Alisha
“You can go home now.”
Napatingala ako mula sa pagkakayuko ng may umupo sa harapan ko. Nasa isang mesa ako at hinihintay si Brylee na bumalik pagkatapos makipag-usap sa mga pulis. I stayed 12 hours in jail at ngayon ay nandito si Brylee at may kasamang abogado para linisin ang pangalan ko. I don’t have sleep, I was staring at the wall the whole night and figuring out what I’ve done. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong sa ganitong klaseng lugar ako mapupunta.
“Shall we go now?” marahang tanong sa akin ni Brylee. Nananantiya ang mga tingin nito. Mabagal akong tumango at tumayo.
Kung ano ang suot ko sa club kagabi ay siya pa ring suot ko ngayon. Malamig at malamok sa loob ng selda pero hindi ko iyon ininda. Ang nasa isip ko lang ay kung makakalabas pa ba ako.
Tahimik lang ako nakasunod kay Brylee hanggang sa makarating kami sa sasakyan nito. Pinagbuksan niya ako ng pinto ngunit hindi nito agad isinara kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin ito sa akin na animo'y may iniisip.
“Bakit?” tanong ko.
Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin upang marinig siya.
“Hindi ka naman gumagamit ng drugs ‘di ba?”
I eyes widened. “Hindi no! Hindi ako kahit kailan gumamit ng drugs. Like I said earlier, the girl was trying to sell the drugs on me. A-And I didn’t even notice those was a drug!”
Tumangu-tango ito. “Good. Kailangan mo pa rin magpa drug test para mapatunayan na inosente ka.”
“Willing ako magpa drug test kahit pregnancy test pa.”
Oo nakikipag-away ako, pasaway ako, hindi ako nakikinig sa magulang ko, wala akong pinakikinggan kahit na sino pero kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na gumamit ng drugs. At kahit sa mga kaibigan ko ay walang mag i-influence na gumamit na ‘yon.
“This is not a joke, Aloisia. Na involved ka sa ganitong isyu and let remind you, you are the daughter of the Governor.”
Natahimik ako. Oo nga pala, anak ako ng isang politiko na tinitingala ng lahat. Isang politiko na naaayos ang mga problema sa nasasakupan niya ngunit hindi ang sariling anak niya. Hindi ko pa man nakikita si Papa pero na i-imagine ko na agad ang galit nito. Marami ang nakasaksi sa nangyari kagabi kaya isa na naman kahihiyan ito sa pamilya ko. Tiyak kong ako na naman ang headline ng mga dyaryo “Aloisia Griselda Severrino daughter of Raphael Severinno got involved in drugs.”
“Ano sabi ni Papa?” I asked.
“Hindi ko pa nakakausap ang Papa mo.”
I blinked twice. “Hindi ba nagsumbong ka?”
Malalim siyang humugot ng hininga. “Hindi,” tipid na sagot nito. Buong akala ko ay nagsumbong siya kay Papa kagabi.
Pagdating sa bahay ay nakakapanibago na nakasara ang pinto ng front door. Napatigil ako roon ng ilang minuto.
“Hindi ka pa ba papasok?” tanong ni Brylee na nakatayo sa likuran ko.
Hindi ako sumagot. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng kaniyang kamay sa magkabilang balikat ko.
“Are you scared?” muling tanong niya.
I am scared? Tanong ko rin sa sarili ko. Bakit parang hindi ko kayang pumasok sa pinto na ‘to. Alam ko naman na ang bubungad sa akin. Disappointment of my parents, hurtful words from my father, and the silent treatment from my mother.
“Ako bahala sa ‘yo….pumasok ka na,” mababang boses ni Brylee.
Napabuntong-hininga ako at tumango. Hawak ang handle ng pinto ay unti-unti ko iyong itinulak. Tahimik ang buong kabahayan at pagkakamalan ko talagang wala tao kung hindi ko lang nakita si Papa na pababa ng hagdan. Saglit itong napahinto nang makita ako ngunit pumunta rin sa pwesto ko na walang mababasang emosyon sa mukha. Nakatayo lang ako sa sala malapit sa sofa, hinihintay na makalapit si Papa sa akin. Ngunit sa paglapit niya sa akin ay isang malakas na sampal ang lumapat sa akin kaliwang pisngi dahilan nang pagkatumba ko at pagtama ng aking tuhod sa matulis na bagay.
“Ano pang kahihiyan ang dadalhin mo sa pamamahay na ‘to, Alosia?! Ano pang kahihiyan ang ibibigay mo sa pamilyang ‘to?!” nag echo sa buong kabahayan ang galit na sigaw ni Papa dahilan nang pagmamadaling pagbaba ni Mama.
Hindi ako agad nakatayo sa pagkakabagsak ko dahil sa natamo kong sugat sa aking tuhod na dumudugo ngayon. Naramdaman ko ang marahang pag-alalay sa aking braso ni Brylee para makatayo. Matigas ang ekpresyon nitong nakatingin sa akin. Nung tuluyan akong makatayo ay nasa harapan ko na si Brylee. Inilagay niya ako sa kaniyang likuran hawak ang aking pulsuhan na parang pinoprotektahan laban kay Papa.
“It’s all my fault, Sir. I let her out,” formal na pahayag ni Brylee kay Papa.
“Raphael,” lumapit si Mama kay Papa. Mabilis ang bawat paghinga ni Papa dala ng matinding galit sa akin.
“Huwag mo ipagtanggol iyang rebeldeng batang ‘yan, Brylee. Hindi ako magtataka kung mag adik ‘yan dahil wala naman ‘yang ginawang mabuti sa buhay niya!”
Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak sa akin ni Brylee.
“Napagkamalan lang si Aloisia, Sir. Inosente ang anak niyo,” mariing sagot ni Brylee.
“Mukha lang ‘yan inosente pero puro kagaguhan nalang ang alam niyan sa buhay! Nakakahiya ka, Aloisia!”
Napasinghal ako.
“Raphael, kumalma ka.” Pagpapakalma ni Mama kay Papa bago bumaling sa akin. “Aloisia, hindi ba may curfew ka?”
“Kailan ba ako nagkaroon ng pakialam sa curfew ko?”
Akma ulit akong sasaktan ni Papa pero nakaprotekta ang katawan ni Brylee sa akin. Lumabas ako sa likuran ni Brylee. I feel like he’s defending me from my father and I don’t want someone to do that for me. At kahit kailan ay hindi ko ipinaliwanag ang sarili ko sa magulang ko, ano pa ang saysay non kung hindi rin naman sila marunong makinig. Walang saysay ang pagpapaliwanag mo kung sarado ang isip at tenga ng tao. Mananatili sa isip nila ang mga maling nagawa mo, paulit-ulit isusumbat kaya wala kang magagawa kundi ang manahinik kahit ikaw na ang tama. Hindi kahit kailan makakaintindi ang isang taong ayaw umintindi.
“Are you done? Gusto ko na matulog.”
“Aloisia, huwag kang bastos sa Papa mo,” si Mama na alam kong hindi nagustuhan ang inasal ko.
I feel so tired and sleepy at the same time. Parang wala akong lakas pa para makinig sa sasabihin nila.
Napaiwas ang mukha ko sa pagduro sa akin ni Papa. Puno ng galit at dismaya ang kaniyang mata. “You are such a disgrace to this family! Sana nagkapalit na lang kayo ng tadhana ni Alisha! Sana si Alisha nalang ang nandito!”
I am stunned for a moment. Pati si Mama ay nagulat sa sinabi ni Papa. Napalunok ako at pilit na pinatatag ang sarili sa harapan nila kahit na ang totoo ay ang laking epekto sa akin no'n. Sobrang sakit sa akin tuwing nadadamay si Ate Alisha sa usapan.
Gusto kong tugunan sila ng sarkastikong ngiti ngunit galit ang nangibabaw sa akin. “Akala ninyo kayo lang ang humihiling niyan? Ako rin, Pa. Sana si Ate Alisha nalang ang nandito at ako nalang ang nasa posisyon niya. Dahil sawang-sawa na ako ikumpara sa iba!”
Natahimik si Mama at Papa sa pagsigaw ko. Taas baba ang aking dibdib sa malalim na paghinga.
“Mas gugustuhin ko pang matulad kay Ate Alisha kaysa ang manatili sa pamilyang ‘to! Pamilya nga ba ‘to? Parang hindi naman. Walang pinagkaiba yung seldang kinalagyan ko sa pamamahay na ‘to! Para akong nasa kulungan!”
“Anak Aloisia, ano ka ba? Huwag kang ganyan, hindi ka ganyan, anak.”
Tama si Mama, hindi ako ganito. Hindi ko kahit kailan pinatulan ang galit ni Papa, ngayon. Ngayon na napuno ako.
“Oo, hindi ako ganito, Ma.” Peke akong napatawa at tumingin kay Papa. Namamasa ang aking mata ngunit hindi ko hahayaang tumulo iyon.
“I'm sorry for not being you wanted to be. I’m sorry because I’m not ate Alisha. I’m not her and I will never be.”
Tinalikuran ko silang lahat at nag martsa mabilis papunta sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako roon hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Sa pagkakataong iyon ay tuloy-tuloy tumulo ang luha ko.
I have an older sister, si Ate Alisha. But she was killed in the ambush that happened years ago. Nasa kasagsagan si Papa ng kampanya noon and my father became like this after her death. Ako yung laging pinag-iinitan niya, pagkakamali ko lagi ang napapansin niya. Pagkatapos mamatay ng Ate ko ay parang nakalimutan na niyang maging ama. Ang pagkawala ng kapatid ko ay siya ring pagkawala ng pagmamahal sa akin ni Papa. Pakiramdam ko ay nawalan din ako ng ama.
Pinahid ko ang aking luha at napatingin sa aking sugat. Lalo akong napaluha at pigil ang hikbi. Ayoko man masaktan pero parang pinipiraso ang puso ko na malamang hiniling ng magulang ko na sana ay ako nalang ang namatay. Na sana si Ate Alisha ang nandito at ako ang nasa puntod niya.
Mabilis kong inalis ang luha sa aking pisngi ng may kumatok sa akin pintuan. Hindi ako sumagot at hindi ko rin ‘yon binuksan.
“Aloisia…..si Brylee ‘to.”
Napatitig ako sa aking pintuan nang marinig ko ang boses niya.
“May sugat ka, may dala akong first aid kit,” aniya.
Mariin kong pinaglapat ang aking labi at pinigil na magsalita. Ayoko ang paraan nang pakikitungo niya sa akin ngayon. Nakita at narinig niya ang pagtatalo namin ni Papa at pakiramdam ko ay naawa siya sa akin. Hindi ko kailangan ng awa kanino man. Ayokong makaramdam ng awa ang mga tao sa akin.
“Iiwanan ko rito sa harap ng pinto mo.”
Idinikit ko ang aking tenga sa pinto para marinig ang yapak niya paalis. Nang makasigurong wala na siya ay binuksan ko ang pinto at kinuha ang iniwan niyang first aid kit. Wala ako nito sa loob ng kwarto kaya wala akong choice kundi kunin ito.
Pag-upo ko ng kama bitbit ang first aid kit ay tumunog ang cell phone ko. Babaliwalain ko na sana ito ngunit text iyon galing kay Brylee. Isang mahabang message na naglalaman ng procedure kung paano gamitin ang first aid kit. Ilang sandali pa ay panibagong message na naman galing sa kaniya.
Brylee;
Do you need anything? Hindi ka pa kumakain. Do you want me to bring your food?”
-----------
Napatitig ako sa message na ‘yon. What’s wrong with him? He never cares about me but now, he’s acting he is.
Reply:
Hindi ako nagugutom. Leave me alone.
I never share my problems with anyone or even my friends. I maintain to keep it or sometimes ignore it because I have nothing I can do. I don’t want them to see how weak I am. Ayokong kaawaan nila ako. They see me as a strong woman, physically and emotionally. But I'm only human. I breakdowns and I cry.
Brylee:
May I see what did you do to your wounds?
Panibagong message. Kinuhanan ko ito ng picture at sinend sa kaniya.
Brylee:
Go to your veranda. May ibibigay ako
Kumunot ang aking noo at napatingin sa veranda ng aking kwarto. May sariling veranda rin ang kwarto ni Brylee kaya paglabas ko ay makikita ko siya. Ano naman kaya ang ibibigay niya?
Lumabas ako ng nakapantulog. Paglabas ko ng veranda ay nandoon na si Brylee sa labas at nakasandal sa railings habang naghihintay sa akin.
“Anong ibibigay mo?” tanong ko.
“Catch.” May ibinato ito sa aking paperbag na buti ay nasalo ko.
“Ano ‘to?” pagtataka ko.
Ipinakita lang nito sa akin ang kaniyang cell phone at pumasok ulit sa kwarto. Pumasok na rin ako at hinintay ang text niya.
Brylee:
Alam kong mataas ang pride mo kaya hindi ka bababa. Eat well.
Agad ko namang binuklat ang laman ng paper bag at naglalaman ito ng dalawang sandwich. Sumobra naman yata siya sa bait dahil lang sa nasaksihan niya kanina. Well, I’ll take advantage of his kindness for now. Mawawala rin naman ‘to tiyak bukas.
Reply:
Bring me some water.
Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa school pagkatapos ng pangyayari. Gusto ko sana muna pahupain ang isyu. Sa loob ng bahay naman ay hindi rin ako sumasabay sa pagkain kina Mama at Papa. Lagi akong nagpapahuli pero nakakasabay ko naman si Brylee.
“Kinukumusta ka ni Neil. Hindi mo ba siya nakakausap?” tanong ni Brylee sa akin habang sabay kaming kumakain.
“Hindi pa,” sagot ko at tuloy lang sa pagkain.
“Hindi ka pa rin ba papasok bukas?”
Nagkibit balikat lang ako. Tinatamad din naman kasi ako talaga pumasok.
“Graduating ka na, ano balak mo pagkagraduate mo?” ibinaba nito ang gamit na kubyertos hudyat na tapos na siya kumain.
“Aalis,” maikling sagot ko.
Iyon naman talaga ang balak ko. Pagkatapos ko ng pag-aaral ay aalis na ako sa pamamahay na ‘to. Gusto ko na maging independent at maging malaya sa mga magulang ko. Ang sarap siguro sa pakiramdam yung excited ka umuwi ng bahay.
“Saan ka naman pupunta?”
Tumaas ang aking kilay. “Bakit tanung ka ng tanong? Sasama ka ba?”
Tinaasan lang din ako nito ng kilay at ipinatong ang pinagsiklop na kamay sa lamesa. “Do you want me to ask my brother to marry you?” walang bahid na pagbibirong sambit nito.
Bigla ay nasamid ako. “W-What?”
“You are both comfortable with each other. And I know my brother will treat you better.” Para itong nakikipag negosasyon sa negosyo.
Mahina akong napatawa. “Alam mo bang babaero ‘yang kapatid mo? Tapos gusto mong kami magkatuluyan?” lalo akong natawa. Hindi ko maimagine na papakasalan ko si Neil.
“I know my brother, Aloisia. You couldn’t imagine what he can do for you. You are special to him. Hindi niya gugustuhin na mapunta ka sa ibang lalaki at sasaktan ka gaya ng Papa mo.”
Bigla akong nawalan ng boses sa sinabi ni Brylee. Napatitig lang ako sa kaniya hanggang sa bumaba ang aking tingin sa pagkain. Nakuha ko na ang gusto niya sabihin. Gusto niyang kay Neil ako mapunta dahil alam niyang kaya akong tratuhin ng tama ni Neil at hindi masasaktan kagaya ni Papa.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...