Nasa isang resto kami kumakain ng breakfast, nakapwesto sa isang mahabang lamesa at sa unahan namin namang lamesa ay ang grupo nila Xyra. Hindi ko maiwasan ang madalas na pagsulyap sa pwesto nila dahil nandoon din si Brylee katabi niya ay mismong si Xyra.
“Anak ng mayor yung nasa kabilang table right? Hindi kayo close, Aloisia? Hindi ba friend ng Papa mo yung Mayor?” Pang uusisa ni Carra.
“Hindi,” matipid na sagot ko.
Magulang ko nga hindi ko close, sila pa ba? At hindi ko rin naman makikilala si Xyra kahit malapit pa sila sa pamilya namin, dahil lang kay Brylee kaya nakilala ko siya.
“Ang expensive nilang magkakaibigan tingnan no?” buong paghanga ni Carra.
Muli akong tumingin sa table nila. Medyo nagtagal ang tingin ko kay Xyra dahil sa pag-oobserba ko sa kilos nito. Sa maikling oras na ‘yon ay nakita ko agad ang malaking pagkakaiba namin. She looks so expensive. Sobrang linis tingan at halatang hindi nagkaka dandruff sa lambot ng buhok, Pino ang galaw. She knows table manners. Pati ang pagsubo nito ay may pagkasosyal. Isa siguro iyon sa mga nagustuhan ni Brylee sa kaniya. Samantalang ako, may hawak ngayon na hipon sa kamay dahil hindi ko kayang balatan. Masyado akong wild gumalaw at bastos rin madalas ang bunganga.
“Bakit? Mukha ba kaming gusgusin sa paningin mo, Carra?” giit ni Neil habang nagbabalat ng hipon. Katabi ko siya at panay ang lagay sa plato ko ng hipon na nabalatan na niya.
“Oo, tingin mo nga yung mukha mo. Para kang bata kumain tutukain ka ng manok sa kanin mo sa mukha,” ako mismo ang sumagot sa tanong niya. Sinubukan niya ‘yon alisin gamit ang braso dahil marumi ang kaniyang kamay pero hindi iyon naalis. Kaya pinitik ko ang kanin sa kaniyang mukha.
“Ay wow, ah! Ang sweet mo sa part na ‘yon sana nilakasan mo pa!” reklamo nito.
Inismiran ko siya. “Bilisan mo nalang magbalat.”
“Ang demanding mo naman. Doon ka kay kuya magpabalat kung gusto mo.”
Inagaw ko sa kamay n’ya ang tapos nang balatan. “Ang dami mong alam, ikaw babalatan ko ng buhay diyan, eh.”
Umalis si Asher sa harapan ko kaya kitang-kita ko ngayon ang mukha nila Brylee. Napagtanto ko na kaya nasabi ni Neil iyon ay dahil nagbabalat din si Brylee at inilalagay iyon sa plato ni Xyra. Parang bigla akong nawalan ng gana kumain sa nakikita ko. Bumagal ang pagnguya ko habang nanonood sa kanila.
Nang malagyan ni Brylee ang plato ni Xyra ay huminto na siya. Nabasa ko sa labi ni Xyra na nag thank you siya kay Brylee na may matamis na ngiti. Sumama ang mukha ko. Sus, parang iyon lang. Wala naman nakakakilig do'n! Hindi naman sweet ‘yon!
Bumalik sa pagiging blangko ang ekspresyon ng mukha ko nang mag-angat nang tingin sa akin si Brylee. Nagsalubong ang mata naming dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi nag-alis nang tingin.
Bumuka ang labi nito at nabasa ko ang sinasabi niya. He’s asking if I’m done. Tumango lang ako.
“Ayaw mo na ba? Nakatambak na yung hipon sa plato mo, oh,” si Neil.
“Ayoko na.”
Tumayo ako para maghugas na ng kamay. Nasa harapan ako ng sink habang nagsasabon ng kamay nang tumayo sa tabi si Brylee. Nagkatinginan kami sa salamin.
“Mag su-swimming na kayo pagtapos ng breakfast?” tanong niya at sinandal ang katawan sa pader.
“Siguro….”
“Nandoon lang din ako. Tawagin mo ‘ko kung may kailangan ka.”
Kumuha ko ng tissue paper at pinatuyo ang aking kamay.
“Pinapunta mo yung ex mo?” hindi ko napigilan na itanong. Tumuwid siya ng tayo.
“No, coincidence lang na may outing sila rito.”
“Weh? Gusto mo lang yata magbonding kayo dito, eh.” Panunukso ko na may pekeng tawa. Pero nanatiling seryoso ang mukha ni Brylee.
“Hindi ko pinagsasabay ang trabaho at personal life ko. I can ask her to go out with me if I want to.”
I forced to smile. “O….Okay… mauna na ‘ko magbibihis pa ‘ko.”
“Sure…”
Nilagpasan ko siya at sumunod na sa mga kasama ko pabalik ng dormitories para magpalit. Parang hindi ko kaya mag enjoy ngayon. Ang ganda na sana nang simula ng araw ko kanina kaso ay talagang nagkataon pa na nakasabay namin sina Xyra. Mukhang magiging bitter ako buong araw.
“Nag gi-gym ka?” tanong sa akin ni Neil. Palabas na kami at ako ay nagpapahid na ng sunscreen
“Sometimes….bakit ganda ng katawan ko no?” pagyayabang ko.
“It’s fine….” tamad na sagot niya at lilingon-lingon sa paligid. For sure humahanap na naman ‘to ng tatargetin niya.
“Ayaw mo lang aminin...” bulong ko.
Inismiran niya ‘ko. “Gusto mo naman lagi pinupuri ka.”
“Of course! It boosts my confidence!”
“It boosts my confidence mo mukha mo.” Pagkurot niya sa pisngi ko at umiba ng direksyon.
Dumiretso naman ako sa mga kaibigan ko na nasa mga rock formations at nakabalandra ang mga katawan habang kumukuha ng picture.
Na conscious ako sa sarili ko ng makita ko ang isang grupo na puro kalalakihan. Bago makapunta kina Astrid ay madadaanan ko sila. Nakatingin ang ilan sa akin dito at tumatawa. Hindi ako sigurado kung ako ang pinagtatawanan nila pero hindi ko maiwasan na mailang, but I don’t want to make it obvious na naiilang ako sa halip ay inirapan ko ang mga ito. I heard their ‘ohhh!’ at tumawa ulit.
“Where is Neil?” nagulat ako sa biglang pagsabay sa akin ni Brylee sa paglalakad.
He is wearing muscle tee with demin shorts. Bumalandra ang biceps nito. Umiwas ako ng tingin at sinuot ang sun glasses.
“Hindi ko alam.”
“I told him to stay with you.”
I rolled my eyes. “Bakit siya? Eh hindi naman siya ang bodyguard ko.”
“You want me to stay beside you?” manghang tanong niya.
Saktong nasa tapat na kami ng mga lalaki kaya pinili kong hindi na sagutin pa si Brylee. Nabigla rin naman ako sa nasabi ko kaya hindi ko alam ang isasagot ko.
“Nice booty…” ani ng isa sa mga lalaki at pagsipol.
“What did you say?” huminto si Brylee sa paglalakad at hinarap ang mga ito.
Napatayo ang mga lalaki sa pagkakaupo sa buhangin. Agad ko naman nilapitan si Brylee para hilahin palayo sa mga ito. Baka mapaaway pa siya.
“Huwag mo na pansinin,” ani ko at hinila ang braso niya. Matigas itong tumayo hindi agad nagpadala sa hila ko.
“Brylee,”
Tuluyan kong nakuha ang atensyon niya. Sinenyas ko na umalis na kami dito. Ginawaran muna niya ng masamang tingin ang mga lalaki bago sumama sa akin.
“Don’t mind them. It's normal.”
Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Brylee. Salubong ang kilay nito.
“It's normal? Normal na I sexualize ka nila?” iritable ang mga mata nito.
I blinked twice. “N-No, maybe they are…complimenting me?” pagkautal ko.
“They're sexualizing you, Aloisia.” Mariing deklara niya.
“Palampasin mo na. Hindi na uulit yung mga ‘yon.”
“Dapat lang.”
Napalunok ako. Tumalikod ako sa kaniya upang itago ang bakas ng ngiti sa labi ko. I know his job is to protect me, masyado lang malawak ang imahinasyon ko para isipin na para siyang protective boyfriend. It makes my heart fluttered.
“Mag su-swimming na ‘ko. Ikaw?”
Galit pa rin ang ekspresyon nito. “Dito. Panonoorin ka,” malamig na sambit niya.
Tumango ako at hindi na makatingin sa mga mata niya. “Mag enjoy ka rin lalo na't nandiyan yung….mga friends mo.”
Tuluyan ko siyang tinalikuran at pumunta kina Astrid. Doon ay hindi ko na matago ang mga ngiti ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. It was the first time being happy that someone was mad at me. Madalas kasi kapag galit sa akin yung tao galit din ako. Pero pagdating kay Brylee nagiging iba.
“Sino kangitian mo d'yan sa ilalim? Corals?” pagsulpot ni Neil. Topless ito at sinisipat din kung ano ang tinitingnan ko sa tubig.
“Ang epal mo talaga.” Pag-irap ko sa kaniya.
“Para ka kayang tanga na nakangiti sa tubig. In love ka ba? Masama na ‘yan pati corals ningingitian mo na.”
Matalim ang pinukol kong tingin kay Neil. Gusto ko si Brylee pero hindi ako in love. Ibang usapan ‘yon. Mas malalim ‘yon kumpara sa nararamdaman ko.
“Manahimik ka d'yan. Anong in love pinagsasabi mo?”
Malakas siyang tumawa. “Joke lang ‘yon sineryoso mo naman.” Sabay pagsaboy sa aking mukha ng tubig.
“Neil!”
Sunod-sunod niya ‘kong hinagisan ng tubig na halos hindi na ako makadilat. Wala akong nagawa kundi lumaban sa kaniya. Ang inis ko ay napunta sa tawa nang makitang bumuwal siya sa tubig. Kinuha ko opportunity na ‘yon para sabuyan siya ng tubig sa mukha.
“Ano ka?! Tayo!” pang-aasar na tawa ko.
“Patay ka sa'kin!” pagbabanta niya.
Nang tuluyang siyang makaahon ay tumakbo ako para tumakas. Pero nahagip agad ang katawan ko ng kaniyang braso.
“Put me down, Neil!”
Binuhat niya ako ng parang pang kasal. Alam ko na agad ang balak niya sa demonyo niyang pagtawa. Balak niya ‘ko ihagis kaya hinigpitan ko ang hawak sa batok niya. Sa halip maihagis niya ako ay sabay kami bumagsak sa tubig. Pareho kaming natawa sa nangyari sa amin.
“Sakay ka sa batok ko bilis!” nakatalikod siyang umupo sa harapan ko.
“Huh? Ayoko nga!”
“Dali na! Tingnan mo sila Carra oh! Laban tayo sa kanila.”
Nainggit na naman siya sa iba. Buhat kasi ng isa naming kaibigang lalaki si Carra sa batok. At gusto naman makigaya ng isang ‘to.
“Ayoko nga!”
“Bilisan mo na! Hindi ka mabubuntis ng batok ko walang t*te diyan!”
Binatukan ko siya. Napatingin tuloy yung dalawang babae na naglalakad. “Ang kalat ng bunganga mo!”
Humagalpak siya ng tawa. “Ang arte mo kasi, eh.”
Dahil alam ko namang hindi siya hihinto ay pinagbigyan ko na. That’s why I love having outings with them. Nakakalimutan ko pansamantala yung sama ng loob ko sa La Union. Nararanasan ko maging masaya. Kung pwede lang araw-araw ay ganito sana ay hiniling ko na. Hindi ko nararamdaman yung kasiyahan na meron ako ngayon sa bahay. Kaya hindi nila ako masisisi kung bakit mas pinipili ko madalas ang mga kaibigan ko at umalis ng bahay.
Hapon na nang umahon kami sa paliligo. Hinanap agad ng mata ko si Brylee at nakita ko siya sa ilalim ng isang puno, nakaupo sa isang camping chair at nakamasid ang mata sa akin. Seryoso pala siya na panonoorin niya talaga ‘ko.
Bumagal ang paglalakad ko nang makita ko si Xyra na papalapit sa kaniya. Nawala ang tingin sa akin ni Brylee sa pagtayo ni Xyra sa tabi niya. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero malaki ang ngiti ni Xyra at patangu-tango si Brylee.
“Tingnan mo ‘to dali!” pag-akbay sa akin ni Neil at pinakita ang DSLR.
“Ano ‘yan?”
“Video. Naka video yung laro natin kanina. Ganda ng tawa mo ah,” mahina siyang tumawa habang pinapanood ang ginawa namin kanina.
“Dapat ganito ka lagi kasaya para maamo yung mukha mo. Hindi yung parang kagalit mo buong mundo,” dugtong niya.
Siniko ko siya sa tiyan. “Lumayo-layo ka sa akin nang mabawas ang galit ko sa mundo.”
Tinawanan niya ako. “Walang halong biro maganda ka talaga lalo kapag tumatawa. Kaya dalas-dalasan mo pagtawa ha?” parang bata niyang ginulo ang buhok ko at nagpatiuna sa paglalakad.
After dinner, we decided to make a bonfire outside the resort near the seashore. Nauna kaming mga girls doon dahil bumili pa ng alak sila Neil. Agad naming nakita ang grupo nila Xyra na gumagawa rin ng bonfire.
“Iyon yung sinasabi ko sa ‘yo na kanina ka pa tinitingnan, Maisie,” bulong ni Carra kay Maisie.
“Alin?” pang-uusisa ni Astrid.
“Yung lalaking naka white. Panay ang tingin kay Maisie kanina, siguro type ka non.”
Nahihiyang tumawa si Maisie. Hinanap ko rin ang sinabi ni Carra pero si Brylee at Xyra ang kumuha ng atensyon ko. Nandoon din pala si Brylee katabi ni Xyra ngunit nakaharap sa gawi namin. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Medyo nakakasama ng loob.
“Walang pakialam diyan si Maisie. Hindi ba si Sir Dylan ang gusto mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Maisie sa tanong ni Astrid.
“A-Ahh….” Peke nalang itong napatawa.
Napailing-iling ako at pinigilan mapangisi. Base sa naoobserbahan ko ay mali ang hinala nila. Iba ang gusto ni Maisie.
Ilang sandali lang ay bumalik ang mga lalaki bitbit ang case ng alak. Inayos ni Joaquin ang bonfire at pumabilog kami doon. Sinadya kong tumalikod kina Brylee dahil alam kong hindi ko maiiwasan na tumingin sa gawi ni maya't-maya. Bibigyan ko lang ng sama ng loob ang sarili ko.
“Tahimik mo naman,” si Neil sabay abot sa akin ng alak. Tinungga ko iyon.
“Wala naman akong sasabihin,” walang ganang sagot ko.
Umingay ang grupo namin nang magsimula mag gitara si Asher. Nakangiti ko lang silang pinapanood na nagbibiruan habang sumasabay sa kanta. Nililibang ko ang sarili ko dahil kanina ko pa gustong makita kung ano ang nangyayari sa likuran ko. Narinig ko ang sigawan nila, gusto ko lumingon pero mahahalata nila na ako lang ang may pakialam. Dahil wala lang ang malakas na tawanan na ‘yon sa mga kasama ko. Ano kaya nangyari? Nag kiss kaya sila? Sila na kaya ulit?
“Paabot pa ng isa.” Paglahad ko kay Neil nang maubos ko ang laman ng bote. Sa halip na panibagong alak ang ibigay niya sa akin ay nilapat nito ang palad sa kamay ko hinatak patayo. Nagsigawan ang mga kasama namin sa ginawa ni Neil.
“Anong problema mo?” kunot noong tanong ko. Mapanlaro ang ibinigay na ngiti nito sa akin at bumaling kay Asher.
“Bigyan mo nga ako, Pre, ng matamis-tamis na kanta d'yan.”
Kinantyawan na kami ng mga kasama namin. Kinurot ko si Neil sa kaniyang tagliran at natatawa lang niya iyong ininda. Kinuha niya ang isa kong kamay at inilagay sa batok niya, ang isa ay pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Ang kaliwang braso naman niya ay nakapulupot sa aking bewang.
“Anong ginagawa mo? Siraulo ka ba?” mariing bulong ko.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko. Hinarap niya si Asher at minura. “Tangina naman, pang patay ‘yan ah! Yung iba!” reklamo niya sa tugtog na napili ni Asher.
“Bagay pala kayo, bakit hindi nalang kayo?” komento ni Carra.
Natatawang binalingan siya ni Neil. “Hindi ko siya type, siya lang may gusto sa akin. Na friendzone ko siya.”
“Kapal naman ng mukha mo!” asik ko.
“Ikaw yata ang na friend zone, Pre!” pang-aasar ni Asher.
Sinabayan ko nalang ang trip niya na isayaw ako kahit na puro pang-aasar ang ginagawa niya habang nagsasayaw kami. Halata namang enjoy na enjoy siya makita ang napipikon kong mukha. Bumalik din kami sa pagkakaupo at inubos ang alak na binili nila.
Around 2:00 a.m nang matapos kami. Lasing lahat ng lalaki dahil sila halos ang umubos kaya inakay namin sila pabalik ng dormitories. Ako naman ay pinili munang bumalik sa labas para magpahangin muna. Tapos na rin ang grupo nila Xyra pero naiwan doon si Xyra at Brylee. Nakita nila ako kaya lumakad ako palayo sa kanila.
Mukhang hanggang umaga yata nila balak mag stay doon. Wala ng apoy ang bonfire nila at madilim na rin pero ayaw pa nila umalis. Baka inaayos yung relasyon nila? Baka nagkabalikan na? Napangiwi ako sa aking naisip. Dapat pala ‘di na ako lumabas.
“Bakit nasa labas ka pa? Anong oras na.”
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ang boses sa likuran ko. Sumunod sa akin si Brylee, nakapamulsa at namumula ang mata. Halatang uminom siya.
“Nagpapahangin lang. Si…Xyra?” hinanap ko pa sa likuran niya.
“Pinapasok ko na sa kwarto.”
Tumango ako at mahabang katahimikan na ang bumalot sa amin. Nilalaro ko ng aking paa ang buhangin. Naistorbo ko yata sila. Parang ako yung kontrabida sa relasyon nila. Dahil may trabaho sa akin si Brylee ay kailangan niyang iwan si Xyra. Bakit kaya sa lahat ng storya ako nalang lagi ang masama? Ako lagi yung kontrabida. Ako lagi yung panira.
“Nag enjoy ka ba ngayon?” biglang tanong niya.
Pinakawalan ko ang lalamin na buntong hininga. “Oo, ikaw?”
Bumaling siya sa akin. “Ayos lang..”
“Nag...kabalikan na kayo?"
Hindi agad nakasagot si Brylee. Nagtataka ang tingin nito dahil bigla kong iniba ang usapan. Gusto ko lang kasi itanong yung kanina pa bumabagabag sa isipan ko.
"Hindi...." mabagal na sagot niya.
"I'm glad..."
"Hmm?"
Tumikhim ako. "Bakit hindi pa? I mean, bakit parang gusto ka pa niya pero hindi ka niya binabalikan?"
"You are asking about my personal life, Aloisia."
I laughed. "Oh, bakit? Bawal ba? Alam mo na rin naman personal life ko."
"She's not ready..."
Bumagsak ang aking balikat. Biglang bumigat ang dibdb ko. Magkakabalikan sila, pero hindi pa ngayon.
"Bakit...ano ba yung binabalik-balikan mo sa kaniya?"
Malalim na bumuntong hininga si Brylee. Tumingala ito sa mga bituin.
"I had a child with her."
Nalaglag ang aking panga at napako sa aking kinatatayuan. Parang sandaling huminto ang puso ko.
“W-What do you mean?” panginginig ng labi ko.
Nakita ko ang matipid niyang ngiti. “Nagkaroon kami ng anak at…binawi rin sa amin agad. Wala na yung anak namin pagkalabas niya.”
Tuluyan na akong nawalan ng boses. Naalala ko ang sinabi ni Neil sa akin tungkol sa kuya niya. Pipiliin nito ang babaeng naanakan niya kahit anong mangyari. Kaya ba bumabalik pa siya kay Xyra dahil nagkaanak sila?
BINABASA MO ANG
Last Bullet (Last Series#03)
RomanceAloisia Griselda came from a political family and also known as a rebel daughter and student. She only wants freedom and to enjoy her life, ngunit ang kaniyang ama ay nais masunod ang gusto nito para kay Aloisia. Hindi gusto ni Aloisia ang pina-pagg...