CHAPTER 16

13 3 0
                                    

“Aloisia, huwag mo na dalhin yung sasakyan mo. Kay Brylee ka nalang sumabay,” sambit ni Mama.

Busy ang mga tao ngayon sa bahay dahil may tatlong barangay kaming pupuntahan. May tatlong van na nakaparada sa aming harapan na siyang sasakyan namin. Hindi na ako nagpumilit pa kay Mama na dalhin ang sasakyan ko dahil marami naman kami sa loob ng van. Hindi ako maiilang na kasama si Brylee.


“Kailangan ko ba talaga suotin yung t-shirt na ‘to?” reklamo ko sa isang white t-shirt na siyang suot naming lahat. May pangalan iyon ng aming lalawigan at ni Papa.


“Huwag ka na magreklamo, anak. Mas magiging comportable ka d'yan gumalaw mamaya.”

Napairap ako sa hangin. Malaki sa akin ang damit kaya nilupi ko ang dulo nito at binuhol sa aking likuran. Mas okay tingnan, para ‘kong naka croptop.


“Okay na raw lahat. Sumakay kana doon sa sasakyan,” paghatid sa akin ni Mama sa van. Sa front seat ako pinagbuksan ni Mama at ang mga staff naman sa likuran. Wala pa si Brylee dahil tumulong ito sa pagbuhat ng mga school supplies.


Ilang sandali lang ay nakita ko si Brylee na papunta na sa van. Malaki sa akin ang t-shirt na binigay sa amin, pero kay Brylee ay hapit sa kaniyang braso.


“Kakausapin ko lang si Brylee,” isinara ni Mama ang pinto at sinalubong si Brylee. Habang nag-uusap sila ay dumako ang mata ni Brylee sa loob ng sasakyan. Mabilis naman akong yumuko na kunwari ay may hinahanap sa bag.

“Iyon pala yung driver natin oh, yung kausap ni Ma'am Aloidia. Ang gwapo.” Pagpuri kay Brylee ng staff sa likuran.


“Ano ka ba? Boyfriend yata ‘yan ni Aloisia,” tinig ng matandang staff. Halos masamid ako sa sarili kong laway.


“Hind ko siya boyfriend…” nahihiyang sambit ko.

Tumungo na si Brylee papuntang sasakyan hudyat na tapos na sila mag-usap ni Mama.

“Ah sayang. Kala ko mag karelasyon kayo,” sambit muli ng matanda na saktong pagbukas ni Brylee ng pinto ng driver seat. Nagkatinginan kaming dalawa pero una akong nag-iwas nang tingin.


“Bagay kayo, Ma'am Aloisia. May girlfriend ka ba, Sir?” patuloy na pang-uusisa ng isang babae na mas bata sa akin.


“Wala,” mahinahong boses ni Brylee.

Pumalakpak ang babae. “Ayos pala eh! Ikaw, Ma'am, meron?”

Pilit ang ngiti kong bumaling dito. “Wala, iba ang gusto ko.”

Bumakas ang panghihinayang sa mukha ng babae. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon sa akin ni Brylee ngunit hindi ko siya tinapunan nang tingin.

“Aw…sayang…” dismiyadong sambit ng babae.


Bagay kami? Gusto kong matawa. Hindi kahit kailan pumasok sa isip ko na mukhang bagay kami ni Brylee. Pasok siya sa standard ko, pero hindi ako pasok sa standard niya. Hindi ko kahit kailan man mapapantayan si Xyra. Mukha ko lang naman ang kaya ko ilaban.

Hindi naman naging awkward ang byahe papunta sa unang school na pupuntahan namin dahil nag-uusap ang mga staff sa likuran. Kami naman ni Brylee ay nanatiling tahimik. Nakatingin lang ako sa gilid ng bintana hanggang sa nakarating kami sa aming pupuntahan.


Dahil sabado ngayon ay walang mga estudyante sa Elementary School na pinuntahan namin. Mga teacher lang ng eskwelahan ang sumalubong sa amin. Pagbaba ko ng sasakyan ay mabilis akong humiwalay kay Brylee, sumama ako sa mga staff para tumulong sa pagbibigay ng mga school supplies at ilang kagamitan ng paaralan.


“Picture, Ma'am Aloisia, for documentation!”


Inayos ko ang aking buhok at damit bago humanay sa mga teacher para mag picture.


Pababa na ako ng hagdan pagkatapos kami kuhanan nang may humawak sa kamay ko. Isang guro na may edad na. Matamis ang ngiti nito sa akin habang nakatitig sa aking mukha.


“Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang ate mo? Siya ang pinapunta ng ama mo noong tumulong din sila sa mga estudyante. Hindi ko malilimutan ang ate mo, napakabuting bata.”


Ngumiti ako pabalik. Hindi mapagkakaila na walang iniwang hindi maganda si ate Alisha sa mga tao. Mahal na mahal siya ng mga tao sa bayan namin. Siya madalas ang representative ni Papa kaya maraming nakakakilala sa kaniya. Kaya ang pagkawala niya ay maraming nagluksa, marami ang nakiramay, at humihingi ng hustisya.


Hinawakan ko ang kamay ng guro at nagmano. “Maraming salamat po sa pagmamahal sa kapatid ko,” sinserong pasasalamat ko.


Nang dahil sa engkwentrong iyon ay malaki ang iginaan ng pakiramdam ko. Kaya naman sa lahat ng mga nakakausap ko ay totoong ngiti ang iginagawad ko. Nawala ang pagod ko. Bigla ay nagustuhan ko ang ginagawa ko.


“Ma'am Aloisia, miryenda muna.” Pag-aya sa akin ng staff.

“Sige, susunod ako.”

May inihanda ang mga guro ng konting miryenda para sa amin. Nandoon na ang mga staff sa mahabang lamesa. Hinanap ng mga mata ko si Brylee. Dahil naging abala ako kanina ay hindi ko napansin ang presensya nito.


“Nandito pala yung anak ng Mayor,” hindi ko napigilang ani ko habang naghuhugas ng kamay. May kasabay akong staff sa lababo.


“Opo, Ma'am. Kani-kanina lang dumating.”

Hindi nakatulad namin ay nakasuot ng white dress si Xyra habang katabi si Brylee sa mesa. Mukhang nagkakabiruan sa mesa ‘yon dahil nagtatawanan sila. Hindi ko nalang sila pinansin nang kumukuha na ako ng pagkain.

“Ma’am, dito ka na.” Pagbibigay upuan sa akin ng isang staff sa mismong tapat nila Brylee. Nagtagpo ang mata namin ni Brylee. Napaiwas ako nang tingin.

“Hindi na, doon nalang ako sa bakante.” Pagtanggi ko.

Lumakad na ako bago pa man ako pilitin na roon umupo. Buti nalang ay nakatabi ko yung mga staff na kasama mismo namin ni Brylee sa sasakyan.


“Nililigawan siguro ni Sir Brylee yung anak ng mayor no, Ma'am Aloisia?” pang-uusisa akin ni Tin na siyang nagsabi kanina na bagay kami ni Brylee.

“Siguro….” Kibit balikat na sagot ko.


“Nakita ko kasi kanina, pinupunasan ni Ma'am Xyra yung pawis ni Sir Brylee. Kung hindi lang sinabi ni Sir Brylee na wala siyang girlfriend aakalain kong sila.”

“Napakarami mo namang napapansing bata ka. Hindi ba pwedeng magkaibigan sila?” reaksyon ng mas matandang staff.


“Walang magkaibigan na ganun, Nay,” sagot ni Tin.


Pinili kong manahimik sa kwento ni Tin. Buti nalang pala at abala ako kanina kung hindi ay nasaksihan ko tiyak ang sinasabi ni Tin. Nasa process palang ako ang pag mo-move on sa pagkagusto ko kay Brylee, kaya magiging bitter pa ako kapag nakita ko sila.


“Ma’am, juice po ka-”

“Shit!” pagsigaw ko na nakakuha ng atensyon ng lahat.


Patayo ako para kumuha ng tubig nang lumapit sa akin ang isang staff para abutan ako ng juice. Natabig ko ang kamay niya resulta nang pagtapon nito sa aking damit. Agad na kumulay ang orange juice sa white shirt ko.


“Sorry, Ma'am! Hindi ko sinasadya!” hindi nito malaman ang gagawin. Sinubukan niyang pahiran ng tissue ang t-shirt ko pero wala iyong silbi.

“Okay lang….it's fine….” Kalmadong sambit ko.

Kabado itong nakatingin sa akin. Akala niya siguro ay sisigawan ko siya kaya ganito ang reaksyon niya.

“Don't worry, it’s fine. Pahingi nalang akong panyo.”

Mabilis itong may inabot sa akin na puting panyo. Hinarap ko ang lahat para magpaalam bago ko sila talikuran. Nakatayo rin si Brylee at nakatingin sa akin.

“Uhm excuse me. Susubukan ko lang alisin ko.” Pilit na ngiti ko.

Pagkatalikod ko sa kanila ay malalim akong napabuntong hininga. Malas! Mukha akong basahan ngayon! Wala akong extra shirt at alam ko namang walang magagawa ang panyo na ‘to wala lang akong choice kundi subukan.

“Tangina, pwede pala maglaba habang nakasuot pa yung damit,” mahinang reklamo ko habang binabasa ang damit ko. Wala naman sa akin makakarinig dahil nandoon sila lahat kaya okay lang magmura ko.


“Walang magagawa ‘yang ginagawa mo,”

Bahagya akong napalundag nang may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakasandal sa pader si Brylee habang nanonood sa akin. May hawak itong itim na t-shirt at inabot sa akin.


“Hindi ko ‘yan kailangan,” ma pride na pagtanggi ko. Lalo kong ikiniskis ang basang panyo sa t-shirt ko.


“Why are you like this? May nagawa ba ‘kong masama sa'yo?”


“Wala,” tuwid na sagot ko.

Narinig ko ang problemadong pagsinghap niya. “Seriously? Anong ginawa ko, Aloisia? Yung narinig ko na gusto mo ‘kong papalitan, pinalagpas ko pa. Pero yung pagtanggi mo sa t-shirt na halata namang kailangan mo….” Bumuntong hininga siya. Hinawakan nito ang magkabila kong balikat para iharap sa kaniya. Namimilog ang mata ko sa ginawa niya.

“Seriously…..anong ginawa ko para magalit ka? Tell me…why are you mad at me?” he asked seriously.


“I'm not mad,” kabadong tugon ko.


“Kung hindi ka galit, bakit mo ‘ko iniiwasan?”


“Hindi kita iniiwasan.”


“Oh God!” binitiwan niya ang aking balikat na tila nauubusan ng pasyensya at inabot ulit sa akin ang t-shirt. “Change.” Striktong utos niya.


Bago pa ulit ako makatanggi ay inilagay niya iyon sa aking balikat. “If you are not really mad at me, change your shirt. Talk to me like how you used to be. Huwag mo ‘ko iwasan kung gusto mong maniwala ako na hindi ka galit sa akin.”


Kailangan ko ba talagang patunayan na hindi ako galit sa kan'ya? Paano na yung plano ko na lumayo sa kan'ya? Siguro naman…kusa mawawala ‘tong nararamdaman ko. Hahayaan ko nalang siguro mawala iyon ng kusa kaysa naman pilit niyang itanong sa akin ang pagbabago nang pakikitungo ko sa kan'ya. Paano ko naman sasabihin na kaya ako umiiwas ay dahil may gusto ako sa kaniya at gusto kong mawala iyon?


Pumunta ako sa CR bitbit ang t-shirt ni Brylee. Bago ko iyon suotin ay inilapit ko iyon sa akin ilong at sininghot ang natural na amoy nito. Amoy downy lang naman.


Malaki ang katawan ni Brylee kaya malaki rin sa akin ang t-shirt, katulad nang ginawa ko kanina at binuhol ko iyon sa likuran.


“Pwede bang sa sasakyan n’yo nalang ako sumakay?”


“Hindi ka ba nagdala ng driver? Puno kasi kami sa sasakyan,” boses ni Brylee


Paglabas ko ng CR ay narinig ko ang mahinang pag-uusap sa labas. Hinintay pala ako sa labas ng cr ni Brylee at sinundan siya ni Xyra. Napahinto ang dalawa sa pagdating ko.


“Hi, Aloisia,” bati sa akin ni Xyra.

I smiled. “Hello…”

Malaki ang ngiti nitong lumapit sa akin at kumapit sa aking braso. Nagtataka ‘kong sumulyap kay Brylee.


“Okay lang ba na sa sasakyan n'yo ko sumakay? Pinauwi kasi ni Dad yung driver ko babalikan nalang daw ako mamaya.”


Hindi ako agad nakasagot at muling sumulyap kay Brylee. Puno rin kami sa sasakyan at hindi ko alam kung paano pa kami magkakasya.


“Ganun ba….” Hindi makapagpasyang sagot ko.

“Okay lang siguro maglipat ka ng isang staff sa kabilang van para magkasya ko.” Suggestion niya.


Mukhang ganun na nga ang mangyayari. Mukhang hindi rin naman ako makakatanggi.


“Sige, papalipatin ko si Tin sa kabila.”


Napapalakpak siya sa tuwa at lumipat kay Brylee. Kumawit ang braso nito sa braso ni Brylee. Sumunod ang tingin ko ro'n ngunit mabilis na napaiwas nang tingin. Nawala ang pekeng ngiti ko sa pagtalikod sa kanila para puntahan si Tin nang mapalipat ko siya sa kabilang van.


Patungo kami pabalik ng van para pumunta sa pangalawang paaralan. Nauna sa akin si Xyra at nakatayo ito sa labas ng front seat.


“Okay lang ba na sa front seat ako?” paki-usap niya pagkalapit ko.


Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko. Ang dami namang gusto ng isang ‘to. Makikisakay na, gusto pa sa front seat.


“Sa backseat ka na lang, Xyra. Hindi sanay si Aloisia kapag hindi sa front seat,” deklara ni Brylee at binuksan ang back seat para kay Xyra.


Buti nalang marunong makiramdam ang isang ‘to.


“Masikip sa back seat, Bry,” malambot na boses nito na nagrereklamo kay Brylee.

Kung hindi lang ako makikita ni Brylee ay napairap na ako. Ano gusto niya? Ako ang makipagsiksikan? Sasakyan namin ‘to at pwesto ko naman talaga ang front seat. Sanay naman ako sa backseat pero hindi ko ibibigay ang pwesto ko sa ganitong pagkakataon. Sa kaniya na si Brylee, sa akin ang front seat.


“Malapit lang ang pupuntahan natin. Hindi rin naman sobrang sikip.”

Napabuntong hininga ako. Binuksan ko na ang frontseat bago pa man mauto si Brylee ng babaeng ‘to. Parang anumang oras ay papayag siya.


“Kung gusto mo talaga sa front seat punta ka sa kabilang van at paalisin mo si Tin. Nasa front seat siya pwede siya bumalik dito sa back seat,” lintanya ko bago tuluyan pumasok at isinara ang pinto.


Kalaunan ay sumakay din naman siya sa likuran. Naging iritable tuloy ako habang nasa byahe. Hindi ko malaman kung naiinis ako sa kaniya dahil gusto siya ni Brylee o naiinis ako dahil maarte siya?

Last Bullet (Last Series#03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon