Justine Mae's POV
Sa pagdaan ng mga araw ay ang pagpraktis namin para sa darating na contest. Todo practice kami at lagi kong napapansin ang pagsulyap at titig sa akin ni sir tapos kung titingnan ko sya nginingitian nya ako nang matamis kaya ako kinikilig na may pagtataka.
Niyayaya nya rin ako na sumabay na kumain tuwing lunch sa office nya, I grab the opportunity para mapalapit sa kanya, pansin ko ang pagiging clingy rin ni Darell these days tapos laging nakasimangot kapag nakikita nya kami ni Sir James na magkasama.
Iisipin ko talaga na nagseselos ang lalaking ito pero ayaw kong maging assumera kung iyon nga talaga. Tulad na lang ngayon na clingy or should say corny sya.
"Hi Justine, goodmorning!" Bati nya at sumabay sa aking paglalakad.
"Goodmorning rin."
"Nag-almusal ka na ba?"
"Oo." Tipid kong sagot.
Lumungkot ang ekspresyon nya kaya narinig ko ang ilang tilian ng mga babae, tss nakakabingi na sila.
"Sayang gumawa pa naman ng pancake para sayo, siguro ako na lang ang kakain nun." Nakanguso nyang sabi habang nasa daan ang tingin. Nasa kaliwang kamay nya ang isang paper na siguro iyon yung pancake
Parang nag crave tuloy sa sinasabi nyang pancake. Nakakakonsensya rin dahil ginawan nya ako ng pancake tapos hindi ko yung tatanggapin, hays.
Dahil napakabait kong kaibigan kukunin ko na baka magtampo lalo ito.
"Hahahahahahaha."
Nagtaka naman sya. "Why are you laughing?"
"Pft wala ang cute mo kasi."
Namula sya sa sinabi ko kaya mas naging cute sya at hindi ko na napigilang pisilin ang mga pisngi nya.
"Wah! Ang cute cute mo!" Habang gigil na gigil ako sa pisngi nya.
"Yah! Ishtop It." Maktol nya.
Sumunod ako haha. Tsaka kinuha ko ang paper na hawak nya. Napasinghap kami sa ginawa ko kasi malapit lang mukha ko sa mukha nya.
Lumayo naman ako sa kanya ng kaunti.
"Uh... Sorry hehe." Paumanhin ko.
"O-okay lang, t-tara sa r-room na lang natin ito k-kainin." Nauutal nyang aya.
Tipid akong tumango. Tahimik lang kaming pumunta sa room at doon na namin kinain ang dala nya.
Afterwards ay lunch na namin.
Ang bilis ng oras kasing bilis na ng iwan ka ng jowa mo. Hay ang drama ko talaga.
Justine Mae last na yan, halatang bitter ka lang dahil wala kang shota.
Hindi ako sumama kila Joshua sa cafeteria dahil gusto ko munang tumambay sa garden at magpahangin.
Umupo ako sa bench na meron dito at damhin ang simoy ng hangin. Tinignan ko ang paligid na maraming bulaklak na nakatanim, alagang alaga ang mga ito.
Hindi ko nakita si sir ngayon.
Iyan ang naririnig ko kanina pang umaga ngunit hindi ko ito pinapansin baka kasi late lang.
Ngayon ay last day na namin kaya kailangan ang masinsinan na pag-eensayo. Nagpasabi na rin ako kay mama ng make-up artist na kailangan ko. Mamaya ay pupunta ako sa mall para makabili ng gown ko, oh diba pak na pak. Isasama ko na rin si Joshua para matulungan ko sya sa susuotin nyang tuxedo.
---
"Josh punta tayo sa mall?" Alok ko.
"Sige, sige wait mo ako dyan sa labas. Alam mo naman kasama ako cleaners. Hagard na ang feslak ko." Narinig ko ang huling sinabi nya at kaya natatawa akong lumabas.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...