Liam James POV
It's Saturday...
Kagabi ko tinapos ang mga natitira kong trabaho sa kompanya at school. Dahil ngayon ay aalagaan ko si Justine, hindi pa sya tuluyan na gumagaling. And I wanna spend my time with her all day to take care of her.
Sa condo unit ni Justine ako natulog pero syempre sa sofa ako. I have respect to her as a woman scratch that, as MY WOMAN in near future.
Pero imposibleng mangyari pa iyon, kaya susulitin ko na ang panahon at oras na ito na makasama sya.
Maaga akong umalis sa unit nya at pumunta sa condo unit ko na katapat ng unit ni Justine para makaligo.
After a few minutes under the shower, ay nagbihis lang ako ng simple.
Pagkatapos kong makapagluto ng agahan ay pinuntahan ko sa kwarto si Justine na mahimbing pa rin ang tulog.
Dahan-dahan ako lumapit sa kanya at pinagmasdan ang mala-anghel nyang mukha, gustong-gusto kong kabisaduhin ang bawat parte ng mukha.
I'm sorry for everything.
Mahal na kita alam mo ba iyon. Ako kaya, mahal mo rin? Did you feel same way just as I feel for you?
Pero sa tingin ko hanggang dito lang yata tayo.
I kissed her forehead then smiled.
Mas lumawak ang ngiti ko nang dahan-dahan na dumilat sya, kita ko ang pagkabigla nya at pamumula ng kanyang pisngi. Haha so cute!
"Goodmorning." Malambing kong bati at lumayo sa kanya.
"G-goodmorning, kanina ka pa d'yan?"
Napakamot ako sa batok dahil sa pagkapahiya. D*mn did she noticed me earlier.
"Hindi, k-kakarating ko lang... Uh, nagluto na ako ng agahan."
Tumango naman at tinignan ang kabuuan ko, napatakip sya ng bibig. "Pft sige, mauna ka at maghihilamos pa ako... Susunod na lang ako pft." Namumula nyang saad.
Napatingin ako sa aking sarili at namula, tumango na ako at tumungo na sa dining area, tinanggal ko ang apron na suot-suot ko at isinabit malapit sa refrigerator.
Naalala ko ang reaksyon nya kanina, alam kong nagpipigil sya ng tawa. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa hiya.
"Haisst! Nakakahiya ang itsura ko." At sinamaan ng tingin ang apron, ang baduy ko yata kanina. Dapat hindi ko na iyon sinuot.
Justine Mae's POV
Pft... Hahahaha ang cute nya talaga kanina.
Natatawa ako habang nagsisipilyo. Pagkatapos kong maghilamos ay tiningnan ko sa salamin kung maganda na ba ang ayos ko.
Hmmm... Okay na ito siguro.
I wear my fluffy slippers na cat and design at pumunta na sa dining area. Naabutan ko syang naglalagay ng pagkain sa plato na nakasimangot. Haha ang cute talaga nya.
Napatingin sya sa akin at biglang ngumiti kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. Asawa ko 'yan, chos!
Tumayo sa kinauupuan kaya nagtaka kung bakit. Pumunta sya sa pwesto kung saan ako uupo, hinila nya ang upuan at ngumiti sa akin na pagkatamis-tamis.
"You may sit down, my queen." Nag bow sya ng kaunti.
Ayy seryoso ka Liam?
Napatawa ako nang mahina. Umupo na ako. "Salamat."
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...