Prettier
"Si Brylee?" tanong ko sa isang bodyguard na madalas kasama ni Brylee.
"Nasa garahe, Ma'am. May inaayos sa sasakyan."
"Ahh okay, thank you." Ngumiti ako at tumalikod bitbit ang limang malalaking paper bag na may tatak ng mga mamahaling brand.
Natagpuan ko nga si Brylee sa garahe. Nakabukas ang harapan ng sasakyan nito at parang may sinusuri sa makina.
"Hey," tawag ko rito. Ibinaba ko ang hawak sa isang mahabang plastic na upuan.
"What?" tugon nito sa akin na hindi maalis ang atensyon sa ginagawa.
"Samahan mo 'ko."
Lumingon ito sa akin. May dumi ang suot nitong puting T-shirt at may butil ng pawis sa kaniyang noo. Bakit kaya ganon? May tao pala talagang kahit pawisan na ay mukha pa ring mabango.
"Saan na naman ang punta mo? May pasok ka na bukas hindi ba? Bakit hindi mo nalang aralin yung mga na missed mong lesson para naman tumaas ang grade mo."
Napairap ako sa hangin. "Ang dami mo namang sinabi magpapasama lang ako. At saka okay lang mababa ang grade at least mataas ang standards."
Lumakad ito papunta sa akin at kinuha ang basahan para punasan ang maruming kamay na may bakas ng langis.
"Ano 'yang dala mo?" pagsuri nito sa mga paper bag. Tinapik ko ang kamay nito at tiningnan kung nadumihan iyon.
"Huwag mo na hawakan. Bag lang 'yan."
"Itatapon mo?"
"Hindi no! Bakit ko naman itatapon 'to e mahal pa 'to sa tuition ko. Ibebenta ko 'to."
Nag-ayos ako kagabi ng mga gamit at pinili ang mga gamit na hindi masama sa loob ko kung mawawala. Hindi naman sa maluwag sa loob ko na ibenta ang mga gamit ko kaso ay ito lang ang nakita kong paraan para magkapera.
"Bakit mo naman naisipan 'yan ibenta?" pag-upo niya sa upuan plastic at nagpupunas ngayon ng pawis.
"Para magkapera. Ito lang naman pag-aari ko dito na pwede ko ibenta para magkapera na 'ko."
Napailing-iling 'to sa akin. "Sobrang taas talaga ng pride mo. Mas pipiliin mong ibenta yung mga gamit mo kaysa sabihin sa magulang mo na may problema sa ATM mo."
Muli akong napairap at kinuha ulit ang mga paper bag. "Yeah, yeah whatever. Bilisan mo nalang diyan."
Nilayasan ko siya at tumungo ako ng lanai para doon siya hintayin. Actually, ayoko naman na talaga humingi ng pera sa magulang ko pero ang problema ay wala pa akong kakayahan na suportahan ang sarili ko sa pinansyal dahil wala naman akong alam na trabaho pa. Kung may trabaho lang ako na kaya na ako suportahan sa lahat ng pangangailangan ko edi sana hindi na ako tumatanggap ng pera sa magulang ko. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Papa at si Mama naman ay isang tanong, isang sagot lang ako. Pilit ko rin silang iniiwasan. I don't know if it is good but I feel okay when I don't talk to them. Parang nabawasan ang problema ko.
"Shall we go now?"
Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Brylee. Nakapagbihis na ito ng bagong puting damit at bagong pantalon. Tumayo ako at kinuha ang mga paperbag.
"Let's go."
"Ako na ang magdadala niyan." Hindi pa man ako nakakasagot ay inagaw na nito sa aking kamay ang hawak. Sumunod nalang ako sa kaniya papuntang sasakyan.
"Magkikita rin kami ni Neil, sa kaniya nalang ako sasabay mamaya," aniya ko pagkapasok nito ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" pag-iiba nito ng usapan.
"Sa café malapit sa school. Doon ko kikitain yung bibili na 'to."
Tumango siya sa akin.
"Manonood kami ng sine ni Neil, ililibre daw niya ako."
Ewan ko kung ano ang nakain ng isang 'yon at himalang manlilibre. Posible yung aayain niya ako pero ako yung magbabayad, pero yung sasagutin niya ang lahat ng gastos ay himala iyon.
"Saan mo ba gagamitin yung pera? I don't think you need money. Ililibre naman kita tuwing lunch at hatid sundo rin kita."
Nangunot na ang noo ko sa pagbabalewala nito nang sinasabi ko. Pilit niyang inililihis ang usapan.
"Excuse me? I'm a girl, I have many kind of stuff need to buy. At kanina ko pa sinasabi na kay Neil ako sasabay mamaya."
"Like? Make up? Shoes? Bags?" napailing-iling ito. Inirapan ko naman siya.
"And gas. Gusto ko na ulit makapagdrive." dagdag ko.
Inilabas ko ang maliit na salamin sa aking bag upang suriin ang aking mukha. Pero ang agad kong napansin ay ang pagkawala ng cell phone ko. Malakas akong napamura.
"What's wrong?" napabaling sa akin si Brylee.
"I think... I forgot my phone. Fuck. Kay Neil na lang ako makiki-cellphone muna. Tatawagan kita if I need you." Humalukipkip ang aking mga braso.
"I'll go with you," maikling pahayag niya na nagpakunot ng noo ko.
"Kay Neil nga ako sasabay. Tatawagan nalang kita kung kailangan kita," mariing sabi ko.
Sarkastiko siyang napatawa. "I guess you forgot that I'm your personal bodyguard, Aloisia. Not a friend that you can call only if you want."
Napatigil ako nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi. Siguro nga ay nawawala sa isip ko na personal bodyguard ko siya. Dahil siguro hindi ko naman maramdaman na bodyguard ko siya. Naging komportable ako sa kaniya kumpara sa mga nagdaang bodyguard ko kaya parang pakiramdam ko ay kaibigan ko na rin siya katulad nila Neil.
"Akala ko pa naman friends na tayo." Singhal ko.
Bakas ang pang-aasar sa tawa niya. Napapansin ko habang tumatagal ay nagiging kaugali na talaga niya si Neil.
"Kapag naging kaibigan kita mapupunta ka sa tamang landas. Puro matino ang mga kaibigan ko," aniya.
Nanliliit ang mga mata ko. "Sinasabi mo bang nasa maling landas ako at hindi ako matino?"
Hindi mawala ang nang-iinis niyang ngiti kahit na ipina-park na ang sasakyan sa harapan ng café.
"Sino ba namang matinong tao ang sisipain yung nananahimik na halaman? Nakikita ko ang mga ginagawa mo. Hindi porket hindi ako nagsasalita wala na 'kong alam."
Napakurap-kurap ako at inalala ang sinasabi niya. Nang maalala ko iyon ay nag panggap akong walang alam. Iyon yung araw na napagalitan ako ni Papa kaya sa inis ko ay sinipa ko yung paso sa garden na pinagtataniman ng halaman niya. Mahilig kasi sa halaman si Papa.
"Dito ka nalang. Ibibigay ko lang 'to at babalik din ako," sambit ko nung ihinto niya ang sasakyan. Inalis ko ang seat belt at bumaba ng sasakyan. Kinuha ko sa likuran ng sasakyan ang mga paperbag saka dumiretso sa loob ng café.
"Hi, ikaw si Mariza right?" tanong ko sa babaeng nakaupo mag-isa kaharap ang laptop. Napatingala ito sa akin at ngumiti.
"Oh! Hi! Nandiyan ka na pala. Yes, I'm Mariza ako yung nag email sa 'yo."
Inilahad ko rito ang aking kamay at matamis na ngumiti.
"Nice to meet you. I'm Aloisia and dala ko na rin yung mga napili mong bag."
Kinamayan din ako nito. Inilapag ko sa harap niya ang limang paperbag.
"Don't worry these items are never been used and branded. Nagbabawas lang ako ng koleksyon." Pilit ang aking tawa. Syempre hindi ko naman sasabihin na wala akong pera kaya ibinebenta ko ang mga ito. Mamaya baka humingi pa ng discount porket desperada na akong mabenta 'to.
"Ang ganda ng taste mo sa bag ha. Uhm....ano bank account mo? para mailipat ko na sa 'yo yung payment."
Mariing naglapat ang aking mga labi. Peke akong napatawa. "Ah...pwedeng cash nalang? May problema kasi sa mga cards ko, eh," mahinang pahayag ko at napalingon-lingon sa paligid kung may makakarinig sa akin.
Alam kong maraming galit sa akin at interesado sa buhay ko kaya ayokong may makaalam sa nangyayari sa akin ngayon. Hindi malabong gamitin nila sa aking isyu ang paghihirap ko ngayon.
"A-Ah. Okay. Makakapaghintay ka saglit? Mag withdraw lang ako, kulang kasi yung cash ko rito."
Mabilis akong tumango at hinatak ang upuan. "Sure! Hindi naman ako nagmamadali."
Tumayo ang babae at naiwan ako mag-isa sa mesa. Ayoko sa lahat ay naghihintay ako ng matagal but I don't have a choice right now dahil kailangan ko ng pera.
Napatanaw ako sa labas at nakita ko si Brylee na nakababa ang salamin ng sasakyan at naninigarilyo. Tumaas ang kilay nito sa akin nang magtagpo ang mata naming dalawa at bumuga ng usok ng sigarilyo. Inirapan ko ito at nakahalukipkip ang mga brasong sumandal sa upuan.
Buti nalang at wala pang sampung minuto at bumalik ang babae. Mabilis akong tumayo.
"I'm sorry natagalan. May pila kasi."
Inabot nito sa akin ang sobre na may lamang pera.
"Okay lang and thank you." Ningitian ko ito.
"Thank you rin sana makabili ulit ako sa 'yo."
Sana hindi na. Ito ang nasa isip ko. Kapag nagbenta ulit ako ibig sabihin non wala ulit akong pera. Kaya sana hindi na ako makapagbenta pa ng mga gamit, baka hindi ko matantya sarili ko pati bahay namin maibenta ko na.
"Let's go," aya ko kay Brylee pagpasok ko ng sasakyan. Inayos ko ang seat belt at umaalis na kami roon ni Brylee.
"Mukhang marami ka ngayong pera, ah," sambit nito.
"Sakto lang pang one month allowance." Binuklat ko ang sobre at binilang. Kailangan ko pa rin tipirin 'to para umabot ng isang buwan.
"You should smile often," he said out of nowhere.
"Pinagsasabi mo diyan?" binalingan ko itong may pagtataka.
"Your face looks brighter and prettier when you smile."
Natahimik ako saglit at hinihintay ang pagtawa niya o ang pagiging sarkastiko nito. Ngunit walang bakas ng pagbibiro sa mukha nito. Napatikhim ako at napaayos ng upo.
"Manahimik ka wala pa kong panglibre sa 'yo."
He just laughed. Napatingin ako sa bintana at inayos ang aking buhok upang itago ang pamumula ng aking pisngi. I didn't expect a compliment from him.
"I wonder how my brother manages not to fall in love with you."
Nanlaki ang aking mga mata at malakas na kumabog ang aking dibdib.
"W-What do you mean?" pilit kong itinago ang kaba sa aking boses.
Saglit niya akong tinapunan nang tingin. "You are his type. Yung tipo mo yung mga gustong-gusto niya."
"Mahinhin ang tipo niya," pagputol ko sa sinasabi nito.
Napapailing ito. "Di mo sure. Basta maganda pasok sa standards niya."
This man is making me more frustrated. Mukhang pinag-titripan nalang ako ng isang 'to. Sinabihan niya akong mas maganda kapag nakangiti. Alam ko namang maganda ko pero hindi ko iyon inaasahan na manggagaling sa kaniya.
Magkasabay kaming pumasok ng mall. May bakas ng pagtataka sa aking mukha tuwing may makakasalubong kami at tititigan ako bago si Brylee. We both looking fine pero para bang may mali sa mga tingin ng tao. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na kalabitin sa braso si Brylee at bumulong.
"May mali ba sa akin?"
Tumaas ang dalawang kilay niya at hinagod ako nang tingin.
"Wala. You look good," sagot nito. Napalunok ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakahabol naman agad sa akin si Brylee.
"Bakit mo natanong? Kasi laging may tumitingin sa 'yo?"
"Anong sa akin? Sa iyo rin kaya. Baka sa iyo may mali." Giit ko.
" Walang mali sa atin. Masyado lang angat ang ganda mo."
Huminto ako at sinamaan siya nang tingin. Pero siya ay inosente lang na nakatingin sa akin habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot na pantalon.
"Can you please stop?" madiin ngunit mahinang pahayag ko.
"Stop what?"
"Alam kong maganda ko hindi mo na kailangan paulit-ulitin." Panlilisik ng mata ko sa kaniya.
Saglit siyang napatigil at tumawa. "Nawawala ang angas mo, Aloisia. Bakit? Kinikilig ka yata kapag sinasabihin kitang maganda."
Lalong sumama ang timpla ng aking mukha. "Kilig mo mukha mo!"
Ang kapal! Ako kikiligin dahil sinabihan niyang maganda?! Marami na sa 'king nagsabi na maganda ko, sadyang hindi lang ako sanay kapag sa kaniya nanggaling.
Inakbayan niya ako at iginiya papunta sa escalator. May bakas pa rin nang pagtawa sa labi nito.
"Huwag kang mag-alala. Nagsasabi lang ako ng totoo. Kapag maganda ka, sasabihin kong maganda ka. Kaya 'wag kang kiligin diyan walang ibig-sabihin 'yon."
"Ang kapal mo. Magkapatid nga kayo ni Neil. Parehong feelingero!" itinulak ko ang katawan nito at naglakad nang mabilis kahit na kusang lumulakad ang escalator.
Umupo ako sa waiting area para doon nalang hintayin si Neil. Wala akong cellphone kaya hindi ko masasabing nandito na ako pero tiyak ko namang makikita niya ako agad. Si Brylee naman ay nakaupo rin ngunit may pagitang upuan sa aming dalawa. Nakahalukipkip ang mga braso habang pinapanood ang mga dumadaan.
Napabaling ako sa gawi niya sa pagtunog ng cellphone nito. Kinuha niya iyon sa kaniyang bulsa at nakita ko kung paano nangunot ang kaniyang noo habang may binabasa. Nang ibalik niya sa bulsa ang cell phone ay malakas siyang napabuntong hininga.
"Nag text si Neil. Hindi daw siya makakapunta."
Nawala ang aking pagkakadekwatro ng upo.
"Sabihin mo sa kaniyang hindi ko na siya kaibigan mula ngayon."
Kainis. Hindi ko talaga siya papansinin kapag nagkita kami. Inaya-aya niya ako tapos bigla nalang hindi pala tuloy.
"We can watch the movie if you want. Nandito na lang din naman tayo."
Inirapan ko si Brylee.
"Ayoko nga. May makakilala pa sa akin diyan sa loob at I assume na kadate kita." Tumayo ako para makaalis na at umuwi ng bahay, ngunit napahinto ako sa pagpigil ni Brylee sa aking braso.
"So kapag si Neil okay lang mapagkalaman na nagdedate kayo?"
"Bakit okay lang din ba sa 'yo na mapagkamalan kang dine-date mo ako? Ha? Gusto mo mag trending? Ex ng anak ng Mayor tapos ngayon kasama anak ng Governor." Hamon ko.
Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking braso. "I don't care what they think about us. Let's go baka magsimula na yung palabas."
I'm too stunned to speak. Ni hindi ako nakapagreklamo nang hawakan nito ang baywang ko habang naglalakad papasok ng sinehan. Bumalik lang ang boses ko nung nakaupo na kami sa assigned seats namin.
"Bukas trending ka. Headline sa 'yo tirador ng anak ng mga politiko," nang-aasar na bulong ko kay Brylee. Bumulong ito pabalik sa akin.
"Late ka na. Na headline na 'yan nung na date ko yung anak ng Presidente."
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Hindi ko malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Legit?"
"Oo, kaya ingat ka sa akin," natatawang sambit niya. Hindi ko napigilan na hampasin ang braso nito.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...