CHAPTER 12
Wish
“A-Anong meron?” buong pagtatakang tanong ko kay Brylee nang sa pagpasok ng kaniyang sasakyan sa gate ay napansin ko sa kaniyang lanai ang isang pabilog na mesa na may kandila sa gitna. Nagbibigay liwanag dito ang maliliit na ilaw na nakasabit sa taas. Nakapalibot iyon sa buong lanai.
“Let’s celebrate your birthday.”
Gulat ang mga mata kong bumaling sa kaniya. Ni hndi agad iyon nag process sa isip ko. Napapitlag pa ako nang buksan niya ang pinto sa gilid ko.
“Wow….” Hindi pa rin makapaniwalang sambit ko.
“Happy birthdat to you…..happy birthday to you….”
Natutuop ko ang aking bibig nang makita ko si Neil na may hawak na cake at nakangiting kumakanta sa akin.
“O-Oh my God….” Naluluhang reaksyon ko.
This is too much for me. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kabutihan para iparanas sa akin ng magkapatid na ‘to na maging special yung araw na ‘to. Normal na araw lang naman sa akin ang birthday ko pero dahil sa dalawang ‘to, they made it so special.
“W-Why? Bakit may ganito?” mahinang boses ko. Tumingala ako kay Neil na nasa aking harapan ngayon. Matamis itong nakagiti at hinawi ang takas ng aking buhok na kumakawala dahil sa hangin. Namatay din ang kandila sa cake na hawak ni Neil.
“What do you mean why? You deserve everything, sweetie…” mahinahong sambit niya.
“I hate this kind of suprises.” Napasinghot ako. Mahinang napatawa si Neil.
“I know you love it.”
Lumapit si Brylee sa amin at muling sinindihan ang kandila.
“Make a wish,” aniya. Tumango ako at matipid na ngumiti.
Ipinikit ko ang aking mata at nag-isip kung ano ang hihilingin ko.
“Huwag mo na hilingin na makasal sa ‘kin, nahiling ko na ‘yon last birthday ko,” si Neil.
I laughed. Kinukot ko ang braso niya kahit nakapikit ako.
“Stop it, Neil. You distracting her,” bulong ni Brylee.
“Why? I’m just giving an opinion. Baka madoble yung wish namin akala ni Lord nagkopyahan kami.”
“Stop.” Pagtatalo ng dalawa.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at sinambit sa aking isipan ang aking hiling. Sana….huwag mawala sa akin yung mga taong nagpapasaya sa akin. Iyong lang ang aking hiniling at dinilat ang aking mata upang hipan ang kandila.
Iyon lang ang tanging hiniling ko dahil parang hindi ko kaya kung isa sa kanila ang mawawala sa akin. Sila nalang ang takbuhan ko, sila yung lagi kong karamay, sila nalang yung tanging dahilan ng pag ngiti ko. I don’t think I can be happy again kapag nawala kahit isa sa kanila sa akin. Pakiramdam ko rin naman kaibigan nalang ang meron ako.
“Anong hiniling mo?” tanong ni Neil. Pumasok si Brylee sa bahay at kami naman ni Neil ay dumiretso sa mesa. Nakangiti kong pinagmasadan ang steak at red wine.
“Syempre secret no. Baka hindi matupad.”
Umupo ito sa katabi kong upuan. “Malay mo kaya ko tuparin.”
“Feeling ko kaya mo naman.”
“See? Kaya sabihin mo na. Baka ako yung instrument ni lord para matupad yung wish mo.”
Inilagay ko ang aking kamay sa ilalim ng aking baba at ngumiti sa kaniya. Nakataas ang kilay nito sa akin. “Hiling ko sana ibili ako ni Neil ng maraming-maraming braded bag.”
Napangiwi siya. “Hindi counted ‘yon. Maghintay ka nalang magkaroon ng pagawaan ng Chanel bag sa langit baka hulugan ka ni lord dito sa lupa.”
Dumating si Brylee at inilapag sa mesa ang tatlong wine glass. Hinila nito ang upuan sa harap ko.
“Ayaw mo ng wine ‘di ba?” si Neil.
“Ayos lang naman.” Pagkibit balikat ko.
“Hindi, dapat ayaw mo. Nagdala pa naman ako ng Jack Daniel’s.” Pagtayo niya at may kinuha sa bandang likuran namin. Inilapag nga niya sa mesa ang tatlong bote ng alak. Agad na napailing si Brylee.
“No hard drinks, Neil.” Pagtutol nito.
Agad na umapila si Nei sa kaniyang kuya. “Don’t worry, kuya, she’s safe with me. Ako maghahatid sa kaniya, pwede rin naman ikaw maghatid sa amin ikaw ang huwag iinom or pwede naman dito nalang tayo matulog.”
Umiling si Brylee. “Uuwi si Aloisia. Ako nagdala sa kaniya rito kaya ako ang magbabalik sa kaniya.”
“Pwede naman ako mag overnight,” mahinang sambit ko ngunit sa plato nakatingin. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Neil.
“Yeah, tabi kami.”
“Shut up. Uuwi siya….that’s final.”
Pigil ang pagkibot ng aking labi. Kinuha ko ang dinner knife and dinner fork para simulan ang pagkain.
“Sus! Kala mo naman may mangyayaring masama, kaya naman magpigil ni Aloisia,”
Nasamid ako sa pahayag ni Neil kaya straight kong nainom ang red wine sa aking wine glass.
“Ang kapal mo sa part na ‘yan ha! Kahit maghubad ka sa harapan ko wala akong pakialam.” Singhal ko kay Neil.
“Talaga?” tumayo ito at umakba siyang maghuhubad ng damit. Napatakip ako ng mata.
“Stop, Neil! That’s disgusting!” nandidiring reaksyon ko. Napapailing nalang si Brylee sa kapatid.
Padabog na umupo si Neil. “Yabang mo, hindi mo ba alam na ito yung habol sa akin ng mga babae?”
“Kadiri ka talaga.”
My dinner with them went well. I’m also glad they didn’t speak of about happened in our house. Hindi sila nag tanong about kay Papa at kung ano ang mga nangyari. Hindi nila ako pinilit magkwento. Mapayapang natapos ang dinner naming tatlo. Hindi naman kami napigilan ni Brylee na uminom ni Neil. Kahit labag sa loob niya ay pumayag pa rin siya.
“Do you want to get married after college?” biglang tanong ni Neil habang sinasalinan ng alak ang aking shot glass. Napatingin sa akin si Brylee at sumandal ang likod sa upuan.
“Bakit? Aayain mo ba ako magpakasal?” pagbibirong sagot ko.
Tumawa ito. “Asa ka.” Pang-aasar niya.
“Parang tanga naman kasi yung tanong mo. Kanino naman ako magpapakasal eh wala naman akong boyfriend.”
“So kapag nagka-boyfriend ka bago tayo maka graduate magpapakasal ka na?”
“Hindi no! ano ba ‘yang tanong mo na ‘yan neil?”
Nagkibit balikat ito.
“Ikaw kuya? Paano kung bumalik si Zyra? Aayain mo nang magpakasal?”
Hindi nakasagot si Brylee. Napaayos ako nang upo at mariing pinaglapat ang aking labi. Pigil ko ang aking hininga habang hinihintay ang sagot niya.
“Huwag mo problemahin ang pagpapakasal ko. Problemahin mo ‘yang mga babae mo.”
Unti-unti kong pinakawalan ang aking hininga. If he said yes, that will be a game over for me. Ngayong kompirmado na akong may nararamdam akong paghanga kay Brylee, nagiging apektado ang emosyon ko kapag napag-uusapan ang ex ni Brylee. I am nothing compare to her kaya hindi rin naman ako umaasa na may maramdaman din sa akin si Brylee. Itatago ko nalang ito habang kaya ko. Alam ko naman na hindi ako yung tipo niya lalo na yung ugaling meron ako.
“Kukunin ko lang yung laptop ko sa loob.” Pagtayo ni Brylee. Napatingala ako sa kaniya. Papalit-palit ang tingin nito sa akin at kay Neil bago tuluyang tumalikod para pumasok ng bahay.
“Nakatulog ka na ba simula nung umuwi ka?” tanong ko kay Neil.
Bahagya nitong hinarap sa akin ang kan’yang upuan. “Sa tingin mo?” nangingiting pabalik na tanong nito sa akin habang sinasalinan ang aking shot glass.
“Malay ko! Kaya nga tinatanong kita.”
“Hindi mo masabi no? Hindi kasi halata sa akin kung kulang sa tulog o hindi. Gwapo pa rin kasi.” Pagkindat niya sa akin.
Napairap ako sa hangin. “Bakit nga ba kinakausap pa kita?”
Nafocus ang paningin ko sa bote ng Jack Daniel’s na dala ni Neil. Kinuha ko iyon at itinapat sa ilaw.
“Bakit bawas na ‘to?” pagtataka ko dahil hindi naman iyon ang binuksan ni Neil kanina. Kinuha ni Neil iyon sa aking kamay.
“Malamang baka ininom na,” pabalang na sagot nito.
“Ikaw uminom?” inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha upang maamoy ang alak sa kaniya. At hindi ako nagkamali. “Kaya pala malakas na tama mo, nauna ka na uminom,” mahina at naiiling na sambit ko.
“Y-You… you are too c-close, Aloisia,” nauutal na pahayag nito habang nakatitig sa aking mukha. He swallowed so hard.
Agad naman akong natauhan dahil sobrang lapit pala talaga ng mukha naming na halos isang maling galaw lang ni Neil ay magdadaplis ang aming labi. Napabalik ako sa aking pwesto at inayos ang aking buhok.
“Oh, bakit namumula ka?” Panunukso ko sa kan’ya. Inirapan ako nito at ininom ang alak sa shot glass.
“Malamang sa alak,” he murmured.
Napatawa ako. Ilang sandali lang ay bumalik si Brylee bitbit ang laptop. Tumaas ang klay ko sa nanunuring tingin sa akin. Hanggang sa makaupo siya ay hindi ako nito binitawan nang tingin.
“What?” walang boses na tanong ko.
Umiling ito at tinapunan nang tingin si Neil na nagiging mabilis ang bawat pagtungga ng alak.
“You look frustrated.” Puna nito kay Neil.
“Of course I am,” sagot nito.
“I saw her and…she’s fine,” si Brylee.
Napabuntong hininga si Neil. Parang may pinag-uusapan silang magkapatid sa bawat tingin na hindi ko maintindihan. Hindi ko nga rin alam kung sino ang pinag-uusapan nila at mukhang iyon ang dahilan ng pagiging frustrated ni Neil.
Binuksan ni Brylee ang laptop at doon na focus ang atensyon habang kami ni Neil ay tuloy ang pag-inom.
“Want more?”
Tumango ako kay Neil. Tuwing sinasalinan ni Neil ang shot glass ko ay napapansin ko ang bawat pagtapon sa akin nang tingin ni Bryle sabay iiling. Mukhang binibilang din niya ang bawat pag-inom ko.
“That’s enough for her, Neil,” ani nito.
Napasimangot ako. “Hindi pa ‘ko tinatamaan no! Kaya ko pa nga ubusin yung isang bote na ‘yan na tuwid na lumalakad.” Pagmamayabang ko.
“Iuuwi na kita maya-maya. Dito nalang matutulog ‘yan.” Pagtukoy nito kay Neil na pipiki-pikit na. Dala siguro ng alak at wala pa siyang pahinga simula nung galing siya sa hospital kaya para siyang susubsob sa lamesa anumang oras.
“Do you know Asher has romantic feelings for Astrid? Ha, Aloisia?” biglang tanong ni Neil. Nagkatinginan pa kami ni Brylee.
Tumikhim ako. “Tingin ko meron.”
Nakayuko si Neil habang nakapikit ngunit kita ko ang pagngisi nito. “Are you aware Sir Dylan likes Amara?”
Tumango ako ng dalawang beses. “Yes, alam ko ‘yon.”
He burst into laughter. “I am amazed. How come…you noticed someone’s feelings for others but you didn’t notice those people who like you?” mabagal na aniya.
Umatras ang aking dila sa sinabi ni Neil. Inubos lang nito ang alak sa shot glass at isinandal ang ulo sa upuan. Tuluyan na yata siyang nakatulog dahil malalim na ang bawat paghinga nito. Malalim akong napahugot ng hininga at ininom ang shot ko.
Bahagyang dumilat ang mata ni Neil sa pagtunog ng cellphone ni Brylee na nakalapag sa mesa. Kahit na nakabaliktad iyon mula sa akin ay mabilis kong nabasa ang pangalan na ‘yon. Tumatawag si Xyra. Mabilis ko nalang ulit binaling ang atensyon ko kay Neil.
“I will answer this call uuwi na kita pagkatapos,” aniya at tumayo para nga sagutin ang tawag na ‘yon.
Parang roller coaster yung emosyon ko sa araw na ‘to. Kanina lang nasaktan ako dahil sa nangyari sa bahay, naging masaya ako dahil sa gift at surpise sa akin ni Bylee at Neil. Mapait naman ngayon ang pakiramdam ko dahil sa pagtawag ng ex n’ya. I’m not supposed to feel this bitterness inside of me but I can’t help it. Alam kong malaki ang posibilidad na magkabalikan sila lalo na't may communication pa sila.
“Neil,”pagtapik ko sa pisngi nito. “Ihahatid kita sa loob. Doon ka na matulog aalis na kami ng kuya mo pagbalik niya.”
Walang response sa akin si Neil. Mukhang napasarap na ang tulog niya pero hindi ko naman siya pwede iwanan dito sa ganitong ayos. Tiyak na mananakit ang batok niya paggising niya.
“Neil,”muling paggising ko rito. Gumalaw siya at umungot. Inilagay ko ang braso niya sa aking balikat upang suportahan sa pagtayo niya. Tuluyan na siyang napadilat pero halatang hahatakin ulit ng antok anumang oras.
“Aloisia,” paos na pagtawag niya sa pangalan ko.
Nilingon ko siya. Mapupungay ang mga mata sa aking nakatingin.
“Doon ka na matulog sa loob,”ani ko at sinubukan siyang iangat ngunit nabigo ako. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang baywang upang tulungan makatayo pero sa sobrang pwersa ko ay dumamba ang katawan sa akin ni Neil sa mesa. Buti nalang at nakasandal ako kundi ay pareho kaming babagsak sa sahig.
“Tumayo ka, Neil! Babagsak tayo.”
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nasa akin ang buong bigat ni Neil. Sinubukan niyang tumayo kaya napagewang siya. Mabilis ko naman siya sinuportahan sa baywang. Mahina siyang napatawa at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Inilapit niya ang mukha sa akin habang napipikit na nakangisi.
“I….I like someone else…” bulong niya. “but the girl I like… I think she likes somebody else. And….and…they want me…” papahina nang papahina ang boses nito. “They want me to marry…that-”
Napalayo ang katawan sa akin ni Neil nang kunin siya sa akin ni Brylee. Napaayos ako nang tayo habang nakatingin kay Neil na hinatak na ng antok at kalasingan.
“Ihahatid ko na siya sa loob. Hintayin mo nalang ako rito.”
Dahan-dahan akong napabalik sa upuan habang sinusundan sila nang tingin. Ang bilis naman niya yata bumalik. Parang hindi ganung kahaba ang pinag-usapan nila.
Nang makita kong lumabas ulit sa pintuan si Brylee ay tumayo na ako.
“Let’s go,” pag-aya niya habang pinag-mamasdan ako. Walang salita akong lumakad papunta ng sasakyan niya. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto, sumakay ako sa front seat at ikinabit ang seatbelt.
Okay naman kami kanina pero hindi ko alam bakit parang naging awkward ang atmosphere dito sa loob ng sasakyan. Pasimple kong tinapunan si Brylee at nakita ko ang mariing pagkunot ng kaniyang noo habang titig na titig sa daan. May bakas ng irita sa kaniyang mata na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Naging ganyan lang ang awra niya nung nagkausap sila ni Xyra, siguro ay iyon ang dahilan. Baka may pinag-usapan sila na kinairita niya.
“Do you want to know my wish?” pagbasag ko ng katahimikan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at lumingon sa bintana sa gilid ko.
“What is it?”
“I wish not to lose those people who make me happy. Kasama ka roon.” Paglalakas loob ko.
Sunod-sunod akong napalunok sa hindi niya pagsagot. Kinukurot ko ang aking nga daliri sa paglingon ko sa kaniya. Wala na ang kunot sa kaniyang noo pero naging blangko ang mukha nito habang nagmamaneho.
“I can’t promise that I can stay beside you,” walang pag-aalinlangang pahayag niya na hindi ako nililingon.
I forced to smile. Yes…hindi naman talaga siya nangako dahil ang gusto lang niya ay tulungan ako habang nandito siya. Pero wala siyang sinabi kung hanggang kailan.
Pilit kong itinago ang kurot sa puso ko.
“That's why I wish for it…” mahinang sambit ko na alam kong hindi niya maririnig.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...