CHAPTER 20

30 2 0
                                    

“Do you remember what happened last night?” bungad agad na tanong sa akin ni Neil paglapag ko palang ng bag sa upuan. Nanigas ako sa aking pagkakatayo.

“A-Alin?”

“Wala ka talaga maalala?” pagngisi niya na nagpakaba sa akin. Hinila niya ang braso ko upang umupo.


“A-Alin ba?”

Sunod-sunod akong napalunok. Don’t tell me, kinuwento ni Brylee kay Neil ang nangyari sa sasakyan?!


“What’s with your face? You look pale.” Hinawakan nito ang pisngi ko. Inalis ko ang kamay niya at pinakalma ang sarili.


“Kulang kasi ako sa tulog.”

Napailing-iling ito habang nakatingin sa akin. Hindi tuloy ako makatingin ng diretsyo kay Neil dahil sa kabang nararamdaman ko. Magtataka siya kung bakit ako ganito umasta.


“Last night, you were very drunk and did something….” Lumapit ang mukha niya sa akin at bumulong.

Pigil ang aking hininga sa pagtigil niya.


“You slapped kio.” Dugtong niya dahilan para mapahugot ako ng malalim na hininga. Para akong nabunutan ng tinik. Pagtataka naman ang bumakas sa mukha ni Neil sa naging reaksyon ko.


“A-Ahh…he deserved it…” tanging reaksyon ko nalang.


“Siguro naman turn off ka na ro'n ngayon. Sabi sa ‘yo malaki katarantaduhan nung ganung mukha e.”

“Yeah…” wala sa sariling pagtango ko.


“Oh! H'wag mo sabihing broken hearted ka?”


Sinamaan ko ng tingin si Neil. “Asa ka. Daming lalaki d'yan no.”


“Buti naman. Kupal na ‘yon. Sarap banatan kagabi.”

Hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa wisyo. Binabagabag ako sa mga nangyari kagabi. Gusto ko nalang kalimutan lahat nung nangayari dahil tuwing naaalala ko lahat ay gusto ko nalang kainin ng lupa. I wish he didn’t take what I said seriously. I was drunk and wasted, hindi ko napigilan ang bibig ko. I was too honest about my feelings toward him at malaking pagsisisi ang nararamdaman ko. Naalala ko ang pagtahimik niya pagkatapos nung huling sinabi ko. It’s either he didn’t take it seriously or he just didn’t care.


Tulala ako sa labas ng room habang may klase, tulog naman at nakadukdok ang katabi ko na si Neil. Alam kong katulad ko ay may hangover siya at kulang sa tulog. Daig pa nga niya ako dahil nakapasok siya nung umaga.


Habang nakatitig sa pasilyo ay natanaw ko ang dalawang lalaki na nag-uusap. Biglang nabuhay ang dugo ko sa katawan nang makita ko si Brylee. Blangko ang mukha nito habang nagsasalita. Nanghahaba ang leeg ko para kilalanin ang kinakausap niya dahil nakatalikod iyon sa akin.


Naging mabilis ang pangyayari. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na kinuwelyuhan ng lalaki si Brylee. Wala sa sarili akong napatayo sa aking upuan.


“Aloisia, do you have any questions?” si Sir Dylan na nagtuturo sa harap. Napatingin din ang mga kaklase ko dahil sa biglang pagtayo ko.


“M-May I go out, Sir? Restroom lang.”


“Sure.”

“Kailangan mo ng kasama?” baling sa akin ni Astrid. Inilingan ko ito.


Mabilis akong lumabas ng room at dumiretso sa kinaroroonan ni Brylee. Nabaling sa akin ang atensyon ni Brylee habang nagsasalita at napabitaw naman sa kaniya ang lalaki.


“K-Kio…” bumagal ang aking paglalakad sa pagharap ng lalaki.


“Aloisia…can we talk?”


Nangunot ang aking noo. “Anong ginagawa mo? Bakit mo kinuwelyuhan si Brylee?” naglakad ako papunta sa tabi ni Brylee.


“You have class. Bakit ka lumabas?” malumanay na boses ni Brylee.


“Nakita kita akala ko sino ang kaaway mo. Anong nangyayari dito?”


“Ayaw niyang makausap kita, Aloisia. Please mag-usap tayo.” Pagsusumamo ni Kio.


“Ayaw kitang makausap, Kio. After you disrespect my sister.” Napailing-iling ako. “Wala na ‘kong interes na makausap ka.”


“N-No, Aloisia. Let me explain….” He looks hurt. Hindi ko ngayon matingnan si Kio. Nakaramdam ako ng guilt dahil in the first place naman talaga, hindi ako interesado sa kaniya. I used him to distract my feelings from Brylee.


“Aloisia, please…..I'm sorry sa mga nasabi ko kagabi. Hindi ko sinasadya…hindi dapat sa akin nanggaling yung mga ganung salita.”


Nangunot ang aking noo. “Are you saying what you said last night was true?”


“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.”


Lalong nangunot ang aking noo. Nilapitan ko si Kio at tinulak ang kaniyang dibdib. Napaatras siya sa ginawa ko.  “Ano karapatan mo paratangan ng ganyan ang kapatid ko, Kio?! Wala kang alam. Hindi mo kaya patunayan ‘yang sinasabi mo!”


Malambot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Nagawa ko siyang titigan ngayon at napansin ko ang stress sa mukha niya at kulang sa tulog.

“You can talk with Laurence. He knew everything.”


Napailing-iling ako. “I know everything, Kio. Mas kilala ko ang ate ko.”


Sumubok siyang lapitan ako ngunit humakbang ako paatras.


“Okay. Hindi ko pipilitin na maniwala ka, Aloisia. Iba yung issue ni Laurence at Ate mo, at iba rin yung atin. Huwag mo na idamay kung anong meron tayo.”


“Walang meron sa atin, Kio,” agap na sambit ko.


Napalunok siya at hindi nakapagsalita. Again…I know I hurt him again. Humakbang siya paatras at tumango.


“I-I know…..I know, Aloisia. I like you….I really do.” He confessed.


Umiwas ako nang tingin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Umamin sa akin si Kio habang nasa tabi ang lalaking totoong gusto ko. Kinakain ako ngayon ng guilt dahil sa tingin ko ay hindi naman magkakaganito si Kio kung hindi ko siya in-entertain.


“Galit ka pa ngayon. Mag-usap tayo sa ibang araw please.”


Hindi ko naibuka ang labi ko.

Bumuntong hininga si Kio at inayos ang pagkakasukbit ng bag. Sumulyap ito kay Brylee bago muli tumingin sa akin.


“Mauna na ‘ko. Pumasok ka na ulit. Again…I’m sorry about what happened last night. I hope you forgive me, Aloisia. Gusto pa rin kita kahit galit ka.” Matipid siyang ngumiti bago nagmartsa patalikod sa amin.


Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tinanaw ko si Kio hanggang sa mawala siya sa paningin ko.


“He's a bit asshole but looks sincere in his feelings….I guess.”


“Anong pinagsasabi mo?” kumunot ang noo kong bumaling kay Brylee. Hindi siya sa akin makatingin ng diretso.


“Not bad idea to entertain him,” he said seriously.


Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Napatitig lang ako kay Brylee na pinipigilan ang emosyon. Sa takot ko na makita ni Brylee sa mga mata ko ang nararamdaman ko ay tumalikod ako sa kaniya at dumiretso sa comfort room. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ng cubicle ay naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko iyon gusto ngunit hindi ko mapigilan ang pagtulo. Marahas kong inalis ang aking mga luha. Bwisit! Kailan pa naging mababaw ang luha ko?! Masyadong naapektuhan ang kaluluwa ko sa sinabi ni Brylee.


Alam mo kung para saan ang sinabi niya. Para iyon sa mga salitang binitiwan ko sa kaniya kahapon. Kung ayaw niyang magkagusto ako sa kaniya….hayaan niya akong mag entertain ng iba. At ngayon….itinutulak niya ako kay Kio.


“Aloisia? Nandyan ka ba?” boses ni Amara sa labas at pagkatok sa pinto ng cubicle.


Kinuha ko ang tissue at inalis ang bakas ng luha sa mata ko.


“Oo! Lalabas na ‘ko!”


“Ang tagal mo ah! Jumejebs ka ba?!” si Astrid.


Binuksan ko ang pinto at sinalubong ang mga kaibigan na parang walang nangyari sa akin. Hindi ko kayang ikwento sa kanila ang lahat, hindi ko kaya. Hindi ko kaya na malaman nila kung gaano ako kahina pagdating sa nararamdaman ko.


“Hindi n'yo na ‘ko kailangan sundan no. Babalik naman ako.”


“Ang tagal mo kaya. Akala namin kinain ka na ng inodoro.” Kumawit ang braso ni Astrid sa braso ko.


Pagdaan namin sa corridor kung saan ko iniwan si Brylee ay natagpuan ko pa rin ito sa parehong pwesto. Nakatalikod ito sa amin habang nakapatong ang mga braso sa railings. Naramdaman niya siguro ang paglapit namin kaya bahagyang bumaling ang ulo niya. Unang nagtama ang mga mata namin ni Brylee at una rin akong umiwas.


Pagkauwian ay agad akong humiwalay kina Amara. Ganun din kay Neil na namimilit na tumambay muna kami. Dumiretso ako sa sasakyan ko para agad na makaalis ng school. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nakita ko rin ang pagpasok ni Brylee sa sasakyan niya na katabi ng sasakyan ko. Inabante ko ang sasakyan ko para makapunta ng maaga sa mall. May kikitain akong tao na makakasagot ng mga katanungan ko.


Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan na sumagi sa isipan ko si Brylee. Malakas akong napabuntong hininga. Ngayon palang ay nararamdaman ko na agad na magkakaroon ng malaking gap sa amin ni Brylee. Mukhang sineryoso niya ang sinabi ko kagabi at pakiramdam ko ay iiwas na rin siya sa akin. Baka ang akala niya ay magsanhi ako ng gulo sa pagitan nila ni Xyra.


Bumaling ang sasakyan ko sa parking lot ng mall at pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong ako ni Brylee.


“May bibilhin ka?” tanong nito.


Umiling ako. “May kakausapin ako. You can wait here, hindi naman ako magtatagal.” Hindi ko na siya hinintay pa makasagot at tinalikuran siya.


Hindi ako mapakali habang naglalakad. Huminto ako at bumaling sa likuran ko. Sarkastiko akong napangisi at napailing. Mukhang ngayon lang siya sa akin nakinig. Hindi niya ako sinundan, hindi katulad noon na siya ang masusunod kung gusto niya sumunod. Hindi na ako magtataka na kung bukas, makalawa ay mag presinta na siyang mag resign.


Pagkapasok ko palang sa restaurant ay agad ko ng nakita ang pakay ko. Pormal itong nakaupo habang nakatingin sa screen ng kaniyang cellphone. Hindi niya alam na nandoon na ako at nakuha ko lang ang atensyon niya nang maramdaman niya ang pagtayo ko sa kaniyang harapan. Malaki itong ngumiti sa akin.


“I'm sorry, I am late?” hinila ko ang upuan sa katapat niya.


“No, maaga lang ako. Galing ako sa café diyan sa tabi nung na received ko ang message mo kaya dumiretso na ako,” sagot ni Laurence.


Isa si Laurence sa hindi nagpatahimik ng isip ko. Ang dami ko ng iniisip at gusto ko na mabawasan ‘yon kaya napagpasyahan ko na makipagkita sa kaniya.


“What do you want to order?”


“Hindi na, hindi naman ako magtatagal. May….gusto lang ako itanong sa ‘yo.” Pinagsiklop ko ang aking kamay sa ibabaw ng mesa. Napasandal naman si Laurence sa upuan na handa ng makinig sa akin.


“About last night or about Kio?”


“About last night…” napainom ako ng tubig para ihanda ang sarili ko sa maririnig ko kay Laurence.


Tumango lang siya sa akin. Gusto ko maging straight forward at wala ng paligoy-ligoy pa.


“I-I want to know if….totoo ba yung sinabi ni Kio kagabi? Gusto ko marinig mula sa ‘yo lahat kung totoo ba na….” hindi maituloy ang sasabihin ko.


“She cheated on me?” pagpatuloy nito sa gusto ko iparating. Napatitig ako sa kaniyang mukha na malumanay na nakatingin sa akin. Mabagal akong tumango.

Tumingala si Laurence na parang binabalikan ang nangyari noon. Habang pinapanood ko ang bawat galaw niya ay napagtanto ko na hindi nga malabong mahulog si Ate Alisha sa lalaking ito. He looks mature in the way he talked and moved. He looks understanding person at laging malumanay. Halatang professional din. Siya yung tipo ng lalaking na parang hindi ka kayang pagtaasan ng boses.


“Niloko ka ba talaga niya?”

Bumaba ang tingin sa akin ni Laurence at tumango. Humigpit ang pagkakasiklop ng aking mga kamay.


“Yes...not just once but....twice. Don't worry I already forgave your sister, Aloisia.”

Hindi agad nagproseso sa isip ko ang sagot ni Laurence. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na may nagawang mali ang ate ko sa ibang tao.


“D-Did she tell you why?”

Naramdaman ko na parang mabigat na topic iyon kay Laurence. Parang hindi rin niya gustong pag-usapan, wala lang siyang choice kundi sagutin ako dahil sa curiosity ko.

“She failed one of her subject. Para makapasa....she cheated on me while we were in a relationship. She....makes out with her professor. The last one...while I'm abroad I found out....she seeing another man.”


Lalong nalaglag ang aking panga. Like, what?! Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ng ate ko.


“Are you…sure? Napatunayan mo ba or you are just accusing my sister, Laurence?”


Bumuntong hininga si Laurence. “Inamin sa akin ni Alisha lahat, Aloisia. At tinanggap ko ulit ang ate mo. Mahal na mahal ko ang ate mo kahit alam kong….nagbago na yung dating Alisha na minahal ko. Kahit isa o dalawang beses siyang magkamali….tatanggapin ko pa rin siya, ganun ko siya kamahal, Aloisia.” Naramdaman ko ang pangungulila sa boses ni Laurence.


Bumagsak ang balikat ko at unti-unting tinatanggap ang pagkakamali ng kapatid ko mula sa lalaking kaharap ko ngayon. Masyadong perpekto sa paningin ko ang ate ko kaya siguro na bulag ako sa katotohanang tao lang din siya at nakakagawa ng mga maling desisyon.


“I’m sorry. Hindi ako makapaniwala. Sobrang bait ni Ate Alisha alam ng mga tao ‘yon.”


“You don’t have to say sorry, Aloisia. Matagal ko ng napatawad si Alisha. At tama ka, mabait siya dahilan para magustuhan ko siya.”

I idolized my sister because she's was almost perfect. But I didn't know, just to be perfect she did  horrible things.

May umuusbong din na galit sa akin mula sa magulang ko. Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa ang pakikipagtalik sa professor niya para pumasa. Ang magulang ko ang malaking dahilan para magtulak sa kaniya na gumawa ng mali. Ayaw niya bumagsak sa subject, ayaw niya mapahiya kay Papa, ayaw niyang ma disappoint ang mga magulang ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Bullet (Last Series#03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon