CHAPTER 19

13 1 0
                                    

“Aloisia! Kala ko hindi ka pupunta!” sinalubong ako ng yakap ni Astrid.

Marami na kaming magkakaklse roon halos mapuno namin ang tatlong table. Pagkaupo ko palang sa high chair ay ang pagtabi sa akin ni Neil. Hindi ko napansin na nandito na pala siya.


“Si Kuya?” tanong nito sa akin.


“Ewan ko. Nandiyan lang ‘yon sa tabi-tabi.”


Tinanggap ko ang inalok na alak sa akin ni Astrid.


“Sino yung kasunod mong pumasok sa entrance? Bodyguard mo ‘yon?” paglapit ng mukha sa akin ni Astrid.


“Oo,” pag-amin ko tutal ay hindi naman kilala ni Astrid na kapatid iyon ni Neil.


“Gwapo.” Paghagikgik nito.


“Akala ko ba si David lang ang gwapo sa paningin mo?”


Inirapan niya ako at ininom ang alak sa shot glass. “Don’t mention his name.”


Inismiran ko siya. “Sus. Alam ko na yung paganyan mo. Bukas makalawa bukang bibig mo na naman pangalan non.”


Pagod na rin ako mag advice kay Astrid. Bahala na siya na magising mag-isa sa kabaliwan niya. Ilang beses na na reject, habol pa rin nang habol.


“Aloisia?”

Napalingon ako sa aking likuran sa pagtawag ng pangalan ko. Sa paglingon ko ay malaking ngiti ni Kio ang bumungad sa akin.


“Kio…”


Hindi ako nakagalaw nang yakapin niya ako.


“You’re here! Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan. Likod mo palang kilalang-kilala ko na.”


“Sino kasama mo?” tanong ko.


Narinig ko ang pagtikhim ni Neil. Binantaan ko ito nang tingin sa matalas na tingin nito kay Kio.


“Mga friends ko.”


Tumangu-tango ako.


“Tara papakilala kita sa mga kaibigan ko.” Inakbayan ako ni Kio at handang dalhin sa mga kasama niya. Ngunit mabilis na hinawi ni Neil ang braso ni Kio. Masama ang tingin nito. Naging alarma naman ako dahil baka gumawa ng gulo si Neil lalo na't nakainom silang dalawa ni Kio.


“Hindi kailangan makilala ni Aloisia ang mga kaibigan mo,” malamig na pahayag ni Neil.


Kumunot ang noo ni Kio sa sinabi ni Neil. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pagsali ni Neil sa usapan namin. Agad na akong pumagitna sa dalawa.


“Later, Kio. Birthday kasi ng kaklase namin, hindi ko pa siya nababati.”


Bumuntong hininga ito. “Alright. Balikan kita later?”


“Sure…” pagtango ko.


Pagtalikod ni Kio ay ang pagsinghal ni Neil. Hinampas ko ang braso nito at masama din ang tingin niya sa akin.


“Huwag kang mag simula ng gulo, Neil. Kung lasing ka na, umuwi ka na.”


“Tangina gusto mo talaga ‘yon? Unang kita ko palang gamay ko na agad yung ugali. Patapon.” Ininom nito ang Jack Daniel’s na hawak.


“Alam mo, pumunta ka na lang doon sa gitna. Mamili ka nalang ng magiging babae mo ngayong gabi.”


Padarag siyang tumayo. “Mainam pa nga. Sakit mo sa kilay, pipili nalang palpak pa.” Inirapan niya ‘ko bago tumalikod sa akin. Ang lakas ng loob niyang umirap sa akin palibhasa may tama ng alak.


Nakihalubilo ako sa mga kaklase ko habang umiinom. Pinigil ko ang sariling hanapin sa bawat sulok si Brylee. Pinilit kong magpanggap na walang pakialam kung nasa’n siya kahit na may sumasagi sa aking isipan na baka kung sinu-sinong babae na ang lumalapit sa kaniya.


Pagtungtong ng ala-una ay lumakas ang tugtog ng club. Mas naging maingay dahil sa mga lasing na katulad ko na sumisigaw habang sinasabayan ang tugtog ng DJ. Lalo ring dumami ang mga tao. Inaya ako ni Astrid sa gitna ng dancer floor, pero dahil nga sa dami ng tao ay napalayo ako sa kanila. Hindi ko na tinangka pang hanapin sila, tuloy pa rin ako sa pagtalon habang may hawak na beer.


“Akala ko umuwi ka na….” naamoy ko ang alak sa paghinga sa aking leeg ng isang lalaki. Halos magtama ang labi namin ni Kio sa paglingon ko. Namumula ang kaniyang mga pisngi at mapupungay ang mga matang nakatitig sa akin.


“Kio…”


Naramdaman ko ang mga palad nitong lumapat sa aking bewang. Ang dibdib niyang bumubungo sa aking likod.


“I changed my mind. Hindi na kita papakilala sa mga kaibigan ko. Mahirap na, baka matipuhan ka rin…..ayoko pa naman ng may kaagaw.”


Humarap ako kay Kio at wala sa sariling kinawit ang braso sa kaniyang batok. Pigil ang kaniyang ngiti sa pamamagitan nang pagkagat ng pang-ibabang labi dahil sa aking ginawa.


“Are you Scorpio?” he asked.


“No, why?”


Hinapit niya ang aking bewang para lalong mapalapit sa kaniya. Ang mukha niya ay lumapit din sa aking mukha.


“Because you are giving me mixed signals, Aloisia. Red flag but no worry….I think now I'm colorblind.” He chuckled.


Mahina kong nahampas ang kaniyang braso habang natatawa.


Sa pagtakbo ng oras ay ang lalong paglakas ng tugtog sa loob ng club. Nakita ko si Neil na nakikipagsayaw sa isang babae at halatang lunod na lunod na sa alak. Sinulyapan ko rin ang mesa namin at nandoon si Astrid na malakas pa ring umiinom.


“Do you want to go with me tonight?” paos na boses ni Kio. Pabalik-balik ang tingin nito sa aking mata at labi.


“Saan?”


“You know….the place that we can have fun….” He whispered.


Unti-unting lumapit ang mukha ni Kio sa akin. Alam kong balak niya akong halikan sa paghawak niya sa aking batok. Akma akong lalayo ngunit nauna nang may humaltak sa akin para mapalayo kay Kio.


“I need to take her home.” Maotoridad na boses ni Brylee at habang hawak pa rin ako sa aking braso.


Nangunot ang noo ni Kio na tila handang magsimula ng gulo.


“Who the fuck are you? Hindi mo ba nakikitang nag e-enjoy kami ?"


“Let's go, Aloisia. You have your curfew."

Lalong kumunot ang noo ni Kio sa pagbalewala sa kaniya ni Brylee.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa ‘kin.


“Wag kang kj, Brylee. I'm enjoying!”


Gusto ko subukin ang pasyensya ngayon ni Brylee pero parang mabilis ‘yon mauubos ngayon. Sa pagtanggi ko palang na sumama sa kaniya ay nagsalubong agad ang kilay nito.


"See? Fuck off dude," si Kio na akma ulit akong kukuhanin ngunit hinarangan siya ng katawan ni Brylee. Nakatalikod si Brylee kay Kio habang malamig ang titig sa akin.


"I said, let's go home. Kung ayaw mong buhatin pa kita palabas."


Humakbang ako paatras. Dala ng alak ay muntik na akong na out of balance pero mabilis ang mga braso ni Brylee para masalo ako sa aking bewang.


“O gusto mong mag-abot pa kami ng lalaking ‘to?” bulong niya.


Napalunok ako at umayos ng tayo. Nakakuha na rin kami ng atensyon ng iba dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ni Brylee at Kio.


"F-Fine! Ang epal naman!"


Damn! He’s so attractive even in the dark. Parang tambol ang puso ko ngayon. Sa mga titig at hawak niya ay parang hinahalukay ang tiyan ko. Nakakapanghina. Tangina, masamang idea yata ang uminom ngayon, lalong lumalala ang nararamdaman ko.

"Aloisia, San ka pupunta?" Kio grabbed my hand.


"Let her go, Kio. She needs to go home and she's already drunk."

Bakas ang gulat sa aking mata nang makilala ko ang lalaking nakatayo sa likuran ni Kio. Nakatupi hanggang siko ang suot nitong long sleeves habang may hawak na bote ng alak at magulo ang buhok. Tinanguan niya ako nang magsalubong ang aming mata.


“Let’s go, Aloisia…” bulong sa akin ni Brylee.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Papalit-palit ang tingin ko sa magkapatid na mainit ang mga tinginan ngayon.


"Why are you here, Laurence? Nakita mo si Aloisia kaya lumapit ka? Ano ha? Because she looks like your fucking dead girlfriend?! What's her name? Alisha? She's dead, bro! Accept it!"


"Stop mentioning her name, Kio!" Laurence voice thundered. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.


Nangunot naman ang noo ko sa pagbanggit ni Kio sa pangalan ni Ate Alisha. Napalingon lang ako sa aking gilid nang may umakbay sa akin, si Neil na nakikiisosyo sa nangyayari.


"Why? Because it still hurts? Masakit ba dahil patay na siya o mas masakit na nalaman mong she cheated on you?” sarkastikong pagtawa ni Kio.


Akmang sasapakin ni Laurence ang kapatid ngunit nauna na lumapat sa kaniyang pisngi ang aking palad. Hinarap ko siya sa akin at malakas na ginawaran ng sampal. Alam kong si Ate ang tinutukoy niya.


“Aloisia!” sabay na reaksyon ng magkapatid na Neil at Brylee sa ginawa ko.


“Don't you ever disrespect my sister in front of me, Kio!" galit na sigaw ko.


Gulat ang ekspresyon ni Kio habang nakahawak sa kaniyang pisngi. Akma niya ‘kong lalapitan ngunit umatras ako.


"I-I'm sorry, Aloisia. But I'm just telling the truth. Your sister cheated on him-”


Napahinto siya na panibagong sampal na ginawad ko. Mabilis ang bawat paghinga ko sa galit.


“Huwag ka na magpapakita sa akin, Kio,” huling pahayag ko bago mag walk out sa harapan nila. Mabilis naman nakasunod sa akin si Brylee.


Mabilis akong nakaramdam ng galit kay Kio dahil hindi ko matatanggap na may nasasabing masama ang mga tao sa ate ko. Mabuting tao ang kapatid ko at ako ang mas nakakaalam na hindi niya magagawa manloko.


Tahimik lang ako habang tinatahak namin ni Brylee ang pauwi ng bahay, pero sumagi sa isip ko ang ginawa niya kanina. Nakakainis! Dumagdag pa siya sa iisipin ko. Sobrang hilong-hilo na ako at parang masusuka pa dahil marami rin akong nainom. Mahina na rin akong sinisinok. Pumikit nalang ako para mag concentrate na pigilan ang pagsuka. Kaso kahit nakapikit ako ay mukha ni Brylee ang nakikita ko. Wala sa sariling nasabunutan ko ang sarili ko.


“Aloisia, you okay?” nag-aalalang tanong ni Brylee.


Bumuntong hininga ako at pumikit ulit. Lintik na alak ‘to masyadong malakas ang tama sa akin.


“Ang dami mong nainom…” sambit ni Brylee.


“Don’t do that again, Brylee. I’m doing this for my sake…” mahinang sambit ko habang nakapikit. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at hindi ko alam kung paano ko ‘yun pipigilan. Nanlalamig din ang palad ko dahil sa kabang nararamdaman ko.


“What do you mean?” naguguluhang tanong niya.


Dumilat ako at bumaling sa kaniya. Bumagal ang pagpapatakbo niya at sumulyap sa akin.


“Kung ayaw mong sa ‘yo ‘ko magkagusto, hayaan mo ‘kong mag entertain ng iba.”


Lalong dumagundong ang puso ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang titig na titig sa daan at hindi na siya muli pang nagsalita.


Pumikit ulit ako at nagpanggap na natutulog. Nimannam ko ang pagkapahiya sa harap niya. Lasing ako ngayon kaya siguro hindi niya sineryoso ko ang sinabi ko. Tama, hindi niya ‘yon seseryosohin. Lasing lang ako kaya nasabi ang kahihiyan na ‘yon. Bukas….limot na niya ‘yon. Sana.


Kinaumagahan ay nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko. Napahawak ako sa aking ulo sa pagbangon ko. Masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Hindi rin ako halos makadilat ng maayos dahil antok na antok pa ‘ko. Bumalik ako sa pagkakahiga nang makuha ang cellphone at bumungad sa akin ang tadtad na message at missed calls galing kay Kio. Pinatay ko nalang ulit ang cellphone at muling pumikit.


Naalala ko ang buong nangyari kagabi. Nung mag flashback sa isip ko ang ginawa ko ay parang babaliktad ang sikmura ko sa kahihiyan. Mariin kong itinabon ang unan sa aking mukha at nagpagulong-gulong sa higaan. Ang laking kahihiyan nung ginawa ko!


Muli akong napabalikwas nang tayo at pinakalma ang sarili.


“Okay lang ‘yon, Aloisia. Lasing ako at wala akong naaalala. Magpapanggap akong walang naaalala.” Pangungumbinsi ko sa sarili ko.


Kalaunan ay napagpasyahan ko na bumaba para kumain. Tanghali na at hindi ako naka attend ng morning class ko pero papasok pa rin ako ngayong tanghali.


“Lasing ka kagabi?” nakasalubong ko si Mama sa hagdan.


Tumango ako.


“Papasok ka ngayon?”


“Opo, kakain lang ako.”


“Sige, aalis din kami ng Papa mo ngayon. Pupunta kami kina Uncle Jack mo.”

Tumango nalang ulit ako at dumiretso sa kusina. Halos manigas ang mga binti ko nung pagpasok ko ng kusina ay bulto ni Brylee ang makikita ko. Nakatayo ito sa harap ng fridge at umiinom ng tubig. Nung magtama ang aming mata ay mabilis akong napaiwas at dumiretso sa upuan.


Pakiramdam ko ay namumutla ako ngayon sa pagkakabigla na makita siya ngayon. Bigla rin kumabog ang puso ko sa kaba.


“Hindi ka nakapasok sa sobrang dami mong nainom,” pagbasag niya sa katahimikan. Mahinahon ang boses nito ngunit nagpadoble ng kaba ko. Humigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa kutsara.


“Papasok ako ngayon,” natural na boses ko.


“Ihahanda ko yung sasakyan.”


“Dadalhin ko yung sasakyan ko.” Mabilis na giit ko.


Napahinto siya at bumaling sa akin. Lalo ko tuloy hindi matagalan ang mga tingin niya tuwing naaalala ko mga ginawa ko kagabi.


“Do you remember what happened last night?”


Nanlamig ang aking mukha. “A-Alin?” nanginig ang boses ko.


Bumuntong hininga siya. “Nothing. Hihintayin kita sa labas.”


Tuluyan siyang umalis. Nabitawan ko ang kubyertos at nanginginig ang mga kamay na inabot ang baso ng tubig. Parang lalabas ngayon sa dibdib ko ang puso ko sa kaba. Sana ay hindi na niya ulit banggitin iyon. Sana balewalain nalang niya yung mga nasabi ko. Kung hindi….magugulo ang buhay ko. Mas lalong gugulo.


Last Bullet (Last Series#03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon