CHAPTER 7

27 4 1
                                    

Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Brylee. Napahinto ito at pinasadahan ng tingin ang aking suot.


"Mukhang nakalimutan mong suspended ka," ani nito.


Tumaas ang kilay niya sa pagsenyas ko na huwag maingay. Naka-uniform kasi ako kahit na hindi naman talaga ako sa school didiretso. Hindi pa rin alam nila Mama na suspended ako kaya tiyak na magtataka ang mga 'yon kung hindi ako aalis ng bahay.


Hinawakan ko ang braso ni Brylee at wala itong nagawa kundi sumunod palabas ng bahay.


"Samahan mo 'ko."


Nangunot ang noo nito. "Saan?"


"Sa inyo." Pagngiti ko sa kaniya.


"Sa amin? Anong gagawin mo sa'min?"


Hinarap ako nito nung nung nasa harapan na kami ng sasakyan niya.


"Tatambay. Hindi pumasok si Neil."


Wala akong alam na pupuntahan at hindi ko rin naman maaaya sila Amara, kaya wala akong pagpipilian kundi kina Neil. Saka madalas din naman ako roon.


"Paano kung malaman ng Papa mo na nasa bahay ka?"


Nagkibit balikat ako. "Hindi naman niya malalaman kung hindi ka magsusumbong." Kinuha ko ang susi sa kaniyang kamay.


"Paano kung isumbong kita?" paghahamon nito sa akin.


"Edi isumbong mo. Hindi mo naman kaya." Nakangisi kong hinawi ang aking buhok. Alam ko na naapektuhan siya nung makita niyang nasaktan ako ni Papa kaya ayaw niyang maulit iyon. Hindi man niya sa akin sabihin alam kong kaya niya akong pagtakpan. Sa lahat ng naging personal bodyguard ko ay siya lang yata ang magtatagal at siya lang din ang naging kasundo ko.


"Let me drive." Akma kong bubuksan ang pinto ng sasakyan nang pigilan ako nito.


"No, Aloisia."


Napangiwi ako. "Mabagal lang and kasama naman kita." Paninigurado ko.


"Hindi tayo pupunta sa amin." Kinuha niya ulit ang susi sa akin at hinawakan ang aking braso upang igiya sa front seat. Pinagbuksan ako nito ng pinto.


"Bakit naman? Eh kahit anong araw ko gusto pwede naman ako pumunta ro'n."

Welcome naman ako sa bahay nila at mababait ang Mama at Papa nila. Iyon nga lang sa pagpabalik-balik ko sa kanila ay hindi ko siya nakikita, kahit ang picture niya. Katulad ng lagi sa aking sinasabi ni Neil ay nakadestino sa malayo ang Kuya niya.


"Tulog pa si Neil," sagot niya habang inaayos ang seat belt ko.


"Edi hihintayin ko siya magising."


He stared at me. "Day off ko ngayon at may pupuntahan akong importante."


"Ganun ba..." nalaglag ang aking balikat.


"Sumama ka nalang sa akin." Umayos ito nang tayo na nakatingin pa rin sa akin. Napakurap-kurap ako.


"Isasama mo 'ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.


"Oo, basta wala kang gagawing masama."


"I promise!" pagtaas ng aking kamay.


So I think kailangan ko magpakabait talaga ngayon sa kaniya dahil siya lang ang makakapagtakas sa akin sa bahay. Baka mamaya bigla nalang ako iwanan sa daan nito wala pa naman akong pera dahil may problema talaga sa mga ATM at credit card ko. Pati ang sasakyan ko ay hindi ko magamit dahil wala akong pang gas.


"By the way, Ilan taon ka na pala?" pagsisimula ko ng conversation para basagin ang katahimikan sa byahe.


Nagtataka itong lumingon sa akin. "Hindi ba nasabi ko na sa 'yo dati?"


Napaisip ako roon. Natanong ko na siya kung ilan taon na siya? Hindi ko maalala.


"Nakalimutan ko na, kaya sagutin mo nalang ako," deklara ko.


Tamad nagmamaneho ang isang kamay nito habang tutok sa daan. "What do you think?"


"Uhm...old enough to be a married man?"


Lumabas ang mapuputi nitong ngipin at nawala ang blangkong ekspresyon ng kaniyang mata. Hindi ko inasahan ang pagtawa nito. Hindi naman ako nagbibiro dahil tingin ko naman ay dapat kasal na siya.


"You are sometimes funny huh," natatawa pa rin sambit nito. Hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.


"I'm not kidding. You look old," diretsong pahayag ko. I can't help but smile when I saw him look offended. He's not actually old, he's just fine but not my type. Gusto ko lang makita kung maiinis siya.


"And you are rude sometimes. I'm only 25, Aloisia."


Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ni Brylee para makalanghap ng sariwang hangin. Malamig pa naman ang hangin kapag ganitong maaga buti at hindi umalma si Brylee.


Humalukipkip ang aking braso. "See? 25 ka na, dapat kasal ka na," ani ko habang nakatingin sa labas.


"Bakit? May balak ka na bang magpakasal kapag 25 ka na?" tanong nito.


Napangisi ako. I don't even want to be married. Wala. Hindi ko lang makita ang sarili ko bilang asawa at ina. Pero bata pa naman ako, baka may magpabago pa ng isip ko.


"Pwede ako magpakasal kahit ngayon kung gusto ko."


Suminghal ito. "You're still young and not wife material."


Napanganga ako sa pahayag nito. Kitang-kita sa mukha ko na na-offend ako. Nilalaro ng daliri nito ang ibabang labi na may bakas ng ngisi.


"Wow ha! Tapos kailan lang gusto mong magpakasal ako kay Neil!" sigaw ko rito at isinarado ang salamin sa aking gilid.


"I changed my mind. Ni hindi mo nga ako kaya igalang kahit na mas matanda ako sa 'yo. Paano nalang kapag mag-asawa na kayo ni Neil?" sarkastiko itong ngumiti sa akin.


Naningkit ang aking mata. "Bakit gusto mo ba tawagin kitang kuya? Ha Kuya Brylee?"


Nawala ang ngiti nito, bumalik sa pagiging seryoso at napatikhim. "Huwag nalang, hindi bagay."


"Kuya Brylee," pag-ulit ko.


"Stop." Pagsinghal nito.


"Kuya Brylee, where we going?" pagpapalambot ko ng aking boses at may pang-iinis sa aking ngiti. Agad na nangunot ang noo nito. Sabi ko magpapakabait ako pero parang mas satisfied ako kapag nakikita ko siyang naiinis.


"I said stop, Aloisia. Hindi bagay sa 'yo."


Inilapit ko ang aking katawan at nang-iinis akong ngumiti. "Kuya Brylee,"


Nauubos pasyensya itong napailing.


"Kuya Brylee," pigil na tawa ko.


"Yes baby?" paglambot din ng boses niya. He looked at me with his gentle eyes. I blinked twice. Nawala ang ngiti ko at umawang ang aking labi.


"If you want to call me Kuya Brylee then I'll call you baby from now on. Right baby?" paghawak nito sa akin baba. Napalunok ako at bumalik sa pwesto ko. Bigla akong kinabahan sa tingin niya.


"T-That's disgusting..." pagka-utal ko at ginawaran ko ito ng irap.


"What Baby?" pag-uulit niya.


"Shut up!" asik ko.


He laughed. "What do you want for breakfast, Baby?"


Hindi ko napigilan na ihampas sa kaniya ang bag sa kandungan ko. "That's disgusting, stop it!"


Tinawanan lang ako nito.


"Pikon ka naman pala. Ikaw 'tong nauna."


Bigla akong pinagpawisan. He looked different in my eyes when he called me like that. I hate it!


Ilang minuto lang ay may binalingan kaming kanto at puro bukid na ang dinaanan namin. Huminto ang sasakyan sa harapan ng isang mataas na gate. Walang kapitbahay iyon at puro bukid ang paligid. Lumabas si Brylee para buksan iyon.


"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya pagbalik nito ng sasakyan.


"Ako lang ang may gagawin. Uupo ka lang," sagot nito at inabante ang sasakyan papasok ng gate.


Lumibot ang paningin ko pagpasok namin at bumungad sa akin ang isang hindi kalakihang bahay at lanai. Wala naman kakaiba rito para maging interesado ako.


"Hindi naman siguro kindap for ransom 'to no?" pagbibiro ko dahil parang ang layo namin sa kabihasnan. Ang tahimik ng lugar at sa labas ng gate na 'to ay napakalayo ng mga bahay.


"Depende kapag nagustuhan ko."


"Fuck you." Natatawa nitong ibinaba ang kamay kong naka middle finger.


Bumaba siya at hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba ako ng sasakyan at inilibot ang tingin sa paligid.


"Bakit parang walang tao?" pagharap ko kay Brylee. Lumakad ito papunta sa lanai kaya sumunod ako sa kaniya. Nahihirapan akong maglakad dahil puro bato ang aking inaapakan, naka 2 inches heels pa naman ako.


"Tayo lang naman talaga ang nandito."


"H-Huh?" pagtataka ko. Eh anong gagawin niyang importante rito? Akala ko ay may kikitain siya tao.


"This is my private property, Aloisia," aniya at pabagsak na umupo sa isang mahabang upuan. Nakatingala itong pumikit.


"Talaga? Wow!" namilog ang aking mata sa pagkamangha. Inilapag ko ang bag sa lamesa at naglakad-lakad habang sinusuri pa rin ang paligid. Ang pinaka nagustuhan ko rito ay ang duyan sa ilalim ng isang puno. Parang ang relaxing tumambay doon.


"Bakit naman napili mo rito? Parang ang lungkot, wala kang kapitbahay." Bumalik ako kay Brylee na nakapikit pa rin. Umupo ako sa katapat na upuan.


"Iyon nga ang gusto ko so I can do whatever I want." Dumilat ito at tumayo.


"Kaya pala hindi kita nakikita sa bahay n'yo. Dito ka lagi umuuwi?"


"Most of the time." Naging abala ito sa inilapag na dalawang baril sa lamesa. Inaayos niya ang mga bala.


"Ibig sabihin kapag nag-asawa ka rito kayo titira?" pang-uusisa ko.


"Kung iyon ang gusto ng mapapangasawa ko, why not?" sagot niya at ikinasa ang baril.


"This is cool. Kapag nagkapera na 'ko bibili rin ako ng ganito. Malayo sa mga tao." Mahilig ako mag party at sa masayang environment pero parang ang ganda rin sa tahimik. Mayroong peace of mind.


"Pwede ko naman sa 'yo ibenta ang katabing lupa ko."


Napasinghal ako. "Ayaw kitang kapitbahay baka mamaya laging nakatambay sa akin si Neil."


"Pupunta rito si Neil, dadalhan tayo ng pagkain," aniya at iniwanan ako dala ang dalawang baril. Kaya rin siguro ayaw niya ako papuntahin sa bahay nila dahil baka pupunta rin naman dito si Neil.


Nakataas ang dalawa kong paa sa isang pang upuan habang nag ce-cellphone nang makarinig ako ng putok ng baril. Napatalon ako sa gulat dahil doon. Napalingon ako kay Brylee na umaasinta sa mga shooting targets habang may suot itong shooting earmuffs. Mukhang ito ang ipinunta niya rito.


Muli akong napapitlag sa gulat sa pagputok ng baril niya. Napatakip na lamang ako ng tenga. Now, I can understand why he wanted this place. Magagawa nga naman niya ang gusto niya.


Umasinta ulit si Brylee ngunit naibaba nito ang baril at napalingon sa akin. Nakatakip pa rin ang aking tenga para sa susunod na pagpapaputok niya.


Nagtaka naman ako nung iwanan nito ang baril sa isang maliit na lamesa katabi niya at lumakad papasok ng bahay. Lumabas ito bitbit ang isang pares ng tsinelas at isang shooting earmuffs. Dumiresto ito sa akin.


"I'm sorry nakalimutan kong ibigay sa 'yo. Wear this slipper to make you comfortable."


Inilapag niya sa aking paanan ang blue na tsinelas at siya mismo ang nagsuot sa akin ng earmuffs. Hindi ako nakapagsalita hanggang sa pag-alis nito. Napatingin nalang ako sa aking paanan. Kanino kaya 'to? Imposibleng kan'ya dahil pangbabae ang size. Siguro nag-uuwi rin siya dito ng babae. Hindi imposible magkapatid naman sila ni Neil.


Dahil hindi ko kayang magpalipas ng oras na nakaupo lang at nagcecellphone, pinili kong maglakad papunta sa pwesto ni Brylee. Hindi ako nito nilingon dahil busy siya sa ginagawa. Humihinto lang ito kapag lalagyan niya ulit ng bala ang baril.


Sa paghawak ko ng isang baril na nakapalag ay nakuha ko ang atensyon niya. First time ko makahawak ng baril kaya napatitig ako sa bawat detalye nito.


"Gusto mo subukan?" tanong sa akin ni Brylee. Kinuha nito sa akin ang baril at kinargahan niya ng bala.


"Pwede?" excited na tanong ko.


"Marunong ka ba?"


Umiling ako. "Hindi....pero gusto ko i-try."


"Huwag na, baka maisipan mo pang barilin ang makakaaway mo."


Napasimangot ako. Akala ko pa naman ay tuturuan niya ako. Nanonood lang ako sa gilid niya habang sabay niyang pinapaputok ang dalawang baril. Ang galing niya, wala akong masabi. Halos lahat ng shooting target ay sa ulo ang tama.


"Let me try." Pamimilit ko sa kaniya nung maubos ulit ang bala nito.


"Come here."


Napapalakpak ako sa tuwa sa pagpayag niya. Inabot niya sa akin ang isang baril at pumunta siya sa aking likuran. Inangat nito ang aking kamay para iasinta sa target.


"Sa ulo mo tamaan," bulong niya. Bahagya akong napalingon ngunit muntik na magtama ang aming mukha. Napalunok ako at nanginig ang kamay habang nakatutok sa target.


"Kalabitin mo na," pabulong na utos niya.


Hawak ng dalawa kong kamay ang baril at sinunod ang utos ni Brylee. Iyon nga lang ay hindi tumama sa target ang bala. Sabagay, okay lang 'to first timer naman ako.


"Asintahin mo," aniya at inayos ang aking kamay.


Inulit ko ang aking ginawa hanggang sa maubos ang bala ng baril ay hindi tumama sa target ang bala.


"Ang hirap naman!" reklamo ko at ibinagsak ang baril sa isang mesa.


"Mali kasi ginagawa mo. Isa pa, halika i-guide kita." Hinatak nito ang aking kamay para bumalik ako sa pwesto. Pinahawakan niya sa akin ang baril ngunit nakasalalay naman ang kamay niya. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan sa posisyon namin. Nasa gilid ng aking ulo ang kaniyang mukha at nakadikit ang kaniyang dibdib sa aking likod. Para itong nakayakap sa akin.


"Focus ka lang sa target. Itapat mo sa ulo bago mo kalabitin, ihilis mo ng kaunti ang hawak mo para may kontrol ka," bulong niya sa tenga ko at sunod-sunod na pinaputok ang baril.


"See?" mahinang pagtawa niya nang tumama lahat sa target ang bala. Hindi ako agad naka react dahil parang wala ako sa wisyo. Parang hindi ko nga namalayan ang ginawa niya.


"That's so romantic! Kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa pagkakamalan ko kayong couple."

Mabilis akong napalayo kay Brylee nang marinig ko ang boses ni Neil. Hindi ako ngayon makatingin ng maayos sa mga mata nila.


"Shut up, Neil," ani ni Brylee sa kapatid.


Inalis ko ang suot na earmuffs at inilapag sa mesa.


"And it makes me jealous."


Sinamaan ako nang tingin si Neil na nakataas ang kilay sa akin na may bakas ng panunukso sa labi.


"She's mine but we can share since you are my brother," natatawang aniya pa nito kay Brylee.


Wala akong naging tugon kundi ang middle finger ko. Lumakad si Brylee papunta sa mesa para ayusin ang mga gamit.


"I don't like sharing," mahinang sagot nito na hindi ko sigurado kung narinig ni Neil. Tinaasan lang niya ako ng kilay nang mag angat siya sa akin nang tingin. Mabilis naman akong napaiwas at naglakad pabalik ng lanai.

Last Bullet (Last Series#03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon