CHAPTER 10
Club
Bitbit ang laptop at notebook ay dumiretso ako sa veranda ng aking kwarto. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin habang ginagawa ang mga na missed kong lessons. Binuhay ko ang ilaw at hinatak ang bakal na upuan. Sa pagbuhay ko ng laptop ay napalingon ako sa katabing veranda kung saan ang kwarto ni Brylee. Saktong paglingon ko roon ay ang paglitaw ng mahinang ilaw na nagmumula sa cellphone. Napatuwid ako nang upo. Nandoon si Brylee nakasandal ang mga braso sa railing habang may hawak na sigarilyo.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kaysa naman na bumalik ako sa kwarto baka mamaya ay isipin niyang iniiwasan ko siya. Napatigil ako sa pagtitipa nung umilaw ang cellphone ko. May text galing kay Brylee.
Brylee:
Anong ginagawa mo? Special activitivies?
Lumingon ako sa kaniya at nakaupo na ‘to ngayon habang nakacross ang mga binti sa ibabaw ng mesa.
Reply:
Yes
Maikling sagot ko. Bumalik ako sa ginagawa pero ilang sandali lang ay mabilis na nagreply si Brylee.
Brylee:
Do you need help?
Tumaas ang kilay ko. Bakit naman niya ako tutulungan? For peace offering ulit? Tss.
Reply:
No
Brylee:
Have you tried the hair clip?
I wonder kung paano ako makakatapos sa ginagawa ko kung panay ang text niya.
Reply:
Hindi.
Pagsisinungaling ko.
Brylee:
Can you wear it? Gusto ko lang makita
W-what?Nanlamig ang aking mukha. He wants me to wear the hair clip. No way!
Brylee:
Please
Dagdag niya. Sunod-sunod akong napalunok. No Aloisia! Bakit ka naman susunod? Hindi ka nagsusuot ng hair clip okay?! Matinding pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Brylee:
I’m waiting
Napapikit nalang ako ng mariin sa pagtayo ko para kuhanin ang hairclip sa loob ng kwarto. Nakatitig ako sa harap ng salamin habang inilalagay iyon sa gilid ng aking tenga.
“No….why I am doing this?” tanong ko sa aking sarili at napasabunot sa aking buhok. Well, siguro naman pagkatapos ko ibigay ang gusto niya ay matatahimik na siya. Labag man sa loob ko ay lumabas akong suot ang hair clip na bigay niya. Sunod-sunod akong napalunok nung humarap ako kay Brylee. Nakatayo ito kaharap ang veranda ko, wala akong nababasang emosyon sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin.
“W-What? Okay na ba? Happy ka na?”pairap na sambit ko at saka mabilis na sininop ang mga gamit sa mesa.
“It….looks good on you…”
Saglit akong napatigil hanggang sa maramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi.
“Yeah, I know.” Napatikhim ako at dumiretso pumasok ng kwarto na hindi siya binabalingan. Pagpanik ko sa aking kwarto ay pabagsak akong napaupo at napahawak sa magkabila kong pisngi. What the hell is going on?
“Ano na naman kaya ang ginawa mo?” pasimpleng bulong sa akin ni Neil ngunit nakatingin sa harapan ng klase.
Nawala ang atensyon ko sa pagsulyap sa labas. “Huh?”
Lalo niyang inilapit ang mukha sa akin at muling bumulong. “Bakit parang ang higpit na naman magbantay ni kuya sa ‘yo? Nakita ko siya sumilip sa pintuan.”
Napalunok ako. “Wala naman akong ginawa. Nagbago lang ibinigay na rules ni Papa.” Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay ako ang nagsabi na simula ngayon ay sa labas na siya ng classroom maghihitay kung saan abot siya ng aking mata. I’m glad he didn’t ask anything why I suddenly changed my rules. Tumango lang siya sa akin at ngayon nga ay nasa labas at minsan akong sinisilip. As if naman may gagawing akong kalokohan dito katulad nang nagagawa ko sa labas ng school.
“Ah….by the way, are you-”
“Aloisia, why don’t you try to answer this problem on the board?” naputol ang sasabihin ni Neil sa pagtawag sa akin ni Sir Dylan.
Nag alangan akong tumayo dahil hindi ko alam ang sagot at hindi rin ako nakasunod sa discussion. Lalo akong napatigil nung lumabas si Brylee sa pagkakatago at naglakad sa corridor. Hindi ko napigilan na sundan siya nang tingin kung saan siya pupunta, hanggang sa tumigil ito sa tapat ng pinto sa bandang likuran at sinandal ang katawan sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya dahil hindi lang ako ngayon ang nakatingin sa kaniya.
“Don’t mind him class. He is our visitor,”deklara ni Sir Dylan dahil nakaagaw ito ng atensyon.
May bakas ng ngisi sa labi ni Sir Dylan paglapit ko sa kaniya.
“Okay lang ba sa ‘yo kung papasukin ko siya? Nang hindi na kayo magtanawan diyan sa labas,”mahinang sambit ni Sir Dylan.
“That’s sounds better,Sir. Kaysa nandoon siya sa faculty kasama ang- nevermind.”Pagputol ko ng sariling sasabihin dahil tingin hindi appropriate sabihin sa harap ni Sir Dylan na may kalandiang taglay ang mga Professor do’n.
Pigil itong nakangisi. May pasimple itong inabot sa akin na papel at napagtanto ko agad na answer key iyon nang pinapasagutan niya sa akin. Kinopya ko ‘yon sa white board.
“Ano kayang nangyari? Huling usap namin sabi mo raw gusto mo ay nagtatago lang siya bilang bodyguard mo. And now, you are allowing him to go inside your classroom, just to make sure he’s doing his job or just to make sure he’s not going to faculty and having some chitchats with other girls?” may panunuksong tanong nito. Napairap nalang ako sa hangin. Inabot ko sa kaniya nag hawak na marker dahil tapos ko na kopyahin ang ibinigay niyang sagot.
“Wala akong pakealam kahit makipag chukchakan siya sa babaeng ýon but not on his working hours,” mariing sagot ko na lalong nagpangisi rito.
Tuwid ang mapanuring tingin sa akin ni Brylee habang pabalik ako ng upuan. Hindi ko napigilan na gawaran ito ng irap. At tinotoo nga ni Sir Dylan ang balak niya, pumunta ito sa likuran para papasukin si Brylee sa classroom. Kibit balikat lang ang reaksyon ni Neil sa papasok ng kuya niya.
“By the way , are you free tomorrow?” he asked.
“Bakit?”
Pumatong sa likod ng aking upuan ang braso nito at muling bumulong. “Let’s hang out. Wala kang mahigpit na bantay bukas dahil day off ni kuya. Iba ang bodyguard mo bukas.” Nakangisi at pagtaas baba ng kilay nito na alam mo ng may hindi magandang gagawin sa buhay.
“So…. his day off is Saturday ha?”
Hindi ko ýon napapansin kasi nitong nagdaang araw ay madalas lang naman ako sa bahay.
“Nope his day off was every Friday but he adjusted for you,” nangunot ang aking noo sa pahayag ni Neil.
“Eh?”
“Gusto daw niya siya kasama mo tuwing may pasok ka kaya inadjust niya ng Saturday ang day off niya.”
Saglit akong natahimik. Nagtataka naman ang tingin sa akin ni Neil dahil sa reaksyon ko.
“Pero… kasama ko siya last Saturday.” Pagbaling ko kay Neil. Napatigil din ito hanggang sa nagpakawala ng malalim na hininga. Inalis niya ang pagkakaakbay sa upuan ko at umayos nang upo.
“Then.... he spent his day off with you,” mahinang sambit nito.
The next day, Saturday night , I decided na sumama sa alok sa akin ni Neil. Hindi naman ako pagbabawalan nina Mama but as usual, may curfew. Ngayon ko lang din napansin na wala nga si Brylee ngayon sa bahay. Day off niya at iba ang makakasama kong bodyguard.
“Aloisia, hija…”
Sinalubong ako ni Mama habang bumababa ako ng hagdan. Malaki ang ngiti nito sa akin na pinagtataka ko. Si Papa ay nasa sala habang tutok ang mata sa television.
“Ma,”
“You’re going out? Sino kasama mo?”
“Classmates,”maikling tugon ko.
Muling ngumiti sa akin si Mama at hinagod ng kaniyang palad ang aking buhok.
“Enjoy. Inayos na nga pala ng Papa mo yung card mo, kung hindi pa sinabi kanina ni Brylee na hindi mo magamit yung mga card mo, e hindi pa naming malalaman.”
Bakit naman niya kaya naisipang sabihin kina Mama? Eh may pera pa naman ako mula sa napagbentahan kong bag.
Matipid kong ginawaran ng ngiti si Mama at humalik sa pisngi para makaalis na. “Nakalimutan ko lang, Ma.”
“Nakalimutan o nagmamalaki ka lang na hindi mo na kailangan ang pera ng magulang mo?” napalingon kami ni Mama sa biglang pagsabat ni Papa.
Malalim akong humugot ng hininga para pigilang magsalita pa. Ayoko makipagtalo sa kaniya ngayon.
Tumikhim si Mama at iniba ang usapan. “Do you have any plans tomorrow? Inayos ko na kasi ang birthday celebration mo. Imbitahan mo yung mga classmates mo at mga friends mo.”
“No, Ma. Kahit tayo-tayo nalang bukas. Ililibre ko nalang siguro sila.” Muli akong humalik kay Mama at tumalikod na para hindi na humaba pa ang usapan at kwestiyunin ang desisyon ko.
Yes , birthday ko bukas at wala naman talaga akong plano. Never ako nag-invite ng mga kaibigan o kaklase ko sa mismong araw ng birthday ko. Madalas ay inililibre ko lang sila kinabukasan, lagi kong dahilan ay iba ang celebration kasama ang pamilya at iba ang celebration kasama ang mga kaibigan. Bukas, hindi ko alam ang mangyayari at hindi ako nag eexpect. Baka matulog lang ako since Sunday naman bukas.
“Ang tagal mo, ah. Masyado ka naman yata nagpaganda para sa akin.” Pagsalubong sa akin ni Neil sa labas ng club. Nagpahintay talaga ako sa labas kaya sabay kaming pumasok sa loob habang nakaakbay sa akin.
“Huwag kang assuming mas may gwapo pa sa ýo doon sa loob,”
Ngumisngis lang siya. “Birthday mo bukas, invited ba ‘ko?”
“Sa susunod na araw ang celebration. Bahala kayo kung saan nýo gustong pumunta, sagot ko.”
“Woah! Gumagana na ýung card mo no? lakas ng loob mag-aya, e. Don’t worry ako bahala mag organize basta ikaw sa gastos.”
Nang makita niya ang mga kaklase naming lalaki ay lumayo na sa akin si Neil. Dumiretso naman ako sa table nila Astrid.
“It’s your birthday tomorrow right?” salubong agad sa akin ni Astrid sabay abot sa akin ng isang shot.
“Yes, but I can’t invite you guys.” Umupo ako sa katabi nitong high chair at sinakop ang aking buhok papunta sa isang gilid.
Inirapan ako ni Astrid. “I know naman. So saan tayo sa makalawa?”
“Kayo mag decide,”sagot ko.
“Sabi sa ýo may something sa kanila, e. Tingnan mo yung tingin ni Maám Lyca, masyadong malagkit.”.
Sabay nakuha ng atensyon namin ni Astrid ang pinag-uusapan ng ilan naming kaklase sa pagpunta nila sa table namin
“Parang nakita ko na yung lalaking katabi ni Sir Dylan.”
Lumingon-lingon ako sa paligid at pasimpleng sinipat ang kinapupwestuhan nila Sir Dylan. Nanlaki ang mga mata ko nung makilala ko kung sino ang mga kasama nito sa table. Tahimik lang akong nakikinig sa patuloy na pag-uusap ng mga kaklase ko.
“Pamilyar nga. Anak ng mayor yung isang babae diyan.”
Hindi nga ako nagkakamali. Si Xyra ang katabing babae ngayon ni Brylee. Nagkabalikan na kaya sila?
“Friends lang naman yata si Ma’am Lyca at Sir Dylan ‘di ba?” si Astrid.
“Baka friends lang kasi na friend zone,” matabang na sambit ko at nilagok ang laman ng shot glass.
“Infairness ang ganda pala talaga nung anak ng Mayor. Sabi sa akin ni Mama beauty queen din ang nanay niyan. Nakalaban daw ni Mama noon sa pageant.”
Ayoko man lingunin pa ang kinapupwestuhan nila ay hindi ko mapigilan dahil bukang bibig iyon ni Astrid. Dumaan ang pait sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan nang makita ko ang pagpigil ni Brylee sa akmang pag-inom ni Xyra. Mukhang ayaw niya malasing yung ex niya.
“Wala ka naman siguro balak umuwi ng maaga no? Bakit parang nagmamadali ka uminom?” pagpuna sa akin ni Astrid sa madalas na paglagok ko ng alak.
Tinawanan ko ‘to. “Namiss ko lang.”
Kinu-kwestiyon ko ang aking sarili kung bakit mabigat ang loob ko sa bawat pagsalin ko ng alak sa aking baso. Parang may bumabara na bato sa dibdib ko sa bawat paglingon ko sa table nila Brylee. He looks so happy. Madalas ang bawat pagngiti niya na madalang kong makita kapag kasama ko siya.
“Gusto mo pumunta ro’n? Baka mangawit ang leeg mo kakalingon diyan.”Pagtayo ni Neil sa gilid ko at ininom ang isinalin kong alak na para sa akin.
“Nagkabalikan na sila?” hindi ko napigil ang aking bibig na itanong ang kanina pang tumatakbo sa isip ko.
“Xyra and Kuya? Hindi siguro, mukhang malabo na ‘yon.”
“Talaga?” biglang nabuhay ang aking dugo.
Nanliit ang mga mata sa akin ni Neil. “Bakit pang masaya ka?”
“I-I’m not! Bakit….bakit malabong magkabalikan na sila?” pang-uusisa ko.
“Hindi ko alam kay kuya. Pero ang alam ko nakikipagbalikan si Kuya, gusto pa naman yata ni Xyra si Kuya pero parang ayaw na niya balikan. Ewan ko magulo yung isang ‘yon baka nagpapakipot lang talaga.” Tinungga nito ang beer sa harapan at tinapik ang aking balikat bago ulit umalis.
Naiwan akong tahimik sa table at nakatitig nalang sa bote ng alak. Mali yata ang pagkakaintindi ni Neil sa sitwasyon. Walang malabo roon. Sobrang linaw ng posibilidad na magkabalikan ang dalawa once na pumayag si Xyra. Pero kung gusto pa niya talaga si Bryle, bakit kaya ayaw na niya balikan? Anong pumipigil sa kaniya? Yung papa niya?
Muli akong sumilip sa table nila at halos manigas ako sa aking kinauupuan nang magtagpo ang mata namin ni Brylee. Nakasandal ito sa upuan at nakahalukipkip ang mga braso habang madilim ang titig sa direksyon ko. Agad akong napaiwas nang tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya. Naging sunod-sunod tuloy ang paglagok ko ng alak.
“Sayaw tayo, Aloisia!” malakas na aya sa akin ni Astrid. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinala na nito ang braso ko papuntang dance floor.
Isinabay ko ang aking katawan sa beat ng tugtog. Saglit na napawi ang pag-iisip ko kay Brylee. Medyo tipsy na rin kaming lahat kaya panay ang tawanan naming sa gitna ng dance floor, hanggang sa naramdaman ko na may sumasayaw sa aking likuran. Nang makita kong si Neil iyon ay hinayaan ko lang ito.
“Kung hindi lang talaga kita kaibigan papatusin kita,” bulong sa akin ni Neil at malanding tumawa sa tenga ko. Humarap ako sa kaniya at ikinawit ang braso sa kaniyang batok.
“Hindi kita type sorry,” prangkang sagot ko sa kaniya.
“Bakit, ano ba yung tipo mo? Ha? Yung katulad ni Kuya? Matured, family-oriented-”
Agad kong pinutol ang sinasabi nito. “Wala akong sinabi na tipo ko ang kuya mo.”
Nakangisi itong napailing. “Hindi rin ikaw yung tipo namin ni Kuya pero hindi ka mahirap gustuhin. “
“Yeah, tipo mo yung mga mukhang uto-uto para mabilis mong mabola.” Pag-irap ko.
He laughed. “Salamat ka marunong ako magpigil. Kung hindi, kahit ayaw mo sa akin hindi mo ‘ko mapipigilan. Hindi ako papayag kung hindi rin sa akin ang bagsak mo. Salamat ka talaga.” Panunuya ni Neil. Binalewala ko lang ito.
Sa masaya naming pagsasayaw ni Neil ay bigla akong napatigil ng may maaninag ako sa malilikot na makukulay na ilaw. Hindi ko malaman kung dala ng alak ang pakiramdam na parang namanhid ang buo kong katawan at hindi ako makagalaw habang pinapanood kung paano naglapat ang labi ni Brylee at Xyra. Natabunan sila sa paningin ko ng mga taong nagkakasiyahan sa dance floor.
“What’s wrong?” pagtataka ni Neil dahil hanggang ngayon ay hindi maalis ang tingin ko sa direksyon nila Brylee kahit na hindi ko na sila nakikita.
“I-I think I have to go.”
Mabilis akong nakawala sa hawak ni Neil at halos makipagtulakan ako sa mga tao para lang makalabas ng club. Hawak ko ang aking dibdib sa mabibigat na paghinga habang tinatahak ang parking lot. Hindi ko mapaliwanag kung bakit ganito ang reaksyon ko sa aking nasaksihan, para bang may mabigat na bagay na dumadagan sa dibdib ko para makaramdam ng kirot ito.
Nanginginig ang kamay kong ipinasok ang susi at pinaandar ang engine. I can’t think clearly right now ang tanging nasa isip ko ay makaalis na rito.
Habang mabilis na nagmamaneho pauwi ng bahay ay maingay na tumunog ang cellphone kong nasa katabing upuan. Nabasa ko agad ang pangalan ni Neil kaya hindi ko na iyon sinagot pa. Itetext ko nalang sila pag nakauwi na ako.
Tutok na tutok ang tingin ko sa daan at mahigpit ang pagkakahawak ko sa manubela. Galit ako. Galit ako sa sarili ko. Why I am acting like this?! Bakit pati ang sarili ko ay hindi ko na maintindihan?
Hindi ko na namalayan na padiin nang padiin ang pagkakaapak ko sa accelerator ng sasakyan dahilan nang pagbilis ng takbo ko. Huli na nung bumalik ako sa wisyo. Sa sobrang taranta ko ay nawalan ako ng control sa sasakyan. Sinubukan kong iwasan ang ibang sasakyan para walang madamay na iba kaya pinili kong ibangga sa poste ang sasakyan ko. Sobrang bilis ng pangyayari.
“F-Fuck….” Napaungot ako habang unti-unting dinidilat ang aking mata. Nakaramdam ako ng matinding hilo. Alam kong sira ngayon ang harapan ng sasakyan ko pero mukhang wala namang nangyari sa akin.
Pinilit kong lumabas ng sasakyan dala ang mga gamit ko. Ngunit hindi ko inasahan na sa akmang pagbagsak ko sa lupa sa sobrang hilo ay may mga bisig na sumalo sa katawan ko.
“What….are you doing-” tuluyan akong nawalan ng malay bago pa man komprontahin ang pagsulpot ni Brylee.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...