C H A P T E R 11

170 17 67
                                    

Justine Mae's POV

Habang nagkwe-kwentuhan kami rito ng may biglang tumikhim sa gilid namin.

"Ehem." Isang boses kung saan nais ko nang kalimutan ang nararamdaman ko kahit mahirap.

Napalingon kami ni Joshua sa katabing table namin. Nagkunwari akong nagulat ng makita sya kahit ang totoo ay nasasaktan na ako at pinagsisihan kong lumingon pa ako dun.

"Hi po sir, sorry po at hindi namin po kayo napansin." Saad ko na baghagyang nagkunwaring nagulat.

"It's okay, ummm, I just want to ask why are you and Mr Tan here?" Masungit na saad nito.

Hay naku sir, obviously naman po, hello?

"Hay honey, kita mo naman nagde-date ang mga yan, hayaan mo sila." Untag ng girlfriend nya at napatingin sa amin ngumiti.

Ouch! May endearment pa sila talaga tsaka hindi na ako magtataka kung naging sila dahil maganda naman talaga ang gf nya pero mas maganda pa rin ako, dyosa kaya ang kaharap nya.

"Pagpasensyahan nyo na ang honey hehe, hi I'm Angelica Grace Smith, Liam's girlfriend. But wait, are you a students from Grayson University?"

"Opo, ma'am Grace." Sambit ko at pilit na ngumiti, a fake smile kung baga.

"Oh! Pagpasensyahan nyo na ang kasungitan nitong boyfriend ko at tawagin nyo na lang ako ate tsaka tanggalin nyo ang 'po' hindi naman kasi ang matanda hehe." Saad nya with her smile.

Tumango kami ni Joshua.

"Nice to meet ate Grace. I'm Joshua Kurt Tan" Pagpapakilala ni Joshua in manly way, walanjo ang swabe nya kapag ganon ang kilos nya. Baklang tigre talaga.

"You're so handsome Kurt, bagay na bagay kayo ng girlfriend mo na maganda." Kinikilig na saad nya sa amin.

Feeling ko kay Joshua, nagkangiwi na yan sa isipan nya. Kahit ako napangiwi ako sa isipan ko ng banggitin nya na mag jowa kami ng baklang toh.

"Nagkakamali kayo ate Grace... Hindi po kami mag jowa nitong si Joshua, boy bestfriend ko lang po sya." Todo tanggi ko. Hanep! Napagkamalan pa kaming mag jowa.

"Opps sorry haha, pero bestfriend lang ba." Nakangising saad nya habang nagtaas-baba ang mga kilay nya.

"Bestfriend lang po kami nito, no more, no less hehe." Untag ni Joshua.

"Anong name mo na bestfriend ni Kurt?" Tanong nya.

"Justine Mae Usui po ate Grace." Pagpapakilala ko at iniiwasan kong mapatingin kay sir na nararamdaman kong nakatingin din sya sa akin.

Ngunit huli na dahil napadako pa rin ang paningin ko sa kanya na nakakunot habang tinutusok ang burger steaks nya. Sya na ang unang umiwas ng tingin.

Problema mo sir?

Si Joshua at ate Grace ay patuloy na nagkwe-kwentuhan, kami ni sir lang ang tahimik at kumakain lang.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami sa mcdo at naglakad lakad dito sa SM.

"Sama rin kayo sa amin, manonood kami ng sine eh." Pag aaya ni ate Grace.

"Hindi na po ate Grace, may gagawin pa kasi kami at doon na lang po kami sa condo ko magmo-movie marathon." Untag ko, ayaw naming masira ang DATE nila at masakit para sa akin na masaya sya sa iba.

"Are sure Justine?" Malumanay nyang tanong.

"Opo ate, sige po mauuna na po kami. Halika na Josh." Hinawakan ko ang kamay ni Joshua at hinila paalis doon. Palihim ko silang nilingon.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon