CHAPTER 11
Gift
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa mahihinang boses na naririnig ko. Sa pagdilat ng aking mata ay napapikit ulit ako dahil sa kirot ng ulo ko.
“Gising na siya,”boses mula sa gilid ko.
Napalingon ako roon at nakita si Neil na nakaupo gilid ng kama. Mukha siyang bangag na bangag at gulo ang buhok.
“Nasaan ako?” tanong ko at unti-unting umupo mula sa pagkakahiga. Napalingon naman ako ngayon kay Brylee sa isang gilid nakaupo sa sofa habang nakasandal ang ulo at nakapikit. Alam kong gising siya dahil nag-uusap pa sila ni Neil kanina.
“Pagkatapos nang nangyari sa ‘yo, saan sa tingin mo ikaw mapupunta? Nakita mo ba yung nangyari sa sasakyan mo? Lakas mo rin kay Lord ha, buti buhay ka pa at wala kang injury.” Sarkastiko itong tumawa at hinagod ng kamay ang buhok pataas.
“So nasa hospital ako? Pwede na ‘ko umuwi?” pilit kong inabot ang cell phone sa mesa katabi ng kama. Dismiyado ako nang makitang lowbat na pala. Okay na rin siguro ‘yon dahil tiyak kong tadtad iyon ng text at tawag.
Tumayo si Neil at inabot sa akin ang isang basong tubig. “Hindi pa. May hinihintay pang result sa ginawang test sa ‘yo. Pinacheck ko rin yung utak mo kung nasa kondisyon pa. Alam mong lasing ka na, naisipan mo pa talagang mag over speeding. Do you know how worried I am, Aloisia?”
Napairap nalang ako sa pagiging seryoso nito. “I’m sorry okay? Huwag mo na ‘ko bungangaan okay naman ako ‘di ba?”
Hindi makapaniwala itong nakatingin sa akin at napasinghal. “You actually making me mad, Aloisia. Tingnan mo kung paano mo itrato yung sarili mo. Kayang-kaya mo magpakamatay na akala mo walang nag-aalala sa ‘yo, na akala mo walang naghihintay sa ‘yo.”
Now, sigurado na akong seryoso si Neil. Walang bakas ng pagbibiro sa kaniyang mata na madalas kong makita. Madalang magseryoso si Neil sa mga sinasabi niya kaya kapag nagseryoso siya ay matatahimik ka na lang.
“I’m sorry,” tanging naging sagot ko at napayuko.
Alam kong sobrang mali ang nagawa ko. Halatang wala ako sa katinuan nung mga oras na ‘yon. Umalis ako sa club na lasing at nagmaneho na parang wala akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko ang bagay na ‘yon dahil lang sa nakita ko. Nahihibang na talaga ako.
“Ako na maghahatid sa ‘yo,” deklara ni Neil at hinawakan ang aking kamay para igiya sa kaniyang sasakyan.
“Ako na maghahatid sa kan’ya Neil. Umuwi ka, wala ka pang tulog,” pagsingit ni Brylee. Napahinto si Neil at lumingon sa kaniyang kuya na nasa likuran lang namin. Sa buong oras na kasama namin siya ay ngayon lang ito nagsalita. Kahit tapunan ako nang tingin ay hindi niya magawa.
“Ako na, kuya. Hahatid ko lang si Aloisia di-diretso rin ako sa bahay.”
Ako na ang nagkusang bumitaw sa pagkakahawak sa akin ni Neil. Nakataas ang kilay nito sa ginawa ko.
“Umuwi ka na, sasabay na ‘ko sa kuya mo. Matulog ka, mukha ka ng sabog.”
Napasinghal ito. Matagal na tumingin sa kuya niya bago ulit bumaling sa akin. “Okay, see you later.” Niyakap niya ako at naramdaman ko ang pagdampi ng halik sa aking buhok.
Halatang labag sa loob niyang hindi ako maihatid pero wala na siyang nagawa. Pagkaalis ng kaniyang sasakyan ay dumiretso naman ako sa sasakyan ni Brylee na nakabukas na ang front seat na naghihintay sa akin. Walang salita akong pumasok doon.
Halos maubos ko na yata ang split ends ng aking buhok malibang lang sa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita sa amin ni Brylee kaya nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na magsalita para maalis ang awkwardness sa pagitan namin.
“Masaya ka ba?”
Bigla akong napatigil sa malamig na boses ni Brylee.
“H-Hah?” paglingon ko rito. Walang emosyon ang mga matang naka focus sa daan at tamad na nagmamaneho. Yung mga matang ‘yon ay hindi ko kaya titigan ngayon, parang sa oras na magtagpo ang mata naming dalawa ay tataas ang balahibo ko sa batok at manghihina ang aking tuhod. He looks intimidated.
“Masaya ka ba sa ginawa mo?” ulit niya. Dalawang sunod akong napalunok at yumuko.
“Hindi…” mahinang sagot ko.
“Kung ganun, bakit paulit-ulit mo ‘yang ginagawa kung hindi ka naman pala napapasaya nang mga ginagawa mo?”
Bahagyang umawang ang aking mga labi at natulala sa matigas nitong ekspresyon. Ilang beses ko na rin siyang nakitang iritable sa mga nagagawa ko pero ang makita siyang may bakas ng galit ngayon ay sobra ang kabog ng dibdib ko.
“O masaya ka dahil napag-aalala mo yung mga tao sa paligid mo?” pabaling niya sa akin.
Nanginig ang aking labi at kumuyom ang aking kamao. “Sinasabi mo bang nagawa ko ‘yon dahil gusto kong mag-alala sa akin yung mga tao?”
“Kung hindi iyan ang dahilan , ano? I want to know the reason, Aloisa. Bakit paulit-ulit mong inilalagay sa alanganin ang buhay mo?” nakakunot ang noo at naguguluhan ang mga matang nakatitig sa akin. Nilaban ko ang mga titig niya ngunit wala akong makapang sagot sa tanong nito. Mariing naglapat ang aking labi.
Dapat ko ba sabihin sa kaniya na bigla akong umalis ng club dahil nakita ko siyang kahalikan yung ex niya? Dapat ko ba sabihin sa kaniya na nanikip ang dibdib ko nung makita ko ‘yon? Dapat ba niyang malaman yung naging epekto sa akin nung halik na ‘yon? Paano kung magtanong siya kung bakit? Paano kung tanungin niya ako kung bakit ganun ang nararamdaman ko? Paano ko sasagutin ‘yon kung maski ang sarili ko ay hindi ko masagot?
“M-May…may mga bagay na hindi mo na dapat malaman,”sagot ko at napaiwas nang tingin. Narinig ko ang pagsinghap niya.
“I want to know because I want to help you. I don’t want you to be miserable. I don’t want you to live like this. I want you to be better. I want the best for you….kaya habang nandito ako sa tabi mo gusto kitang tulungan. Please don’t be like this. Please stop making us worried.”
Napapikit ako sa nagbabadyang luha. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Buong pamilya ko ay nagagalit sa pagiging miserable ko, pero wala kahit isa na tumulong sa akin para maging okay ako. Walang nag alok ng tulong…..walang nagtanong.
Hindi ko inaasahan na maririnig ko yung mga salitang ‘yon sa taong kailan ko lang naman nakilala. Kay Brylee pa. And it makes me scared. Nasanay akong mag-isa, lumalaban mag-isa. Nakakatakot yung posibilidad na handa siyang tumayo sa tabi ko para tulungan ako. Nakakatakot dahil baka masanay ako at maging dependent sa kaniya. Nakakatakot masanay kapag alam mong panandalian lang naman ang lahat.
Sa pagbaba ko ng sasakyan, wala akong maramdaman na kaba o takot sa mangyayari sa akin kapag nakaharap ko si Papa. Hinanda ko nalang yung sarili ko sa posibleng mangyari. This time ay alam ko namang kasalanan ko. May karapatan talaga silang magalit sa akin.
Sabay kaming pumasok ni Brylee sa bahay. Pagpasok na pagpasok ko ay katulong ang sumalubong sa akin.
“Ma’am, sabi ni Sir sa office ka raw po dumiretso,” ani nito.
Tumango ako rito. Napasilip naman ako sa kusina dahil nandoon lahat ng katulong at lahat sila ay abala. Maraming pagkain ang nasa hapag. Napabuntong hininga nalang ako. This is not a perfect time to celebrate my birthday. Akma akong magmamartsa papunta sa office ni Papa nang may pumigil sa braso ko. Si Brylee.
“Pwede ako sumama sa ‘yo.”
Agad akong umiling. “Kaya ko. Hindi mo na kailangan mapasali-”
“Sasama ‘ko. I can explain to your father. Alam kong hindi ka magpapaliwanag, hahayaan mo lang kung ano ang sasabihin niya,” he interrupted me.
Wala akong nagawa nang hawakan nito ang aking kamay at sabay na tinahak ang office ni Papa. Tatlong beses siyang kumatok at pinihit ang pinto. Binitawan lang kamay ko nung nakapasok na kami ngunit nanatili siya sa tabi ko.
Naabutan naming nakaupo sa swivel chair si Papa kaharap ang ilang papeles at si Mama na napatayo sa kinauupuan dahil sa pagdating namin.
“Good evening, Mr. and Mrs. Severinno,” formal na pagbati ni Brylee.
Matipid na ngumiti si Mama at bumaling ito sa akin na may pag-aalala. Si Papa naman ay hindi man lang nag angat nang tingin.
“I want to talk my daughter, Brylee,” maotoridad na boses ni Papa.
“I want to explain everything, Sir. It was an accident.”
Sarkastikong napatawa si Papa. “You are her bodyguard, not a spokesperson. I want to talk to my daughter.”
Hindi gumalaw si Brylee sa kaniyang pagkakatayo. Binalingan ko na si Brylee at matipid na ngumiti. “I’m okay, pwede mo na ako iwanan.”
Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mata na iwanan ako mag-isa. Muli ko siyang tinanguan para ipabatid na magiging ayos ako.
Nung oras na pagkalabas ni Brylee ay lumagapak ang palad ni Papa sa mesa. Agad na pumunta si Mama sa tabi nito.
“Nananadya ka na lang ba, alosia? Sinasadaya mo na lang ba lahat ng katarantaduhan mo sa buhay mo?!” sigaw niya.
“It was an accident-”
Muling humampas nag palad nito sa mesa at tumayo. Nang gagalaiti ang mga matang nakatingin sa akin. “Accident! Aksidente? Puro iyan nalang ang dahilan mo! Puro aksidente, puro ikaw ang biktima! Bakit hindi mo na lang aminin na hindi mo ginagamit iyang utak mo at puro kahihiyan lang ang kaya mong gawin!”
Nanatili akong tahimik sa aking kinatatayuan.
“Kung si Alisha lang siguro ang nandito? Wala akong sakit ng ulo. Wala sanang kahihiyan ang pamilyang ‘to.” Bumalik sa pagkakaupo si Papa at malalalim ang bawat paghinga.
Napangisi ako at napiiling. “Here we go again, comparing me to someone na matagal ng wala,” bulong ko.
“Kahit sana hindi mo na mahigitan ang ate me, e. Pwede bang kahit pantayan mo na lang? kahit ‘yung-”
“Bakit din ba paulit-ulit n’yo kong kinukumpara sa kaniya?! Bakit inuna n’yo pang pagalitan ako kaysa tanungin kung ayos lang ba ‘ko? Bakit ganyan kayo?!” pagsabog ko. Mariing kumuyom ang aking kamao at naging mabilis ang aking paghinga. Gulat ang mga mata ni Papa. Hindi niya inakala ang pagsagot ko.
Alam kong magagalit sila. Pero hindi ganito yung inaasahan ko. Akala ko ay kukumustahin man lang nila ako. Akala ko ay tatanungin man lang nila yung nararamdaman ko bago sila magalit.
Agad na pumagitna sa amin si Mama. Ganyan siya lagi, saka lang siya magsasalita kapag sumagot na ‘ko kay Papa.
“Aloisia, huwag kang makipagsigawan sa Papa mo.”
Tears shone in my eyes. “Bakit ba binubuhay n’yo sa katawan ko yung taong patay na?! Yung dapat…mabait ka katulad ni ate Alisha mo. Dapat masunurin ka kasi ganun yung ate Alisha mo. D-Dapat matalino ka kasi ganun yung ate Alisha mo. H-Hindi n’yo ba ako tanggapin yung ako mismo?” nanginig ang aking boses.
Parehong napatigil si Mama at Papa. Kalaunan at tumayo si Papa at humakbang palapit sa akin.
“Walang tatanggap sa katulad mo kung ganyan ka lang rin. Magpasalamat ka pa nga dahil kahit ganyan ka, nakukuha mo pa rin yung gusto mo. Nakatira ka sa komportableng bahay, nag-aaral. Kasi kung iba ang magulang mo, baka itinakwil ka na. Pinabayaan ka,” mariing sambit niya.
Sarkastiko akong napatawa at mabilis na pinahid ang tumulong luha. Wala nang kapupuntahan ang usapang ito. “Edi itakwil n’yo. Pabayaan niyo ‘ko. Kalimutan ninyong may anak kayo. Ilayo n’yo lalo ang loob ko sa inyo. Nagtataka nga ako,e. May ganyan pala talagang uri ng magulang no? Reputasyon lang yung iniisip. Kayang maging mabait sa iba, pero hindi sa anak niya. Nagtataka na nga ako, kasi….bakit sa halip na turuan ninyo akong tumayo sa sarili kong mga paa, bakit tinuruan ninyo ako lumakad palayo sa inyo?”
Sa paglipas ng panahon unti-unti nang lumalayo ang loob ko sa magulang ko. Sa pagkamatay ni Ate Alisha, nagbago sila at binago nila ako. We used to be a happy family at hanggang alaala ko nalang lahat iyon. This home doesn’t feel like home anymore. Hindi ko binago ang sarili ko, binago ako ng magulang ko.
“Kung pinagsisihan ninyong naging anak ang katulad ko, itanong ninyo muna kung masaya ako na kayo ang naging magulang ko. Kung hindi kayo yung magulang ko….hindi siguro ako ganito. H-Hindi ako…ganito,” may poot na pahayag ko.
Napayuko si Mama. Tama naman ang sinabi ko. Siguro kung nasa maayos akong pamilya, baka maayos din yung buhay na meron ako. Baka walang galit ang puso ko. Siguro may gana akong mabuhay araw-araw. Siguro hindi ko nararamdaman na mag-isa ako. Siguro hindi mababa ang tingin ko sarili ko.
“Kasalanan mo lahat kung ano ka ngayon. Habang pinagbibigyan ka sa gusto mo, namimihasa ka!” pagduro sa akin ni Papa.
“Gusto ko?”pagsinghal ko. “Anong alam niyo sa gusto ko?” nanginginig ang aking labi. “Kahit kailan ba…tinanong n’yo ‘ko kung ano ang gusto ko? Kung ano ang pangarap ko? H-Hindi naman ‘di ba?” my voice cracked. “A-Ano bang alam n’yo sa akin Papa? Anong alam mo sa akin bukod sa pagiging rebeldeng anak?!”
Nung matagal na hindi nagsalita si Papa at nakatitig lang sa akin ay mabilis akong nagmatsa paalis ng office niya. Sa pagtalikod ko ay tuloy-tuloy dumaloy ang luha sa aking mata. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong maramdaman ang lahat ng ‘to. Akala pala nila porket nasa komportable kang bahay, nakakapag-aral ka, at nakukuha mo ang lahat ng gusto mo ay dapat magpasalamat ka, dapat masaya ka na. Aanhin ko ang lahat ng ‘yon kung yung pinaka kailangan ko ay hindi ko makuha. Pamilya….gusto ko maranasan magkaroon ng tunay na pamilya. Pagmamahal ng pamilya na kahit anong halaga ay hindi ko makukuha.
Pagbukas na pagbukas ko mismo ng pintuan ay hindi ko inasahan na nandoon si Brylee at naghihintay sa paglabas ko. Madilim ang tingin nito nang higitin ang aking braso upang makaalis doon.
“Saan mo ‘ko dadalin?” mahinang boses ko dahil pababa kami ng hagdan. Mabilis ang bawat paglakad nito.
“Brylee..” tawag ko rito sa hindi nito pagsagot.
Dinala niya ako pabalik sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto. Nagdadalawang isip akong pumasok sa sasakyan. Pagpanik niya sa driver seat ay mabilis nitong inatras ang kotse at lumabas ng gate. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
“Brylee, saan tayo pupunta?” muling tanong ko. Bumaling ito sa akin na animo’y binabasa ang nasa isip ko. Alam kong nakikita niya ngayon ang bakas ng luha sa mata ko.
“The place where you can have peace of mind. That’s my gift for you.”
Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya. Why are you doing this Brylee? How can I have peace of mind if you are doing this? I hate when someone makes me feel special. Ginugulo mo ang isip ko… at this is bad.
Matiyaga akong naghintay kung saan ako dadalhin ni Brylee. Napaangat ang aking ulo nung bumaling kami at dumaan sa puro bukid. Palihim akong napangiti, alam ko na kung saan ‘to papunta. Masyadong maliwanag ang buwan at mga bituin kaya kitang-kita ko ang aming dinadaanan. Binukas ko ang salamin sa aking gilid, napapikit ako sa pagsinghap ng malamig na hangin.
“Thank you….for making me feel better…” mahinang sambit ko at nakatingala sa mga bituin habang umaandar ang sasakyan.
“Sana pala araw-araw birthday ko para araw-araw mo rin ako dadalhin dito.” Pagbibiro ko. Isinara ko ang bintana nang bumagal ang takbo ng sasakyan hudyat na nasa tapat na kami ng mataas na gate ng bahay niya.
“Teddy bear?” pagpuna ko sa hawak nitong light blue teddy bear sa paglingon ko sa kaniya.
Inabot niya ito sa akin. Tumaas ang kilay ko at kinuha iyon sa kamay niya.
“Sa akin?” pangungumipirma ko. Naiilang siyang umiwas nang tingin sa akin.
“Oo. That’s corny but I think you will need it.”
“T-Thank you,” naiilang din na sagot ko at tinitigan ang teddy bear.
“It’s….it’s a talking teddy bear. Just press the button when you are sad,” aniya.
Hinanap ko ang button na sinasabi niya at nakadikit iyon sa likod ng teddy bear. Gamit ang hinlalaki ay pinindot ko iyon.
‘How’s your day? Are you sad? Are you crying right now? Shhh…..everything will be okay. You will be okay. I’m here..I’m always here. You can talk to me and tell me what’s bothering you. I’m listening.’
Hindi ko gumagalaw habang pinakikinggan ang mahinahong boses ni Brylee na nakarecord sa teddy bear. His voice is comforting me from sadness.
“D-did you like it?” nag-aalangan taking niya.
Palihim akong napangiti. “This was the best gift I’ve ever received. Thank you.”
I am now sure… I’m starting to like this man. Itinatanggi iyon ng isip ko pero yung puso ko ngayon ay nagbibigay sa akin ng kompirmasyon na may iba akong nararamdaman kay Brylee.
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...