Justine Mae's POV
Today is friday at ngayon na rin lalabas ang second grading na grade at scores namin sa exam at overall yun. Total 500 ang perfect score.
Makes my heart beats so fast. And speaking of my heart beats so fast, nakatulala ako kay sir ngayon na nasa harapan ko nakatitig din sa akin.
Ako na mismo ang umiwas sa tinginan namin dahil sobrang awkward. Hindi ko kasi akalain na kapit bahay ko sya at katapatan pa mismo ng condo unit nya ang condo unit ko.
Nagulat lang ako kaya tulelely sa kanya na hindi makapaniwala.
Uyyy si bebeloves mo, kapitbahay mo. Ayieee~ - malandi kong konsensya.
Walangya konsensya talaga. Napasapo na lang ako ng noo sa aking isipan.
"Dito ka ba nakatira, ms Usui?" Nakakunot nya tanong habang inaayos kanyang necktie na red na mas naging hot sa ayos nya.
"Yes po sir, sige po sir alis na po ako." Pamamaalam ko, inayos ko rin ang aking uniform.
Tumalikod at handa na sana akong maglakad palayo nang hawakan nya bigla ako sa kamay. Tila may libo libong boltahe ang dumaloy sa buong katawan ko when his skin touch mine.
Pwede naman sa braso kaya bakit sa kamay ko pa. Pero kinikilig ako hihihi. Ay ang lande mo Justine, balik sa condo unit mo!
"Bakit po sir?" Syempre kunwari hindi ako kinilig sa paghawak nya sa akin.
"Sumabay ka na sa akin, tutal iisa lang ang destinasyon natin." Bumitaw na sya sa pagkakahawak sa kamay ko.
Niyaya ako ni sir na sumabay sa kanya?
Ngumiti ako sa kanya nang pilit. "Huwag na po sir, baka may makakita pa po sa atin at baka kung ano pa ang kanilang isipin." Tanggi ko.
"No buts Justine. Ibababa na lang kita sa kanto malapit sa school at malate ka pa." Sabay hawak nya ulit sa kamay ko at marahan nya akong hinila papalabas ng condominium.
Hindi na ako nagsalita pa. Ok na rin, libreng sakay sa kotse ni sir ayieee~.
Palihim akong ngumiti nang pagbuksan nya ako ng pinto ng kotse.
Spell GENTLEMAN.
Tahimik lang ako at nakatingin sa labas. Nasaan kaya ang girlfriend nya at hindi ko na nakikita?
But my curiosity kills me.
"Sir, kamusta na po kayo ng girlfriend nyo?" Walang preno kong tanong.
"Game over." Tipid at walang emosyon nyang sambit habang nasa daan pa rin ang paningin
Ha? Anu daw?
Game over? Diba sa laro lang yun?
"What do you mean sir?" Naks english yun mga mare!
"We break up two weeks ago." Saad nya. Kita ko ang paghigpit nyang hawak sa manibela at pagtangis ng panga.
"Bakit po kayo nagbreak?" Walangjo na bibig ko walang filter!
"She cheated on me and even more painful... It would have been ok with another man but with my bestfriend since we were kids. Nahuli ko sila sa condo ng ex ko na nagtataksil sa akin." Doon ko nakita na umiiyak sya at may sakit na dumaan sa kanyang mga mata habang binabanggit nya ang mga salitang 'yun.
Ramdam ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Hindi ko napigilang yakapin sya habang nagmamaneho sya.
Naramdaman kong nanigas sya sa ginawa ngunit kamakailan ay naramdaman kong bumasa ang aking balikat at ang pagtigil ng sasakyan. Naramdaman ko na lamang ang kanyang mga braso na nakayakap na sa akin.
Hinahaplos ko ang kanyang buhok as I comfort at mailabas ang kanyang nararamdaman.
Mga ilang minuto kami sa ganung posisyon bago ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin. Kinuha ko sa bulsa ang aking panyo at pinahid ang kanyang luha.
Ngumiti sya sa ginawa ko. Doon ko napansin na ang lapit namin sa isa't isa at ang awkward ng posisyon namin. My goodness Justine!
Dali dali akong umayos ng upo at ngumiti sa kanya nang pilit. Nakakahiya grabe!
"Sorry po kung natanong ko sir." Nakayuko kong paumanhin. Daldal ko kasi, yan tuloy pinaiyak ko ang bebeloves ko.
"No need to apologize Justine. Thank you for comforting me, I feel relieved when I say that." Nakangiti nya saad ngunit hindi pa rin naaalis sa mga mata nya ang lungkot. Ganun siguro kasakit na pagtaksilan ka ng mahal mo at ng kaibigan.
Napangiti na lang ako at tumingin sa labas, oh shoot! Dito na lang ako baka may makakita pa sa amin.
"Sir, dito na lang po ako bababa. Malapit naman na po ako sa school, konting lakad na lang po... Thank you po sa ride." Tumango naman sya at ngumiti.
Grabe ilang beses ko ba sya makikitang nakangiti ngayong araw!
It feels great to seen his smile.
Lumabas na ako sa kanya kotse, luminga-linga ako sa paligid baka may makakita mahirap na. Issue here, issue there.
Coastal clear naman. Humarap ako kay sir na nakabukas ang salamin ng kotse nya. Nag bow ako sa kanya ng kaunti at kumaway, gumanti naman sya ng kaway at ngumiti muli. My goodness sir ang gwapo talagang ngumiti! Nakakainlove!
Nakarating ako sa classroom namin at dali daling umupo sa upuan ko ng nakangiti. Good mood ang lola nyo! Haha.
Napatingin ako sa paligid at kakaunti lang pala namin ngayon. Sa bagay maaga pa naman.
"Mukhang good mood tayo ah?" Tanong isang boses sa aking gilid. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa biglang pagsulpot ng isang toh. Walang iba kundi si Darell lang naman.
Ang aga naman nya yata ngayon. Hinampas ko sya sa braso at napadaing naman sya ginawa ko.
"Walangya ka ginulat mo ako! Psh." Habang hawak-hawak ko ang aking dibdib.
"Sorry hehe. Hindi mo kasi ako napansin dahil mukha kang baliw na pangiti ngiti at tulala pa." Sabay peace sign nya. Tss.
"Pasalamat ka good mood ako kundi nabatukan na kita in 180 angle degrees." Taas kilay kong untag.
"Ayy grabe ka naman... Handa na ba ang wallet mo para mamaya?" Nakangising sambit nya.
"Baka ikaw, ihanda mo na ang wallet mo sa akin dahil sisiguraduhin kong ubos sa akin yan." Ngisi kong saad.
"If you say so my love." Mahina nyang sambit sa dulo. Kibit balikat na lang ako tsaka inilabas ang dark chocolate na nasa bag ko at kumain.
Sorry sya mamaya. Nag aral at inspired ako ngayon.
"Penge ako." Nakapout nyang sambit at nakalahad pa ang kamay nya.
At dahil good mood ako, binigyan ko na sya. Kawawang bata namamalimos ng chocolate haha.
"Lamat!" Parang bata nyang sambit. May pagka-childish din pala ang yelo toh, akala ko forever na syang cold katulad ni sir na ngayon ay ilang beses ko nakikita na ngumiti. Not fake but a genuine smile.
Ipagdadasal kong mataas ang makuha kong score but no need na lang dahil confident with the heart ako na mape-perfect ang exam. Lagi akong nagbabasa in advance ng mga lessons at dahil sa dati kong school ako ang laging top 1.
Pero syempre dapat humble ang dyosa nyo.
Nagtataka ba kayo kung bakit nasa second section ako?
Yun ay dahil nakiusap ang daddy ko sa dean na ilagay ako dito dahil request ko yun. And speaking of daddy, pupunta ako sa bahay mamayang uwian para magkasama ko sila magdinner tonight. I miss them!
To be continued...
Finished Edited: 01/10/2022 8:10 P.M.
© 2021 SweetQueen_24
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomansNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...