumamit ng sasakyan iyon nga lang ay hindi ako pwede umalis ng lagpas na sa curfew ko. Hanggang 10:00 p.m lang ako pero umaalis ako ngayon ng 10:30 p.m kaya kailangan kong magdahan-dahan bago pa may makahuli sa akin.
Bago bumaba ng hagdan ay sinilip ko muna kung may tao sa baba. Nang maklarong wala ng tao at patay na ang mga ilaw ay binitbit ko ang suot na stilettos upang walang tunog at mabilis akong makababa.
Halos haluglugin ko ang dalang purse nung bigla itong tumunog. Sobrang tahimik sa loob ng bahay dahil nasa kaniya-kaniya na silang kwarto kaya nangibabaw ang ringtone ng cellphone ko.
“Ano? Pupunta ka ba?”
“Oo! Papunta na ‘ko,” pabulong na sagot ko kay Neil sa cellphone.
Hinanap ko ang susi ng sasakyan at walang lingon-lingon na lumabas ng bahay. Pagdating ko ng kotse ay sinuot ko ang stilettos at dali-daling nag drive paalis.
“Nagpaalam ka ba? Mamaya ako na naman ang sisihin ni Kuya,” si Neil na nasa kabilang linya pa rin.
“O-Oo naman!” pagsisinungaling ko
Ngayon nga lang ako lalabas mag-isa simula nung naparusahan ako ni Papa at saka feeling ko naman ay hindi makakarating kay Papa dahil wala sila ni Mama sa bahay. Basta wala lang mangyaring masama sa gabing ‘to tiyak kong makakauwi akong matiwasay.
“Sige, pasok na kami. Hanapin mo nalang kami,” huling sambit ni Neil bago patayin ang tawag.
Ibinaba ko ang cell phone sa tabi ng bag at binilisan ang pagpapatakbo. Hating gabi na at saktong walang check point ngayon kaya malaya kong pinapatakbo ang sasakyan ko. Sinubukan kong mas pabilisin ang pagpapatakbo ng sasakyan ngunit ilang sandali lang ay nakarinig ako ng sunod-sunod na busina mula sa likuran ko. Hindi ko maaninag ang sasakyan mula sa side mirror dahil sa liwanag nito.
Bahagya kong binagalan ang pagpapatakbo para makita ang sasakyan kung sakaling o-overtake ‘to sa akin. Pero hindi nangyari, nananatili lang itong sumusunod sa sasakyan ko. Sa puntong ‘yon ay bigla kong binilisan ang kotse at muli na naman itong bumusina kasabay ang pagtunog ng cell phone ko. Kinuha ko iyon at sinagot nang hindi binasa ang nakarehistrong numero dahil nasa daan ang atensyon ko.
“Slow down, Aloisia!”
Bigla kong naapakan ang preno ng sasakyan nang mabosesan ko iyon. Muli kong sinipat sa side mirror ang sasakyan sa likuran ko at nakita ko kung sino talaga ang Driver na ‘yon. Si Brylee. Itinapat nito ang sasakyan sa sasakyan ko at ibinaba ang bintana. Ibinaba ko rin ang akin.
“Bakit ka nakasunod?” kunot noong tanong ko.
“What do you think?” pabalik na tanong nito sa akin.
Napairap ako. Susundan niya ako dahil personal bodyguard ko siya pero hindi ko naman inaasahan na malalaman pa niyang umalis ako at susundan ako.
“Umuwi ka na uuwi rin ako agad!” utos ko.
“Sure! Tatawagan ko muna ang Papa mo bago ako bumalik.” Pagbabanta niya.
Nanlaki ang mata ko nung magpipindot ito sa cell phone niya. Agad akong lumabas ng sasakyan at dumungaw sa bintana.
“Subukan mong isumbong ako kay Papa, ipagkakalat ko na ikaw yung ex ng anak ng Mayor!” pananakot ko sa kaniya. Kahit sabi sa akin ni Neil na huwag kong sasabihin sa kuya niya na alam ko na ang tungkol sa anak ng Mayor at kay Brylee, ay hindi ko napigilan ang sarili ko dahil alam kong pribado iyon at ayaw nilang may makaalam na iba.
Napatigil si Brylee at saglit na napatitig sa kaniyang cell phone. Napangiti ako. Mukhang nakuha ko na ang kahinaan niya.
Bumaling ito sa direksyon ko. “Do you think I care?” pag ngisi nito.
Napalunok ako at napaayos nang tayo. Lumabas si Brylee ng sasakyan at pumunta sa harapan ko. Nilabanan ko ang mga titig nito.
“Sa tingin mo matatakot mo ‘ko diyan?” muling pagngisi nito. Hindi ako umimik. Sumandal siya sa pintuan ng sasakyan at nakahalukipkip ang mga braso.
“B-Bakit ba kasi kailangan mo pa akong sundan? Kasama ko naman si Neil at uuwi rin ako.” Hindi ko napigilan ang pagkautal.
“May curfew ka.”
Napasinghal ako. Tatakas ba ako kung may pakialam ako sa curfew ko?
“Wala akong pakealam! Masama ba na mag enjoy din naman ako minsan?!”
“Bakit kailangan mo tumakas? Mag paalam ka ng maayos sa magulang mo.”
“At bakit ba namamakialam ka sa desisyon ko? Sa tingin mo papayagan ako kung magpapaalam ako? Huwag ka ngang tanga!” asik ko. Napaayos nang tayo si Brylee habang nakapamulsa ang mga kamay.
“Sige, gawin mo ang gusto mo at gagawin ko rin ang trabaho ko.”
Humakbang ako palapit sa kaniya.
“Ano magsusumbong ka kay Papa?” paghahamon ko.
“Kung iyon ang kailangan kong gawin,” tamad na sagot nito sa akin.
“Edi magsumbong ka! Isumbong mo kay Papa kung gaano ka katanga dahil natakasan ko yung isang katulad mo!”
“Watch your words, Aloisia,” baritonong sambit nito. Nawala ang pagiging kalmado ng kaniyang mukha at napalitan ng pagkairita. Maybe I hurt his ego.
“Totoo naman! Ginagawa niyo akong bata! Ginagawa ninyon akong walang utak at walang sariling desisyon! Nakakasakal kayo!” sigaw ko sa kaniya bago tuluyang bumalik sa sasakyan ko.
Malakas kong isinara ang pinto at mabilis na nagmaneho paalis doon. Wala na akong pakialam kung magsumbong siya, sanay naman na ako. Alam kong magagalit si Papa pero yung galit niya na ‘yon ay normal na sa akin. Ang mahalaga nakapag enjoy ako bago pagalitan at least sulit ang lahat.
Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan pagdating ko sa club ay dinig na dinig ko na ang nakakaenganyong tutog. Yes! This is freedom!
Hinanap ko ang mga kaklase ko pagpasok at natagpuan ko sila sa isang mesa habang nakapabilog. Nakita ko rin si Neil sa dance floor habang may kasayaw na isang babae at may hawak na alak.
“Aloisia! Come here!” malakas na sigaw ng kaibigan ko na si Astrid. Dumiretso ako sa pwesto nila at sinalubong ng isang shot ng vodka.
“Dahil late ka, habulin mo yung shots namin!” si Carra.
Hindi ko tinanggihan ang apat na sunod-sunod na shot ng vodka. Tagal ko rin hindi nakasama sa kanila kaya sinisiguro kong susulitin ko ang gabing ‘to.
“More!” sigaw ko habang nakataas ang ininuman na shot glass. Sinalinan naman ako ni Astrid.
“Girl! Someone staring at your back!” natatawang ani sa akin si Astrid. Backless kasi ang suot kong bodycon dress.
“Because I'm hot!” tumatawa ring sagot ko at isinabay ang katawan sa tugtog.
“Hi Sweetie, I guess tumakas ka na naman.” Pagsulpot ni Neil at pag-akbay sa akin.
“You aren’t happy to see me?” ibinigay ko rito ang shot na para sa akin. Namumungay na ang kaniyang mata hudyat na marami nang nainom na alak.
“I am so happy! Let me kiss you.” Akma niyang ilalapit ang mukha sa akin pero dinakot ko ang mukha nito saka inilayo. This is only a joke for us but sometimes some people are expecting that we are in a relationship.
“Iww! Go away from me.” Humagalpak ito ng tawa. Hinila niya ang isang upuan at tumabi sa akin.
“My brother is here.”
“So?” tumaas ang isang kilay ko pero pasimple kong hinanap sa paligid si Brylee. Hindi ko siya nakita, natural kaya niya ako pagtaguan pero hindi ko naman tatangunin kay Neil kung nasaan ang kuya niya. Bahala siya.
“That’s a good thing because I can’t drive you home.”
Madalas talaga ay si Neil ang naghahatid sa akin sa bahay tuwing galing akong club kapag wala sila Astrid, pero kapag alam niyang marami na siyang nainom at alam niyang hindi na niya ako kaya ihatid ay hinahabilin niya ako sa mga trusted friends niya.
“Dala ko yung sasakyan ko no,” ani ko.
“Huwag na matigas ulo mo sa kaniya kana sumabay.” Tinapik nito ang balikat ko bago muling tumayo at makihalubilo sa ibang tao.
Nilibang ko ang sarili ko at kinalimutan na kakaharap na naman ako sa masasakit na salita ni Papa pag-uwi ko. Peste kasing Brylee na ‘yon! Pwede namang manahimik nalang.
“Mukha ayos yung bagong prospect ni Neil, ah.” Pagkalabit sa akin ni Astrid sabay turo sa direksyon ni Neil.
Dala ng alak ay masyado nang maalon ang paningin ko kaya pilit kong inaninag ang babaeng kausap ni Neil. Agad namang namilog ang aking mga mata nang makilala ko iyon. Si Xyra, anak ng mayor at kausap ni Neil ngayon. Hindi ko na naintindihan pa ang mga sinasabi ni Astrid, na focus lang ang atensyon ko kay Xyra.
“Ano, Aloisia? Mahina ka yata ngayon! Isa pa!” sigaw ni Carra sabay abot sa akin ng isang shot. Ininom ko iyon kaya nawala sa paningin ko ang dalawa. Pagbalik ko nang tingin ay wala na si Neil ngunit nanatili ang babae habang lumilibot ang tingin.
“Hmm…something fishy…” natatawang sambit ko nang makita ko kung saan ito patungo.
Nakita ko rin si Brylee, nakaupo sa couch at may kasamang dalawang lalaki. Mukhang nagkita pa sila ng mga kaibigan niya. This night is more exciting dahil sa nasasaksihan ko. Umupo si Xyra at may kasama rin itong dalawang babae sa pwesto nila Brylee. Napapaisip tuloy ako kung sino ang nakipaghiwalay sa kanila. Brylee seems like he still has feelings for his ex the way he stares at her, lalo na noong nagkasalubong sila sa bahay. Si Xyra naman, kung ako ang nasa posisyon niya at if ever na siya ang nakipaghiwalay, hindi na ako pupunta at makikipag-inuman kay Brylee. This is so interesting! Who was the one who end up their relationship?
“Kanina ka pa ngingisi-ngisi diyan. Sino ba tinitingnan mo?” lasing na tanong sa akin ni Astrid at hinanap ang tinitingnan ko. Natatawa ko itong inakbayan para hindi niya makita ang dahilan nang pag ngisi ko.
“Uminom ka na lang diyan. Iinom mo lahat ng sama ng loob mo kay David.” Pagtukoy ko sa lalaking kinababaliwan niya.
“Shut up!” ngumuso ito at tinungga ang bote ng beer.
Sa pagbalik ko nang tingin sa pwesto nila Brylee ay agad kong iniwas ang mata ko. Nagpanggap na napasadahan ko lang sila nang tingin dahil nakita ko ang dalawang mapanuring mata ni Brylee na nakatutok sa akin. Hindi ko mapigilan ang matawa. Siya dapat ang nakatutok sa bawat galaw ko dahil bodyguard ko siya pero ako pa yung hindi maalis ang tingin sa kaniya dahil sa pagka-interesado ko sa kanila ng babaeng ‘yon.
“Aloisia? Aloisia?”
Unti-unting dumilat ang aking mata dahil sa pagtapik sa aking pisngi. Mukha ni Neil ang bumungad sa akin.
“What?!” hinawi ko ang aking buhok at umayos ng upo. Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil na rin siguro sa dami nang nainom namin. Gising pa ang iba naming kaklase at patuloy pa rin sa pag-inom kahit halatang sobrang lasing na. Ang iba naman ay nakatulog din.
“Hinihintay ka na ni Kuya sa labas. 2:00 a.m na,” si Neil.
“Edi umuwi siya mag-isa!” humalukipkip ang aking mga braso at muling pumikit. Nahihilo na ako sa pag-ikot ng paningin ko.
“You can’t drive because you’re drunk. Halika na hatid na kita sa labas. Uuwi na rin ako.”
“I don’t want to go home!” ingit ko.
“Halika na.” Hinawakan nito ang braso ko at inilagay sa batok niya upang alalayan patayo at sa paglalakad.
“Wait lang, naiihi lang ako.”
Nasa bungad kami ng exit at nagmamadali akong iniwan ni Neil para umihi. Dahil hilong-hilo ako ay napasandal ako sa malamig na pader at napapikit. Damn…I’m so sleepy.
“Excuse me? You are Aloisia, right?”
Napadilat ako sa boses sa aking harapan. Nakatayo ang isang babae at malaki ang ngiti sa akin.
“Uh-huh.”
“Uuwi ka na?” tanong nito.
“Obvious ba?” iritableng sagot ko. Ayoko na sana magsalita dahil parang masusuka ako.
She laughed awkwardly. “Ow! Sayang may iaalok pa naman ako. Tiyak kong magugustuhan mo.”
Minulat ko mabuti ang aking mata. “Ano ‘yon?”
“Sabi ko na nga ba interesado ka. Ito yung mga gustong-gusto niyo lalo na ng kabataang katulad mo,” mas mahinang boses nito at lalong lumapit sa akin.
“Ano nga ‘yon?! Dami mong satsat.”
May inilabas ito sa kaniya bulsa at pasimpleng iniabot sa akin. Lumingon-lingon sa paligid na animo'y nag mamatyag.
“Ano ‘to?” iniangat ko sa hangin ang maliit na plastic na may laman na puti na parang pulbos na ewan ko. Hindi ko mapaliwanag dahil ngayon ko lang ‘to nakita.
“Anong gagawin ko rito?” muling tanong ko.
“Hindi ka ba gumagamit niyan?” may pagtataka sa kaniya.
“Saan ba ‘to ginagamit? Iniinom?”
Mabilis nitong binawi sa aking kamay ang plastic. “Wala, akala ko gumagamit ka. Hindi-”
“Itaas niyo ang mga kamay ninyo! Taas!”
Parang biglang bumalik ako sa wisyo nang biglang may pumaligid sa aming mga nakaunipormeng pulis at nakatutok ang mga baril. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mukha na sigurado akong namumulta.
“T-Teka…” hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Akmang tatakbo ang babaeng kasama mo ngunit hinarang ng isang pulis at pilit pinadapa.
“Taas sabi!” sigaw ng pulis na nasa harapan ko. Itinaas ko ang aking dalawang kamay.
“A-Anong nangyayari?” hindi ko pa rin makuha kung ano ang nangyayari. Bigla nalang may sumulpot na mga pulis at tinutukan kami ng baril. Marami na ring tao sa labas na nakatingin sa amin.
“Kapkapan ninyo! Tingnan niyo kung may dalang droga!”
Nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla nang marinig ko ang sabi ng isang pulis. Droga. Droga ang hawak ng isang babae at mukhang napagkamalan pa akong kasabwat. Kahit na gusto ko magsalita ay hindi ko magawa dahil para pa rin akong wala sa sarili.
“Anak ka ng Governor, ‘di ba?” tanong sa akin ng babaeng pulis na kumapkap sa akin.
Tumango ako. “Patay kang bata ka. Anak ka pa man din ng politiko pero kayo ang nagpapakalat ng droga rito.”
“P-Po?”
Dismiyado lang itong umiling sa akin.
“Anong nangyayari? Teka bakit niyo siya pinoposasan?” pagsulpot ni Brylee. May pag-aalala itong tumingin sa akin. May pinakita itong ID sa isang pulis bago tuluyang lumapit.
“Confirmed, Sir! May tatlong pakete!” Iniangat ng isang pulis ang plastic na siyang inabot sa akin ng babae kanina.
“Nagbebenta ng droga ang mga batang ito. Iniimbitahan ko kayo sa prisinto. Karapatan niyo kumuha ng abogado para magpaliwanag.”
“She's not involve in drugs!”
Nakaposas na ang aking mga kamay kaya walang nagawa si Brylee. Sinubukan niyang mag paliwanag sa mga pulis ngunit wala iyong nagawa. Aligaga itong may pinipindot sa cell phone at nakatingin sa akin habang isinasakay ako na police mobile car.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...