Justine Mae's POV
"That's all for today class and goodbye." Ani ng teacher namin sa Science.
Lunch time na yehey!
"Hey just, you want to join us for lunch?" Alok sa akin ni Bryce.
"Salamat na lang kasabay ko naman si Joshua kumain sa cafeteria, right josh?" Sabay tingin kay Joshua na nag aayos ng kanyang gamit.
"Y-yeah, ako ang kasabay ng bestfriend ko." At angkla nya sa braso ko. May pagkapossiveness din pala ang baklang toh.
"Sige guys una na kami baka next time na lang siguro." Ani ko at hinila naman ako ng baklang toh papuntang cafeteria.
"Grabe chararat ang wafu nila, di ko ma-keri." Kinikilig nyang sabi.
"Haha badaf ka nga talaga." Natatawa kong sabi.
Para sa akin mas gwapo pa rin si sir.
Speaking of nakita kong nakain mag isa habang nagbabasa ng libro, pero mukhang wattpad books yun ah at action ang genre.
Mahilig pala si sir sa wattpad books.
"Uyy chararat sino tinitingnan mo?" Kalbit sa akin ni Joshua.
Naramdaman kong sinundan nya ang tingin ko na kay sir ang pwesto.
"Mukhang alam ko na ehem. Crush mo ba si sir?" Tanong nya.
Kaya napatingin ako sa kanya at umupo. Malayo kami ng konti kay sir.
"H-hindi a-ah." Nauutal kong sambit.
"Eh? Bakit ka nauutal? Ayieee crush nya si sir."
"Hindi ah." Tanggi ko pero alam ko ngayon na namumula na ako.
"Huwag ako chararat. Oh sya, ako na ang bibili ng pagkain natin, ano ba gusto mo?"
Si sir.
"Carbonara, isang large na lemon juice, black forest cake, isang matcha ice cream, at large na fries." Ngiting ngiti kong sabi.
Napanganga sya sa sinabi ko.
"Seryoso ka ba chararat? Hindi ko alam na ang takaw mo pala."
"Ok lang at least hindi na taba at stay beautiful pa rin. Oh heto ang pera ko." At bigay ko sa kanya ang five thousand ko.
"Gagi ang dami nito." Ani nya.
"Bili ka na rin ng iyo, don't worry my treat." Sabay kindat ko sa kanya.
"Ayos ka pala chararat, salamat sa libre haha."
Napapailing na lang ako sa kanyang kabaliwan.
At ngayon wala pa si Joshua, kukunan ko si sir ng stolen shot at gagawing wallpaper ko hehe.
Para naman may inspirasyon ako sa pag-aaral, bago matulog ay tititigan ko ang sya para may silbi ang salitang 'sweet dreams' kasi sya ang mapapanaginipan.
Kinuha ko ang cute kong cellphone, latest version ang cellphone ko kaya huwag kayo.
Palihim ko syang kinuhanan ng picture pero bigla syang napatingin sa akin. Hindi ako nagpahalata ng nagulat ako kunwari may tinitingnan ako sa cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik sya sa binabasa nya.
Good job Justine.
"Oh bakit para kang ewan dyan?" Dumating na pala si badaf.
"W-wala hehe." At palihim akong napakamot sa batok.
"Pero aminin mo nga sa akin chararat may crush ka ba kay sir? Be honest please."
"Eh kung sinabi kong oo, maniniwala ka ba?" At sinumulan ko na ang pagkain ko.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...