C H A P T E R 34

137 6 0
                                    

Justine Mae's POV

Nagising ako kahit hindi pa okay ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa pader ngunit napangiwi ako nang maramdaman ako ng kirot at kaunting pagkahilo kaya napahawak ako sa ulo.

"Argh!" Daing ko.

Napatingin ako sa wall clock at 4 pm na pala, ang haba yata ng pahinga ko na halos hindi na ako nakapasok sa kahit anong subjects.

Napatingin ako sa sofa kung saan ay may natutulog na familiar sa akin. Si Darell pala.

So sya pala ang nag-alaga at nagbantay sa akin dito maghapon?

Napangiti ako sa aking naiisip pero guilty pa rin dahil hindi sya pumasok sa mga klase dahil sa pagbabantay sa akin.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumapit sa kanya. Mahina kong tinapik ang pisngi nya para magising.

Hindi ko akalain na ang gwapo nya lalo na sa malapitan. Maamo ang mukha, halos ng babae dito sa school ay nagkakagusto sa kanya ngunit ewan ko sa lalaking ito kung bakit napaka allergic nya dahil he's cold like an ice katulad ni Sir Liam pero sa loob ay napakabuti nyang kaibigan at napaka boyfriend material nya.

"Darell gising na." Marahan ko syang tinapik sa pisngi.

Dahan-dahan syang dumilat at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Umupo sya at tinapik ang tabi nito.

Kahit nagtataka ay sumunod ako. Nabigla ako nang hipuin nya ang noo ko ng kaliwang kamay nya at ang kanang kamay ay inilagay sa noo. Napangiti at tumango tango lamang sya tsaka ibinaba ang kamay na nasa noo ko.

"May masakit pa ba sayo?" Malumanay nyang tanong.

Napanguso ako at tinuro ang ulo. "Ito masakit pa rin at hindi na masyado ako nahihilo na hindi kagaya kanina."

Natawa sya. "Ganun ba? Tara na ihahatid kita sa condo unit mo, baka mapano ka pa sa daan kung pababayaan kitang mag-isa na umuwi."

Tumango at ngumiti, kukunin ko na sana ang bag ko ng kunin nya ito at isinukbit sa balikat nya, ganun din ang sa kanya. Magsasalita na sana ako nang unahan nya ako.

"I insist and no buts. Let's go home." Tsaka nya ako inakbayan.

Pagkarating namin sa tapat ng condo unit ko ay huminto kami at humarap ako sa kanya tsaka nginitian sya.

"Thank you nga pala sa pag aalaga sa akin at pasensya kung hindi ka nakapasok sa mga klase." Nahihiya kong sabi.

He chuckled. "You're always welcome and don't worry kung hindi ako nakapasok dahil ang mahalaga ay naaalagaan kita."

Hindi ako nakapagsalita. Nagulat na lamang ako ng hapitin nya ang bewang ko palapit sa kanya at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

His warmth hug. Hindi ako nailang kundi natuwa ako dahil lagi syang nandyan tuwing kailangan ko ng tulong nya katulad ngayon na nagkasakit ako.

Kumalas na sya pagkakayap, akala ko iyon na lang ang gagawin nya. I felt his warm lips on my forehead, he kissed me softly but for a while before he left me in a state of shock.

Pero bago sya umalis ay ibinigay nya sa akin ang bag ko at may sinabi sya sa akin na nagpahinto sa oras.

"I like you. No, let me rephrase it. I think I'm Inlove with you and I'm serious of what I say. I love you and take care, bye!"

W-what the?!

Did he confess to me?

Obviously Justine, psh!

Tulala akong pumasok sa loob ng condo unit ko, feeling ko mas uminit pa ang pakiramdam ko.

Haist! Unexpected love confession! Pero bakit ganun, parang hindi ako ganun kasaya. May hinihintay ba ako na magtatapat din sya— Haist! Dream on kung mangyayari ang iniisip mo.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon