Justine Mae's POV
Lumipas ang araw at friday na. Sa loob ng ilang araw bago ang friday, araw-araw akong masaya kahit sa malayo ko syang pinagmamasdan at kahit pagtugon nya sa akin ng 'morning' ay masaya na ako. Pero hindi ko pa rin mawari sa sinabi sa akin ni Joshua na dapat tigilan ko ang aking nararamdaman para kay sir. Kaya hanggang ngayon napapaisip kung bakit?
Ngunit kalimutan ko na yun. Habang tumatagal kasi, ang hirap pigilan lalo't na lagi mo syang nakikita diba?
Masaya akong nagbibiseklita papasok sa school, hindi muna ako nagpahatid kay manong dahil gusto kong sanayin ang lugar dito, papasok at pauwi.
Habang nagmumuni ako, may napansin akong lalaki na papalabas sa isang condominium, naka-uniform sya na katulad ng mga teachers sa school. Nakatalikod sya sa akin, kaya kitang kita kong ang makisig nyang likod.
Bagong teacher namin?
Nang humarap sya papunta sa kotse doon ko lamang napagtanto na si sir James. Nalaman ko sa isang kaklase ko ang full name ni sir, Liam James A. Grayson
Napatitig ako sa awra ngayon ni sir na....
MASAYA?!
Nakangiti kasi sya habang nakatingin sa cellphone nya at sinagot yun. Iniwan ko muna sa isang tabi ang bike ko at pumunta sa likod ng isang poste na malapit lang sa kanya.
"Goodmorning baby." Malambing nyang sabi at sumakay sa kotse nya.
Biglang may kung anong tumusok sa dibdib ko at nanginig ang aking kamay.
Girlfriend nya ba yun?
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit ng nararamdaman ko, feeling ko hindi ako kumain ng dalawang araw dahil sobrang tamlay ko. Malungkot ko binalikan ang bike at tumuloy na.
Nakarating ako sa parking lot ng matamlay at i-pinark ang bike ko sa section ng mga bike.
Wala na sira na araw ko.
Baka naman girlfriend nya talaga yun?
Ang assuming mo Justine!
Kasi nalaman ko ring single pa lang si sir. Umaandar kasi ang pagiging tsismosa at detective ko. Nalaman ko lang ang information na yun sa mga estudyante ni Sir kapag napapadaan ako sa room nila.
Napatingin ako sa paper bag na dala ko na naglalaman ng bento na gawa ko.
Ibibigay ko sana ito kay sir kapag nakasalubong ko sya mamaya sana pero mukhang hindi matutuloy.
Sorry bento, hindi ka muna mapapasakanya dahil sa ako muna kakain sayo ngayon. Wala eh, may girlfriend na yata sya.
Paakyat na ako ng hagdan ng may sumabay sa pag akyat ko. Naku! Si sir pala!
"Goodmorning sir." At pilit akong ngumiti sa kanya.
"Morning." As usual nyang expression at naunang umakyat. Nang mawala na sya sa paningin ko saka lang ako napabuntong hininga.
Malapit na ako sa room na matamlay pa rin at iniisip kung girlfriend ba ni sir yung katawagan nya kanina o hindi?
"Goodmorning matcha piggy!" Isang boses, oo isang boses kung saan si yelo ay nagsisimulang mang asar sa akin.
Muntik ko nang kalimutan na these days na madalas na lang maging cold ang isang toh, may bipolar disorder yata ang yelong toh at simula nung pumunta sila sa bahay lagi na lang akong tinatawag na 'matcha piggy'. Kasi daw ang takaw ko raw kumain ng ice cream na matcha flavor.
Tsk! Kahit kumain pa ako ng ilang galon ng matcha ice cream, hindi ako tataba basta-basta.
Tumingin ako sa kanya na nakasimangot at siniringan. Nauna akong pumasok sa room at iniwan sya doon.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...