Sabay kaming bumaba ni Neil sa sasakyan nung huminto ito sa harap ng isang restaurant. Maraming tao sa loob kaya hindi ko agad nakita sila Brylee.
“Seafood?” tumaas ang kilay ko nang umikot ang paningin ko sa buong restaurant ay puro seafood ang kinakain ng mga tao. Biglang bumalik sa akin ang nangyari sa Pangasinan. Yung pagbabalat ni Brylee ng hipon para kay Xyra. Ibig sabihin pala ay harap-harapan ko ‘yon mapapanood ngayon?
“Bakit n'yo naman naisip dito kumain?”
“Huwag ka na magreklamo, ikaw na nga nilibre e. Tara nandoon sila kuya.” Iginiya niya ako sa pinakadulong table.
Akala niya yata natutuwa ako sa libre na ‘to. Kung hindi lang si Neil makakahalata kapag bigla akong umatras sa lakad namin, edi sana wala ako rito.
Napairap ako sa hangin nang matanaw na namin sila Brylee at Xyra. Nakaupo sila sa pang-animan na mesa at magkatabi ang dalawa habang nag-uusap. Nakasandal ang likod ni Brylee sa upuan habang may tinitingnan sa menu. Si Xyra naman ay may malaking ngiti habang nagsasalita. Una kaming nakita ni Xyra at kumaway ito sa amin. Peke akong ngumiti at tuluyan iyong nawala nang mag-angat na rin ng tingin si Brylee.
“Buti at napapayag mo si Aloisia, Neil,” ani ni Xyra pag-upo namin. Katapat ko sa upuan si Brylee at katabi ko naman si Neil na katapat si Xyra.
“Sabi ko date kami kaya mabilis gumayak,” pagmamayabang ni Neil. Tumawa si Xyra sa ginawa kong pag-irap kay Neil.
“Ayos pala. Double date tayo!” pagpalakpak ni Xyra. Nagtama ang mata namin ni Brylee ngunit mabilis akong umiwas. Napagbalingan ko tuloy ang tubig sa table namin. Date pala talaga nila ‘tong dalawa at sabit kami ni Neil.
“Mukhang hindi masaya si Aloisia na ka date ka niya.” Puna sa akin ni Xyra at panunukso kay Neil.
Inismiran ako ni Neil. “Gusto raw niya si Kio ka date niya.”
“Kio? Kapatid ni Laurence Sarmiento?”
Tumango si Neil kay Xyra. Nakita ko ang pagbilog ng labi ni Xyra at lumibot ang tingin sa paligid. Tinaas nito ang kamay na tila may tinawag. Sinundan ko nang tingin ang kinawayan niya at natagpuan ng aking mata ang isang lalaki na kasing katawan ni Brylee. Matangkad din at moreno ang kulay ng balat. Nakatayo ito sa counter ngunit nasa amin ang atensyon. Mali….na sa akin. Titig na titig ito sa akin na halos hindi kumukurap.
“That’s Laurence Sarmiento, kapatid ni Kio, and he is the owner of this restaurant,” mungkahi ni Xyra.
Sa mukha ko naman bumakas ang gulat. Napakaliit naman talaga ng La Union. Related pa pala kay Kio ang kinakainan namin ngayon at kakilala pa siya si Xyra.
Ilang sandali lang ay nagtungo sa mesa namin ang kuya ni Kio. Nagtataka naman ako dahil hindi nito maalis ang tingin sa akin.
“Tangina. Parang natipuhan ka pa pati ng kuya,” paglapit ng mukha sa akin ni Neil at bumulong. Kinurot ko naman ‘to sa hita dahil nasa harapan na namin si Laurence.
“Laurence is my friend, Aloisia. Laurence, meet Aloisia. She is a friend of your brother.” Pakilala nito sa akin ni Xyra kay Laurence.
Naglahad agad ito ng kamay sa akin na tinanggap ko naman. “Nice to meet you, Aloisia.”
Ngumiti ako. “Nice to meet you too.”
Hindi siya kasing puti ni Kio at mas malaki lang ang pangangatawan. Ang alam ko ay half pinoy si Kio, pero ang kuya niya ay mukhang pure filipino. Maamo ang mukha niya kumpara kay Kio na halatang may pagkababaero.
“She looks like her, right?”
Tumango si Laurence kay Xyra at muli akong tinitigan sa mukha. Nailang naman ako sa ginawa nitong pagtingin sa akin. Para siyang nakakita ng kakaibang bagay at puno ng paghanga.
“I'm sorry kung sobra na yung pagtitig ko sa ‘yo. May kamukha ka lang na sobrang lapit sa akin. By the way, naka order na kayo? Papapuntahin ko rito si Matt para ma assist kayo.” Pagbaling ni Laurence kina Xyra.
“Hinihintay nalang namin yung order namin. Next time why don’t you join us? Hinay-hinay sa trabaho. May enjoy ka naman.”
Tumawa si Laurence. “Next time, let’s see. Balik muna ako ng counter.” Pamamaalam nito at muli akong sinulyapan.
Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa makabalik sa counter at kinausap ang isang staff.
“Hindi ba siya pamilyar sa ‘yo, Aloisia?” tanong ni Xyra.
“Ngayon ko lang siya nakita.”
Napasulyap ako kay Brylee na nakasulyap din kay Laurence hanggang sa mapunta sa akin ang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay.
“I see.” Umayos nang upo si Xyra at bumuntong hininga. “Kamukha mo ang ate mo kaya sobra siyang makatitig sa ‘yo.”
“Kilala niya si Ate?”
She smiled. “Sobra. Actually….boyfriend siya ng ate mo.”
Lahat kami ay nanatiling tahimik sa mesa. Hindi ako agad nakapagsalita sa pagkabigla.
“W-What? Wala akong alam na nagkaboyfriend si Ate.”
“Secret relationship, Aloisia. Takot ang ate mo na ipakilala si Laurence sa Papa mo kaya tinago muna nila pareho ang relasyon nila. Kami lang ang kakaalam na kaibigan ni Laurence na mag on sila. Sayang lang….hindi nabigyan ng pagkakataon na ipakilala ni Alisha si Laurence sa magulang mo.”
Bumakas ang pagkagulat sa akin at muling napatingin sa counter. Tinitigan ko si Laurence na nag e-entertain ngayon ng customer. Ang lalaking ‘to ay boyfriend ni Ate bago siya mawala. At hindi naipakilala ni Ate kina Mama at Papa dahil takot siya. At sa liit ng mundo ay kapatid siya ni Kio.
“May….pamilya na ba siya?” wala sa sariling tanong ko habang pinapanood pa rin si Laurence.
“Wala. Si Alisha ang huling girlfriend niya.”
Nagtama ang mata namin ni Laurence nung tumingin ito sa gawi namin. Nakita ko ang maliit nitong ngiti sa akin. Napababa ako ng tingin sa baso sa aking harapan. Hindi ako dapat magtagal dito. Nasasaktan ako para sa kaniya. Kaya pala masyado siya makatitig sa aking mukha dahil nakikita niya ang mukha ni Ate Alisha sa akin. Kung hindi pa siya nakaka move-on, hindi niya dapat ako makita. Ito lang ang maitutulong ko kay Ate Alisha para tuluyang maghilom ang sakit na naiwan sa taong mahal niya.
“That’s….heartbreaking….” mahinang komento ni Neil.
“He's trying his best to move on and I think he’s getting better. Malaking tulong sa kaniya ang pag stay sa ibang bansa,” kwento ni Xyra.
Dumating ang order namin pero wala akong ganang kumain. Pinilit ko lang ang sarili ko para makisabay sa kanila. Hindi pa rin kasi ma absorb ng sistema ko ang nalaman ko. Dumagdag pa ang nakikita ko ngayon na pagtuturo ni Brylee kay Xyra kung paano ang tamang pagbabalat ng hipon. Lalo tuloy akong nawalan ng gana.
“Aray!”
“Oh anong nangyari sa ‘yo?”
Mabilis akong dinaluhan ni Neil dahil sa mahinang sigaw ko nung matusok ng ulo nung hipon ang daliri ko.
“Wala, natusok lang.”
“Ako na nga lang magbabalat. Hipon nalang mapapatay ka pa yata.” Inagaw sa akin ni Neil ang binabalatan ko at siya ang nagtuloy.
Nag-angat ako nang tingin sa dalawang taong nasa harapan namin. Nakangiti na nanonood sa amin si Xyra habang nananatya naman ang tingin ni Brylee.
“You okay?” tinig nito.
“Malayo sa bituka,” pilosopong sagot ko.
“Oh! Mahal na prinsesa.” Nilagay ni Neil sa plato ko ang binalatang hipon.
“Salamat, kawal.”
“Bagay kayong dalawa ah,” natatawang sambit ni Xyra.
Sus. Kapag nalaman niya siguro na yung katabi n’ya ang tipo ko, baka manginig laman nito sa akin.
“Bakit hindi mo ligawan si Aloisia, Neil?”
“Hindi ko siya type,” agap na sagot ko sa tanong ni Xyra.
“Bakit? Sino ba yung tipo mo?”
Bumagal ang pagnguya ko at nagpa-angat ang tingin kay Xyra. Nakangiti ito sa akin bagay na hindi ko magawa ngayon. Nakita ko sa gilid ng aking mata na napahinto rin si Brylee.
“Si Kio….” natural na sagot ko.
Narinig ko ang dismiyadong tikhim ni Neil. Hindi ko na napigilan mapasulyap kay Brylee na umiinom ng tubig habang nakatingin sa akin.
“Talaga? Baka nga kayo talaga ni Kio para sa isa't-isa. Kayo ang magtutuloy ng love story ni Alisha at Laurence.”
Kibit balikat nalang ang naging sagot ko kay Xyra.
“I though you like mature and older than you,” dugtong ni Xyra.
Napangisi naman ako. Bakit sa mga salitaan niya ay parang may hinuhuli siya sa mga sagot ko? Pakiramdam ko ay si Brylee ang tinutukoy niya o kutob ko lang ‘yon dahil iyon naman talaga ang totoo. Gusto ko ang katulad ni Brylee pero hindi ko iyon aaminin sa harap ni Xyra.
“Pwede naman. May maisa-suggest ka ba?” pagngiti ko ngunit unti-unti namang nawala ang ngiti ni Xyra. Peke siyang tumawa.
“Marami akong kaibigan. Kung gusto mo, papakilala kita.”
I laughed. “I was joking, Xyra. Pero why not? Nag offer ka na rin naman. Malay mo may matipuhan ako.”
“Okay lang sa ‘yo kaedaran ni Brylee?”
“I don't mind,” mabilis na sagot ko at tumawa. Pero huminto ako agad nung may marealized ako sa sinabi ko.
Napaubo ako. “I mean….okay lang mas matanda sa akin basta tipo ko yung mestiso.”
Muntik na ‘ko doon. Baka mahuli pa ‘ko sa sarili kong bibig kapag nagtagal pa ‘ko rito. Buti nalang at naiba ang usapan nung nag-usap ang magkapatid related sa business. Syempre wala akong naiintindihan dahil wala naman akong alam tungkol sa ganung bagay.
Bago kami lumabas ng restaurant pagkatapos namin kumain ay sinuyod ng mata ko ang buong restaurant dahil hinahanap ko si Laurence. Pero bigo akong makita siya, wala na siya counter na kinatatayuan niya kanina.
“Uuwi ka na ba sa bahay n'yo?” tanong sa akin ni Xyra habang sabay na naglalakad. Nauuna ang dalawang magkapatid.
