Justine Mae's POV
Pagkagising kong agad akong pumunta sa cr at ginawa ang routine ko. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili at ang kwarto ko. Simula kahapon dito na ako tumira sa condo, I really have to get used to this life alone and start a new life for me kahit na 16 pa lamang ako.
"I think everything is good enough." Saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kwarto kakatapos kong ayusin at linisin.
Tumungo na ako sa sala at inilagay sa sofa muna ang bag ko. Napatingin ako sa wall clock, 6:30 am na pala kaya may thirty minutes akong mag-almusal at gumawa ng baon ko na bento gaya ng ginagawa ko sa japan.
After kong gawin lahat ng kailangan ay lumabas na ako sa condo unit ko. Nagbiseklita lang ako papunta sa school since malapit lang sa condo ko at exercise na rin.
Pagdating ko pa lang sa school, kitang-kita kong ang dami ng studyante na naglalakad at yung iba ay kumakain. Oo nga pala ngayon na yun! My goodness! Dali-dali akong pumunta sa classroom.
Napatingin bigla sa akin ang mga kaklase ko ngunit hindi ko ito pinansin at dumiretso na sa upuan ko kahit hingal-kabayo ako ngayon. Pagbagsak akong umupo at ilapag ang bag ko.
"Nangyari sayo? Parang kang nakipagkarera sa sampung kabayo, Mae?" Nagtataka at natatawang tanong ni Joshua.
Psh, hindi nya pa pala alam tungkol sa sinabi sa akin ni sir kahapon. Pero pabatok ng isa, kahit isa lang promise Joshua.
"Mae, drink some water first. Have you eaten?" Bigla sulpot sa tabi ko si Darell at inilapag nya sa mesa ako ang isang bottled water.
"Nakakagulat ka naman Darell! Kabute ka ba? Psh." Tanging untag ko. Muntik na ako atakihin sa puso dahil sa biglang pagsulpot nya na hindi man lang nagparamdam, chos!
"Kumain na ako, salamat sa concern yelo tsaka dito sa tubig haha." Dagdag ko pa na nakangiti.
He smiled and patted my head.
"Ehem! Baka naman mamaya na kayong maglandian, huwag sa harapan ko please lang kahiya naman sa mga single na katulad namin este ako." Saad ni Joshua, magpalalaki kaya sya at sure na sure akong maraming babae ang naghihintay na pansinin ang isang katulad nya, haisst! Tsaka magkaibigan kami ni Darell noh.
"Uyy tara na sa music hall, josh." Change topic ko.
"Bakit naman?" Taas kilay nyang tanong.
"Wala ba sinabi sayo si sir kahapon?"
Napaisip sya.
"Tsk, babatukan kita kapag hindi mo alam yun, vice president ka ng club so impossible na hindi ka rin sinabihan kahapon ni sir." Taas kilay ko saad sa kanya.
Napangiwi sya at nagpeace sign sa akin. "Hehe joke lang naman Mae, hindi ka naman mabiro hehe, tara na nga kawawa ang ulo ko sayo." Nagpout sya habang hinihimas ang ulo nya, haha ang cute ni bakla.
Hinila ko na si bakla at diretso na sa music hall na nagbabasakaling nandoon na si sir.
Binilisan ko na ang paglalakad ko habang hila-hila ang baklitong nasa likod ko.
"Uyy babaita madadapa na ako. Hinay-hinay na lang walanjo naman! Uyy nakikinig ka ba?"
Hindi ko sya pinansin ngunit natatawa na ako sa itsura nya ngayon ng makarating na kami sa harap ng music hall. Para kasi syang hinabol ng kabayo na pawis na pawis at magulo ang buhok hahaha.
Tumatawa akong nakatingin sa kanya with matching hawak sa tiyan habang sya ay nakabusangot hahahaha.
"Grabe! Hahahaha nakakatawa ang itsura mo pft hahahahaha!" Tawang tawa kong sambit.
"Heh!" Untag nya at pumunta na sa loob ng music hall.
Bigla na lang nawala ang tawa ko ng matingnan ang paligid kung nandito si sir ngunit ni anino nya wala.
Bigla na lang akong nalungkot. Hindi ko rin sya nakita kanina.
"Back to earth chararat!" Agaw pansin na sambit ni Joshua.
Hindi na ako nagsalita at nagsimula na kami para sa magiging club.
Marami ang sumali kaya masaya ako, dahil sulit ang lakas namin ni badaf. Pero marami rin ang hindi nakapasok haha sintunado at parang sirang yero ang boses hahaha, karamihan mga babae ang nasali ngunit trying hard silang kumanta ng matataas na nota kahit na napiyok na, sige go lang si ate gurl!
And recess time na!
Nauna na si Joshua papuntang cafeteria, syempre nagpasabay na rin ako sa kanya. Mag-cr kasi ako hehe.
Pumasok na ako sa isa sa mga cubicle dito at inilabas at sinagot ang tawag ng kalikasan.
"Pansin mo ba na wala ngayon si sir Liam?" Girl 1.
"Oo naman, sa pagkakaalam ko hindi nya ugali ang umabsent pwera na lang kapag may sakit." Girl 2.
"Baka naman may date sila ng girlfriend nyang maganda." Girl 1.
Rinig na rinig ko ang usapan nila, pero ano daw? Wala si sir ngayon!
Kaya pala ang natatamlay ng fan girls ni sir at napapatingin sa office ni sir kanina papunta dito.
May nangyari kaya kay sir?
Hayst Justine huwag mo syang isipin diba mag momove on ka na, tsaka may girlfriend na sya!
Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Hay, ang hirap mag-move on jusko! Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na kalimutan ang feelings ko sa kanya nagawa ko na. Pero hindi eh!
Kahit anong pilit kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya mas lalong nahuhulog pa ako lalo't na lagi ko syang nakikita and worst nakakausap. Hindi ko matiis na titigan sya mula sa malayo.
Ang hirap ng one-sided love.
Sa sobrang pag iisip ko nandito na pala ako sa entrance ng cafeteria, as usual ang iingay nila lalo na ang mga babae. Nandito lang naman yung tatlong mahahangin na pa cool silang nakain. Tsk, tsk, tsk.
Pumunta na ako sa lamesa nila at tumabi kay Joshua na ang lapad ng ngiti, badaf nga talaga.
"Nangyari sayo Mae? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Tanong agad ni Joshua.
"Wala lang toh, pagod at gutom lang toh." Tipid akong ngumiti sa kanya at kumain ng inorder ni Joshua para sa akin.
Nabigla ako ng bigyan ako ni Darell ng ice tea in can. "Sayo na lang tong isa, dalawa ang nabigay sa akin ng tindera kanina."
"Thanks." Tipid lang akong ngumiti.
Narinig kong umuubo ubo si Zero. Nabilaukan yata, agad syang uminom ng tubig. Grabe makaubo kala mo may TB hahaha.
"Yan kasi ang takaw, tsk, tsk. Buti pa ako chill chill lang." Umiling-iling na saad ni Bryce.
"Ul*l bro, psh." Untag sa kanya ni Zero.
Natatawa kaming tatlo habang nakatingin sa kanilang dalawa na nag aasaran.
To be continued...
Finished Date: 01/01/22 12:59 A.M.
© 2021 SweetQueen_24
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...