CHAPTER 9
“Uy,” kalabit sa akin ni Neil.
Pinaswitan ako nito. “Aloisia,” mahabang pagtawag niya ng aking pangalan.
Nagpanggap ako na walang naririnig mula sa kaniya. Kanina pa niya ko kinakausap at hindi ko talaga siya pinapansin simula nung dumating ako. Bahala siya diyan manigas siya.
“Woy, feeling artista ‘to ayaw mamansin.”
Tumayo ako sa aking upuan at lumipat sa tabi ni Astrid. Sumunod sa akin si Neil na nagpapaawang pansinin ko.
“Oy bati na tayo. Nag sosorry na nga ako ‘di ba?”
Binalewala ko siya at humarap kay Astrid.
“Anong balita?” tanong ko rito.
“Sa ‘yo anong balita? Bigla nalang namin nabalitaan na suspended ka. Sinong nakaaway mo?”
Nagkibit balikat ako. “Mga pangit na nilalang lang.”
“Sus, sinadya mo yata ‘yon para makapagbakasyon.”
Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. “Bakasyon?”
“Sabi ni Neil nasa bakasyon ka. Kaya siguro hindi ka nag-aupdate sa gc natin.”
Sinamaan ko naman ngayon nang tingin si Neil. Saan naman niya kaya nakuha ang balitang nasa bakasyon ako? samantalang araw-araw ko naman kasama ang kuya niya. Pakalat talaga ‘to ng fake news eh.
“Aloisia, tawag ka ni Sir Dylan sa faculty.” Paglapit sa akin ni Amara. Tumango ako rito at tumayo.
Tinapik ko ang balikat ni Astrid. “Pakopya ‘ko ng mga na missed kong assignment ah.”
“I send ko sa ‘yo yung mga file baguhin mo nalang ng kaonti, kay Amara lang din galling ‘yon,” sagot nito.
“Sama ‘ko.” Pagsunod pa rin sa akin ni Neil. Inakbayan niya ako ngunit malakas ko iyong hinawi. Napa-ungot siya. Akala niya yata na hindi ko totoohanin ang sinabi kong hindi ko siya kakausapin. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at naiirita kong binalingan si Neil.
“Layu-layuan mo ako, Neil, baka samain ka sa akin.”
Napakamot ito sa kaniyang noo.“Look, I am very sorry. Okay. Pupuntahan naman talaga kita kaso -”
“Hindi ko kailangan paliwanag mo,” I cut him off.
Nakasimangot nitong ginulo ang buhok at pabagsak ang katawan sa pagbalik sa upuan.
“Uy! LQ sila oh!” biglang pagsigaw ng isang kaklase ko.
Itinaas ko ang kamao sa kanila bago sila talikuran papuntang faculty. Ngunit hindi ko inasahan ang pagsabay sa akin ni Amara.
“Pupunta ka ring faculty?” tanong ko rito.
Dahan-dahan nitong kinawit ang braso sa braso ko. “Uh-um. May kukunin lang ako kay Sir Dylan,” deklara niya.
Naningkit ang aking mga mata . “Hindi ba galing ka na ‘don?”
“Bodyguard mo ba yung lalaking kausap lagi ni Sir Dylan? Bakit kaya parang close sila ni Ma'am Lyca at Sir Dylan?” Paglihis niya ng usapan. Pigil ang ngisi kong napailing sa inosenteng taong ‘to. Ni hindi man lang niya kaya itago ang emosyon niya.
“Bakit mo natanong?”
Nagkibit balikat si Amara at bumaba ang tingin sa sahig. “Narinig kong tinutukso niya si Ma'am Lyca kay Sir Dylan. Feeling ko close silang tatlo,” bakas ang dismaya sa boses nito.
Mahina akong napatawa. “Bakit selos ka ba?”
Nanlalaki ang mga mata nito sa aking bumaling. Hindi na niya kailangan sagutin ang tanong ko, sa reaksyon niya ay alam ko na ang sagot.
“M-Mauna ka na nga roon. Uunahin ko nalang puntahan si Mrs. Lopez.” Namumula ang mga pisngi nitong tumalikod sa akin. Naiiling ko nalang siyang sinundan nang tingin. Magaganda naman ang mga kaibigan ko pero hindi ko malaman kung bakit napupunta sila sa komplikadong sitwasyon pagdating sa lalaki.
Walang katok-katok akong pumasok ng faculty. Dahil sa ginawa ko ay sabay-sabay na napabaling sa gawi ko ang apat na tao sa loob ng faculty. Si Sir Dylan, Ma'am Lyca, si Brylee at ang isang guro na hindi ko kilala pero base sa disenyo ng uniform niya ay High school teacher ito. Nahinto ang tawanan ng apat sa pagdating ko.
“Nakalimutan mo yata kumatok bago pumasok, Aloisia,” nakangiti ngunit bakas ang pagkasarkastikong sambit ni Ma'am Lyca. Hindi ko ginantihan ang ngiti nito. Blangko lang ang ekspresyon ko.
Huminto ako sa harapan nilang apat. “Nakalimutan niyo rin yata kung ano ang ibig sabihin ng dress code, Ma'am Lyca,” mariing tugon ko at pinasadahan ng may panghuhusga ang suot nitong skirt na ubod ng ikli at talagang nakaupo pa siya sa mesa ni Sir Dylan. Pinasadahan ko rin nang tingin ang isang guro na nakadekwartong upo sa harapan ni Brylee na halos lumantad na ang pwetan nito. Napatikhim ang guro at napaayos ng upo.
“Why are you treating this way your Professor, Aloisia?” dismiyadong tono nito.
Pigil ang aking pag-irap. “I treat people the way they deserve. No exception.”
Mukhang naalarma si Bryle sa paraan nang pakikipag-usap ko, napatuwid siya nang upo. Alam kong bastos ang dating nang pananalita ko ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang mairita sa nakita at nakikita ko ngayon. Pati si Brylee ay ginawaran ko ng malalamig kong titig. Isa pa ang taong ‘to. Nakalimutan niya yata na nandito siya para magtrabaho hindi para makipaglandian. Halata naman may pagtingin sa kaniya ang gurong nasa harapan at nag eenoy naman siya. Mag kapatid talaga sila ni Neil, hindi maiwan sa bahay ang kaharutan.
Tumikhim si Sir Dylan para maalis ang namumuong tensyon sa pagitan namin ni Ma'am Lyca.
“Gusto ko lang ibigay sa ‘yo yung special assignment mo at special project para makahabol ka sa na missed mong lessons.”
Tinanggap ko ang isang white folder.
“Thank you, Sir.”
“Please pass it within this week,” si Sir Dylan.
“Okay sir.”
Sumandal ito sa kaniyang upuan at tinapunan nang tingin ang gawi ni Brylee bago ulit bumalik sa akin. “Okay, you can go to your class now.”
“Mauna na rin ako, Dylan. Kita-kita nalang next week.” Pagtayo ni Brylee.
“See you, Brylee.” Malambot na boses ng guro.
Hindi ko na napigilan na pukulin ng masasamang tingin si Brylee. Aba! Balak pa yata talagang makipagdate ng isang ‘to.
Nagmartsa ako palabas ng faculty na may pagmamadali. Ramdam ko ang mabibigat na hakbang ni Brylee sa likuran ko kaya lalo kong binilisan ang lakad, ngunit naabutan ako nito. Hinawakan niya ang aking braso at humarang sa aking daanan.
“Why did you do that?” mariing tanong niya. Kunot ang noo nito.
“Alin?” maang-maangan ko.
Napahilamos si Brylee sa kaniyang mukha. “Ang bastos nung ginawa mo, Aloisa. Alam kong may pagkabastos ka mag salita pero mamili ka naman ng taong kakausapin mo ng ganon. Studyante ka at Professor mo sila. Sobrang kabastusan ‘yang ginawa mo.” Napamewang ito at bakas ang galit sa kaniyang mukha.
“Oh ano naman sa ‘yo? Bakit affected ka?”
Hindi makapaniwala siyang napatingin sa akin. “Dahil ako yung nahihiya sa ginawa mo!”
Napatigil ako at nakaramdam ng kirot sa dibdib ko ngunit hindi ko pinahalata. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. Alam kong bastos ako pero bakit ang sakit yata kapag nang galing sa kaniya? He’s now looking at me the way my father looked at me when I did something wrong. It’s really obvious in his eyes his disappointment.
“Nandito ka para magtrabaho hindi para makipagtawanan.”
“W-What? Look.” Hinawakan niya ang magkabila kong balikat ngunit marahas ko iyong hinawi.
“At wala akong pakialam kung nabastusan ka sa ginawa ko. Matagal na akong bastos. Hindi ko kailangan maging mabait sa harapan mo!” tinalikuran ko siya at mabilis na nagmartsa pabalik ng room.
What’s wrong with me? Hindi ako ‘to. Hindi ko maitanggi na nasaktan ako sa mga sinabi ni Brylee. Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam kung kinakahiya ako ng tao dahil sa attitude ko? Ngayon lang yata. Sinabi na rin naman ni Papa na nakakahiya ako, pero bakit iba ang impact ngayon sa akin. Kailangan kong bumalik sa sarili ko.
“Hindi ako sasabay mag lunch ngayon ah. May pupuntahan lang ako,” si Astrid pagsapit ng lunch time. Mukhang ako na naman mag-isa ang kakain sa cafeteria dahil balak ni Amara na kumain sa labas kasama ang group members niya, doon na rin sila mag-aaral.
“Sige, mauna na ‘ko,” sambit ko at kinuha ang mga gamit bago pa man ako Makita ni Neil. Mangungulit na naman iyon.
Sa paglabas ko ng room ay pinigilan ko na magulat nang madatnan ko si Brylee na naghihintay sa labas ng room ko. Nakapamulsa ang mga kamay at nanantya ang tingin. Ngayon lang ulit siya nag pakita sa labas ng room dahil sinabihan ko siya na laging magtago dahil ayokong malaman ng iba na may bodyguard ako.
“Do you want to have lunch outside?” marahang tanong niya habang nakasunod sa akin.
“Ayoko ikaw nalang,” malamig na tugon ko.
“Sige sa cafeteria nalang tayo.” Desisyon niya.
Humigpit ang hawak ko sa aking bag at mariing pinaglapat ang aking labi. His soft voice made me feel that’s he was sorry. But no, imagination mo lang ‘yon Aloisia. Pinilig ko ang aking ulo.
“Ayaw kita kasabay ngayon, sumabay ka muna kung kanino mo gusto sumabay.”
Hindi siya nagsalita. Sus! Baka naman may balak talaga siya sumabay sa teacher na ‘yon. Alam niyang mataas ang pride ko kaya alam niyang hindi ako sasabay sa kaniya mag lunch.
“215 lahat,” babae sa kahera.
Inilabas ko ang wallet ko para bayaran ang inorder kong pagkain pero hindi ko pa man nakukuha ang wallet sa bag ay may nag abot ng 500 pesos sa babae. Sino pa ba gagawa non syempre si Brylee.
“Ako na magbabayad ng kaniya.”
“May pera ako Brylee.”
Bumaba ang tingin nito sa akin. “Alam ko. Pumunta ka na sa mesa mahaba ang pila, susunod ako.”
Magsasalita pa sana ako pero nakita ko ang mahabang pila. I told him I want to eat alone pero hindi niya yata naiintindihan iyon. Sabi niya ay susunod siya ibig sabihin ay sasabay siya sa akin.
Pinili ko ang mesa na pang animan. Parang hindi ako komportable ngayon na kumain kasabay siya sa pang dalawahang upuan at maliit na mesa. Kailangan ko ng malaking espasyo.
Pagka-upo ko ay nagsimula ako agad kumain para pagdating ni Brylee ay patapos na ako at aalis na rin. Halos mabilaukan ako ng pagkain dahil sa sunod-sunod na pasubo ko.
“Uh…excuse me? Can I sit here?”
Napatingala ako sa lalaking nasa aking harapan. Dahil puno ang bibig ko ay hindi ako agad nakapagsalita. Mestiso ito at may malaking ngiti sa akin, hindi pa man ako nakakasagot sa kaniya ay humila na ito ng upuan. Umupo ito sa tapat ko.
“I hope you don’t mind eating here with you,” matamis itong ngumiti. Tanging iling ang naisagot ko.
Sa tingin ko mas okay na nandito siya kaysa yung kami lang ni Brylee.
Ilang sandal pa ay dumating si Brylee. Hindi ko napigilan na mapatingin sa kaniya at bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa mestisong lalaki na nasa harap. Nagtatanong ang mata nitong bumaling sa akin, napaiwas ako nang tingin at binalik ang atensyon sa pagkain. Bumagal ang pagnguya ko nang makita ko sa gilid ng aking mata ang paghila niya ng upuan sa tabi ko. Pati ang lalaking nasa harapan ko ay napatingin kay Brylee.
“Dito ka ba ulit kakain bukas?” tanong ng lalaki. Napatigil ako sa pagkain at napatingin dito para kompirmahn kung ako ba ang kinakausap nito. Feeling ko ako nga dahil sa akin naman siya nakatingin.
“Siguro,” sagot ko.
“By the way, I’m Kio.” Paglahad nito ng kamay. Tumaas ang kilay ko roon ngunit tinanggap ko pa rin.
“Okay lang ba na sumabay ulit ako bukas? If you don’t mind,” he laughed awkwardly.
“Finish your food, Aloisia,” pahayag ni Brylee mula sa gilid ko.
Sabay kaming napalingon ni Kio sa kaniya at naabutan ko itong nakakunot ang mga noo.
“Sure, dito naman ako madalas kumain ngayon. Madalas rin akong walang kasabay,” lalong kumunot ang noo ni Brylee sa tugon ko sa lalaki. Matipid ang ngiti kong bumaling kay Kio.
“Anong tawag mo sa akin?” iritableng pagbulong ni Brylee sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin.
“I’m glad to hear that. Sagot kita bukas,” masayang sambit ni Kio.
Akala ko ay magiging awkward mag lunch habang katabi ko si Brylee pero hindi nangyari dahil kay Kio. Wala itong ginagawa kundi mag kwento ng kung anu-ano at tanging tango at ngiti lang ang madalas na sagot ko. He also told me that he voted for my father last election because he thinks my father would be a good leader. I didn’t say anything, I just smiled because everything he said was right.
Magaling na leader si Papa. Mahal siya ng mga tao. Mabait siya sa kaniyang nasasakupan, pero ang magandang imahe niya ay kakabit ang pangit na reputasyong meron ako. Ang malinis na pangalan ng aking ama ay nababahiran ng dumi na siyang gawa ko. Ako ang kasiraan ni Papa kaya hindi ko rin siya masisisi sa tindi ng galit niya sa akin. Everyone knows him as a good leader but not the best father. That’s the reality of me for being the daughter of a politician.
Pagbalik ko ng classroom ay nakaupo lang ako at nakatingin sa labas, pinapanood ang bawat pagdaan ng estudyante sa corridor. Konti lang ang tao sa loob ng classroom dahil mahaba pa ang natitirang time. Tinitingnan ko rin kung makikita ko si Brylee sa labas. Napangiwi ako sa pag-iisip na siguro nandoon na naman siya sa faculty at nakikipaglandian. Mas okay yata na patambayin ko nalang siya sa labas ng room ko at least alam kong nagtatrabaho siya.
Napaalis lang nang tingin ko sa bintana nang makita kong paparating si Neil. Maling idea yata na maaga akong pumasok lalong mangungulit ang isang to. Hindi nga ako nagkamali. Hindi man ako nakatingin sa kaniya, alam ko naman na nakatayo siya sa harapan ko ngayon.
“Nagtatampo ka pa rin ba?” tanong nito na hindi ko pinansin. Nilaro ko lang ang aking buhok.
“Ikikiss nalang kita para mawala na ‘yang tampo mo.”
Umangat ang masamang tingin ko sa kaniya. Hindi ko malaman kung nang-iinis ang malaking ngiti nito.
“Eh kung pasabugin ko ‘yang nguso mo?”
“Oh!” biglang paglapit nito sa aking mukha ng tatlong paper. Ni hindi ko namalayan na may hawak siya sa kaniyang likuran.
“Para saan ‘yan?” matabang na tanong ko.
“Hindi sa ‘yo ‘yan.” Paghagalpak nito ng tawa na lalong nagpainis sa akin. Itinulak ko ang paper bag na inaabot niya.
“Eh siraulo ka pala eh! Bakit mo inaabot sa akin kung hindi pala sa akin ‘yan?! Gago!”
Natatawa pa rin nitong inilapag sa aking mesa ang dala. “Joke lang. Sa ‘yo talaga ‘yan peace offering namin ni Kuya.”
“Si Brylee?” buong pagtataka ko. Sinipat ko ang dala ni Neil. They are all from the branded stores.
“May iba pa ba akong kuya?” inikot nito ang upuan para umupo sa tapat ko.
“Bakit naman niya ‘ko bibigyan na ‘to?”
“Ewan ko. Galit ka raw yata sa kaniya. Sa kaniya galing ‘yang dalawang paper bag na malaki, akin naman yung maliit. Huwag mo nalang pag komparahin yung price magkaiba kami ng budget.”
“Ano naman ‘to?” una kong kinuha ang galing kay Brylee dahil sa curiosity ko kung ano iyon.
“Tingnan mo kaya para hindi ka tanong nang tanong. Hindi ko rin alam kung ano laman niyang galing kay kuya, pinadaan lang niya sa akin.”
Inalis ko iyon sa paper bag para tuluyan tingnan ang laman. Ang isang paper bag ay naglalaman ng sling bag. Sling bag? Bakit naman niya ako bibigyan ng sling bag?
“Bag? Anong trip ng isang ‘yon at binigyan ka ng bag?” pagtataka rin ni Neil.
Mukhang mabigat ang price ng isang ‘to. Ibenta ko kaya? Siguro kaya ito binigay niya sa akin dahil alam niyang nagbenta ako ng bag para magkapera.
“Hair Clip? Mukha ka bang nag ki-clip? Sa laki ng lalagyan na ‘yan, clip lang laman?” reaskyon ni Neil nang buksan ko ang isang paper bag. Hindi ko napigilan ang mapatawa. Anong trip ng isang ‘yon? Kailan niya ‘ko nakitang nagsuot ng bulaklak na hair clip? Pero sinubukan ko pa ring isuot ‘yon.
Inilabas ko ang maliit na salamin para tingnan ang aking sarili. Not bad pero hindi ako yung mahilig sa ganito.
Huli ko binuksan ang galing kay Neil. Alam kong pinapanood niya ngayon ang magiging reaksyon ko. Tamad ko iyong binuksan sa kaniyang harapan at tumambad sa akin ang isang kahon na may tatak ng company name nila Astrid. I already know it’s a jewelry. Isang bracelet na may nakasulat na infinity sign na siyang nagdudugtong sa bracelet. Nagustuhan ko pero hindi ko pinahalata kay Neil. Hindi nila ko madadalang magkapatid sa ganitong suhol no.
“Wala man lang thank you?”
Isinarado ko ang box at inirapan si Neil.
“Makakaalis kana sa harapan ko.”
Ngumisi ito sa akin. “Kunwari ka pa alam ko naman nagustuhan mo.”
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...