Connection
“Saan ka kumain kanina?” tanong ko kay Brylee pagkapasok nito ng sasakyan. Pinaandar nito ang engine at inatras ang sasakyan.
“Sa cafeteria,” sagot nito.
“Bakit hindi kita nakita?”
Nakataas ang kilay nitong tumingin sa akin. “Hindi ba sabi mo magtago ako? Bakit ako magpapakita sa ‘yo?”
Kumurap-kurap ako. May point naman siya, pero nagtataka talaga ako kung paano siya nakakapagtago sa akin kahit nasa iisang lugar lang naman kami. Hindi ko talaga siya nakita kanina. Nakakulay black siya na t-shirt at sumbrero kaya mangingibabaw ang suot niya sa aming mga naka-uniform na puti.
Nakuha ng cell phone ko sa aking kandungan ang atensyon ko. Rumehistro ang pangalan ni Mama sa isang text.
Mama:
Anong oras ka makakauwi? May meeting ang Papa mo dito sa bahay kasama ang mga government officials, and he wants you to join us.
Napangiwi ako at napatingin sa bintana nung mabasa ko ito.
“Can we stop here?” ani ko nung tumapat kami sa isang food park. Maraming tao roon dahil hapon na at karaniwan ay mga estudyante o kaya naman ay buong pamilya.
“No, we cannot.”
Binukas ko ang bintana ng sasakyan at ipinatong ang baba roon habang nakatingin sa mga tao.
“Saglit lang naman.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. “Bawal ka pumunta kung saan-saan sabi ng Papa mo. School at bahay ka lang hanggang hindi pa tapos ang parusa niya sa ‘yo.”
Suminghal ako. “Ayoko pa umuwi. Nandoon yung mga government officials sabi ni Mama.”
“And?” nagtatakang tanong nito.
“I don’t want to embarrass my father in front of them,” mahinang sambit ko.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. Iginilid niya ang sasakyan at pinatay ang engine nito.
“What…do you mean?”
Umayos ako nang pagkakaupo at sumandal. “Alam nila kung anung klaseng anak at tao ako. Pagkukwentuhan nila ako sa harap ni Papa at alam kong mahihiya si Papa kapag nangyari ‘yon. I want to stay here for a while. Baka pati sila hindi ko matantya.”
Naalala ko noon pinasabay ako ni Papa sa kanila mag dinner kasama ang ibang government officials. Some of them are nice but most of them were rude. Walang pag-aalinlangan nila akong pinag-usapan sa harapan ng pamilya ko kung paano ako nakipag-away noon. Pasimpleng nilinis ni Papa ang pangalan ko sa harapan nila ngunit ramdam ko sa bawat tingin ni Papa ang galit. Alam kong napahiya ko siya nung oras na ‘yon.
Dahil may nakasangkutan na naman akong gulo lately ay may dahilan na naman sila para pagkwentuhan ako at ayoko na maulit ang bagay na ‘yon. Baka sa halip na magagamit ko na ang sasakyan ko e, tuluyan pa ‘yong ibenta ni Papa kapag naungkat ulit ang isyu.
“Bakit ba kasi hindi ka nalang mag-aral ng mabuti at magpakabait sa magulang mo?”
Sarkastiko ang mukha kong bumaling rito.
“Bakit hindi mo ‘yan sabihin sa kapatid mo na bad influence rin naman?” sumbat ko.
“Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan!”
Napatalon ako sa gulat sa pagsulpot ng mukha ni Neil sa bintana ng sasakyan.
“Kakain kayo? Tara! Kakahatid ko lang sa chixx ko.” Binuksan ni Neil ang pinto para sa akin. Agad na umalma ang Kuya niya.
“Hindi siya pwede, Neil.”
“Saglit lang naman. Kasama ka naman ni Aloisia kaya okay lang. Wala naman magsusumbong.” Ngumiti ng malaki sa akin si Neil at kinuha ang kamay ko para igiya pababa at hinila patawid ng kalsada papunta sa food park. Walang nagawa si Brylee kundi ang sumunod sa amin ni Neil.
“Sino kasama mo pumunta rito?” tanong ni Brylee kay Neil. Si Neil ang namili kung saan kami pupwesto kaya umupo nalang si Brylee sa kaharap na upuan namin ni Neil.
“Babae ko,” confident na sagot sa kapatid. Napailing-iling si Brylee.
“Sino naman do'n?”
“Kuya, huwag natin ‘yan pag-usapan sa harap ni Aloisia. Magseselos na naman ‘yan.” Umakbay sa akin si Neil at pinisil ang pisngi ko. Sumama ang tingin ko rito at hinawakan ang tinidor na nasa harap.
“Ang kapal mo naman. Hindi papatol ang magandang katulad ko sa babaerong katulad mo.” Humagalpak ito ng tawa.
“Sus! Huwag nga ako. Kung hindi lang tayo magkaibigan tiyak na crush mo ako.”
Napangiwi nalang ako sa kayabangan niya.
“Patusok nga ng tinidor sa pisngi mo.” Pag-amba ko sa kaniya. Tinawanan ako nito.
“See? She’s violent when she’s jealous.”
Ako naman ang binalingan ni Brylee. Nakasiklop ang mga kamay nito sa ibabaw ng lamesa.
“Finish your food. Hindi ka pwede mag tagal,” striktong utos nito. Napairap ako.
“Kj…” mahinang bulong ko at tumuloy sa pagkain.
“Kailan ba ibabalik yung sasakyan mo? Wala na ‘kong taga sundo tuwing lasing ako,” si Neil.
“Next week,” si Brylee mismo ang sumagot sa kapatid. Buti naman. Hindi na ‘ko kailangan ihatid sundo at magiging malaya na rin ako.
“Hindi mo na rin ba siya babantayan?” muling tanong ni Neil.
Napatingala ako kay Brylee habang kagat ang kutsara at naghihintay ng sagot.
“Kasama niya ‘ko hanggang sa next election ng Papa niya.”
Next election? Next year na ang next election at tatakbo ulit si Papa bilang Governor ng La Union. Ibig sabihin pala ay hindi naman pala ganun katagal na magkakabodyguard ako.
“Huwag mo naman masyado bantayan. Hindi tuloy makaporma yung mga nagbabalak manligaw, e.”
Nasamid ako sa biro ni Neil. Nangingisi nalang si Brylee na inabutan ako ng juice.
“May nanliligaw sa ‘yo?” hindi naniniwalang tono nito.
“Ayaw niya magpaligaw kasi ako yung gusto niya!” pagsabat ni Neil.
Hinayaan ko nalang sila mag-usap dalawa dahil sila rin lang naman ang nagkakaintindihan. Parehong siraulo.
“May mga lalaki palang bad girl ang tipo,” natatawang sambit ni Brylee na ginawaran ko ng masamang tingin.
Sa kalagitnaan ng masarap na pagkain, unti-unting bumagal ang pagnguya ko dahil sa isang kumpol na magbabarkada sa kabilang mesa. Narinig ko ang pangalan ko kaya nakuha nila ang atensyon ko ganun din yata si Neil na tinapunan nang tingin ang kabilang mesa bago muli bumaling sa akin.
“Anak ‘yan ng Governor.”
Doon pa lang ay nasiguro ko ng ako ang pinag-uusapan nila. Ako lang naman ang anak ng Governor dito wala ng iba pa. Marahan kong binitawan ang kubyertos na hawak para makinig pa sa sasabihin nila. Nagkatinginan kami ni Brylee sa pag-inom ko ng juice.
“Talaga? Kaya pala parang medyo brat. May nakaaway daw ‘yan sa Engineering Department,” bulong ng isang nakatalikod sa akin ngunit dinig na dinig ko.
“Oo, kaya huwag ka maingay baka ipapatay ka ng ama niyan.”
Sabay-sabay silang tumawa na siyang nagpakulo ng dugo ko. Akma akong tatayo nung biglang may pumatong na mabigat na braso sa balikat ko. Si Neil.
“Don't.” Pigil nito sa akin.
Nagngingitngit ang ngipin ko sa galit. “But they are talking about my father.”
“Just don’t. Hindi magugustuhan ng Papa mo kapag pinatulan mo sila,” ani ni Brylee.
Kumuyom ang kamao ko. “I don’t care. They are spreading false accusations about my father. Hindi nagpapapatay ng tao si Papa, Brylee.”
“I know. Calm down and let me handle it.”
Tumayo si Brylee at tinapik ang balikat ni Neil. “Hatid mo na siya sa sasakyan.”
Hinawakan ni Neil ang braso ko para akayin paalis. Sobrang pigil ang ginawa ko sa sarili ko para hindi gumawa ng gulo. Pero bago ako umalis ay tinandaan ko ang mukha ng limang babae na ‘yon. Taga school lang din namin at sinisiguro kong maghaharap pa kami. Pinalampas ko lang ito dahil masyadong maraming tao.
“Mga 4th year ‘yon hindi ba?” tanong ko kay Neil.
Nasa loob ako ng sasakyan, nakabukas ang bintana habang nakatayo sa labas si Neil at nakatingin sa kapatid. Hindi rin maalis ang tingin ko roon lalo na sa limang babae na nakatingala kay Brylee.
“Yung tatlo. Third year yung dalawa,” sagot nito sa akin.
“May araw din sila sa akin lalo na yung mukhang alipunga na ‘yon.” Pagbabanta ko.
“Alin do'n? Mukha naman alipunga lahat.” Tanong ni Neil na nagpangisi sa akin.
Tumalikod si Brylee sa mga babae para pumunta sa pwesto namin, nakasunod ang tingin ng mga babae sa kaniya kaya nakita nila ako. Mabilis kong inangat ang dalawang kamay ko para gawaran sila ng dirty finger. Tinawanan lang ako ni Neil nang makita niya ang ginawa ko. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Brylee sa mga ‘yon, but one thing that I'm sure of, I'm not done with them.
“What did you tell them?” tanong ko kay Brylee pagpasok nito ng sasakyan. Inayos muna nito ang seat belt at inabante ang sasakyan bago ako sagutin.
“I told them to don’t mess with you because you’re scarier than your father,” seryosong sagot nito sa akin. Napasinghal nalang ako, alam kong hindi iyon ang sinabi niya.
Pagdating sa bahay ay sakto namang pag-alis ng mga bisita sa bahay. Gabi na rin kasi kami nakauwi at buti nalang ay nasaktong aalis na sila. Pero hindi ako makakaiwas na hindi sila makasalubong bago ako makapasok ng bahay.
“Ginabi ka ng uwi, hija. Sayang at hindi ka namin nakasabay may dinner,” ani ng isang matandang lalaki.
Pilit na ngiti lang ang isinukli ko. Ang dalawang babae sa likuran nito na ang mga tinginan ay alam kong hinuhusgahan na ako at sa likod naman nila ay ang isang maganda at matangkad na babae at malaki ang ngiti sa akin. Nawala ang ngiti nito at bahagyang nayuko nung mapatingin sa likuran ko. Lahat sila ay doon na nakatingin kaya lumingon din ako. Si Brylee na naglalakad papunta sa direksyon namin at huminto sa likuran ko.
“Magandang gabi po, Mayor.” Bati nito sa matandang lalaking nasa harap ko.
Tumaas ng kilay ko at hindi pinahalatang nabigla. Hindi ko kilala na Mayor pala itong nasa harapan ko.
“Magandang gabi rin. Hindi ko inaasahan na makikita kita rito. Akala ko ay nasa AFP ka pa,” formal na ani ng Mayor.
Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Mama, kaya dahan-dahan akong gumilid. Ang magkaharap ngayon ay ang mga government officials at si Brylee. Para akong inosenteng bata na nakikinig ngayon sa usapan ng mga matatanda. Papalit-palit ang tingin ko sa kanila, sa hindi mawari ay nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nila.
“Umalis na po ako, Mayor,” magalang pa rin na sagot ni Brylee.
“Xyra, nag-usap na ba kayo ni Brylee?” baling ng Mayor sa magandang babae na nasa dulo.
“Opo, Pa,” matipid na sagot ng babae.
“Mabuti naman.” Tinapik ng Mayor ang balikat ni Brylee. “Dumalaw ka minsan sa bahay, may pag-uusapan tayo.”
Nagpaalam ang isa't-isa bago tuluyang umalis ang mga bisita. Inihatid sila ni Mama at Papa hanggang sa gate habang ako at si Brylee ay paakyat ng hagdan. Sa katabing kwarto ko kasi siya nagtutulog.
Dahil naging interesado ako sa pag-uusap kanina ay hindi ko napigilan na tanungin si Brylee.
“Paano mo nakilala sila Mayor?” tanong ko.
Tumaas ang kilay nito sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. “Kilala naman siya ng lahat,” pabalang na sagot nito.
“I mean, kilala n'yo yung isa't-isa. Naging bodyguard ka rin ba ng anak niya? Yung magandang babae sa likuran kanina?” pang-uusisa ko.
Bumuntong hininga ito. “Hindi.”
Napangiwi ako sa tipid ng sagot niya. Alam kong ayaw niya sagutin ang tanong ko pero sobrang curious ko talaga at hindi ako makakatulog kung hindi masasagot ang mga tanong ko.
“Edi ano nga?”
“Ang dami mong tanong, Aloisia. Hindi ‘yan mainam sa bata.” Pag-iling-iling pa niya.
Bumilog ang labi ko sa pagkabigla. “A-Ako? Bata? Excuse me?! 22 na ako! 22!” asik ko.
“Hindi halata,” bakas ang pag-iinis sa tono niya.
“Hindi ko kasalanan na baby face pa rin ako sa edad ko at gurang ka na sa edad mo.”
Natatawa itong bumaling sa akin. “I'm only 25.”
“Hindi halata. You look older than your age! Gurang!” pagkasarkastiko ko. Inirapan ko ito at mabilis na tinahak ang kwarto ko.
Ako yung klase ng tao na hindi napapakali kapag hindi nasasagot yung mga tanong sa utak ko. I am a very observant person and I can feel there is something between Brylee and Xyra. Yung anak ng Mayor. May koneksyon sa mga tinginan nila na gusto kong masagot kung ano. Dahil gusto ko makatulog ng mahimbing ngayon ay kailangan ko sumagap ng sagot mula mismo kay Neil. Tiyak kong may alam ang isang ‘yon.
“Kakauwi ko palang, miss mo na ‘ko?” bungad nito sa akin sa pagtawag ko.
“May itatanong ako sa ‘yo,” diretso agad na sambit ko.
“Mukhang seryoso ‘yan, ah.”
Binalibag ko ang bag sa upuan at pabagsak na humiga sa kama. “Uhm…not really. Curious lang ako.”
“Damn! I hate when you are curious, Aloisia.”
Natawa ako. Isa si Neil na pinaka-nakakakilala sa akin at alam niya tuwing may gusto ako malaman ay ginagawa ko ang lahat. Alam niya hindi ako matatahimik talaga.
“Yeah, I know. Pero alam mo naman hindi ba? Ayoko matulog ng maraming iniisip kaya sagutin mo nalang yung tanong ko.”
“Kaninong buhay ka na naman na curious ngayon?”
Napakagat ako sa aking ibabang labi.
“It's…. It is about Brylee.”
“Kay Kuya? Anong meron kay Kuya?” pagtataka niya.
“Do you know a Mayor who has a daughter named Xyra?”
“Uh-ha…”
Napabangon ako at napangiti. Sabi ko na nga ba may alam ang isang ‘to.
“What is their connection? Naabutan namin sila kanina dito sa bahay pero paalis na sila. Ayaw ako sagutin ng matino ng kuya mo kaya sa ‘yo na ako dumiretso.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Neil. “Talaga? Nagkita sila?”
“Oo,” sagot ko.
“Anong nangyari?”
“Wala naman. Nag-usap lang.” Pagkibit balikat ko.
Tumawa si Neil sa kabilang Linya. “Oh? Ano naman nakaka curious sa usapan nila?”
“Hindi ko alam. Basta naramdaman ko talaga na may kakaiba sa mga tinginan nila saka kung paano kausapin nung Mayor si Brylee.”
He sigh. “Aloisia, there are things should keep in private.”
Lalong umandar ang curiosity ko sa pagtatago ni Neil. Habang lalo niyang tinatago ay lalong gusto kong malaman.
“Bakit? Hindi ko naman ikakalat yung malalaman ko, ah! Gusto ko lang naman malaman.”
“Fine! But promise me hindi mo sasabihin kay Kuya na sinabi ko sa ‘yo, okay?”
Tumango-tango ako kahit hindi niya nakikita. “Promise!”
“Ex ni Kuya si Xyra. Ayaw nung Mayor kay Kuya dahil nasa AFP daw siya.”
“Anong mali do'n?” nangunot ang aking noo.
“Gusto nung Mayor na ‘yon na mapangasawa ng anak niya, mayaman at sikat para masuportahan siya tuwing eleksyon. Iyon ‘yon, Aloisia.”
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...