“Oo, wala naman na kaming pupuntahan? Kayo? I mean…ingat kayo sa pupuntahan n'yo.”
Gusto ko kaltukan ang sarili ko. Ano naman sa akin kung saan sila pumunta? Bakit kailangan mo pa malaman Aloisia?
“Uuwi na rin kami. Ihahatid ako ni Brylee.”
Tumangu-tango nalang ako. Buti naman kung ganun. Papunta na ako ng sasakyan ni Neil at nakikita ko na nag-uusap ang magkapatid sa labas ng sasakyan. Hawak ni Brylee ang pintuan ng front seat kung saan ako sasakyan. Nang malapit na ako ay tumigil ang dalawa at binuksan ni Brylee ang pintuan ng sasakyan.
“Mauna na kami.” Pamamaalam ko kay Xyra bago tuluyang pumasok ng sasakyan.
Hindi agad isinara ni Brylee ang pinto, bagkus ay inayos nito ang seat belt ko. Pilit akong umakto ng normal lalo na't nanonood sa amin ngayon si Xyra.
“Kio huh….”
Matigas akong napalunok sa bulong nito habang nakatitig sa aking mata.
“Gusto mo ‘yon?”
Muli akong napalunok at umiwas ng tingin sa kaniya.
“Ano naman?” humalukipkip ang aking braso.
“Paano mo ‘yon nagustuhan? Hindi naman kayo nagkakasama ‘di ba?”
Nakakunot ang noo kong bumaling sa kaniya. “Hindi lahat alam mo, Brylee.”
Tumaas ang kilay nito sa akin at bahagyang inilapit ang katawan. Nanlaki ang mga mata ko sa bigla sa ginawa niya. Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni Xyra habang nanonood sa amin.
“Really? Ano pa bang hindi ko alam? Tell me…I want to know what I missed,” he whispered.
“H-Huwag na nga kayong pakialamero ni Neil sa personal life ko. Please lang.”
“Gusto ko makialam. Ano magagawa mo?”
Nagkatitigan kaming dalawa. Bumitaw ako sa kaniyang mata sa paglapit ni Xyra sa likuran ni Brylee.
“Bry?”
Umayos nang tayo si Brylee ngunit hindi inaalis ang tingin sa akin. Hinawakan nito ang pinto at handa ng isara. Napaayos ako nang upo at bumaling nalang kay Neil na pumasok ng driver seat.
“Take her home safely, Neil.” Bilin ni Brylee bago tuluyang isara ang pinto. Sa paglayo ng sasakyan ni Neil ay unti-unti akong nagpakawala ng hininga. Ganun katagal ko pala pinigil pati ang paghinga ko. Malakas ang kabog ng puso ko na pinapakalma ko ngayon.
Pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Astrid. Inaaya niya ako sa birthday ng isa sa mga kaklase namin na gaganapin sa isang club. Magkakasama na sila kaya naman hindi na ako nakatanggi lalo na't nalaman ko na pupunta din pala si Neil. Gabi pa naman ‘yon kaya nagpahinga nalang ako sa kwarto, umidlip ako at nag alarm ng 10:00 p.m para gumayak na.
Exactly 11:30 ay bumaba ako ng hagdan. Naabutan ko si Mama sa sala mag-isa habang umiinom ng red wine.
“Saan ka pupunta? Late na, Aloisia.”
“Birthday ng kaklase ko. Invited kami lahat. Don't worry hindi ako magtatagal, Ma.”
Tumayo ito at ibinaba ang wine glass. Inayos nito ang suot na bathrobe.
“Ganun ba? Hanggang 2:00 a.m ka lang. Monitor ng Papa mo ang CCTV kaya malalaman niyang umalis ka kahit curfew mo na. Don't worry ako na magsasabi sa papa mo para hindi ka na pagalitan.”
Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. “Thanks, Ma. Mauna na ‘ko.”
“Isama mo si Brylee.”
Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. “Day off niya ngayon, Ma. Wala siya.” Pagpapaalala ko.
Sumama siya sa akin palabas ng bahay.
“Nandiyan siya sa labas nakikipagkwentuhan sa ibang bodyguard.”
Agad kong naramdaman ang mabilis na pagkabog ng puso ko. Grabe, sobrang delikado ng nararamdaman ko. Malaman ko lang na nandito na siya ay kakaibang kaba ang hatid sa akin. Ibig sabihin ay maaga sila nagkahiwalay ni Xyra.
Tama nga ang sinabi ni Mommy. Paglabas namin ay nakita ko agad ang usok ng sigarilyo na nagmumula kay Brylee. Nakaupo ito sa lanai kasama ang dalawang bodyguard habang nagkukwentuhan. Nakita ko pagpatay niya ng kaniyang sigarilyo sa ash tray nang makita kami ni Mama.
“Brylee, Can I have a second?”
Tumayo si Brylee at pumunta sa amin ni Mama. Pinasadahan nito ang suot kong fitted dress and stilettos.
“May gagawin ka ba ngayong gabi?”
“Wala naman po, Ma'am,” formal na sagot nito kay Mama.
“Alam kong day off mo ngayon, pero ikaw sana ang gusto kong makasama ni Aloisia sa pupuntahan niya. Mas panatag ako kapag ikaw ang kasama niya.”
Muling bumaling sa akin si Brylee. “Saan ka pupunta?”
Napalunok ako bago sumagot. “Party,” maikling sagot ko ngunit tumaas na agad ang kilay nito.
“Hanggang 2:00 a.m ko lang siya pinayagan, Brylee. Iuuwi mo na siya ng 2:00 a.m.”
Gusto ko umalma sa 2:00 a.m na gusto ni Mama dahil hindi naman ‘yon masusunod. Tantya ko ay 4:00 a.m matatapos ang party katulad ng kariniwang uwi ko. Nanahimik nalang ako kaysa hindi pa ‘ko payagan.
“Okay, Ma'am. Sasakyan ko nalang po ang gagamitin ko.”
“Dadalhin ko yung sasakyan ko.” Pag-alma ko.
“Kay Brylee ka na sumabay, Aloisia. Iinom ka tiyak kaya hindi ka pwede mag drive.”
“Alright…” dismiyadong pagsuko ko.
Masama ang loob kong sumunod kay Brylee papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako roon na hindi siya sinusulyapan. I need to act normal. Para sa akin ay masikip ngayon ang sasakyan niya para sa aming dalawa. Simula nung sumibol ang nararamdaman ko kay Brylee ay naging awkward na para sa akin na magkasama kaming dalawa lang. Parang ang hirap huminga kapag nasa paligid siya.
Sa pagpasok ni Brylee sa sasakyan ay naging matahimik ang byahe namin sa binigay kong address sa kaniya. Nagpanggap na lang ako na nag s-scroll sa IG para hindi mailang. Siya ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Sino makakasama mo?” tanong niya.
“Mga classmates ko,” sagot ko na nasa cellphone pa rin ang atensyon.
“Kasama si Neil?”
“Yeah….”
Hindi na nasundan ang maiksing pag-uusap na ‘yon hanggang makarating kami sa isang club. Mabilis kong inalis ang seat belt paghinto ng sasakyan. Naramdaman ko naman ang panonood sa akin ni Brylee.
“Hindi ako makakauwi ng 2:00 a.m, kay Astrid nalang ako sasabay or sa kanila ako matutulog.”
Mabilis siyang umiling at binuksan ang pintuan sa gilid niya.
“Iuuwi kita ng 2:00 a.m. That’s final,” striktong sambit nito at nauna sa aking bumaba.
Ha! Asa siya! As if naman mapilit niya ‘kong umuwi ng ganung kaaga.
Pagbaba ko ng sasakyan ay iniwanan ko na siya sa pwesto niya at tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Alam ko rin naman na nakasunod siya sa akin at nakabantay sa akin mula sa malayo.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...