C H A P T E R 36

137 5 0
                                    

Justine Mae's POV

Matapos ang ilang araw na pag-eensayo para sa darating na graduation namin. Nandito ako ngayon sa library at nag-a-advance reading at reviewing para bukas na exam namin.

"Psst!"

Luminga-linga ako ngunit wala naman. Sira ulo yata iyon, ang lakas trip sa buhay.

Tutok ako sa pagbabasa ng biglang magdilim ang paningin ko at naamoy ang pamilyar at nakakaadik na amoy.

Ang bango nya.

*Sniff*sniff* "Sir Liam?" Pabulong kong usal.

Imbes alisin nya ang kamay na nasa mga mata ko ay hinila nya nang marahan at tumungo sa kung saan na hindi tinatanggal ang kamay na nasa mata ko.

Nararamdaman kong inalis nya ang kamay na nasa mata ko kaya dahan-dahan akong dumilat at tama dahil nakangiti sya kaharap ko. Tinignan ko ang paligid kung saan nya dinala, nasa isang parte pala kami ng library ngunit hindi pinupuntahan ng mga studyante dahil sa maalikabok at madilim ng kaunti.

Humarap ako sa kanya ng may pagtataka.

"Bakit po Sir I mean Liam?"

He chuckled. Nagulat ako ng hilahin nya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

My heart, juice colored!

Itutulak ko na sana sya ng hinigpitan pa nya ang pagkakayakap sa akin.

"Please... Stay like this for while. I just want to confirm something."

Hinayaan ko na sya, yumakap ako rin ako pabalik. Naramdaman ko na natigilan sya ngunit panandalian lamang iyon.

Todo ang kaba ang mayroon ako ngayon. Pero isa lang ang gusto kong sabihin sa kanya na...

Gusto ko sya.

Kung dati ay paghanga lamang, ngayon ay gusto ko na sya.

Mga ilang minuto bago kami kumalas sa pagkakayakap, tumingin ako sa kanya ng diretso. Mas kinabahan lalo ako sa magiging reply nya sa pagtatapat ko, kailangan ko ng sabihin dahil mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya.

Kung hindi ako papalarin, ako na mismo ang iiwas at lalayo sa kanya.

Tila nagtataka sya sa paraan ko na pagtitig sa kanya.

I took a deep breath first para naman mabawasan ang kabang nararamdaman ko, ramdam ko rin ang panginginig ng kamay ko.

It's now and forever!

Hawak ko rin ang ginawa kong sulat nasa bulsa lamang mg palda, lagi ko itong dala para pagmasdan.

Pero ngayon na nakahanap na ako ng pagkakataon ay hindi ko na ito sasayangin pa.

"May problema ba Mae?" Nag-aalala nyang tanong.

Ugh! His voice.

Inilahad ko sa kanya ang sulat na ginawa ko sabay sabing...

"I like you sir! Can you be mine sir! Even just... Pretend?"

Halos pabulong na ang dulong bahagi kahit narinig nya iyon at hindi natitinag ang paningin ko sa kanya.

Nagulat sya sa una ngunit bigla syang ngumiti ngunit malungkot ito at tinignan lamang ang sulat na hawak-hawak ko. Sa sumunod na sinabi nya, it's like my heart gonna break into pieces.

"I'm sorry but... I like you as my little sister."

Sister? Really?

Nangingilid ang mga luha ko na alam na maya maya ay babagsak nya. Tumawa lang ako na halatang peke at ngumiti para pigilan ang sarili ko na umiyak sa harap nya, nakakahiya naman.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon